Bakit Nawawala ang Value Mo Kapag Ginagawa Mo ang mga ito? By Brain Power 2177
Napansin mo ba, kung sino pa ang laging nandiyan, siya pa ang hindi napapansin? Kapag palagi kang available, palaging nagpaparamdam, at lahat ng nangyayari sa buhay mo ay alam ng ibang tao, may mga pagkakataon na nagiging ordinaryo na lang sa kanila ang presensya mo.
Pero paano kung matutunan mong manahimik, lumayo muna, at hindi na ipaalam sa lahat ang bawat galaw mo? Paano kung sa halip na habulin ang atensyon ng ibang tao, gamitin mo ang oras mo para tahimik na pagbutihin ang sarili mo?
Dito pumapasok ang tinatawag na The Art of Disappearing. Hindi ito tungkol sa biglaang pagkawala para lang hanapin o habulin ka ng iba. Ito ay tungkol sa pag-alam kung kailan dapat umatras, kailan dapat protektahan ang iyong kapayapaan, at kailan dapat hayaan na ang mga ginagawa mo ang magsalita para sa'yo.
Dahil hindi mo kailangang laging makita para maramdaman ang halaga mo. At hindi mo kailangang laging magsalita para magkaroon ng malakas na epekto sa buhay ng ibang tao.
Narito ang 11 dahilan kung bakit ang hindi pagiging laging present ay maaaring magbigay sa'yo ng mas malakas na impact at mas makabuluhang presensya.
Number 1
Mas napapansin ang halaga mo kapag hindi ka laging nakikita
Hndi mo kailangang palaging nandiyan para maramdaman ng mga tao ang halaga mo. Kapag lagi kang available, kapag lagi kang sumasagot, kapag lagi kang present sa bawat problema at bawat pagkakataon, puwedeng masanay sila sa presensya mo hanggang sa makalimutan nilang espesyal pala ang effort na ginagawa mo.
Parang isang bagay na araw-araw mong nakikita dahil palaging nandiyan, nagiging ordinaryo na sa paningin mo. Pero kapag biglang nawala, doon mo mararamdaman kung gaano pala ito kahalaga.
Kaya hindi masama kung umatras ka muna. Hindi ibig sabihin na galit ka, nagtatampo ka, o gusto mong habulin ka ng ibang tao. You simply need to give people space to realize your value and give yourself space to grow.
Kapag hindi ka laging available, natututo ka ring hindi iikot ang buhay mo sa atensyon ng ibang tao. Hindi mo kailangang laging mag-reply agad, sumama sa lahat, o ipakita ang bawat ginagawa mo. May mga bagay na mas magandang tahimik mong ginagawa habang inaayos mo ang sarili mong buhay.
At habang wala ka sa spotlight, doon mo puwedeng pagbutihin ang sarili mo. Mas marami kang oras para mag-isip, magplano, mag-heal, at mag-focus sa mga bagay na tunay na mahalaga sa’yo. Hindi lahat ng growth kailangang makita ng ibang tao.
Darating ang panahon na mapapansin nila ang pagbabago. Mapapansin nilang hindi ka na kasing ingay, hindi ka na laging available, at hindi mo na kailangang ipaliwanag ang sarili mo sa lahat. At doon nagsisimulang magkaroon ng mas malaking impact ang presensya mo.
Dahil ang taong marunong mawala sandali ay natututong bumalik na may mas malinaw na purpose.
Hindi mo kailangang palaging nandiyan para patunayan na mahalaga ka. Ang tahimik na paglayo, pag-focus sa sarili, at pagbibigay ng space ang nagpapaalala sa mga tao kung ano ang nawawala kapag wala ka.
Hindi lahat ng absence ay pagkawala. Ang pagkawala mo muna sa ingay ang paraan para mas makita ang tunay mong halaga.
Number 2
Mas natututo ang mga tao na pahalagahan ang presensya mo
kapag hindi ka laging available
Kapag lagi kang nandiyan, lagi kang sumasagot, at lagi kang handang tumulong, minsan hindi na napapansin ng mga tao kung gaano kalaking bagay ang presensya mo dahil nasanay sila na palagi kang available. Kapag sanay silang nandiyan ka anytime they need you, nagiging normal na lang sa kanila ang effort at oras na ibinibigay mo.
