10 Dark Side ng Pagiging Masyadong Mabait na Tao (Ito ang Hindi Sinasabi sa Iyo) By Brain Power 2177
10 Dark Side ng Pagiging Masyadong Mabait na Tao (Ito ang Hindi Sinasabi sa Iyo) May mga tao na naniniwala na kapag mabait ka, automatic masaya ka na rin. Pero hindi nila nakikita na minsan, ang kabutihan may dala ring pagod, pananahimik, at unti-unting pagkawala ng sarili. Habang abala kang umintindi, magpatawad, at tumulong sa iba, may mga parte ng sarili mo na unti-unti mo ring kinakalimutan. At ito ang mga dark side ng kabutihan na kadalasan hindi pinag-uusapan. Number 1 Kapag masyado kang mabait, maraming tao ang matututong abusuhin ka Dahil may mga tao talagang nasasanay kapag alam nilang hindi ka marunong tumanggi. Sa umpisa, simpleng favor lang. At dahil mabait ka, ginagawa mo ang favor nila. Kasi ayaw mong may madisappoint. Ayaw mong isipin nilang madamot ka o selfish ka. Pero habang tumatagal, napapansin mo na parang hindi na pabor ang tingin nila sa ginagawa mo, parang responsibilidad mo na. Parang expected na lagi kang available, lagi kang understanding, lagi kang mag-aadju...