Posts

6 na Negatibong Epekto ng Sobrang Panonood ng TV By Brain Power 2177

Image
Panonood ng TV — May Negatibong Impact sa Buhay mo Sino sa inyo ang walang TV sa bahay? Halos lahat mayroon. Siguro mga 90% may TV, no? Hindi naman masama ang TV. Makakatulong pa nga. May malaking potensyal pa nga ito na makapagbigay benepisyo sa sangkatauhan. Maaari nitong ipakita sa manonood ang paraan ng pamumuhay, mga kalagayan na nakakaapekto sa mga sa malalayong lugar at marami pang iba na makukuhanan natin ng aral. May mga entertainment din tayong makikita at educational. May mga drama, musika, may concert din na mapapanood, may series na sinubaybayan ng marami. Ang ilang mga bansa ay gumagamit ng TV upang bawasan ang kanilang illiteracy rate. Natuklasan nila na ito ay isang epektibong kasangkapan upang sanayin ang mga tao para sa mga trabaho kung saan walang sapat na mga kwalipikadong guro. At ang mga presentasyon sa telebisyon ay nilagay sa videotape para mapanood nila ang video ng paulit-ulit. Ngunit ang telebisyon ay isang simpleng paraan ng komunikasyon lamang. Kung makikin...

12 Katangian ng Mga Taong Determinado By Brain Power 2177

Image
12 Katangian ng Mga Taong Determinado Alam ko na may layunin ka o goal ka sa buhay pero ano na ngayon? Ang susunod mong hakbang ay gawin mo na ang mga goal mo. Pero hindi mo ito makukuha kaagad, okay? maraming hamon na haharapin mo. May mga social gathering na hindi mo mapupuntahan, may mga gala sa weekend na hindi mo mapaglaanan ng oras, at marami pang bagay na kailangan mong balewalain para lang sa goal mo. Ganyan kahirap kapag may goal ka. Ang tanong, kaya mo ba? Kayanin mo, okay? Hindi naman imposibleng magtagumpay. Marami na nga ang nagtagumpay e kahit mas marami pa silang pagsubok sa atin. Pero paano nalampasan ng ibang tao ang kanilang mga hadlang? DETERMINADO sila. Ang determinasyon ang nagtutulak sa 'yo na bumangon sa kama kahit inaantok ka pa. 'Yan lang ang kaibahan ng mga taong matagumpay at sa mga hindi. DETERMINASYON. Sana ay malampasan natin ang mga hadlang sa ating tagumpay gamit ang 12 katangiang ibinabahagi ng mga taong determinado sa buhay. NUMBER 1 NAKAPOKUS ...

Ano Ang Mabuting Gawin sa Tsismis By Brain Power 2177

Image
Ano Ang Mabuting Gawin sa Tsismis? Ang tsismis ay walang-saysay na usapan tungkol sa buhay ng ibang tao; walang-batayang usap-usapan. Ang paninirang-puri naman ay pagsasabi ng kasinungalingan tungkol sa iba, karaniwa’y taglay ang masamang hangarin, bibigan man o naka-post sa social media o pwedeng sa sulat. Pero hindi naman lahat ng tsismis ay masama o mapaminsala. Kung minsan, maaaring ito’y tungkol sa kapuri-puring mga bagay hinggil sa isang tao, o maaaring ito’y paglalahad lamang ng mga bagay na hindi naman mahalaga o hindi nakasasakit tungkol sa iba, udyok ng interes sa ibang tao. Ngunit madali itong mauwi sa usapang nakasasakit o maaaring pagmulan ng gulo, sapagkat ang tsismis ay walang-saysay na usapan. Nagpapayo ang Kasulatan laban sa walang-saysay na pananalita, anupat itinatawag-pansin nito na ang dila ay mahirap paamuin. “Sa mga bahagi ng ating katawan, ang dila ang punô ng kasamaan, dahil pinarurumi nito ang buong katawan at pinagliliyab ang buong landasin ng buhay.” (Santia...

