Dumaan ka sa matinding proseso Video Remake Photo by Liza Summer from Pexels Kahit g'ano ka pa katatag sa buhay, kung matinding pagsubok ang babangga sa 'yo, manghihina ka talaga. Kahit hinang-hina ka na, babanggain ka pa rin ng pagsubok ng paulit-ulit. Pero sa oras na susubukin ka ng panahon, ito ang tamang oras na kailangan mong patatagin ang iyong mentalidad at emosyon. 'Wag kang magpapatinag. Kumapit ka pa rin dahil may pag-asa ka pa. Higpitan mo pa ang iyong pagtitiwala. Kailangan mong dumaan sa matinding proseso. Kailangan mong dumaan sa kadiliman upang mahulma ang bago mong karakter. 'Wag kang sumuko. Lumaban ka pa rin kahit ang iba'y sumusuko na. Oo magkakamali ka, mabibigo ka ng ilang beses. Pero hindi ang mga 'yon ang tumutukoy sa pagkatao mo. Ang pinakamahalaga ay magkaroon ka ng lakas ng loob. Kahit nahihirapan ka na, magpokus ka pa rin sa goal mo. Kapag bumagsak ka na, kapag gusto mo ng sumuko, dito magsisimulang makikita mo ang liwanag na mataga...
Comments
Post a Comment