Pero kapag natutunan mong hindi laging maging available, may pagkakataon silang maramdaman ang difference. Doon nila mapapansin na may mga bagay palang gumagaan kapag nandiyan ka, may mga problemang mas madaling harapin kapag kausap ka nila, at may mga pagkakataong mas masaya dahil kasama ka.
Hindi ibig sabihin nito na kailangan mong magpanggap na busy o sadyang i-ignore ang ibang tao para hanapin ka nila. That's not the point. Ang tunay na dahilan kung bakit kailangan mong magkaroon ng boundaries ay dahil may sarili ka ring buhay, priorities, at peace na kailangan mong protektahan.
Hindi mo kailangang tumakbo sa bawat tawag. Hindi mo kailangang sumagot agad sa bawat message. Hindi mo kailangang i-drop ang lahat ng ginagawa mo para lang maging available sa isang taong sanay na nandiyan ka palagi. Saying “not now” doesn't mean you don't care. It simply means you also know how to value your own time.
At kapag nasanay ang mga tao na hindi ka laging available, mas nagiging meaningful ang moments na nandiyan ka. Ang simpleng pakikinig mo, paglalaan ng oras, o pagpunta mo sa isang importanteng pagkakataon ay nagkakaroon ng mas malaking value dahil alam nilang hindi mo iyon basta-basta ginagawa para sa lahat.
Mas maganda rin ito para sa relationships. Kapag may healthy distance, nagkakaroon ng space para ma-miss ka ng mga tao, ma-appreciate ka, at maintindihan nila na ang presence mo ay hindi isang bagay na guaranteed forever.
Dahil ang totoo, hindi mo kailangang maging present sa lahat ng oras para maging mahalaga. Mas nararamdaman ang halaga mo kapag marunong kang umatras, mag-focus sa sarili mo, at hayaan ang ibang tao na matutong pahalagahan ang oras at presensya na kusang-loob mong ibinibigay.
Hindi mo kailangang laging available para mapatunayan na mabuti kang tao. Ang tamang mga tao ay matututong pahalagahan ka dahil alam nila ang halaga ng presensya mo kapag nandiyan ka.
Number 3
Mas natututo kang maging komportable sa katahimikan
at hindi matakot na makalimutan ng ibang tao
May mga panahon sa buhay na mararamdaman mong parang kailangan mong laging magparamdam para hindi ka makalimutan ng mga tao. Kailangan mong mag-message, mag-post, makipag-usap, sumama sa mga gatherings, o laging maging present para maramdaman mong bahagi ka pa rin ng buhay nila. Pero habang tumatagal, matututunan mong hindi mo kailangang gawin iyon palagi.
Hindi porke’t tahimik ka ay nakakalimutan ka na. Hindi porke’t hindi ka nagparamdam ay wala ka nang halaga. At hindi porke’t hindi ka invited sa lahat ng pagkakataon ay wala nang space para sa’yo.
Silence is not loneliness. Silence is where you finally hear yourself.
Kapag nasanay kang laging may kausap, nakakatakot sa simula ang katahimikan. Kapag walang notifications, walang bagong message, walang nag-aaya, at walang nagtatanong kung nasaan ka, puwedeng pumasok sa isip mo kung may nakakaalala pa kaya sa’yo. Pero habang natututo kang manatili sa katahimikan, maiintindihan mo na hindi nasusukat ang worth mo sa dami ng taong naghahanap sa’yo.
Hindi mo kailangang habulin ang attention ng ibang tao para lang maramdaman mong mahalaga ka.
Matututunan mong mag-enjoy sa sarili mong company. Makakakain ka nang mag-isa, makakapaglakad ka nang hindi kailangang may kasama, makakapagpahinga kam nang hindi naghihintay ng message, at makakapag-spend ng oras sa sarili mo nang hindi iniisip kung may nakakapansin ba sa’yo.
