Paano Mabawasan ang Sobrang Stress? By Brain Power 2177


Photo by Alexander Dummer:
https://www.pexels.com/photo/woman-sitting-in-front-of-the-laptop-computer-in-shallow-photo-133021/


Lahat naman tayo ay gusto maging STRESS-FREE ang buhay. Pero alam mo, wala namang stress-free na buhay e. Lahat naman tayo ay mai-stress, 'di ba? Pero paano mabawasan ang sobrang stress.

TIGILAN MO ANG PAG-OOVERTHINK

Tigilan mo ang labis na pag-iisip at labis na pag-aanalisa. Inaanalisa natin ang maraming bagay. Madalas inaalisa pa natin ang mga sitwasyong hindi pa nangyari. Hindi pa nga nangyari e iniisip na natin. Sino ba ang hindi mai-stress sa ganyang gawain, 'di ba? Nag-iisip tayo palagi kung “paano kung ganito ang mangyari?” “paano kung ganyan?” Wait, STOP overanalyzing imaginary scenarios. Ang malala pa diyan, mahilig tayong mag-isip ng mga negatibong sitwasyon. Alam na nga natin ang epekto nito pero bakit ginagawa pa rin natin? Dahil inaakala natin, kapag advance tayong mag-isip at kung may nangyari na, mas madali tayong makapag-move on. Pero napakamali ang kaisipang ito. Bakit ko nasabing mali, kasi noong may nangyari na, noong tama ang mga hinala mo, bakit nahihirapan kang tanggapin ang katotohanan? Akala ko ba pinaghandaan mo na? Noong hindi pa nangyari, noong iniisip mo pa lang ang posibleng mangyari, nabibigatan ka na no'n. Noong nangyari na, sobra ka na ring nabibigatan. Nai-stress ka ng sobra. Ayon para kang pinatay ng dalawang beses. Kung palagi ka lang namumuhay na nag-aanalisa ng mga bagay na hindi pa nangyari, sa tingin mo kaya'y may maidudulot itong kagandahan sa buhay mo? Does it make you feel better about yourself and your life? If NOT, then ask yourself how you are benefiting from continuing to live that way? Please STOP LIVING in the FUTURE. Pag-isipan mo lang ang mga bagay na nangyari ngayon.

Kung iiwasan mong mag-isip ng negatibo at magpopokus ka sa positibo, magiging mas masaya ka. Pero may mga realidad ng buhay na hindi natin maiiwasan kahit na positibo tayo. May mga digmaan, terorismo, at krimen. Nagkakaproblema ang pamilya natin. Nagkakamali tayo at may mga kahinaang pinaglalabanan. Nasaktan tayo ng kaibigan natin. Sa halip na magbulag-bulagan sa realidad ng buhay—o kaya naman ay magpokus sa mga 'yon—maging makatotohanan. Sa gayon, matatanggap mo ang sitwasyon nang hindi pinanghihinaan ng loob at maiiwasan mong maging masyadong negatibo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177