9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177





Minsan hindi naman mabigat ang buhay mismo. Ang mabigat ay yung mga bagay na pilit mong binubuhat kahit matagal nang sumisira sa’yo. At habang mas marami kang pilit na hinahawakan, mas lalo kang napapagod. Baka ang kailangan mo lang, may bitawan. Narito ang 9 bagay na dapat mong bitawan para gumaan ang buhay mo.


Number 1
Bitawan mo na ang galit na matagal mo nang dinadala


May mga galit na akala mo matagal nang tapos pero dala-dala mo pa rin araw-araw. Tahimik lang siya minsan. Nakatago. Pero ramdam mo sa paraan ng pagsagot mo, sa bigat ng dibdib mo, sa bilis mong mapikon, at sa hirap mong magtiwala ulit sa tao.

Minsan hindi mo nga namamalayan na galit ka pa pala. Akala mo okay ka na dahil matagal na nangyari. Pero kapag naaalala mo ang ginawa nila, bumabalik lahat. Yung sakit. Yung betrayal. Yung pakiramdam na parang hindi naging fair ang mundo sa’yo.

At ang pinakamahirap? Habang sila parang tuloy lang ang buhay, ikaw, nakakulong ka pa rin sa nangyari.

Ang totoo, ang matagal na galit parang mabigat na bag na araw-araw mong pasan kahit pwede mo namang ibaba. Hindi siya nakakatulong sa’yo. Hindi niya nababago ang nakaraan. Hindi niya naaayos yung ginawa nila. Ang nangyayari lang, ikaw ang napapagod.

Minsan iniisip mo, “Bakit ko sila papatawarin? Sila nga yung nanakit.”
But forgiveness is not always about them. Minsan, para sa sarili mo iyon. Para makalaya ka.

Kasi habang hawak mo ang galit, para kang nakakadena sa taong sumira sa’yo. Kahit wala na sila sa buhay mo, may control pa rin sila sa emotions mo. Isang alaala lang, sira na agad araw mo. Isang pangalan lang, bumibigat na ulit pakiramdam mo. Nakakapagod yun.

At alam mo kung ano pa masakit? Yung minsan, hindi na yung tao ang kalaban mo kundi yung version ng sarili mong nasaktan noon. Yung sarili mong takot na masaktan ulit. Kaya nagiging defensive ka. Kaya hirap kang mag-open. Kaya minsan kahit mabait naman yung tao sa’yo, naghahanap ka pa rin ng dahilan para hindi magtiwala. Trauma does that. Unhealed pain changes people.

Pero darating yung point na mapapagod ka ring dalhin lahat. At doon mo marerealize na hindi mo kailangang bitbitin habambuhay yung ginawa nila para mapatunayan na nasaktan ka. Valid ang pain mo kahit piliin mong mag-heal.

Hindi ibig sabihin na kapag binitawan mo ang galit, okay na yung ginawa nila. Hindi ibig sabihin nun nakakalimot ka. Hindi rin ibig sabihin kailangan mong ibalik sila sa buhay mo. Minsan ang forgiveness ay simpleng pagpili na ayaw mo nang sirain ng nakaraan ang present mo.

Because peace is expensive. At minsan, ang kapalit nito ay yung pride, galit, at sakit na matagal mo nang kinakapitan.

May mga tao talagang hindi hihingi ng sorry. May mga sugat na walang closure. Pero hindi ibig sabihin nun, wala ka nang pag-asang maging masaya ulit. You deserve peace too.

At minsan, ang unang hakbang para gumaan ang buhay mo ay yung pagtanggap na hindi mo na kailangang dalhin pa yung galit na matagal nang sumisira sa loob mo.


Number 2
Bitawan mo ang mga bagay na hindi mo kontrolado


Ang hirap tanggapin na hindi mo kontrolado ang lahat. Kasi bilang tao, gusto mo ng assurance. Gusto mo alam mo kung anong mangyayari bukas. Gusto mo hawak mo ang sitwasyon. Gusto mo kapag mabait ka, magiging mabait din ang mundo sa’yo. Kapag ginawa mo ang tama, magiging maayos din ang lahat. Pero hindi ganun ang realidad.

