Paano Mabawasan ang Sobrang Stress? By Brain Power 2177

Paano mabawasan ang stress? Photo by Alexander Dummer: https://www.pexels.com/photo/woman-sitting-in-front-of-the-laptop-computer-in-shallow-photo-133021/ Lahat naman tayo ay gusto maging STRESS-FREE ang buhay. Pero alam mo, wala namang stress-free na buhay e. Lahat naman tayo ay mai-stress, 'di ba? Pero paano mabawasan ang sobrang stress. TIGILAN MO ANG PAG-OOVERTHINK Tigilan mo ang labis na pag-iisip at labis na pag-aanalisa. Inaanalisa natin ang maraming bagay. Madalas inaalisa pa natin ang mga sitwasyong hindi pa nangyari. Hindi pa nga nangyari e iniisip na natin. Sino ba ang hindi mai-stress sa ganyang gawain, 'di ba? Nag-iisip tayo palagi kung āpaano kung ganito ang mangyari?ā āpaano kung ganyan?ā Wait, STOP overanalyzing imaginary scenarios. Ang malala pa diyan, mahilig tayong mag-isip ng mga negatibong sitwasyon. Alam na nga natin ang epekto nito pero bakit ginagawa pa rin natin? Dahil inaakala natin, kapag advance tayong mag-isip at kung may nangyari na, mas madali tay...