5 Bagay na Hindi Mo Makokontrol By Brain Power 2177


Photo by Mathew Thomas: https://www.pexels.com/photo/man-standing-on-rock-during-sunset-906531/


Ang ilang mga bagay sa buhay ay sadyang wala sa iyong kontrol. Kapag alam mo kung ano ang mga bagay na hindi mo makokontrol, magiging payapa ang isip mo. Ibig sabihin ay matuto kang bumitaw at tanggapin ang hindi mo kayang baguhin.


NUMBER 1
PAGBABAGO


The only constant in life is CHANGE. Tulad ng paglipas ng mga panahon, walang nananatiling pareho sa buhay. Kung hindi mo matanggap ang pagbabago ng buhay, mas lalo kang mahihirapan sa buhay. Bagama't mahirap bumitaw, ang pagkapit sa nakaraan ay lumilikha lamang ng higit na pagdurusa. Tanggapin mo na hindi mo makokontrol ang pagbabago, kung hindi mo matanggap, masasaktan ka lang. Tanggapin mo na ang mga pasakit sa buhay ay bahagi ng proseso. Matutong tamasahin ang pagbabago.


NUMBER 2
NAKARAAN


Hindi mo mababago ang nakaraan. Kung ano ang nangyari, nangyari na. At this moment, you have the power to heal from the past. Mag-concentrate ka sa paglago para makagawa ka ng bagong kwento sa hinaharap, so your past doesn't define your future.


NUMBER 3
ANG MGA TAO

Ang makokontrol mo lang ay ang iyong reaksyon. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paniniwala, karanasan at pananaw. Kung tatandaan mo lang ito, magiging malaya ka sa katoxican ng mga tao. It means that you really can't take things too personally. Hayaan mo na kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa 'yo o kung paano ka nila tinatrato. Kasi nga, hindi mo makokontrol ang mga kilos nila, ang makokontrol mo lang ay iyong reaksyon. Matuto kang i-proseso ang iyong emosyon bago ka mag react.


NUMBER 4
AKSIDENTE


Hindi natin alam kung kailan tayo maaaksidente. Pero hindi naman natin hinahangad ang negatibong pangyayaring ito. Pero ito ang katotohanan. Hindi natin kontrolado ang pangyayari. Although stressful, you can learn strategies to remain calm and handle the unexpected.


NUMBER 5
PAGTANDA


Kahit ano pa ang gawin natin, tatanda tayong lahat. Marami ng mga skin products pero hindi natin mapipigilan ang pagtanda natin. Ang pagtanda ay natural na parte ng ating buhay. Huwag kang matakot tumanda. Yakapin mo ang iyong sarili. Mahalin mo ang iyong sarili. Appreciate the abilities you have and all the knowledge and experience you've gained.

Kapag nakapokus ka sa kung ano ang wala sa iyong kontrol, nag-aaksaya ka ng iyong lakas. Maaari kang magreklamo sa lahat ng gusto mo, ngunit ano ang silbi? Stop draining your energy on it and start thinking clearly.

Kapag binabalewala mo naman kung ano ang wala sa iyong kontrol, mapa-paranoid ka. Hindi mo dapat balewalain ang mga bagay na hindi mo kontrolado, sa halip, tanggapin mo kung ano ang nasa harap mo na and be aware of the external conditions that are outside your control.

Kapag binabalewala mo naman kung ano ang kontrolado mo, masasayang din ang mga opportunities. You're being unreasonable. Hindi mo makokontrol ang lagay ng panahon, ang batas, ang ekonomiya, ngunit maaari mong kontrolin ang iyong saloobin, makokontrol mo kung paano mo ginugol ang iyong oras at kung sino ang pipiliin mong makasama. Stop being wasteful and start using your time wisely for creations and productivity.

Kapag nakapokus ka sa kung ano ang makokontrol mo, kontrolado mo rin ang buong buhay mo. You're being intentional about your attitude and how you spend your energy. This is where you are being emotionally mature and thinking rationally and clearly in a sunshine state of mind. At ano ang mangyayari kapag nakapokus ka sa mga bagay na kontrolado mo? Pinapanatili ka nitong positibo, masigla, at motivated.

The reality is this:

Even though you might not like the situation you are in, you can choose to accept it. Once you learn to accept what is, and then focus on what you can control, you win.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177