Focus Doing Your Own Thing By Brain Power 2177


Photo by Engin Akyurt:
https://www.pexels.com/photo/person-sitting-outdoors-3368246/


Huwag kang matakot gawin ang gusto mong gawin. Hindi ibig sabihin na wala na tayong takot. Hindi naman mawawala ang takot e. Pero kahit may takot ka, GAWIN MO PA RIN. May makakaharap kang mga tao na walang awang babato ng mga opinyon nila tungkol sa 'yo. Pero patawarin mo pa rin. 'Wag mong lilingunin ang mga taong tahol ng tahol. Matatagalan ka lang sa paglalakbay mo. Kahit ikaw na ang pinakamabait sa mundo, may mga tao pa ring sisiraan ka. Pero ipagpatuloy mo pa rin ang kabaitan mo. Hindi ka nabubuhay dito para mapa-impress mo sila. Kung nagtatagumpay ka na, may mga taong hihilahin ka, kaiinggitan ka. Makakatagpo ka ng mga PEKENG KAIBIGAN at makakatagpo ka rin ng mga TUNAY NA KAAWAY. Kahit napakatapat mo, may magsisinungaling pa rin sa harapan mo. Maraming taksil sa mundong ito. Gusto nilang masaktan ka. Pero maging TAPAT ka pa rin. Kahit binuo mo ng matagal ang mga nakamit mo, kapag kritiko na ang aatake sa 'yo, kaya nila 'yang sirain sa isang gabi lang. Pero BUUIN mo pa rin ulit. Kung masaya ka naman, magtataka ang karamihan. Pag-uusapan ka nila. But your happiness is important to you. So be happy anyway. Kahit marami kang nagawang kabutihan, isang pagkakamali mo lang, nagiging madumi ka na sa mata ng ibang tao. Ganyan ka-BRUTAL ang buhay natin. But DO GOOD anyway. Marami tayong magagawa sa mundo. Kahit gawin mo pa ang BEST mo, may mga taong hindi makontento. Sa tingin nila ay hindi pa sapat ang mga nagawa mo. Pero sa totoo lang, SAPAT na 'yon. Intensyon lang nilang pagurin ka. Hindi mo ba napansin, na hindi ka talaga nabubuhay para pasayahin ang tao? Kasi hindi mo mapapasaya ang lahat. Nabubuhay ka sa mundong ito para pasayahin ang Diyos. You see, it's between YOU and God. It was never between YOU and OTHER PEOPLE. Kahit sobra mong TAPANG sa buhay, alam kong may natitira pa ring TAKOT sa puso mo. Takot ka sa kinabukasan mo. Pero GAWIN mo pa rin ang dapat mong gawin. GO AHEAD and JUMP into your NEXT CHALLENGE.

ANG LIMITASYON AY NASA ISIPAN LANG

Sa palagay mo ba'y hanggang diyan ka na lang? Hindi ka ba nasisiyahan sa buhay mo ngayon? Naniniwala ka ba na may magagawa ka pa? Gusto mo bang magbago ang takbo ng buhay mo pero iniisip mo na hindi mo magagawa? Lahat ng mga PALAGAY mo ay nasa ISIPAN mo lang. You can do something about it. You can take control of your thoughts. You can change your beliefs. You can take action to move your life forward. Palagi ko na 'tong sinasabi, na may KAKAYAHAN ka. One way of limiting yourself is to say that you CAN'T DO something or WON'T DO something. Pero alam mo, lahat tayo ay nagsisimula sa BEGINNER. Walang tao ang NAPAKAGALING KAAGAD. Lahat tayo ay NATUTO at MATUTUTO pa. WE ARE GROWING. WE ARE IN PROGRESS. EVERYONE MAKES MISTAKES. But you learn something valuable from each mistake you make. Hanggang sa KAYA na natin ang mga bagay-bagay. Pero may mga tao rin na ang GALING GALING na nga sa buhay pero naniniwala pa rin sila na KULANG pa 'yon. Kaya ang daming DEPRESS pa rin dahil sa pag-iisip ng NEGATIBO. May mga taong walang kompiyansa sa sarili, walang tiwala sa kanilang kakayahan, sa kanilang talento. They may be listening to the words of other people from the past, which told them they were no good at learning new things or doing certain things. Ang mabisang paraan para maalis ang negatibong ito ay ISIPIN MO PALAGI na may KAKAYAHAN KA. Ipasok mo 'to sa isipan mo:

I AM CAPABLE

I AM GETTING BETTER ALL THE TIME

Make these your AFFIRMATION, even if you don't believe them at first. Overtime, you will begin to believe these words about yourself. And your SELF-CONFIDENCE will GROW. The FEARS we refuse to face become the LIMIT OF OUR GROWTH. Kung paiiralin natin ang takot na 'to, magiging limitado lang din ang ating pamumuhay. If we are too afraid to ask the HARD QUESTIONS, we will never know where we might have ended up, the LONGER you wait, the LONGER you are holding up your DESTINY.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177