At doon mo marerealize na ang peace of mind ay hindi laging nanggagaling sa dami ng taong nasa paligid mo. Nanggagaling ito sa kakayahan mong maging okay kahit tahimik ang paligid.
Darating din ang point na hindi ka na matatakot kapag may taong hindi nagparamdam. Hindi mo na agad iisipin na may mali sa’yo. Hindi mo na kailangang mag-double message para lang makuha ang attention nila. Hindi mo na kailangang pilitin ang connection na unti-unti nang nawawala.
Matututunan mong sabihin sa sarili mo, “Kung gusto nila akong alalahanin, they will. Kung gusto nila akong kausapin, they will. At kung hindi, okay lang. I still have a life to live.”
Dahil ang taong komportable sa sariling katahimikan ay hindi madaling manipulahin ng takot na maiwan o makalimutan. Hindi niya kailangang manatili sa mga lugar na hindi na siya valued dahil lamang sa takot na baka wala nang ibang tumanggap sa kanya.
Kailangan mong mawala muna sa ingay para malaman mong hindi mo kailangang maging visible sa lahat para magkaroon ng halaga.
Hindi mo kailangang laging magparamdam para maalala. At hindi mo kailangang laging makita para maging mahalaga. Kapag natutunan mong maging komportable sa sarili mong katahimikan, hindi mo na kinatatakutan ang pagkawala ng attention ng ibang tao dahil alam mong kahit walang pumapansin sa’yo, hindi nawawala ang halaga mo.
Number 4
Mas naiiwasan mong maubos ang sarili mo sa mga taong
puro paghingi ng oras at atensyon ang ginagawa
May mga taong hindi naman talaga masamang tao, pero kapag palagi mong hinahayaan na makuha nila ang oras, energy, at attention mo, unti-unti kang nauubos nang hindi mo namamalayan. Lagi silang may kailangan, laging may gustong ikuwento, laging may problemang kailangang ayusin, at somehow, ikaw ang palaging inaasahang nandiyan.
Sa una, okay lang sa’yo. Gusto mong tumulong. Gusto mong makinig. Ayaw mong mapahiya sila o isipin nilang wala kang pakialam. Kaya kahit pagod ka na, sumasagot ka pa rin. Kahit busy ka, nagbibigay ka pa rin ng oras. Kahit kailangan mo rin ng pahinga, inuuna mo pa rin ang problema ng ibang tao.
Pero habang tumatagal, mapapansin mong parang ikaw naman ang nauubusan.
Hindi mo namamalayan na pagod ka na pala dahil maraming taong patuloy na kumukuha ng energy mo. Your attention is also a form of energy. Kapag ibinibigay mo ito sa lahat ng oras sa ibang tao, kaunti na lang ang natitira para sa sarili mo.
Kaya kailangan mong matutong umatras paminsan-minsan. Hindi selfish kung sabihin mo na hindi ka available ngayon. Hindi masama ang hindi agad mag-reply. Hindi mo kailangang maging on-call para sa lahat ng taong nangangailangan sa’yo.
Dahil ang pagiging mabuting tao ay hindi nangangahulugang kailangan mong ubusin ang sarili mo para sa iba.
May mga pagkakataon na kailangan mong piliin ang tahimik na gabi kaysa sa endless conversations. Kailangan mong piliin ang pahinga kaysa sa panibagong problema na hindi naman talaga responsibilidad mo. Kailangan mong matutong alagaan ang sarili mo.
At habang natututo kang mag-set ng boundaries, mapapansin mong mas gumagaan ang buhay mo. Mas may energy kang harapin ang sarili mong goals. Mas nakakapag-focus ka. Mas nagiging present ka sa mga taong tunay na mahalaga sa’yo.
At higit sa lahat, hindi mo na kailangang makonsensya kapag pinipili mong protektahan ang sarili mo.
Dahil hindi lahat ng humihingi ng oras mo ay nangangailangan ng access sa’yo anumang oras. Your time is valuable, your energy is limited, and your peace deserves protection.
