Live In The Present Moment By Brain Power 2177


Photo by Lukas Rychvalsky from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/person-standing-near-lake-670720/


Alam kong itinatanong mo na 'yan sa sarili mo. Pero tandaan mo, may isang bagay na hindi nananatili sa ating buhay. Ito ay ang PAGBABAGO. LIFE IS A CONSTANT CHANGE. Araw-araw ay may PAGBABAGONG magaganap. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang ito, mas lalo kang MAIIPIT sa buhay. Sa halip na iwasan mo ang realidad, tanungin mo ang iyong sarili kung paano mo mababago ang iyong buhay sa pamamagitan ng PAGTANGGAP sa mga nangyayari sa paligid mo. Marami ng pagbabagong nangyari sa mundo. Ang PAGBABAGO ay darating sa ating buhay bilang resulta ng KRISIS, o resulta ng mga DESISYON mo, o resulta ng mga PAGKAKATAON. Sa anumang sitwasyon, lahat tayo ay nahaharap sa sitwasyon na kailangang mamili. Mamili kung handa ba tayong MAGBAGO o HINDI. Hindi natin maiiwasan ang mga negatibong sitwasyon. Ang tanging makokontrol lang natin ay kung paano natin ito TINUTUGUNAN, kung ano ang REAKSYON natin. Ito lang ang ating magagawa upang maging positibo ang takbo ng ating buhay. Acting on our power of choice provides us with more opportunity to change our lives for the better. The more opportunities we create to change our lives, the more fulfilled and happier our lives become.

Hanapin mo ang kahulugan ng buhay mo. Bakit ka nandito? Ano ba ang dapat mong gawin? Gumugol ka ng oras na ayusin ang mga bagay-bagay upang mas madali mong makita kung ANO ba ang IMPORTANTE sa buhay mo at alamin mo kung bakit ito IMPORTANTE sa 'yo? Ano ba ang gusto mong makamit sa buhay? Ano ba ang pangarap mo? Ano ba ang nakakapagpasaya sa 'yo? Ang kahulugan ng  buhay mo ay nagbibigay sa 'yo ng LAYUNIN at NAGTATAKDA ng DIREKSYON kung paano ka mamuhay ng tama. Kung walang kahulugan ang buhay mo, ganyan ka lang din palagi. Yung buhay na hindi umuusad. Nabubuhay na WALANG DIREKSYON, WALANG POKUS, WALANG LAYUNIN. Hindi mo 'yan gusto, 'di ba?

MAGTAKDA KA NG MGA LAYUNIN

Paulit-ulit ko na 'tong sinasabi. Kapag alam mo na kung ano ang mahalaga sa 'yong buhay at kung alam mo na ang mga gusto mong makamit, kailangan mo na ng AKSYON. Pero hindi ka makaka-aksyon kung WALA kang GOAL sa buhay. Basta't may layunin ka, PANALO ka na sa buhay. Acting on these goals, will enable you to ACHIEVE your DREAMS and CHANGE your LIFE. Lahat ng taong nagtatagumpay ay may itinakdang layunin. Dahil ito ang susi sa 'yong pagbabago. Pero tandaan mo na ang layunin mo ay maaaring magbago. Noon kasi may layunin tayo na hindi na katulad ngayon. What I'm trying to say is always be flexible with setting and achieving your goals as things in life change. And your goals need to REFLECT these changes. It's the small steps that you take that creates the momentum when you are learning how to change your life.

Huwag mo ng isipin kung ano ang mga nagawa mo noon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan kang umabante. Marami kang pinagsisisihan sa mga nagawa mo noon. Bitawan mo na ang nakaraan mo. Kung ginugol mo ang lahat ng iyong oras sa pag-iisip tungkol sa NAKARAAN, siguradong makakalimutan mo ang KASALUKUYAN, ang NGAYON. Tandaan mo ito palagi, hindi mo na mababago ang mga NAGAWA mo na. Hindi ka na makakabalik sa KAHAPON MO. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang BUMITAW. The only thing you have control over now is how you choose to LIVE your PRESENT and FUTURE LIFE. Sa bawat oras na makakaisip ka ng negatibo tungkol sa nakaraan mo, ITIGIL MO NA kaagad. Teka lang, ano ba talaga ang pinagsisisihan mo? Pwede mo itong isulat sa papel at sunugin mo ito. And say goodbye to your regrets.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177