May mga bagay talagang kahit anong effort mo, hindi mo mapipilit. Hindi mo kontrolado kung paano ka tratuhin ng tao. Hindi mo kontrolado kung may manloloko sa’yo, iiwan ka, o bigla kang kakalimutan. Hindi mo kontrolado kung kailan darating ang opportunity. Hindi mo kontrolado ang panahon, opinyon ng iba, o kung paano ka nila iintindihin. At doon madalas nagsisimula ang pagod.

Kasi paulit-ulit mong sinusubukang ayusin ang mga bagay na wala naman talaga sa kamay mo. Pinipilit mong kontrolin ang reactions ng tao. Pinoproblema mo ang iniisip nila tungkol sa’yo. Pinapahirapan mo sarili mo kakaisip ng “What if?” at “Paano kung mangyari ito?” Hanggang sa mentally exhausted ka na.

Minsan gabi na pero gising pa rin utak mo. Paulit-ulit kang nag-ooverthink ng mga scenario na hindi pa naman nangyayari. Gumagawa ka ng imaginary arguments sa isip mo. Nag-aalala ka sa future na wala ka namang kasiguraduhan. That’s the dangerous part of overcontrol. Unti-unti nitong kinakain ang peace mo.

Ang totoo, hindi ka Diyos para kontrolin ang lahat ng bagay. At hindi mo responsibilidad ayusin ang buong mundo. Hindi mo trabaho kontrolin kung mahalin ka ng tao pabalik. Hindi mo obligasyon pilitin ang mga taong ayaw umintindi sa’yo.

May mga laban na hindi mo kailangang ipanalo. May mga bagay na kailangan mo lang hayaan.

At alam mo kung ano minsan ang pinakamabigat? Hindi yung problema mismo kundi yung paglaban mo sa realidad na wala kang control doon.

Parang nasa gitna ka ng ulan tapos galit na galit ka dahil nababasa ka. Kahit anong sigaw mo, hindi naman titigil ang ulan. Mas lalo ka lang mapapagod. Ganun din sa buhay.

The more you force things, the more ka nasasaktan. Pero kapag natuto kang tanggapin na may mga bagay na beyond your control, doon unti-unting gumagaan ang pakiramdam mo.

Hindi ibig sabihin na susuko ka na. Hindi ibig sabihin wala ka nang pakialam. Ang ibig sabihin lang, pipiliin mong ilaan ang energy mo sa mga bagay na kaya mo talagang baguhin.

Kaya mong kontrolin kung paano ka babangon kapag nasaktan ka. Kaya mong kontrolin kung paano ka magsasalita sa sarili mo. Kaya mong kontrolin kung magpapatalo ka ba sa problema o lalaban ka ulit. Pero hindi mo kontrolado kung magiging fair ang buhay.

At minsan, doon nagsisimula ang totoong kapayapaan kapag tinigilan mo nang pilitin ang mga bagay na ayaw namang magpahawak sa’yo.

Kasi habang mas hinahabol mo ang total control, mas nawawala ang kapayapaan mo. Pero kapag natuto kang mag-let go, doon mo marerealize na hindi mo pala kailangang kontrolin ang lahat para maging okay ka.

Some things fall apart no matter how hard you try. Some people leave kahit minahal mo nang totoo. Some plans fail kahit ibinigay mo na ang best mo. Pero hindi ibig sabihin nun tapos ka na.

Minsan, redirection lang iyon. Minsan, protection. At minsan, kailangan lang talagang tanggapin na may mga bagay na hindi mo kontrolado, pero kaya mo pa ring lampasan.


Number 3
Bitwawan mo na ang nakaraan na hindi mo na mababago


May mga gabi talagang maingay ang isip mo. Bigla mo na lang maaalala yung mga pagkakataong sana iba yung naging desisyon mo. Yung mga salitang sana hindi mo sinabi. Yung mga taong sana hindi mo pinaalis. O kaya yung mga pagkakataong sana mas naging matapang ka.

At habang iniisip mo lahat ng “sana,” parang paulit-ulit mong binabalikan ang isang chapter ng buhay mo na matagal nang tapos, umaasang baka this time, mag-iba ang ending. Pero hindi na.

Yan ang mahirap tanggapin tungkol sa nakaraan. Kahit gaano ka pa katalino ngayon, kahit gaano mo pa ka-gustong ayusin lahat, there are things in life that can no longer be undone.

May mga pagkakamali kang hindi mo na mababawi. May mga taong hindi na babalik. May mga opportunities na lumipas na. At minsan, masakit isipin na ibang-iba sana ang buhay mo kung may isang decision ka lang na binago noon. Kaya minsan nakakulong ka sa regret.

