God Is Talking To You (Don't Ignore These Signs) By Brain Power 2177



Alam kong marami ng pagkakataon na gusto mong kausapin ka ng Diyos, ngunit nakakabingi ang katahimikan Niya. Tapos nagagalit ka dahil iniisip mo na hindi Siya nakikinig sa 'yo, kasi wala kang nakukuhang sagot galing sa Kaniya. Nagagalit ka na dahil hindi man lang Siya nagbigay ng mga signs.

Katulad ko noon, lugmok na lugmok ako sa problema, hiniling ko na sana'y kausapin ako ng Diyos. I straight-up demanded God give me a burning bush moment, seriously, I did. Yung katulad ni Moises. And of course, He didn’t.

Siguro nasa punto ka na ngayon ng buhay na humihingi ka ng tulong sa Kaniya dahil hindi mo na alam ang gagawin mo. Praying for clear direction—a vision, dream, or word—so you can know exactly what to do. At naghihintay ka ng sagot na hindi mo naman natatanggap.

Pero alam kong patuloy ka pa ring nananalangin. Na sana'y matupad ang mga pangarap mo sa buhay, sana'y magiging malinaw ang pananaw mo, sana'y tama ang tinatahak mong landas. Pero alam ko ring naghihintay ka pa rin ng mga sagot galing sa Kaniya. Pero gusto ko lang malaman mo, na ang Diyos ay hindi sumasagot sa paraang gusto mo o sa paraang inaasahan mo. Bilang tao lang naman tayo, madali nating maiisip na binalewala tayo ng Diyos. O siguro'y kinakausap ka ng Diyos, may mga senyales Siyang ibinigay sa 'yo pero ikaw lang ang bumalewala nito. Ngayon ay pag-uusapan natin ang ilang mga senyales na ang Diyos ay talagang sumasagot sa panalangin mo. Pero una, dapat mong malaman na talagang NAKIKINIG Siya sa mga panalangin mo. Tandaan mo 'yan, okay? Palagi Siyang nakikinig sa 'yo. Basahin natin ang Awit 66:17-19,




Kita mo 'yan? Nakikinig Siya sa mga panalangin natin. At pangalawa, may posibilidad na hindi ka Niya pakikinggan kung ang mga panalangin mo ay tungkol sa pagkasakim o naghahangad ka na matalo ang isang tao o nananalangin ka para sa 'yong sarili lamang. Basahin natin ang Gawa 10:34, 35,



Kita mo naman, 'di ba? Walang pinapaboran ang Diyos. Basta't may takot ka lang sa Kaniya, lubos mo Siyang ginagalang at natatakot kang hindi mo Siya mapalugdan, kung gumawa ka lang ng katuwiran, kung gagawin mo lang ang sinasabi ng Diyos na tama sa halip na sundin ang iyong sariling kalooban o ang kalooban ng iyong kapuwa, siguradong pakikinggan ka Niya.

Marahil ay maitatanong mo, “Kung talagang nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ko, bakit wala akong nakukuhang sagot? Bakit hindi ko Siya naririnig?” Kung iniisip mong literal kang kakausapin ng Diyos, hindi 'yon mangyayari. Kakausapin ka Niya sa paraan Niya, hindi sa paraang gusto mo, hindi sa inaasahan mo. Kaya ka Niyang kausapin kahit anong oras, dahil Diyos Siya. Kaya Niyang gawin ang lahat. Kakausapin ka Niya kahit saan at kahit kailan mo gusto. Siguradong kinakausap ka na ng Diyos sa paraan Niya pero hindi mo lang napapansin o patuloy mo lang binalewala.

May 6 senyales akong ipaalam sa 'yo na kinausap ka ng Diyos but God isn’t limited to these 6 ways. Diyos Siya. Kaya Niyang gawin ang iba't-ibang signs. But these are some common ways God speaks that you may overlook.


NUMBER 1
ANG BIBLIYA


Ang Bibliya ay Salita ng Diyos. Sabi ko nga kanina, hindi literal na boses ng Diyos ang mismong maririnig mo. Kinakausap ka Niya sa pamamagitan ng Kaniyang mga salita na nakasulat sa Bibliya. 'Yan ang isa sa mga paraan ng Diyos na makausap ka Niya. Hindi mo naririnig o naiintindihan ang mga sinabi Niya dahil hindi ka nagbabasa ng Bibliya. Oras na para magbasa ka ng Bibliya. Bawat bahagi ng Banal na Kasulatan ay sagrado. Paniguradong may magco-comment na na naman diyan na ito'y sinulat lang daw mga tao. Oo sinulat ito ng mga tao pero Diyos ang gumagabay sa kanila. Ayaw mong maniwala? Basahin natin ang 2 Pedro 1:21,