Hindi mo kailangang mawala para mapansin ang halaga mo. Kailangan mo lang matutong lumayo sa mga bagay at sa mga taong unti-unting umuubos sa’yo.
Dahil ang tunay na self-respect ay marunong mag set ng boundaries.
Number 5
Mas nagiging interesado ang mga tao sa’yo
kapag hindi mo ibinabahagi ang lahat ng nangyayari sa buhay mo
Sa panahon ngayon, parang normal na sa atin na i-share ang halos lahat. Pero hindi lahat ng bagay na nangyayari sa’yo ay kailangang makita ng ibang tao.
May mga bagay na mas nagiging valuable kapag private. Dahil may mga bahagi ng buhay mo na mas magandang ikaw lang ang nakakaalam. Not everything needs an audience.
Kapag hindi mo ipinapakita ang bawat galaw mo, nagkakaroon ng natural na curiosity ang ibang tao. Mapapaisip sila kung ano na ang ginagawa mo, ano ang pinagkakaabalahan mo, at kung ano ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay mo. Hindi mo kailangang pilitin ang kanilang attention dahil kusa itong nabubuo kapag hindi mo ibinibigay ang buong kwento.
Halimbawa, kapag may bago kang goal, hindi mo kailangang ipagsabi agad sa lahat. Hindi mo kailangang i-post ang bawat step, bawat struggle, at bawat plano. It’s better to work quietly and let the results introduce you.
Dahil kapag sinabi mo agad ang lahat, minsan nauubos ang excitement bago pa man mangyari ang bagay na pinapangarap mo. Pero kapag tahimik kang kumikilos, may ibang klaseng satisfaction kapag dumating na ang resulta at saka lang nila nalaman kung ano pala ang pinagkakaabalahan mo.
At higit sa lahat, natututo kang protektahan ang privacy mo. Hindi lahat ng tao na nagtatanong ay genuinely concerned sa’yo. May mga taong curious lang. May mga taong gustong malaman ang buhay mo dahil gusto nilang ikumpara ang sarili nila sa’yo. At may mga taong naghihintay lang ng impormasyon na maaari nilang gamitin laban sa’yo.
Kaya hindi pagiging madamot ang pagpili kung ano lang ang gusto mong ibahagi. It’s called having boundaries.
Hindi mo kailangang ipaliwanag kung bakit tahimik ka. Hindi mo kailangang i-update ang lahat tungkol sa buhay mo. At hindi mo kailangang patunayan na masaya ka, successful ka, o may progress ka. Mas peaceful ang buhay kapag hindi alam ng lahat ang bawat detalye nito.
Dahil may kakaibang power ang taong hindi kailangang ipakita ang lahat para mapansin. Dapat tahimik kang gumagalaw, tahimik na nag-i-improve, at hayaan mong ang resulta ang magsalita.
Hindi mo kailangang maging isang bukas na libro para maging interesting. Ang kaunting privacy, tahimik na pag-unlad, at mga bagay na ikaw lang ang nakakaalam ang siyang nagbibigay ng mas malalim na impact sa presensya mo.
Number 6
Mas napoprotektahan mo ang kapayapaan ng isip mo
kapag hindi ka nakikisali sa lahat ng usapan at drama
Hindi lahat ng naririnig mo kailangan mong patulan. Hindi lahat ng issue kailangan mong bigyan ng opinyon, at hindi lahat ng problema ng ibang tao kailangan mong akuin na parang responsibilidad mo. Ang pinaka-mature na response ay ang piliing manahimik at sabihin sa sarili mo, “Hindi ito kailangang maging problema ko.”
Sa totoo lang, nakakapagod ang laging nakikisali sa lahat. Isang simpleng usapan, nauuwi sa argumento. Isang maliit na misunderstanding, nagiging malaking drama. Isang opinion na hindi mo naman kailangang sabihin, puwedeng maging dahilan para magkaroon ka ng bagong problema. Before you know it, pati peace of mind mo naapektuhan na.