Habang yung ibang tao tuloy lang ang buhay, ikaw nai-stuck ka sa mga alaala. Physically nandito ka, pero emotionally nabubuhay ka pa rin sa nakaraan. At ang nakakapagod doon, araw-araw mong pinaparusahan ang sarili mo sa isang bagay na wala ka nang kontrol.
Paulit-ulit mong tinatanong sarili mo ng, “Bakit ko ginawa yun?”
“Bakit hindi ako nakinig?”
“Bakit hindi ako nagsalita?”
“Bakit hinayaan ko lang?”

Pero ang totoo, ginawa mo lang noon kung ano yung alam mong tama sa panahon na iyon. Hindi mo pa alam ang alam mo ngayon. Hindi mo pa hawak yung wisdom na meron ka ngayon.

People grow. People learn. Kaya unfair din minsan na husgahan mo ang dating ikaw gamit ang kasalukuyan mong isip.

Yung version mo noon, pagod din. Nalilito rin. Nasasaktan din. At sinusubukan lang din niyang mabuhay.

Minsan kailangan mong maintindihan na hindi lahat ng chapter sa buhay mo magiging maganda. May mga bahagi talagang puno ng mali, luha, at pagsisisi. Pero hindi ibig sabihin nun tapos ka na. Hindi ibig sabihin nun wala ka nang chance maging masaya ulit.

Kasi ang problema kapag masyado kang nakakapit sa nakaraan, hindi mo napapansin na may bagong opportunities nang kumakatok sa present mo. Hindi mo makita yung mga taong nandiyan ngayon dahil nakatingin ka pa rin sa mga taong umalis noon.

You keep mourning an old version of your life habang lumilipas ang buhay mo ngayon.

At minsan, kailangan mong tanggapin na closure does not always come from answers. Minsan nanggagaling siya sa acceptance. Sa pagtanggap na nangyari na. Tapos na. At kahit masakit, kailangan mong magpatuloy.

Hindi mo kailangang kalimutan lahat. Hindi mo kailangang i-deny yung sakit. Pero huwag mong hayaang kontrolin ng nakaraan ang future mo. Because life does not move backward.

Habang patuloy kang nakatingin sa likod, may mga blessings kang nami-miss sa harap mo. May mga bagong tao, bagong pagkakataon, bagong simula na hindi mo ma-embrace dahil hawak-hawak mo pa rin yung dating sakit.

At alam mo? Hindi ka defined ng worst mistake mo. Hindi ka natatapos sa isang maling desisyon. Hindi dahil nadapa ka noon, ibig sabihin wala ka nang mararating.

Minsan ang pinaka-matapang na gawin ng isang tao ay tanggapin ito at piliing bumangon pa rin. Because healing starts the moment na tumigil ka sa pakikipag-away sa mga bagay na hindi mo na mababago.


Number 4
Bitawan mo na ang mga toxic na habits


Minsan ang pinaka-delikadong habits ay yung araw-araw mong ginagawa na akala mo normal lang, pero unti-unti ka nang inuubos.
Ano ang mga bagay na 'to? Yung lagi mong sinasabi na “okay lang ako” kahit pagod na pagod ka na.
Yung puyat ka gabi-gabi kaka-scroll sa social media kahit alam mong kailangan mong magpahinga.
Yung every time na malungkot ka, tinatakasan mo instead of dealing with it.
Yung palagi mong kino-compare yung buhay mo sa highlight reel ng ibang tao online.
Slowly, kinakain ka na ng mga bagay na iyon.

Nakakatakot kasi ang toxic habits, hindi sila biglang sumisira ng buhay. Dahan-dahan. Tahimik. Parang anay. Sa una parang harmless lang. Pero habang tumatagal, nagiging routine na siya. Hanggang sa hindi mo na alam paano mabuhay nang wala iyon.

At minsan, ang pinaka-toxic habit mo, yung paraan ng pagtrato mo sa sarili mo.
Yung palagi mong minamaliit sarili mo.
Yung kahit anong achievement mo, feeling mo kulang pa rin.
Yung lagi mong sinasabing, “Hindi ko kaya,” bago ka pa man sumubok.
Yung sarili mo na mismo ang biggest bully mo.
Imagine mo yun. Sa dami ng laban sa mundo, pati sarili mo kalaan mo rin.

