Harapin Mo Ang Mga Pagsubok Sa Buhay By Brain Power 2177


Photo by Martin: https://www.pexels.com/photo/man-climbing-on-rock-mountain-449609/


Oo alam kong mahirap bumangon ulit, mahirap magpatuloy kung halos lahat ng mga bagay na gusto mo, o ang mga taong mahal mo, ay nawawala sa 'yo. Oo alam ko kung gaano kasakit ang mawalan. Pero hanggang diyan na lang ba tayo? Nangyari na ang lahat. Ano pa ba ang magagawa natin sa mga panahong nangyari na? Wala ka ng magagawa dun dahil hindi mo kontrolado ang tao na lumayo sa 'yo. Hindi mo makokontrol ang panahon na kunin ang nakasanayan mong gawin. Pero ito ang gagawin mo, gamitin mo ang KAWALAN para UMUNLAD ka sa buhay. Para MATUTO ka pa. Para lumawak pa ang KARUNUNGAN mo. Para na rin BAGUHIN ang iyong paniniwala sa buhay. Para malaman mo kung paano ba magmahal. At kung sino ba ang dapat na pagkakatiwalaan. Dahil sa oras na gawin mo 'to, makakalikha ka ng PANIBAGONG BUHAY. Ikaw na ang bahala kung paano mo gagamitin ang KAWALAN na 'yan. 'Wag kang magmukmok. Pwede ka namang umiyak dahil siyempre nawalan ka ng importanteng tao o bagay, pero hindi pwedeng manatili ka sa buhay na ganyan. But if you choose not to do these things, this advice, it will lead to a depressive state. Hindi mo gustong ma-depress, 'di ba? Kaya't ang tanong ko sa 'yo, MAGPAPATULOY ka ba dahil gusto mong umunlad o mananatili ka lang ganyan kahit alam mong wala kang mapapala sa kalagayan na 'yan? Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan. Hindi ko naman hawak ang buhay mo. Nagbibigay lang ako ng payo sa 'yo dahil ayokong mabibigatan ka.

SALUBUNGIN MO ANG MGA PAGSUBOK

Madaling mamuhay sa mundo kung matuto tayong humarap sa mga dapat harapin. Ang matinding hamon sa buhay, at mga kakulangan, dapat ginagamit natin 'yan para mas mamotivate pa tayo at mas lalo na sumulong pa rin. There's a potential value in every situation. Kahit nga ang pagdurusa ay mahalaga din sa buhay. Aminin mo man o hindi, tanggapin mo man o hindi, ang negatibong emosyon at negatibong sitwasyon, ay parte na ng ating buhay. Paulit-ulit ko na 'yang sinasabi para hindi ka maguguluhan. Para madali mong matanggap ang realidad.

KAILANGAN MONG TIBAYAN ANG IYONG LOOB

Kailangang matibay ka pa rin kahit gaano kalupit ang hamon ng buhay. That's why in these times of challenge, you need to remember to do the things that you love. Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay? Whatever you want to do, DO IT. JUST DO IT. Dapat mong pagsikapang pakainin ang iyong sarili ng positibong emosyon. Alam kong pagod na pagod ka na sa buhay mo ngayon. May iba ding nagsasawa na sa buhay nila. Don't stay in that situation. Don't stay in that life. Because there's still something you can do about it.

PATAWARIN MO NA ANG IYONG SARILI

Patawarin mo na rin ang mga taong nagkasala sa 'yo. Madali lang kasing sisihin ang ating sarili o sisihin ang ibang tao.

“Dapat ginawa ko 'to”

“Bakit 'di ko nakita ang kahahantungan?”

“Anong klaseng tao ako?”

Tama na sa kakaisip ng ganyan. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Tigilan mo na ang ganyang istilo. Bumitaw ka na sa ganyang kaisipan. Imbes na kampihan mo ang iyong sarili, ginawa mong kaaway. Paano ka sasaya sa ganyang mentalidad? Have some compassion for yourself. Ginawa mo naman ang lahat, 'di ba? Sadyang may mga tao lang na hindi makikita ang mga pinagagawa mong maganda. Kapag pinatawad mo na sila, mas lalong pinatawad mo ang iyong sarili. I promise you, nakakagaan 'yon ng pakiramdam. Kapag hindi mo na iniisip ang mga kakulangan mo sa buhay, mas madali mong mapahilom ang sugat sa puso mo.

KAYA'T BUMITAW KA NA

Bumitaw ka sa lahat ng bagay na nakakapagpabigat ng iyong kalooban. Bumitaw ka na. Ang pagbitaw ay nakakapagpagaan ng pakiramdam.

Alam ko na TITIBAY at GAGAAN ang buhay mo. You will become more OPEN to something MUCH BIGGER than you could have imagined for your life after your LOSS. It really does get better. Palaging may ILAW sa dulo ng lagusan. Magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang, okay? Magiging maayos rin ang buhay mo. Kailangan mo lang isabuhay ang mga LEKSYON na ito sa buhay mo. Kumilos ka na ngayon. Alam ko na bawat problema ay nag-iiwan ng marka sa buhay natin. Pero ang mga markang ito ay nagpapatunay kung gaano tayo KATATAG. Dahil kita mo naman, nakatayo pa rin tayo. Lumalaban pa rin kahit ang gulo-gulo na. Gamitin mo ang markang 'yan para mahalin mo pa lalo ang iyong sarili nang higit pa kaysa sa dati. May PAG-ASA at may KALIGAYAHAN. Tandaan mo ito, ang buhay ay hindi BALANSE kung wala ang positibo at negatibong kaganapan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177