Kaya matutong pumili ng mga bagay na deserve ng energy mo. Hindi porke may nag-aaway, kailangan mong mamili ng side. Hindi porke may nagkukuwento tungkol sa isang tao, kailangan mong makisawsaw. At hindi porke may nagbigay ng opinion tungkol sa’yo, kailangan mong ipagtanggol agad ang sarili mo.
Protect your peace. Dahil hindi unlimited ang energy mo.
May mga araw na sapat nang harapin mo ang sarili mong problema. Hindi mo kailangang dagdagan pa ng problema ng ibang tao dahil lang ayaw mong mapag-iwanan sa usapan. Sometimes, staying silent is not weakness. It is knowing that your peace is more valuable than being part of unnecessary drama.
Kapag natuto kang hindi sumagot sa bawat provocation, hindi mag-react sa bawat comment, at hindi makisali sa bawat issue, mapapansin mong mas gumagaan ang buhay. Mas tahimik ang isip mo. Mas nakakapag-focus ka. Mas nakakatulog ka nang walang paulit-ulit na iniisip kung bakit ka pa pumatol.
Hindi ibig sabihin nito na wala ka nang pakialam sa ibang tao. Ang ibig sabihin lang, natutunan mong may boundaries ang pakikialam mo. May mga bagay na kailangan mong tulungan, may mga bagay na kailangan mong pag-usapan, pero may mga bagay ding mas mabuting hayaan mo na lang lumipas.
Dahil hindi mo kailangang manalo sa bawat argumento. Hindi mo kailangang patunayan na tama ka sa lahat ng pagkakataon. At higit sa lahat, hindi mo kailangang isakripisyo ang peace of mind mo para lang masabi ng ibang tao na kasama ka sa usapan.
Ang pinakamalakas mong response ay ang hindi pag-response. Lumayo ka sa unnecessary drama, piliin mo ang tahimik na buhay, at gamitin mo ang energy mo sa mga bagay na talagang makakatulong sa’yo.
Dahil habang ang ibang tao ay abala sa kung sino ang tama at kung sino ang mali, ikaw naman ay tahimik na pinipiling protektahan ang kapayapaan ng isip mo.
Number 7
Mas nagkakaroon ka ng pagkakataong baguhin ang sarili mo
nang walang pressure mula sa opinyon ng iba
Ang pinakamahirap baguhin sa sarili mo ay dahil masyado mong iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Kapag alam mong may nakatingin, may nagko-comment, o may taong sanay sa dating ikaw, parang nagiging mahirap gawin ang mga pagbabago na gusto mo para sa sarili mo.
Kaya kailangan mong umatras muna para marinig mo ulit ang sarili mong boses. Kapag tahimik ang paligid at wala kang kailangang patunayan, mas madali mong matatanong ang sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mong baguhin sa buhay mo.
Baka gusto mong maging mas tahimik. Baka gusto mong maging mas disciplined. Baka gusto mong baguhin ang mga habits mo, bawasan ang mga taong nakaka-drain sa’yo, o magsimula ulit sa mga bagay na matagal mo nang ipinagpapaliban. At okay lang iyon, kahit hindi maintindihan ng ibang tao.
Hindi mo kailangang humingi ng approval sa bawat pagbabago na ginagawa mo. Your life is not a public project. Hindi lahat ng decision mo kailangang ipaliwanag, at hindi lahat ng transformation mo kailangang i-announce.
Kapag masyado mong pinapakinggan ang opinyon ng iba, napipilitan kang manatili sa dating version ng sarili mo dahil iyon ang nakasanayan nila. Kapag bigla kang nagbago, sasabihin nilang “Ang tahimik mo na,” “Iba ka na,” o “Bakit hindi ka na sumasama?” Pero hindi ibig sabihin na mali ang pagbabago mo dahil hindi sila sanay dito.
May mga pagbabago talagang kailangan mong gawin nang tahimik. Habang iniisip ng iba na wala kang ginagawa, baka unti-unti mo nang inaayos ang buhay mo. Habang hindi nila nakikita ang progress mo, baka mas disciplined ka na, mas mature ka na, at mas malinaw na sa’yo kung saan mo gustong dalhin ang sarili mo.
