Tanggapin Mo Ng Buo Ang Iyong Sarili By Brain Power 2177


Photo by Oleksandr Pidvalnyi:
https://www.pexels.com/photo/photo-of-man-wearing-hooded-jacket-in-front-of-body-of-water-1172207/


Ang tanging tao na makakapagpabago ng iyong buhay ay walang iba kundi IKAW lang. Upang likhain ang pagbabagong 'yon, kailangan mong tanggapin ang iyong sarili. May mga oras sa buhay na kailangang harapin ang mga rejections. May mga taong hindi ka magugustuhan at hindi rin nila magugustuhan ang mga pinagagawa mo. Kahit hindi ka nila matanggap at least tanggap mo ng BUO ang sarili mo. By accepting who you are and LOVING yourself despite adversity, it helps you to move forward in your life. Find your COURAGE. LOVE YOURSELF and STEP OUT and DO SOMETHING CRAZY. 'Wag kang mag-alala kung ano ang iniisip ng sinuman. 'Wag kang mag-alala kung magkakamali ka. Kung nararamdaman mo lang na TAMA ang ginagawa mo, ipagpatuloy mo. Gawin mo dahil 'yan ang gusto mo.


GAWIN MO ANG MGA BAGAY
NA KINAKATAKUTAN MO


Y'ong mga bagay na hindi mo pa alam kung paano gawin. Umalis ka na sa comfort zone mo. See your limitations from a different perspective. Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay pero ikinakatakot mo? Isulat mo lahat 'yon. Mag-umpisa ka sa mga maliit na bagay. Gumawa ka ng plano at GAWIN MO NA. Look, if you genuinely want to avoid complacency and comfort and if you want to change your life, NEVER STOP DOING SCARY THINGS.


HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT


Madaling balewalain ang ating mga kinakatakutan at umaasang mawawala ang TAKOT natin. Sa kasamaang palad, hindi ito mawawala ng basta-basta na lang. Kung gusto mong magbago ang takbo ng iyong buhay, alamin mo kung ano ba ang mga kinakatakutan mo at kung bakit TAKOT ka, upang hindi ka na makokontrol pa ng TAKOT mo. Kung ito man ay TAKOT SA PAGKABIGO, o TAKOT sa KALUNGKUTAN o kahit ano pa man 'yan, 'yan ang PIPIGIL sa 'yo na mamuhay ng maayos. Hihilahin ka pabalik ng negatibong emosyon. Malalaman natin na nakokontrol tayo ng TAKOT dahil nagiging diskontento na tayo sa ating buhay. Kahit anong gawin natin, hindi tayo nasisiyahan. Once we face our fears, we take back our power to choose how we want to live our lives and when we do this, we change our lives forever.


MAMUHAY KA NG PUNO
NG PAGKAKONTENTO


Hindi ibig sabihin na kontento ka na sa kahirapan ng buhay. Ibig sabihin na matuto kang magpahalaga sa mga bagay na nandiyan na sa 'yo. Halos lahat ng tao ay hindi nakontento sa buhay. Gusto pang magkaroon ng marami pang bagay kahit nahihirapan na silang habulin ang mga bagay na 'yon. Gusto pa nila ng marami dahil akala nila na makakapagpasaya sa kanila ang mga bagay na 'yon. Wala namang mali kung gusto mo ng mga materyal na bagay. Nasa sa 'yo pa rin ang pagdedesisyon. What I mean is, we are often so busy focusing on our pursuit of happiness that we miss the JOY of actually living in the present moment. Dahil sa kakapokus sa ating KINABUKASAN, nalilimutan na natin ang TOTOO nating buhay NGAYON. We become so consumed with all our problems that we miss the precious beauty of the present moment. APPRECIATING and SHOWING GRATITUDE on a daily basis is experiencing happiness in the moment. Helping those in need, brings us JOY and HAPPINESS. This is what living your life in the moment is all about. Don't miss these moments because you are too busy focusing on your pursuit of happiness.


DAMHIN MO ANG KALIGAYAHAN
SA BAWAT ARAL NA NAPUPULOT MO


Sa tuwing may natutunan kang bago, nakakakuha ka ng maraming KAALAMAN. At sa maraming kaalaman na 'yon ay dumarating ang higit na KOMPIYANSA. LEARNING NEW SKILLS helps us to be more adaptable in new situations. It also encourages us to be more CREATIVE and innovative in our thinking and we are more comfortable with the UNKNOWN.




Follow me

Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177