May mga tao rin na nasanay na sa chaos kaya kapag tahimik na ang buhay nila, naghahanap sila ng problema. Kasi parang doon sila comfortable. Doon sila sanay. Kaya kahit toxic na relationship, toxic na friendship, o toxic na environment, pinipili pa rin nilang manatili dahil mas nakakatakot para sa kanila ang mag-isa kaysa magsimula ulit.
That’s how dangerous toxic habits are. They become comfort zones.

At minsan alam mo nang mali, pero ginagawa mo pa rin dahil yun ang nakasanayan mo. Parang autopilot. Gigising, scroll. Stress, kain. Lungkot, isolate. Problema, iwas. Tapos magtataka ka bakit parang ang bigat-bigat ng buhay kahit wala namang malaking nangyayari.

Hindi mo kailangan sirain agad lahat overnight. Healing doesn’t work that way. Hindi mo kailangang maging perfect agad. Pero kailangan mong maging honest sa sarili mo. Kasi hindi magbabago ang buhay mo kung paulit-ulit mong binabalikan yung mga bagay na sumisira sa’yo. Growth starts with awareness..

Minsan kailangan mong tanungin sarili mo:
“Yung ginagawa ko ba araw-araw, tinutulungan ba akong maging better person? O unti-unti akong nilulubog?”

Kasi ang totoo, habits shape your life. Hindi isang malaking decision ang sumisira o nagpapaganda ng future mo. Madalas, maliliit na ginagawa mo araw-araw.
Yung isang oras na puyat gabi-gabi.
Yung negativity na paulit-ulit mong pinapakain sa isip mo.
Yung mga taong lagi mong kasama kahit ubos na ubos ka na pagkatapos silang makasama.
Everything affects you.

At darating yung point na mapapagod ka rin. Mapapagod kang i-explain bakit ka malungkot. Mapapagod kang magpanggap na okay ka. Mapapagod kang ayusin ang damage na ikaw rin naman ang paulit-ulit na gumagawa.
Pero good news? Kahit gaano katagal mo nang ginagawa ang toxic habits mo, hindi ibig sabihin doon na matatapos ang story mo.
You can still change. Hindi madali, oo. Kasi breaking bad habits means breaking old versions of yourself. At masakit yun. Uncomfortable. May relapse. May moments na babalik ka sa dati. Pero bawat araw na pinipili mong ayusin sarili mo, malaking bagay na yun.

Kasi deserve mo ng buhay na hindi ka unti-unting sinisira ng sarili mong ginagawa. Deserve mo ng peace. Deserve mo ng healthy mind. Deserve mo ng buhay na hindi puro survive lang kundi tunay na nabubuhay ka.


Number 5
Bitawan mo na ang pagkukunwari para lang matanggap


Yung tipong bago ka magsalita, iniisip mo muna kung matatanggap ba nila. Bago mo ipakita yung totoong ugali mo, tine-test mo muna kung safe ba maging ikaw. Kaya nasasanay kang baguhin ang sarili mo depende sa taong kaharap mo.

Sa isang grupo, tahimik ka kahit madami kang gustong sabihin.
Sa iba naman, nagpapanggap kang okay kahit durog ka na talaga.
Minsan tumatawa ka kahit hindi naman masaya yung puso mo.
Minsan nag-aagree ka na lang para walang conflict.

Minsan kahit ayaw mo, ginagawa mo pa rin dahil takot kang maiwan o hindi matanggap.
At nakakalimutan mo na kung sino ba talaga yung totoong ikaw. Nakakapagod yung ganung buhay.

Kasi every day para kang may suot na mask. At oo, maybe people like the version na pinapakita mo. Maybe they accept you. Pero deep inside, alam mong hindi ikaw yun. Ang tinatanggap nila ay yung edited version mo. Yung version na ginawa mo para mag-fit in.
At masakit yun.

Dahil darating yung punto na kahit napapaligiran ka ng tao, pakiramdam mo mag-isa ka pa rin. Kasi wala talagang nakakakilala sa totoong ikaw. Hindi nila alam yung struggles mo, yung insecurities mo, yung mga bagay na pilit mong tinatago para lang hindi ka ma-judge.