At hindi mo kailangang ipakita agad ang resulta. Let the transformation happen privately. Hayaan mong ang consistency mo ang magsalita. Hayaan mong dumating ang araw na hindi mo na kailangang sabihin na nagbago ka dahil makikita na lang nila ito sa paraan ng pakikitungo mo, sa mga desisyon mo, at sa kung paano mo pinapahalagahan ang sarili mo.
Dahil ang pinakamagandang version ng sarili mo ay nabubuo kapag wala kang audience. Walang applause, walang validation, walang pressure, ikaw lang at ang decision mong maging mas mabuting tao kaysa sa dati.
Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para magustuhan ka ng ibang tao. Baguhin mo ang sarili mo dahil alam mong may version ka na mas payapa, mas matatag, at mas totoo sa kung sino ang gusto mong maging.
Number 8
Natutuklasan mo kung sino ang tunay na nagpapahalaga sa’yo
kahit wala kang maibigay na atensyon
Kailangan mo talagang umatras para makita kung sino ang mananatili kahit hindi mo sila palaging kinakausap, sinusuyo, o binibigyan ng attention. Kapag lagi kang present, mahirap malaman kung gusto ka ba talaga ng isang tao dahil mahalaga ka sa kanya, o dahil sanay lang siyang nandiyan ka kapag kailangan ka niya.
Pero kapag nagdesisyon kang tumahimik muna, bawasan ang pag-reply, at ituon ang oras mo sa sarili mo, doon unti-unting lumalabas ang tunay na effort ng mga tao. May mga taong mapapansin agad na tahimik ka at tatanungin ka kung okay ka lang. May mga taong hindi man araw-araw mag-message, pero kapag kailangan mo sila, nandiyan pa rin. At meron ding biglang mawawala kapag hindi ka na nagbibigay ng atensyon, pabor, oras, o energy.
Doon mo makikita ang difference between genuine connection and convenience.
Hindi ibig sabihin na kapag hindi ka hinanap ng isang tao, wala na siyang pakialam. May mga taong hindi expressive, may sariling responsibilities, at hindi palaging marunong magpakita ng concern. Kaya hindi rin kailangang husgahan agad ang bawat tao. Pero habang lumilipas ang panahon, mapapansin mo ang pattern. Kung sino ang kusang kumukumusta, kung sino ang nakakaalala sa’yo kahit walang kailangan, at kung sino ang nandiyan hindi lang kapag may mapapala sila.
At nakakagulat ang realization.
Akala mo dati kailangan mong laging mag-effort para manatili ang isang tao sa buhay mo. Kailangan mong ikaw ang unang mag-message, ikaw ang laging umintindi, ikaw ang laging nagbibigay ng oras. Pero kapag tumigil ka sandali, mare-realize mo na hindi pala lahat ng connection kailangan mong buhatin mag-isa.
The right people won't always need your constant attention just to stay connected with you.
Kaya huwag kang matakot na magkaroon ng space. Hindi mo kailangang laging ipakita na available ka. Hindi mo kailangang sagutin agad ang bawat message, sumama sa bawat lakad, o maging present sa bawat problema ng ibang tao. Ang paglayo mo muna ang nagbibigay sa’yo ng pagkakataong makita kung sino ang tunay na may malasakit at kung sino ang nandiyan dahil convenient ka lang.
At higit sa lahat, matututuhan mong hindi mo kailangang habulin ang mga taong hindi naman gumagawa ng paraan para manatili sa buhay mo.
Because when you stop forcing connections, you start seeing them clearly.
Ang pinakamagandang bagay na magagawa mo para malaman ang halaga mo sa ibang tao ay ang huminto muna at tingnan kung may kusa rin silang lalapit.
Dahil ang tunay na nagpapahalaga sa’yo ay hindi lang nandiyan kapag nagbibigay ka ng attention. Kahit wala kang maibigay na oras, energy, pabor, o atensyon, marunong pa rin silang magparamdam na mahalaga ka.
