Huwag Mong Kimkimin Ang Kalungkutan By Brain Power 2177


Photo by Lamar Belina from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/man-sitting-on-concrete-bench-3635945/


Nawalan ka na ba ng pag-asa? Pagod ka na ba sa buhay mo? Kaya mo pa bang magpatuloy? o magpapalubog ka na lang sa kalungkutan mo? Alam kong gusto mong mag grow. Ang masasabi ko lang sa 'yo, may PAG-ASA ka pa.

Baguhin mo ang mga maling paniniwala mo sa buhay. Bitawan mo na ang nakaraan. Bitawan mo na ang negatibong paniniwala. Bitawan mo na ang mga saloobin na hindi nagsisilbi sa 'yo. Kapag alam mo kung ano ang tunay mong kakayahan at kapag kumonekta ka ulit sa iyong sarili, binubuksan mo ang totoo mong pagkatao. Magpasalamat ka na lang sa mga bagay na nawala sa 'yo. Kapag tanggap mo ang kalungkutan mo ngayon, mas madali mo ring matanggap ang mga pangyayari.

HUWAG MONG KIMKIMIN ANG KALUNGKUTAN

Ilabas mo 'yan. Dahil ang kalungkutan mo ay nagdudulot rin ng pagbabago. Kaya't ilabas mo ang kalungkutan na 'yan. 'Wag mong ikulong ang LUNGKOT sa puso mo dahil darating ang panahon na ika'y kakainin niyan. Buksan mo ang iyong puso at ilabas mo ang mga negatibong emosyon. Kapag iniiyak mo ang lahat, mababawasan ang bigat diyan sa dibdib mo. At ang mas maganda, TUWA ang papalit diyan. Tandaan mo ito, mayroong LAKAS sa bawat KAHINAAN. Makakapagpagaling din sa atin kung mailalabas natin ang ating KALUNGKUTAN. Nakakapagpagaan ito ng ating loob. Paano mo ba mailalabas 'yan? Makipag-usap ka sa taong mapagkakatiwalaan mo. Kung hindi ka naman komportableng makipag-usap o kung wala kang mapagsasabihan ng mga problema mo, pwede mo ring isulat. Pwede mong isigaw kung gusto mo. Pwede mo ring ibuhos lahat sa pag-gi-gym. Gawin mo kung ano ang nakakapagpagaan ng iyong loob.

DAMHIN MO ANG SAKIT

Huwag mong balewalain. Huwag kang magkunwaring OKAY ka lang. Ang mundo natin ay parang isang salamin. Ang iyong panlabas na estado ay isang repleksyon ng iyong panloob na estado. Ibig kong sabihin, na ang paggaling sa sarili at pagmamahal sa sarili ay nagsisimula sa pagkonekta sa sarili mo. Hindi ka mamahalin ng iba kung ikaw mismo walang nakukuhang pagmamahal sa sarili mo. Pagninilayan mo ang buhay mo. Kapag kasi pinagninilayan mo ang bawat sakit na nadarama mo, mas madali mong matanggal o mas madali mong malinis ang negatibong emosyon sa puso mo. Mag meditate ka, okay? Because it will create an open channel between the heart and the mind, allowing for them to work in synchrony. Kapag gagawin mo ito, dahan-dahang mabubura ang anxiety sa isipan mo. Magiging matiwasay na ang pamumuhay mo. 'Wag kang magpokus sa mga pasakit sa buhay. Magpokus ka lang sa mga bagay na ikinakasaya mo. Tandaan mo ito palagi, kung may PASAKIT man sa buhay, may mga bagay rin na IKINAKASAYA natin.

Habaan mo lang ang iyong pasensya. 'Wag mong madaliin ang lahat. Dadaan muna tayo sa matinding proseso. Pipigain tayo ng buhay. Dadaan tayo sa sakit, matututo tayo at dahan-dahang maghihilom ang sugat sa puso natin. Pero may pagpipilian ka naman. Pwede kang sumuko pero dapat MATAPANG ka pa rin, dapat MATAPAT ka pa rin. 'Wag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa mga nararanasan mong nakakawalang gana. Naghihintay sa 'yo ang liwanag. Magpatuloy ka lang sa 'yong paglalakbay. Kung gusto mong magbago ang lahat, kung gusto mong maging positibo lang ang takbo ng buhay mo, dumaan ka sa tamang proseso. 'Wag mong takasan ang realidad. Paano ka matututo kung panay iwas ng iwas ka lang? O magtatago ka lang? Dapat handa ka ng bitawan ang bigat sa dibdib mo. Ang sugat naman diyan sa puso mo ay maghihilom rin. It takes TIME. Harapin mo lang lahat kahit gaano pa kasakit ang maidudulot nun, kaysa naman balewalain mo lang. Hindi naman makakatulong ang pagbabalewala. Mas lalo mo lang iniipon ang negatibo sa kalooban mo. Hindi naman ibig sabihin ng pagiging MATAPANG ay hindi ka na rin TATABLAN ng maraming pagsubok. Babalikan at babalikan ka ng problema ng ilang beses. Pwede mo namang takbuhan ang problema mo pero hinding-hindi ka makakatago. Ibig sabihin, ang problema ay sinosolusyonan. Hindi dinadala, hindi tinatago sa puso. Kung sa ngayon ay wala ka pang masyadong problema sa buhay, 'wag kang magpakakomportable, dahil darating ang panahon na magkakaproblema ka, hindi kita tinatakot, gusto ko lang magising ka sa mapait na katotohanang ito. Magkakaproblema ka sa relasyon, o di kaya'y sa pinansiyal, sa pamilya, sa kalusugan, o pwede ring magkakaproblema ka sa trabaho mo. Dapat handa ka na sa maaaring mangyari. Kaya't kailangan mong mamili, LALABAN KA PA BA o HANGGANG DITO KA NA LANG? Sabi ko nga kanina, may PAG-ASA ka pa. 'Wag kang panghinaan ng loob.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177