Minsan nga, nagsisimula ito sa simpleng trauma. Baka noon, nung naging totoo ka, pinagtawanan ka. Baka nung ipinakita mo yung emotions mo, sinabihan kang “mahina.”
Baka nung naging honest ka tungkol sa nararamdaman mo, iniwan ka naman.
Kaya natuto kang mag-adjust. Natuto kang maging “acceptable.”

Pero habang sinusubukan mong makuha yung approval ng iba, unti-unti mo namang nawawala yung sarili mo. At ang totoo? Hindi mo kayang i-please ang lahat.

Kahit anong gawin mo, may taong may masasabi pa rin. Kahit gaano ka kabait, hindi lahat mamahalin ka. Kaya sobrang unfair kung buong buhay mong ikukulong ang sarili mo sa expectations ng ibang tao. Because real peace starts when you stop performing for people.

Yung freedom na hindi mo na kailangang magpanggap. Yung kaya mong magsabi ng “hindi” nang walang guilt. Yung kaya mong maging vulnerable without fear. Yung hindi mo na kailangang baguhin yung personality mo para lang manatili sila.

At alam mo kung ano ang maganda?
Kapag naging totoo ka sa sarili mo, doon mo rin maa-attract yung mga taong tatanggap sa’yo genuinely dahil ikaw ka.

Oo, may mga taong aalis kapag nakita nila yung totoong ikaw. Pero minsan blessing yun. Kasi hindi lahat ng umaalis ay kawalan. Mas masakit manatili sa relasyong kailangan mong magsinungaling tungkol sa sarili mo para lang mahalin ka.

You were not created to constantly shrink yourself just to fit into other people’s standards.

Hindi mo kailangang baguhin lahat tungkol sa sarili mo para maging worthy ka. Hindi mo kailangang maging perfect para mahalin. At hindi mo kailangang magpanggap araw-araw para lang maramdaman na belong ka.

Kasi ang tamang tao, hindi hihilingin na mawala yung tunay mong pagkatao para lang tanggapin ka.


Number 6
Bitawan mo na ang sobrang attachment sa materyal na bagay


Minsan akala mo kapag mas marami kang gamit, mas magiging masaya ka. Mas bagong cellphone, mas mamahaling sapatos, mas magandang kotse, mas branded na gamit. At sa umpisa, totoo naman, may saya talaga. Yung feeling na parang “finally, may reward din ako para sa sarili ko.” Pero napapansin mo ba? Ang saya na galing sa materyal na bagay, madalas mabilis ding mawala.

Ilang araw lang, minsan ilang oras lang, tapos hahanap ka na naman ng panibagong bibilhin para maramdaman ulit yung excitement. Parang temporary happiness lang siya. Parang dopamine hit. Sandaling saya, tapos balik ulit sa emptiness.

At doon nagsisimula yung delikadong cycle.
Unti-unti mong ina-attach yung value mo sa kung anong meron ka, hindi sa kung sino ka. Pakiramdam mo kailangan mong makasabay. Kailangan branded. Kailangan updated. Kailangan impressive tingnan para maramdaman mong “okay” ka. Pero ang totoo, nakakapagod mabuhay para laging may mapatunayan.

Minsan bumibili ka na para ma-feel mong lamang ka, para ma-feel mong accepted ka, o worthy ka. Kaya kapag may mas maganda ang iba, parang kulang ka ulit. Kapag may bagong release, hindi ka mapakali. Kapag wala kang maipost o maipakita, parang feeling mo napag-iiwanan ka. Social media made this worse.

Araw-araw may makikita kang travel, bagong gadget, aesthetic room, luxury lifestyle. At kahit alam mong filtered lang ang nakikita mo, naapektuhan ka pa rin. Bigla mong kinukumpara yung simpleng buhay mo sa highlight reel ng ibang tao.

Hanggang sa dumating yung point na puno na ang cabinet mo pero pagod naman ang isip mo. Kumpleto ang gamit mo pero hindi ka mapalagay. Kasi ang totoo, hindi lahat ng nagbibigay saya ay nagbibigay kapayapaan.

May mga taong sobrang daming pera pero hindi makatulog nang maayos. May mga taong lahat ng luho nabibili pero pakiramdam nila empty pa rin sila inside. Bakit? Kasi may mga bagay na hindi kayang punan ng materyal na bagay.

Hindi mabibili ng pera ang genuine peace. Hindi nabibili ang totoong pagmamahal. Hindi nabibili ang tahimik na isip. Hindi rin nabibili ang mga taong mananatili kapag wala ka nang maipakita.