Senyales na 'yan na kinakausap ka ng Diyos. Napansin mo na ba na sa tuwing may problema ka, biglang sumusulpot ang mga Bible verses kahit hindi mo naman hinahanap? Ibig sabihin, kinakausap ka ng Diyos. 'Wag mong balewalain ang mga sign na 'yan. Halimbawa, noong panahong na admit sa hospital ang mother ko, may nabasa akong Bible verse sa hospital mismo. Nagpapalakas 'yon sa 'kin. Hindi ko naman hinahanap 'yon, nadaanan ko lang bigla. At ang pumapasok sa isip ko noong araw na 'yon, kasama ko ang Diyos dahil ipinakita Niya sa 'kin ang tekstong nakakapagpalakas ng aking emosyon. Sobrang lugmok ako noong panahong 'yon tapos financially broke pa. Sobrang hirap talaga.


NUMBER 2
GAGAMITIN NIYA ANG MGA TAO


One of the signs that God is speaking to you is wise counsel from other people. This can take different forms. Nararanasan mo na ba ito? Sa tuwing may problema ka, may mga taong nangangamusta o gustong kumausap sa 'yo? Bakit perfect yung timing? Dahil ginamit sila ng Diyos para maibsan ang bigat sa dibdib mo. Minsan hindi man sa paraan na lalapit ang mga tao, may mga videos na biglang sumulpot sa YouTube, Facebook, TikTok, na nakakapag-angat ng damdamin. Ginamit ang mga content creators ng Diyos para mag motivate sa mga tao, para hindi sila panghinaan ng loob at para hindi sila maligaw ng landas. Para patuloy pang manalangin at lumaban sa buhay. Katulad rin ito ni Moises. He received wise advice. Basahin natin ang Exodo 18:17, 19,



Naiintindihan mo na ba? Kapag may mga naririnig kang payo na hindi naman labag sa Kautusan ng Diyos, sundin mo. Dahil ginagamit sila ng Diyos para iangat ang damdamin mong nalulugmok. Kung karunungan ang ibinahagi ng mga tao, nagmula 'yon sa Diyos. Doble ingat ka rin dahil hindi lahat ng mabubuting salita ay mabuti rin ang dulot nito. May mga sugar-coated kasing mga labi na madali kang mapapaniwala. Akala mo nakabubuti sa sarili mo pero mapupunta ka lang sa kapahamakan. Basahin natin ang 1 Juan 4:1,


Hindi lahat ng sinasabi ng ibang tao ay galing sa Diyos. Kaya dapat ay magbasa ka ng Bibliya para malaman mo ang katotohanan.


NUMBER 3
PANAGINIP MO


Nararanasan mo na bang napapanaginipan mo ang mabuting gagawin mo? Halimbawa, problemado ka tapos bigla kang nanaginip tungkol sa solusyon na kailangan mong gawin. Maraming teksto ang makakapag back up nito. Halimbawa, sa Mateo 2:12,


Kaya sa oras na may napapanaginipan kang maganda, o di kaya'y solusyon, gawin mo dahil galing 'yon sa Diyos. Minsan rin nagpaparamdam ang Diyos sa pamamagitan ng pangitain. Basahin natin ang Gawa 18:9,


At siyempre ang buong aklat ng Apocalipsis ay isang pangitain na ibinahagi ng Diyos sa buong mundo sa pamamagitan ni Apostol Juan. Alam mo naman siguro 'yon, 'di ba?


NUMBER 4
NARARAMDAMAN MO SIYA


Kahit hindi mo man Siya naririnig, kahit wala ka pang nakikitang senyales, pero kapag ramdam mo sa buong puso mo na gumagabay Siya sa 'yo, 'yon na 'yon. Ang Banal na Espiritu ang bumabalot sa 'yo. Basahin natin ang Juan 14:26,


Tapat kang itinutulak ng Diyos sa tamang direksyon. Kung nakikinig ka lang sa Kaniya at kung may tiwala ka lang sa Kaniya, magbabago ang buhay mo. Ito ang paraan ng pakikipag usap Niya sa 'yo. Pero paano mo naman malalaman kung ang nararamdaman mo ay nakahanay sa salita ng Diyos? Ito ba ay galing sa Diyos o galing lamang sa hangarin mo bilang tao? Siyempre magbasa ka ng Bibliya upang malaman mo kung Biblical ba ang mga iniisip mo. Kung taliwas ito sa mga salita ng Diyos, hindi galing sa Diyos 'yon. Sariling pag-iisip mo lang 'yon.


