Don't Lose Hope By Brain Power 2177


Photo by Oleksandr Pidvalnyi:
https://www.pexels.com/photo/person-sitting-on-tree-log-362875/


Siguro iniisip mo na lang na mahina ka talaga, na binalewala ka, na inaabuso ka ng panahon o ginagamit ka lang ng mga tao. Minsan nga umiiyak ka na lang dahil sa bigat na ng iyong nararamdaman. Nilalabanan mo ang kahirapan nang ikaw lang mag-isa. Sa sobrang hina mo na, maiisip mo na lang na tigilan na ang lahat. Pero alam mo, ang bulaklak ay nangangailangan ng araw at ulan upang mabuhay. Kailangan din natin ang mga pasakit sa buhay upang mas lalo pa tayong tumatag. The moment you decide to fight back, you've taken the first step in the correct direction. As you go on fighting the abusers, be it a person or life itself, each moment you learn something significant that contributes to your personal growth. Your STRENGTH is directly proportional to the difficulties in your life. Problems come to those who are capable of facing it. If you're leading a difficult life, know that you're STRONG because you couldn't have it any other way. Sa bawat laban ng iyong buhay, unti-unti ka nitong pinapalakas. The more hurdles you face in life, the more EMOTIONALLY MATURE and MENTALLY STRONGER you get. With new perspectives, you will believe that there is so much more to live. Madali lang tayong mapadpad sa madilim na lugar at mahirap makatagpo ng daan patungong liwanag. But hopes are always around the corner. There will be moments in life when you will feel WORTHLESS and HOPELESS about the future. Mapapagod tayo kasi araw-araw na lang tayong lumalaban. Para bang wala na tayong pahinga. But did you ever ask yourself, what is still keeping you going? It's the small ray of HOPE. There's no DARKNESS that cannot be overcome with inner strength. You know what, even the strongest, the smartest people have fought demons no one even knew existed. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. There are many others in a similar struggle. So be kind to the next person you sit next to, for they may be facing battles we know nothing about.

MATUTO KANG MAMUHAY MAG-ISA

Ibig kong sabihin, 'wag kang maghintay kung ano ang idinidikta ng ibang tao sa 'yo. O kaya'y gumagawa ka lang ng kamangha-manghang bagay para magpa impress. Ganyan kasi ang karamihan. Kapag may nakamit na, gustong gustong ipagyabang sa iba. Pero para sa 'yo, ano ba ang dahilan mo kung bakit mo ipapakita sa iba ang nakamit mo? Kung may nakamit ka o may nagawang kabutihan sa iba, 'wag mo ng ipaalam sa mga tao. To be honest, kung gagawin mo 'yan, mas pinapa impress mo pa ang tao kaysa sa Diyos. Kasi alam mo, kahit hindi mo na ipapaalam sa iba ang mga nagawa mo, alam ng Diyos ang lahat ng KABUTIHAN mo. I want you to remember this, you are NOT in this world to live up to the expectations of others. Nor should you feel that others are here to live up to yours. Dumaan ka sa sarili mong landas. May iba't-iba tayong daan sa buhay. Iba't- iba tayo ng kahulugan sa tagumpay. Success is ultimately about spending your life happily in your own way. You don't have to be FLASHY to be IMPRESSIVE. You don't have to be famous to be significant. You don't have to be a celebrity to be successful. Alam mo ba na kahit ganyan ka lang kasimple ay napakalaking halaga mo na sa mundong 'to. You just need to BELIEVE that and also BELIEVE IN YOURSELF. Manatiling magpakumbaba. Dahil balang araw, IAANGAT ka ng Diyos. Hindi dahil wala kang tagahanga ay wala ka na ring kwenta. Maraming SIKAT na tao pero sobrang DEPRESS naman. Ibig sabihin lang niyan, hindi kasikatan ang kailangan mo.

HINDI KA NAG-IISA

Dito talaga tayo nasasaktan e. Ewan ko ba kung bakit ibinabase natin ang kaligayahan kung may kasintahan tayo. Ibig sabihin na hindi mo kayang sumaya mag-isa. Gusto ko lang malaman mo, hindi naman tayo nag-iisa. God will always send someone. Maghintay ka lang sa blessing Niya. Kung tungkol naman sa mga problema mo, hindi ka rin nag-iisa. Sa kalagitnaan ng malupit na sitwasyon, mas madali mong maiisip,

“Bakit ako lang ang nagkakaganito?”

“Bakit ang iba'y okay lang?”

“Bakit ako hindi?”

Ganito rin naman ako noon. Normal lang naman ito sa mga tao. But the truth is, we are NOT alone in this game of life. We are all struggling in our own way. Ang dahilan kung bakit hindi natin alam ang problema ng iba ay hindi naman nila pina-public ang kwento nila. Siguro kung sasabihin lang nila sa 'tin ang problema nila, masasabi mo rin na hindi ka pala nag-iisa. Lahat tayo ay lumalaban sa iba't-ibang pagsubok. Ang iba'y lumalaban sa kanilang pisikal na karamdaman. Ang iba'y lumalaban sa kanilang mental disorder. Ang iba'y lumalaban para maka move on. Ang iba'y nauuhaw sa spiritwal. We are all in this together. No matter how embarrassed you feel about your own situation, know that there are others out there experiencing the same emotions. Kapag pakiramdam mong IKAW LANG ang nahihirapan, isipin mo na may MAS nahihirapan pa sa 'yo. Kung desperado kang marinig kung mayroon ba talagang mas namomroblema pa sa 'yo, pakingggan mo ako. Nakakaramdam din ako ng kalungkutan at kung saan-saan na lang tumatakbo ang aking isipan. Pareho lang naman tayo. Pareho tayong tao. I care about many of the things you care about. Just in my own way. Kaya't naiintindihan kita. Tandaan mo 'to palagi,

“Kung matindi ang iyong problema
dapat MAS MATINDI ka pa sa problema mo”

'Wag mong hilingin sa Diyos na sana'y gumaan ang buhay mo. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka Niya ng sapat na lakas upang malabanan mo ang lahat ng mabibigat na problema.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177