At minsan, habang mas dumadami ang gamit mo, mas dumadami rin yung takot mo. Takot masira. Takot mawala. Takot malamangan. Takot mawalan ng status. Kaya imbes na ikaw ang may hawak sa mga bagay parang sila na ang kumokontrol sa’yo.

There’s nothing wrong with wanting nice things. Pinaghirapan mo yan. Deserve mo rin namang i-enjoy ang bunga ng pagod mo. Pero ibang usapan na kapag doon na umiikot yung identity mo. Kapag ang tingin mo sa sarili mo nakadepende na sa kung anong meron ka.
Kasi ang totoo, puwedeng mawala lahat ng gamit mo in one moment. Puwedeng magbago ang buhay overnight. At kapag nangyari yun, sino ka na?

Doon mo marerealize na mas mahalaga pa rin yung character mo kaysa collection mo. Mas importante yung mga taong mahal ka kahit simple ka lang. Mas mahalaga yung peace of mind kaysa validation ng ibang tao.

Minsan ang tunay na mayaman hindi yung maraming pag-aari. Kundi yung taong konti man ang meron pero tahimik ang isip, magaan ang puso, at hindi alipin ng comparison.

Because at the end of the day, hindi mo madadala ang mga bagay na inipon mo habambuhay. Pero yung memories, pagmamahal, kabutihan, at paraan ng pakikitungo mo sa tao, yun ang tunay na nag-iiwan ng halaga.


Number 7
Bitawan mo na ang pagdadala ng problema ng lahat


May mga tao na sobrang bait hanggang sa sila na mismo ang nauubos. Ikaw yung tipong kahit pagod ka na, nakikinig ka pa rin sa problema ng iba. Kahit ikaw mismo maraming iniisip, inuunawa mo pa rin sila. Ikaw yung laging available. Laging takbuhan. Laging nagsasabi na okay ka lang kahit hindi naman talaga.

At sa totoo lang, nakakaproud minsan maging taong maaasahan. Pakiramdam mo may purpose ka kapag may natutulungan kang iba. Pero habang tumatagal, dala-dala mo na yung bigat ng lahat ng tao sa paligid mo.

Problema ng pamilya, pasan mo. Problema ng kaibigan, iniisip mo. Kapag may malungkot, feeling mo responsibilidad mong ayusin sila. Kapag may nagkamali, ikaw pa yung nagso-sorry para maayos ang sitwasyon. Parang naging emotional sponge ka na, sinasalo mo lahat kahit wala nang natitira para sa sarili mo.

At ang masakit? Kapag ikaw naman yung napagod, madalas wala kang malapitan. Kasi nasanay kang ikaw yung strong one. Ikaw yung listener. Ikaw yung laging nagsasabi na kaya mo pa. Pero hindi mo kailangang maging therapist ng lahat para maging mabuting tao. Hindi mo responsibilidad ayusin ang bawat taong sugatan. Hindi mo trabaho buhatin ang problema ng buong mundo. Minsan kasi, habang abala kang iligtas ang iba, ikaw naman ang unti-unting lumulubog.

May mga gabi na tahimik ka lang pero pagod na pagod ka emotionally. Dahil sa bigat ng lahat ng kinikimkim mong concern para sa ibang tao. Tapos minsan magugulat ka na lang, bakit parang wala ka nang gana? Bakit ang bigat ng pakiramdam mo kahit wala namang nangyaring direkta sa’yo? It’s because emotional overload is real.

Hindi masamang tumulong. Maganda iyon. Pero may limit din ang puso at isip mo. Kapag lagi mong inuuna ang problema ng iba habang pinapabayaan mo sarili mo, darating yung point na mawawala ka na sa sarili mong buhay. Para ka nang nabubuhay para ayusin lahat, maliban sa sarili mo.

At minsan, kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng problema ay kailangan mong solusyonan. May mga laban na hindi ikaw ang bida. May mga tao na kailangang matutong tumayo gamit ang sarili nilang paa. Kasi kung lagi mong sasagipin lahat, ikaw naman yung walang sasalo kapag ikaw na yung bumagsak.

