Posts

Showing posts from September, 2026

7 Signs na Kailangan Mo ng Lumayo at Huwag Ka nang Lumingon By Brain Power 2177

Image
7 Signs na Kailangan Mo ng Lumayo at Huwag Ka nang Lumingon May mga pagkakataon sa buhay na ang kailangan mo lang ay magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa sarili mo na tama na. May mga taong kailangan mong bitawan para mahanap mo ulit ang sarili mo. May mga sitwasyon na kailangan mong tapusin. At ang pinaka-mahirap? Alam mo nang kailangan mong umalis pero umaasa ka pa rin na baka magbago sila, baka maging okay pa, o baka isang araw, pahalagahan ka rin nila. Kaya sa artikulo na ito, pag-uusapan natin ang 7 signs na panahon na para umalis at huwag ka ng lumingon, kahit mahirap, kahit masakit, at kahit mahal mo pa. Number 1 Kapag ikaw na lang ang laging nag-eeffort May mga pagkakataon na mapapansin mong ikaw na lang ang laging gumagawa ng paraan para manatiling maayos ang isang connection, isang friendship, isang samahan, o kahit isang sitwasyon. Ikaw ang unang nangangamusta, unang tumutulong, unang nag-aadjust, at unang gumagawa ng paraan kapag may kailangang ayusin. Sa umpisa, hindi ...