NUMBER 5
TINANGGAL NIYA ANG MGA
MALING TAO SA BUHAY MO


Ito ang isa sa mga signs na nakikipag-usap ang Diyos sa 'yo. Gusto ng Diyos na tanggalin sa buhay mo ang mga taong humahadlang sa 'yo na sambahin Siya. Basahin natin ang Awit 121:7,


Hindi ibig sabihin ng tinanggal ay pinatay. Ibig sabihin, hiniwalayan ka. Gusto naman natin ng proteksyon, 'di ba? Hindi ka ba natutuwa na Diyos na mismo ang nagpoprotekta sa 'yo? Ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Alam ng Diyos na mabuti kang tao kaya ayaw Niyang mapunta ka sa mga maling tao. Gusto ng Diyos na isama ka sa mga taong marunong magpahalaga sa pagkatao mo. Kaya kapag hiniwalayan ka ng taong mahal mo, siguradong masasaktan ka, pero malay mo 'yon pala ang paraan ng Diyos para ipakita sa 'yo o sabihin sa 'yo na may mabuting tao pang nakalaan para sa 'yo. Hindi natutulog ang Diyos. Hindi ka Niya binalewala. Alam niya 100% kung anong nangyari sa buhay mo. Hindi man natin madaling maintindihan ang ginawa ng Diyos sa 'tin pero patuloy tayong maniwala sa Kaniya at manalangin upang maghilom ang sugat sa puso natin. Nasasaktan man tayo at least malaya na tayo sa mga taong mapanakit lang ang alam.


NUMBER 6
INTENDED ANG ISANG BAGAY SA 'YO


Napapansin mo ba kapag may nakita kang video o nabasa kang artikulo, tapos masasabi mo na lang, intended ito para sa 'kin. Tugma sa buhay ko. Napapansin mo ba 'yon? Kung oo, 'yon na ang paraan ng pakikipag-usap ng Diyos sa 'yo. Gusto ng Diyos na matauhan ka. Siguro nasa mali ka ng landas. Siguro napunta ka na sa maling tao. Kaya napakaimportanteng palagi mong buksan ang iyong mga mata at tainga dahil 'yan ang tanging paraan para makita mo ang tunay na sitwasyon at marinig mo ang gustong sabihin ng Diyos. Kasi ako, madali kong malaman na may gustong iparating ang Diyos sa 'kin, paano? Kung hindi ako komportable sa isang bagay, parang naiisip ko na hindi ito para sa 'kin. Malalaman ko rin kung yung tao bang nakapalibot sa 'kin ay may masamang intensyon o wala. Madali ko ring malaman kung may problema ba ang isang tao. Kasi palagi kong kinakausap ang Diyos sa panalangin. Binigyan Niya ako ng kakayahan at karunungan para ituwid ang sarili ko at para tulungan ang ibang tao. Hindi naman ako perpekto. At ipinapanalangin ko rin palagi sa Diyos na sana'y patawarin Niya ako.

Kaya 'wag na 'wag mong balewalain kung may nakikita kang kakaiba o kung may nababasa ka. Dahil 'yon ang sign na ibinigay ng Diyos sa 'yo. Sabi pa nga sa Job 33:14,


Kita mo 'yan? Palaging nagsasalita ang Diyos. Tao lang ang ayaw magbigay-pansin. 6 SIGNS lang ang ibinigay ko sa 'yo pero hindi ito limited dito. May iba pang signs na hindi ko binanggit. 'Yan lang muna para mas madali mong maunawaan. Ngayong alam mo na kung ano ang mga signs, paano mo naman papaniwalaan o pakikinggan ang Diyos? Tanungin nga kita, talaga bang ikaw ay NAKIKINIG sa Diyos? Parang hindi, 'di ba? Paano ko nasabi? Dahil madalas mo pang sinasabi ang iyong mga problema kaysa sa manalangin ka. Paano mo maririnig ang Diyos kung ang buong atensyon mo ay nasa mga problema mo? 'Yan ang problema ng karamihan. Subukan mo namang itikom ang iyong bibig at makinig ka lang muna. Talaga bang nakahanay ang iyong hangarin sa hangarin ng Diyos? O baka pansarili mo lang 'yang pagnanasa. Hindi pwede na sariling tunguhin mo lang ang masusunod. Dapat sang-ayon rin ang Diyos sa mga plano mo. Talaga bang GUSTO mong mag-usap kayo ng Diyos? Kung gayon, magtiwala ka sa Kaniya. Lumapit ka sa Kaniya. Basahin natin ang Santiago 4:8,


Tayong mga tao ang unang lalapit at lalapitan din tayo ng Diyos. Gan'on lang kasimple. Kinakausap ka ng Diyos sa pamamagitan ng mga senyales. Nagtatago ka lang sa anino mo dahil ang mga sagot ng Diyos ay pwedeng ikakatakot mo. Kaya kailangan mong magpakatatag. Pero 'wag kang matakot dahil ang mga plano ng Diyos para sa 'yo ay mas mabuti pa kaysa sa mga naisip mong plano. Kailangan mo lang magtiwala sa Kaniya at kailangan mong sumunod sa Kaniya kahit nahihirapan ka na sa 'yong buhay. 'Yan ang paraan para makaangat ka sa 'yong buhay. Tandaan mo 'yan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177