Guard Against Ingratitude By Brain Power 2177


Photo by Sam Rana:
https://www.pexels.com/photo/silhouette-of-man-800005/


Ang pagtanaw ng utang-na-loob ay pagpapahalaga at pasasalamat para sa mga pagpapala o tulong na natanggap natin. Kapag tayo ay mapagpasalamat, mas malamang na maging masaya tayo at espirituwal na matatag. Dapat palagi tayong nagpapasalamat sa Diyos para sa mga pagpapalang ibinibigay Niya sa atin at dapat palagi tayong nagpapasalamat sa mga tao para sa kabutihang ginagawa nila para sa atin.

Ang pagpapasalamat ay pag-uugali na nagpapasigla at nagpapadakila. Mas masaya ang mga tao kapag may pasasalamat sa kanilang mga puso. Hindi tayo makadarama ng pait, galit, o kawalang-malasakit kapag mapagpasalamat tayo.

Dapat nating ipagpasalamat ang napakagandang pagpapalang bigay sa atin at ang napakalaking mga oportunidad na mayroon tayo. Maaari tayong magpasalamat sa ating mga magulang, pamilya, kaibigan, at guro. Dapat tayong magpasalamat sa lahat ng tao na tumulong sa atin sa anumang paraan.

Dapat nating pasalamatan ang ating Ama sa Langit para sa Kanyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kapangyarihan sa lahat ng bagay, pinasasalamatan Siya sa lahat ng ibinibigay Niya sa atin, sinusunod ang Kanyang mga utos, at naglilingkod sa iba. Lalong dapat natin Siyang pasalamatan para sa Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, para sa dakilang halimbawa ng Tagapagligtas, sa Kanyang mga turo, sa Kanyang pagnanais na palakasin at tulungan tayo, sa Kanyang walang-hanggang Pagbabayad-sala.

Talagang nakapagpapasigla sa puso ang komendasyon o pasasalamat kapag ito’y nararapat. Sa kabilang dako, ang kawalang-utang-na-loob ay nakapanghihina ng loob gaya ng sinabi ni Shakespeare:


Nakalulungkot, marami ang dumaranas ng gayong kalupitan.

Bihira nang marinig sa daigdig ngayon ang taimtim na pasasalamat. Kadalasan kahit ang simpleng salitang “salamat” ay hindi nababanggit. Ang pagtanaw ng utang-na-loob ay higit na napapalitan ng saloobing ako muna. Ang kalagayang ito ay isa sa pagkakakilanlang tanda ng mga huling araw. Nagbabala si apostol Pablo, sa 2 Timoteo 3:1, 2,



Iba na kasi ngayon, kapag nagpapasalamat ka, sasabihin ng iba na pambobola lang 'yan. Ang pasasalamat ay nanggagaling sa puso nang hindi iniisip ang sariling kapakinabangan. Subalit ang pambobola, na karaniwan nang di-taimtim at labis-labis, ay maaaring nagmumula sa pansariling motibo na umangat o makakuha ng ilang personal na pakinabang. Ito ang sabi Judas 16,


Bukod sa nililinlang ang taong binobola, ang gayong madulas na pangungusap ay waring bunga ng pagmamapuri at kapalaluan. Sino, kung gayon, ang ibig mabiktima ng paimbabaw na papuri? Ngunit tunay na nakagiginhawa ang taimtim na pasasalamat.

Nakikinabang ang taong nagpapasalamat. Ang kasiglahang nadarama niya dahil sa taimtim na pagpapasalamat ay nagdudulot sa kaniya ng kaligayahan at kapayapaan. At yamang isang positibong katangian, ang pagtanaw ng utang-na-loob ay nagsasanggalang sa kaniya sa negatibong damdamin tulad ng galit, paninibugho, at paghihinanakit.

Hinihimok tayo ng Bibliya na tayo’y tumanaw ng utang-na-loob, o maging mapagpasalamat. Sumulat si Pablo na mababasa natin sa 1 Tesalonica 5:18,


At pinayuhan ni Pablo ang mga taga-Colosas. Basahin natin ang Colosas 3:15,


Maraming salmo ang naglalaman ng mga kapahayagan ng pasasalamat, anupat nagpapahiwatig na ang taos-pusong pagtanaw ng utang-na-loob ay isang makadiyos na katangian. Maliwanag, natutuwa ang Diyos kapag nagiging mapagpasalamat tayo sa araw-araw.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177