Paano Labanan ang Anxiety at Depresyon By Brain Power 2177


Photo by Demeter Attila :
https://www.pexels.com/photo/man-standing-in-front-of-window-59196/


“Mga ilang taon na ang nakakalipas, ang tindi ng anxiety ko na para bang may apoy sa loob ko araw-araw na hindi ko mapatay-patay. Naiisip ko nang magpakamatay noon. Ayaw ko naman talagang mamatay. Ang gusto ko lang, matapos ang paghihirap ko.”

Kung pakiramdam mo, wala nang saysay ang mabuhay, ano ang puwede mong gawin?

HUWAG KANG MAGPADALOS-DALOS. Ipangako mo sa sarili mo na hindi ka basta-basta gagawa ng isang bagay dahil lang sa bugso ng damdamin. Kung parang hindi mo na kaya ang mga problema mo, may mga puwede kang gawin para makayanan ang mga ito.

Baka maramdaman mong wala nang solusyon sa mga problema mo. Pero hindi porke’t iyan ang nararamdaman mo, iyan na ang totoo. May mga paraan para maharap mo ang sitwasyon mo. Kung makakakuha ka ng tamang tulong, mas madali mong malulutas ang mga problema mo. Ito ang sabi sa 2 Corinto 4:8,


Kung hindi maalis-alis sa isip mo ang pagpapakamatay, alamin mo kung saan ka makakahingi ng tulong—posibleng sa isang suicide-prevention hotline o mental health center. May mga staff dito na sinanay para tulungan ka, at talagang gusto nilang gawin 'yon. Maaari ring makipag-usap ka sa iba. May mga nagmamalasakit sa 'yo at gusto ka nilang tulungan. Kasali rito ang mga kaibigan mo at kapamilya mo na hindi alam ang pinagdaraanan mo malibang sabihin mo ito sa kanila.

May mga tao na nangangailangan ng salamin para makakita nang malinaw. Ganiyan ang isang kaibigan. Tutulungan ka niyang magkaroon ng tamang pananaw sa problema mo pati na ang pagnanais na patuloy na mabuhay. Ito ang sabi sa Kawikaan 17:17,


Puwede mong sabihin sa kakausapin mo: “Puro negatibo ang naiisip ko ngayon. Okey lang ba kung sabihin ko sa 'yo ang tungkol dito?” O puwede mong sabihin: “May mga problema ako na parang hindi ko kayang solusyunan. Puwede mo ba akong tulungan?”

Maaari ring magpatingin ka sa doktor. Dahil sa mga problema sa kalusugan, gaya ng anxiety o depression, puwedeng mawalan ng ganang mabuhay ang ilang tao. Pero kayang gamutin ang mga sakit na ito.

Halimbawa, puwede kang mawalan ng ganang kumain kapag may trangkaso ka; puwede ka ring mawalan ng ganang mabuhay kapag may depression ka. Pero kayang gamutin ang mga ito. Tiyaking mayroon kang sapat na tulog at ehersisyo, at kumain ng masustansiyang pagkain. Kung maganda ang kalusugan mo, magiging maganda rin ang pananaw mo sa buhay.

Huwag mo ring kalimutang MANALANGIN. Sinasabi ng Bibliya na ang Maylalang ay “mas dakila kaysa sa puso natin at alam niya ang lahat ng bagay.” (1 Juan 3:20) Subukan mong makipag-usap sa Kaniya sa panalangin ngayon. Sabihin mo sa Diyos ang niloloob mo. May mabibigat na problema na hindi mo kayang solohin. Gustong-gusto kang tulungan ng Diyos. Ito ang sabi sa Filipos 4:6, 7,


Huwag lang problema mo ang sabihin mo sa Diyos. Mag-isip din ng isang bagay na puwede mong ipagpasalamat sa kaniya ngayon. Kapag mapagpasalamat ka, magkakaroon ka ng positibong pananaw sa buhay. Kung iniisip mong wala nang saysay ang mabuhay, humingi ka ng tulong. Paagi kang makipag-usap sa mga magulang mo at magpatingin ka sa doktor. Siguradong gagaling ka. Malulungkot ka pa rin naman paminsan-minsan, pero hindi mo na maiisip ang magpakamatay.

Ang mental na kalusugan ay kasinghalaga ng pisikal na kalusugan. Pero may pagkakaiba ang mga ito. Madaling makita kapag nabalian ng braso ang isa, pero hindi laging madaling makita kapag kalooban ang nasasaktan. Kung ganiyan ang nararamdaman mo, huwag matakot na sabihin ito sa iba. Okey lang na humingi ng tulong.

Natutunan ko na walang problema sa buhay na hindi kayang solusyunan o hindi kayang tiisin. Kapag may nasasabihan ako ng problema, ang laking tulong n’on sa akin para magkaroon ng tamang pananaw.

Subukang maglista ng mga teksto sa Bibliya na makakatulong sa 'yo kapag nade-depress ka. Ito ang ilan:

Awit 34:18


Ibig sabihin, talagang interesado ang Diyos sa mga tao na nakadaramang hindi na nila kaya ang mga problema nila. Gusto Niya silang tulungan.

Awit 46:1


Ibig sabihin, puwede kang manalangin sa Diyos sa tuwing nag-aalala ka. Handa Siya at gusto Niyang tulungan ka na matiis ang sitwasyon mo.

Awit 94:18, 19



Ibig sabihin, puwede kang patibayin ng Diyos sa tulong ng Salita Niya, ang Bibliya. Huwag mong hayaang lumipas ang isang araw nang hindi mo ito nababasa!

Awit 139:23, 24



Ibig sabihin, mas kilala ka ng Diyos kaysa sa pagkakilala mo sa sarili mo. Matutulungan ka Niyang alisin ang mga kaisipan na makakasamâ sa 'yo para maging masaya ka uli sa buhay.

Isaias 41:10


Ibig sabihin, anuman ang pinagdaraanan natin, kaya tayong bigyan ng Diyos ng lakas para matiis 'yon.

Uulitin ko, huwag kang magpadalos-dalos. Ipangako mo sa sarili mo na hindi ka gagawa ng isang bagay nang padalos-dalos. Tandaan n may mga puwede kang gawin para makayanan ang mga problema mo.

Makipag-usap ka sa iba. Hindi malalaman ng mga kaibigan at kapamilya mo ang pinagdaraanan mo malibang sabihin mo ito sa kanila.

Magpatingin ka sa doktor. Kapag naiisip mong magpakamatay, senyales 'yan ng depression. Ang depression ay isang sakit na kayang gamutin.

Sabihin mo sa Diyos sa panalangin ang nararamdaman mo. Mas kilala ka Niya kaysa sa pagkakilala mo sa sarili mo, at gusto ka Niyang tulungan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177