Hindi selfish ang mag-set ng boundaries. Hindi masama ang magpahinga. Hindi ka masama kapag hindi ka agad nakareply. Hindi ka masama kapag hindi mo kayang makinig muna, o kapag pinili mong unahin ang peace of mind mo. You are a human being, not an emotional dumping ground.

At tandaan mo ito, hindi dahil kaya mong dalhin ang bigat ng lahat, ibig sabihin kailangan mong gawin palagi.

Minsan, ang pinaka-mature na bagay na pwede mong gawin ay yung matutong sabihin na, “Pasensya na, gusto kitang tulungan… pero pagod din ako.”
Dahil hindi mo maibubuhos sa iba ang kapayapaan kung ikaw mismo ubos na ubos na sa loob.


Number 8
Bitawan mo na ang mga salitang binitawan ng taong nanakit sa’yo


May mga sugat na hindi mo nakikita pero dala-dala mo araw-araw dahil lang sa mga salitang binitawan ng taong minsang nanakit sa’yo.

Nakakatawa minsan isipin, ‘no? Isang sentence lang. Isang insulto. Isang masakit na salita like “wala kang kwenta,” “hindi ka sapat,” o “wala kang mararating.” Pero kahit ilang taon na ang lumipas, parang naririnig mo pa rin sila sa utak mo. Tahimik kang kumakain, nagtatrabaho, o nagpapahinga tapos biglang babalik yung boses nila sa isip mo. At ang mas masakit, minsan hindi na sila ang nananakit sa’yo ngayon kundi ikaw na mismo. Kasi unti-unti mo nang pinaniwalaan yung mga sinabi nila.

Kapag may opportunity, hindi ka agad susubok dahil iniisip mo baka tama sila. Kapag may nagmamahal sa’yo, nagdududa ka kasi feeling mo hindi ka deserving. Kapag may magandang nangyayari, may boses agad sa isip mo na nagsasabing, “Hindi naman talaga ako magaling.” “Tsamba lang ‘to.” “Hindi naman ako sapat.” That’s what painful words do. Hindi lang nila sinasaktan ang feelings mo for a moment, minsan binabago nila kung paano mo tingnan ang sarili mo.

Lalo na kapag galing iyon sa taong mahal mo, taong pinagkatiwalaan mo, o taong akala mo safe kang maging vulnerable. Dahil kapag stranger ang nagsabi, madali minsan i-ignore. Pero kapag galing sa taong mahalaga sa’yo, diretsong tumatagos.

At minsan, kahit matagal nang wala yung tao sa buhay mo, naiwan pa rin yung mga salita nila sa isip mo na parang permanenteng tattoo sa confidence mo.

Pero eto ang kailangan mong maintindihan, hindi porket sinabi nila, ibig sabihin totoo.
Minsan ang masasakit na salitang binitawan ng tao ay reflection ng galit nila, insecurities nila, o pagiging immature nila. May mga taong nananakit kapag hindi nila kayang kontrolin yung emotions nila. May mga taong dinadamay ka sa gulo sa loob nila. At sadly, minsan ikaw yung naging target. Pero hindi ibig sabihin nun, iyon na ang identity mo.

Kung tinawag kang mahina, hindi ibig sabihin mahina ka. Kung pinaramdam nilang hindi ka lovable, hindi ibig sabihin wala nang magmamahal sa’yo nang tama. Kung may nagsabing wala kang mararating, hindi ibig sabihin tapos na ang future mo.

People speak from their own pain sometimes. Pero choice mo kung dadalhin mo habambuhay yung mga sinabi nila. Kasi habang kinakapit mo yung masasakit na salita nila, para mong hinahayaan na rent-free pa rin silang manirahan sa isip mo. Sila na nga ang nanakit, sila pa rin ang may control sa tingin mo sa sarili mo. Nakakapagod yun.

At alam mo kung ano pa masakit? Minsan sobrang tagal mo nang dinadala yung mga salita nila, hindi mo na maalala kung sino ka bago ka nila saktan. Hindi mo na alam kung ano yung tunay mong boses at ano yung boses lang ng trauma mo. But healing starts kapag natuto kang questionin yung mga bagay na matagal mong pinaniwalaan tungkol sa sarili mo.

Hindi lahat ng narinig mo tungkol sa sarili mo ay katotohanan. Hindi lahat ng sinabi nila ay deserve mong dalhin. At hindi mo kailangang habang buhay bayaran ang sugat na sila naman ang gumawa. You are not the names they called you. You are not the mistakes they used against you. At lalong hindi nakabase ang value mo sa galit ng taong nanakit sa’yo.