6 na Katangian ng Mapanlinlang na Tao By Brain Power 2177

Image
6 na Katangian ng Mapanlinlang na Tao Pero Nagkukunwaring Mabait Naka-encounter ka na ba ng mga taong mapanlinlang or manipulative pero nagpapanggap na mabait? Mayroon na ka na bang na-encounter na ganyang tao? 'Yan ang pag-uusapan natin sa videong ito. Sa totoo lang, ang natuklasan ko tungkol sa mapanlinlang na mga tao ay hindi halata ang kinikilos nila o sobrang smooth ng galaw nila na halos imposibleng matukoy kung manipulator ba ang taong 'yon. Alam mo ba kung bakit ganito ang ugali nila? Gagamitin nila ang kanilang technique, paiikotin ka nila o kokontrolin ka nila upang iwasan ang kanilang responsibilidad, upang itago ang kanilang tunay na intensyon. Ano ang mga tactics nila? Gaslighting, pagsisinungaling, paninisi, namumuna, at ipapahiya ka. Lahat ng negatibong tactics na 'yan ay maaaring makasira sa psychological well-being ng isang tao. Ngayon ay pag-uusapan na natin ang 6 na katangian at asal ng mga mapanlinlang na tao na nagpapanggap na mabait. NUMBER 1 NAGPAPAKA...

Paano Maging Positibo Kahit Ang Dami ng Problema mo By Brain Power 2177

Image
Paano Maging Positibo Kahit Ang Dami ng Problema mo Mayroon po akong halimbawa na related sa topic natin ngayon. Sa nakikita niyo po ngayon. Isang white background at may napakaliit na maitim na tuldok. Pero kapag zino-zoom in natin ito, siyempre lumalaki. Kapag zino-zoom in pa natin 'yan may ilalaki pa 'yan. Kung ayaw natin itong pansinin, kung hindi tayo nakapokus sa tuldok na ito, parang wala lang, 'di ba? Hindi siya disturbo sa atin.  Katulad na katulad din ito ng problema natin. Kahit napakaliit ng ating problema, palagi natin itong zino-zoom in. Palagi tayong nakapokus sa problemang 'yon. Bakit sobrang bigat ng buhay mo ngayon? Dahil ba sa ginagawa ng ibang tao? Siguro minsan, 'di ba? Pero madalas kasalanan natin. Kasi masyado nating pinapansin ang problema na hindi na man big deal. Dahil sa palagi tayong nakapokus sa negatibong side ng buhay, sobra na rin tayong nahihirapan. Hindi na natin nakikita ang solusyon. Kaya ang maipapayo ko po sa inyo, 'wag po n...

7 SIGNS na Dapat mo ng LAYUAN Ang Isang Tao By Brain Power 2177

Image
7 Signs na Kailangan Mong Lumayo sa Isang Tao Noong pandemic days, naging uso ang salitang SOCIAL DISTANCE/DISTANCING. Paulit-ulit natin 'yang naririnig noon, 'di ba? Pero minsan ang mga dahilan para umiwas sa mga tao ay walang kinalaman sa banta ng isang virus tulad ng COVID-19. Mahalaga naman kapag nakikipag socialize tayo pero yung mga tao na nasa paligid natin, maaari rin silang maging problema natin. Minsan kinakailangan talagang lumayo sa mga taong ito dahil sa mga ginawa nila sa 'yo. Pero subukan pa rin nating makisama sa mga taong nasa paligid natin. Maaari pa nga tayong matutong balewalain ang kanilang masamang pag-uugali. Pero darating ang panahon na hindi mo na makakaya ang kanilang ginagawa. Kapag hindi pa tayo lalayo sa mga taong ito, ang ating mga layunin at pangarap ay magsisimula na ring gumuho. Minsan kasi binalewala natin kasi akala natin hindi madadamay ang positive mindset natin. Pero unti-unti nating nararamdaman na nababalot na tayo ng negativity. Kaya...

3 Uri ng mga Kaibigan na Wala Dapat Puwesto sa Buhay mo By Brain Power 2177

Image
3 Uri ng mga Kaibigan na Wala Dapat Puwesto sa Buhay mo Ang kaibigan ay isang mahalagang elemento sa tagumpay o kabiguan ng isang tao. Ano ang ibig kong sabihin? Kung peke ang kaibigan mo, babagsak ka. Kung tunay ang kaibigan mo, sila ang tutulong sa 'yo na magtagumpay ka sa buhay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mahalagang kilalanin mo kung sino ang tunay at pekeng kaibigan sa buhay mo. Ito ay isang karaniwang paniniwala na ang isang tao ay maaaring husgahan batay sa kanilang mga kaibigan, basically kung sino ang mga nakapalibot sa kanya. May quote na nabasa natin noon pa, kung 5 kayong magkakaibigan tapos 4 doon ang negatibo,  sigurado na ikaw ang pang lima. 'Yan ang ibig sabihin na huhusgahan ka ng mga tao batay sa mga taong nakapalibot sa 'yo. Kaya't ang isang mabuting kaibigan ay isang tao na nag-aalok ng higit pa sa isang magandang katuwaan. Darating sila sa buhay mo na may mga rekomendasyon at may magagandang payo para gawing mas mabuti ang buhay mo, rerespetuh...