At kapag nakita mo na kung sino ang nananatili kahit hindi ka nagbibigay, alagaan mo ang mga taong iyon. Sila ang mga taong hindi lamang interesado sa kung ano ang kaya mong ibigay, interesado sila sa kung sino ka talaga.
Number 9
Natututo kang mamuhay nang hindi umaasa sa atensyon
at papuri ng ibang tao
Darating talaga sa buhay mo ang point na mapapagod kang patuloy na maghanap ng validation mula sa ibang tao. Yung pakiramdam na kailangan mong mapansin, ma-appreciate, ma-like, o ma-purihan bago mo maramdaman na may halaga ang ginagawa mo. Pero habang tumatagal, mare-realize mo na kapag lagi mong hinahanap ang approval ng ibang tao, parang ipinapasa mo sa kanila ang responsibility na iparamdam sa’yo kung gaano ka kahalaga.
Kapag nasanay kang umaasa sa atensyon, kapag wala ng pumapansin sa’yo, parang feeling mo may mali. Kapag walang nag-like sa post mo, parang nababawasan ang confidence mo. Kapag hindi ka pinuri sa effort mo, parang iniisip mong hindi sapat ang ginawa mo. At kapag hindi ka napansin ng taong gusto mong mapansin ka, puwedeng buong araw mong dalhin ang disappointment na iyon.
Pero hindi dapat ganoon ang buhay mo.
Hindi mo kailangang may audience para maging proud sa sarili mo. Hindi mo kailangang ipakita sa lahat ang bawat achievement mo para maging meaningful iyon. The most fulfilling victories are the ones nobody knows about.
Matutong gawin ang tama kahit walang nakakakita. Matutong mag-improve kahit walang pumupuri. Matutong maging proud sa sarili mo kahit walang nagsasabing proud sila sa’yo.
Dahil kapag natutunan mong i-validate ang sarili mo, hindi ka na madaling ma-control ng opinion ng ibang tao. Hindi ka basta-bastang matitinag kapag may pumuna sa’yo, at hindi ka rin magiging dependent sa compliments para lang magkaroon ng confidence.
Hindi ibig sabihin nito na hindi mo na kailangan ang ibang tao. Natural lang na gusto nating ma-appreciate at mahalin. Pero may malaking difference between appreciating attention and depending on it. Puwede mong tanggapin ang compliments nang hindi ginagawa itong source ng self-worth mo.
Darating ka sa point na masasabi mo sa sarili mo, “Kahit walang makapansin, alam kong ginagawa ko ang makakabuti para sa akin.”
At doon nagsisimula ang tunay na freedom.
Hindi mo na kailangang magpakitang-gilas para mapansin. Hindi mo na kailangang ipilit ang sarili mo sa mga taong walang interest sa’yo. Hindi mo na kailangang i-post ang bawat progress para lang masabing umuunlad ka.
You start living for your growth, not for people's reactions.
At kapag dumating ka sa ganitong mindset, mas tahimik ang buhay mo pero mas solid ang confidence mo. Dahil alam mong ang halaga mo ay nakabase sa kung sino ka kahit walang audience.
Ang pinakamalaking sign na lumalago ka ay kapag kaya mo nang maging proud sa sarili mo kahit walang ibang pumapalakpak.
Number 10
Mas napapanatili mo ang respeto sa sarili
kapag hindi mo ipinipilit ang presensya mo sa mga taong ayaw sa’yo
Darating talaga sa buhay mo yung moment na mararamdaman mong hindi ka na welcome sa isang lugar, grupo, o kahit sa buhay ng isang tao. At ang unang instinct natin ay pilitin ang sarili natin. Gusto nating malaman kung ano ang ginawa nating mali, gusto nating ayusin agad, at gusto nating patunayan na deserving tayong manatili. Pero hindi lahat ng pinto ay kailangan mong katukin nang paulit-ulit.
Kung malinaw na ayaw sa’yo ng isang tao, huwag mong ubusin ang sarili mo kakahabol ng acceptance niya. Hindi mo kailangang magmakaawa para mapansin, magpaliwanag nang paulit-ulit para maintindihan, o baguhin ang buong pagkatao mo para lang maging komportable siya sa presensya mo.
