Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177
Mahalin mo naman ang sarili mo Photo by Andre Furtado from Pexels Bakit dapat nating MAHALIN ang sarili natin? Ang iba kasi hindi nakakaintindi nito. Ano ba ang ibig sabihin ng MAHALIN ANG SARILI ? Ito yung MAHAL MO ANG PAGKATAO mo sa panloob at panlabas. Tanggap mo ang hitsura mo at hubog ng iyong katawan. Kahit sabihin mong hindi ka sexy o hindi gwapo, pero tanggap mo 'yon at mahal mo 'yon. Tanggap mo kung ano ang mga iniisip mo tungkol sa 'yong sarili. Ito yung tinatrato mo ang iyong sarili in a positive way. Alam naman nating lahat na gusto nating may magmahal sa 'tin, 'di ba? Gusto natin na pinapahalagahan tayo. Sa sobrang pagpokus natin nito, iniisip na rin natin na kailangan nating hanapin ang pagmamahal mula sa ibang tao. Which is MALI . Bakit? Sa oras na kukuha ka ng pagmamahal sa ibang tao, ang pagmamahal na nakuha mo, ay pwedeng kunin rin ng iba. Bakit pwede nilang makuha? Because that LOVE is not yours. Hindi 'yon sa 'yo. Kinukuha mo lang ito...
Comments
Post a Comment