Darating yung araw na maririnig mo ulit sa isip mo yung masasakit nilang sinabi pero hindi ka na dudurugin nun. Dahil finally, hindi mo na pinaniniwalaan. At doon nagsisimula yung totoong paghilom.


Number 9
Bitawan mo na ang paghingi ng approval sa lahat ng tao


Nakakapagod mabuhay kapag bawat galaw mo nakadepende sa sasabihin ng ibang tao. Yung tipong bago ka gumawa ng desisyon, iniisip mo muna kung ano magiging reaksyon nila. “Ano kaya iisipin nila?” “Magugustuhan kaya nila?” “Baka may masabi na naman sila.”
Unti-unti, nabubuhay ka na para ma-please ang lahat.

At ang masakit doon, kahit ibigay mo pa lahat, may masasabi pa rin ang tao. Kahit gaano ka kabait, hindi ibig sabihin lahat magugustuhan ka. Kahit anong effort mong magpaliwanag, may mga taong iba pa rin ang tingin sa’yo.
That’s the hard truth.

Minsan kaya hirap na hirap kang maging totoo sa sarili mo kasi nasanay kang mag-adjust para tanggapin ka. Nagbabago ka depende kung sino kasama mo. Tahimik ka kapag alam mong hindi nila maiintindihan ang tunay mong nararamdaman. Pinipigilan mo sarili mong magsalita, magsimula, o mangarap dahil takot kang ma-judge. At habang tumatagal, parang nawawala na yung totoong ikaw.

Nakakapagod yung pakiramdam na kailangan mong laging patunayan ang worth mo. Yung parang kailangan may pumalakpak muna bago mo maramdamang may halaga ka. Kapag may approval sila, masaya ka. Kapag wala, parang kulang ka bilang tao.

Pero isipin mo ito, ilang beses ka nang nagpuyat kakaisip sa opinyon ng mga taong hindi naman talaga alam ang buong kwento mo? Ilang beses mo nang pinigilan ang sarili mo dahil lang baka may masabi sila?

Minsan yung fear of disapproval ang dahilan kung bakit hindi ka makausad sa buhay.
Hindi ka makapag-post ng gusto mo. Hindi ka makapag-express ng feelings mo. Hindi ka makapag-try ng bagong bagay. Hindi ka makaalis sa sitwasyong hindi ka na masaya. Kasi lagi mong iniisip ang validation ng iba.
Pero ang problema sa validation, addictive siya. Kapag nasanay kang doon kumukuha ng confidence, mawawala ka kapag wala silang approval. Isang criticism lang, bagsak agad self-worth mo. Isang negative comment lang, dududahan mo na sarili mo.

At alam mo kung ano ang pinaka-liberating na realization? Hindi mo kontrolado kung paano ka tingnan ng tao.

May mga taong mamimisunderstand ka kahit sincere ka. May mga taong ayaw sa’yo kahit wala kang ginagawang masama. At may mga taong hindi talaga makakakita ng halaga mo dahil busy silang tingnan ka base sa sarili nilang insecurities, expectations, o opinion.

Hindi mo trabahong kumbinsihin silang lahat.
Ang tunay na peace nagsisimula kapag tinanggap mong hindi mo kailangang ma-approve-an ng lahat para maging worthy ka. Hindi mo kailangang i-explain lagi ang sarili mo. Hindi mo kailangang baguhin ang buong pagkatao mo para lang mag-fit in.
Because the right people will appreciate the real you.

At totoo lang, habang tumatanda ka, marerealize mong mas mahalaga pala ang tahimik na buhay kaysa buhay na puro pagpapanggap para lang tanggapin ng lahat. Mas masarap pala yung nakakahinga ka nang maluwag dahil hindi mo na kailangang i-maintain yung version ng sarili mong ginawa para sa ibang tao.

Hindi mo kailangang maging perfect para mahalin. Hindi mo kailangang maging lahat para sa lahat.

Minsan, ang pinaka-magandang desisyon na pwede mong gawin para sa sarili mo ay yung tumigil sa paghingi ng approval sa mga taong kahit anong gawin mo, hindi ka rin naman lubos na maiintindihan. 

Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

10 Brain Hacks para Magkaroon ng Superhuman na Lakas By Brain Power 2177