Walking away is not losing, it is self-respect.
Hindi ibig sabihin nito na wala kang pakialam. Ang ibig sabihin lang, marunong kang kilalanin kung kailan ka na hindi pinapahalagahan. Dahil kapag paulit-ulit mong ipinipilit ang sarili mo sa taong ayaw sa’yo, unti-unti mong ipinagpapalit ang peace of mind mo para sa isang lugar na hindi naman talaga para sa’yo.
Isipin mo kung gaano kapagod ang palaging nag-iisip kung bakit hindi ka nire-replyan, bakit hindi ka iniimbitahan, bakit malamig sila sa’yo, o bakit parang kailangan mong mag-effort nang sobra para lang maramdaman mong kabilang ka. You keep questioning your worth, kahit ang problema naman ay baka nasa maling lugar ka lang.
Hindi mo kailangang habulin ang taong kusang lumalayo. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa conversation kung ramdam mong ayaw nilang makipag-usap. At lalong hindi mo kailangang manatili sa isang lugar kung saan lagi mong nararamdaman na kailangan mong patunayan na deserve mong nandiyan.
Ang respeto sa sarili ay nagsisimula sa simpleng desisyon na sabihin sa sarili mo, “Kung hindi mo ako gusto rito, okay lang. Hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko.”
At kapag natutunan mong gawin iyon, may kakaibang peace na darating sa’yo. Hindi mo na kailangang habulin ang approval ng lahat. Hindi mo na kailangang maging desperate para manatili ang isang tao. Mas pipiliin mo nang magkaroon ng kaunting tao sa paligid mo na genuine kaysa maraming tao pero kailangan mong pilitin ang sarili mo para lang tanggapin ka.
Number 11
Mas nagiging malinaw sa’yo kung ano ang mahalaga
kapag lumalayo ka muna sa ingay ng mundo
Hindi naman talaga kulang ang buhay mo sa direction. Sobrang dami lang ng ingay sa paligid mo. Sobrang daming opinions, expectations, notifications, conversations, at problems ng ibang tao na unti-unting nakakaapekto sa kung ano talaga ang gusto mo para sa sarili mo.
Kapag palagi kang exposed sa ingay ng mundo, madali mong makalimutan kung ano ba talaga ang mahalaga sa’yo. Mapapansin mong hinahabol mo na rin ang mga bagay na hinahabol ng iba. Gusto mong magkaroon ng ganito dahil meron sila. Gusto mong mapansin dahil napapansin sila. Gusto mong patunayan ang sarili mo dahil pakiramdam mo, kailangan mong makipagsabayan.
Pero kapag marunong kang umatras sandali, something changes.
Kapag pinili mong manahimik, bawasan ang social media, umiwas muna sa unnecessary drama, at magkaroon ng oras na ikaw lang ang kasama mo, unti-unting humihina ang ingay. At kapag tahimik na ang paligid, mas naririnig mo na ang sarili mong isip.
Doon mo mapagtatanto na hindi pala lahat ng bagay na pinoproblema mo ay worth your energy. Hindi lahat ng opinion ng ibang tao kailangan mong sagutin. Hindi lahat ng taong umaalis ay kailangan mong habulin. At hindi lahat ng bagay na gusto ng mundo para sa’yo ay bagay na gusto mo rin.
Kailangan mo lang talagang lumayo para makita kung ano ang gusto mong manatili at kung ano ang kailangan mo nang bitawan.
Dahil may mga bagay na mahirap makita kapag nasa gitna ka ng gulo. Parang nasa loob ka ng isang napakaingay na lugar, kahit anong gawin mong pag-iisip, hirap kang marinig ang sarili mong boses. Pero kapag lumabas ka muna at nakahanap ng tahimik na lugar, saka mo maririnig kung ano talaga ang sinasabi ng puso at isip mo.
And that clarity is exactly what you need.
Kailangan mo lang matutong mag-disconnect paminsan-minsan. Dahil habang lumalayo ka sa ingay, mas nakikita mo kung ano ang tunay na mahalaga.

Comments
Post a Comment