7 SIGNS na Dapat mo ng LAYUAN Ang Isang Tao By Brain Power 2177
Noong pandemic days, naging uso ang salitang SOCIAL DISTANCE/DISTANCING. Paulit-ulit natin 'yang naririnig noon, 'di ba? Pero minsan ang mga dahilan para umiwas sa mga tao ay walang kinalaman sa banta ng isang virus tulad ng COVID-19. Mahalaga naman kapag nakikipag socialize tayo pero yung mga tao na nasa paligid natin, maaari rin silang maging problema natin. Minsan kinakailangan talagang lumayo sa mga taong ito dahil sa mga ginawa nila sa 'yo.
Pero subukan pa rin nating makisama sa mga taong nasa paligid natin. Maaari pa nga tayong matutong balewalain ang kanilang masamang pag-uugali. Pero darating ang panahon na hindi mo na makakaya ang kanilang ginagawa. Kapag hindi pa tayo lalayo sa mga taong ito, ang ating mga layunin at pangarap ay magsisimula na ring gumuho. Minsan kasi binalewala natin kasi akala natin hindi madadamay ang positive mindset natin. Pero unti-unti nating nararamdaman na nababalot na tayo ng negativity. Kaya ang dapat nating gawin ay lumayo sa mga taong sumisira sa ating buhay. Magbabahagi ako ng ilang mga sitwasyon o pagkakataon kung kailan dapat ka ng lumayo.
NUMBER 1
KUNG PALAGI KA NG INIINSULTO
Kahit sino pa 'yang nagsasabi ng mga insultong mga salita, nakakasakit pa rin 'yon. 'Wag nating itolerate ang insulto. Kung may sinuman na palaging nang-iinsulto sa 'yo, kailangan mo nang gumawa ng aksyon. Sabihin nating maganda ang pakiramdam mo sa sarili mo, I mean confident ka, hindi dahil sa mayabang ka, kundi dahil may sapat na tiwala ka sa sarili mo, at bigla na lang may isang kamag-anak o sinumang tao na nang-iinsulto sa'yo, siyempre ang positivity mo, mapapalitan ng negativity, didikit ka pa rin ba sa kanila? Ito-tolerate mo na lang ba? Siyempre lumayo ka sa mga taong nakakasira ng confidence mo.
Oo alam ko na may mga insultong salita na hindi masakit. Ano ba ang ibig kong sabihin? Let's say, pagsasabihan ka nilang LOSER? That's a great insult, right? But it depends on who’s saying it and for what reason. There are certainly bad ways to deploy it. If someone calls you a loser dahil may nakapagtapos ka tapos nagtatrabaho ka lang sa low paying-job, or dahil hindi ka pa nagkakajowa, or wala kang naabot sa buhay, malaking seryosong insulto 'yon. Pero kapag sinabi 'yan na walang rason, I mean pang-iinis lang ng malapit mong kaibigan, hindi ito masakit. Pero tandaan mo na may mga insultong salita na kahit ka-close mo ang nagsabi ay may negatibong impact pa rin sa buhay mo. Kung patuloy kang nakakaranas ng mga random insults at malupit na insulto, ito ang tamang panahon na lumayo ka na. Para hindi ka ma-stress sa buhay, tanggalin mo rin ang mga taong toxic sa buhay mo.
NUMBER 2
KAPAG HINDI SILA MAPAGKAKATIWALAAN
Ang mga taong nakapaligid sa 'yo na hindi mapagkakatiwalaan ay maaaring maging hadlang mo. Dapat nga confident ka na nandiyan ang mga mahal mo sa buhay kapag kailangan mo sila sa oras ng kalungkutan. Kung hindi mo sila masasandalan sa ganitong panahon, ibig sabihin na hindi mo sila ka-close gaya ng inaakala mo. Minsan kailangan mong dumistansiya o mag set ka ng boundaries. May mga tao kasing mahilig magpatulong pero hindi naman sasagot sa mga tawag mo kung kailangan mo ng tulong. Maghanap ka ng isang tao na laging nandiyan para sa'yo. Dito nagmumula ang tunay mong suporta.
NUMBER 3
NAMIMILIT NA MAKIPAG S*X
I hope hindi pa nangyayari 'to sa inyo and I hope na hindi ito mangyayari sa inyo. Kung totoong mahal ka ng mga taong nakapaligid sa 'yo, hindi ka nila pipilitin na makipagtalik sa kanila. Kapag may kaibigan ka, o jowa o kahit pamilya mismo na pinipilit kang makipagtalik, ito ay sexual harassment. Wala akong alam sa batas pero isa lang ang alam ko, napakaseryosong kamalian ito. Kaya't napakahalaga na lumayo ka sa isang taong gumagawa nito sa 'yo. Maaaring magsimula ito sa isang maliit na bagay, tulad ng pang-aakit kahit pinapatigil mo sila, ngunit magiging mas masahol pa ito kung papayagan mong magpatuloy. As soon as you see the signs of this issue, get away from them, okay? 'Wag mong i-tolerate ang ganitong gawain.
NUMBER 4
KAPAG KINOKONTROL KA NILA
Kapag may mga tao na nagsasabi kung ano dapat ang isusuot mo, ayos lang naman. Sometimes we offer advice to people on what to wear, right? Basta't hindi lang yung malaswa na damit. Pero kung halos lahat kinokontrol nila, kung saan ka pupunta, kung kanino ka makipag-usap, at kung paano ka kumilos, hindi na ito normal. Makikita mo ang mga mapang-control na tao sa mga pamilya, sa mga relasyon, at maaari ka pang magkaroon ng mga mapang-control na kaibigan. Tulad ng mga taong toxic, nagsisimula ito sa maliit, ngunit sa oras na mapagtanto mo kung ano ang nangyayari, hindi mo na ito kayang tiisin, para ka ng maiipit e. Wala ka ng sariling desisyon sa buhay. This is one of those times when the distance is needed.
NUMBER 5
PALAGI KANG SINISISI
Ano ba ang ibig kong sabihin dito? Sa madaling salita, halimbawa may isang taong mahal mo o isang kaibigan, na inaakusahan ka na gumawa ng isang bagay na hindi mo naman ginawa kasi sila ang may gawa. Sasabihin nila na ikaw ang may personality problem pero sila naman talaga ang may problema. Ginagawa nila 'yon because it's their way to avoid responsibility for their flaws. It would be in your best interest to put some distance between you and this person.
NUMBER 6
IBA-IBA ANG IPINAKITA NILA SA 'YO
Iba-iba ang kanilang ipinaparamdam sa 'yo. Ibig kong sabihin, ngayon sobrang sweet nila tapos bukas ini-ignore ka. Tandaan mo ha, ang tunay na mga kaibigan at ang mga talagang nagmamahal sa 'yo ay consistent halos lahat ng oras. Alam na alam mo kung ano ang aasahan mo sa kanila at nakakaramdam ka ng seguridad, safe na safe ka sa kamay nila. Pero may mga tao na mukhang okay, pero biglang kumikilos nang hindi mo na alam kung bakit. Kapag nangyari ito, magugulat ka na lang. Nakakagulat na man talaga ang mga taong inconsistent, 'di ba? Then heto na naman, things may go back to normal again. Kung feeling mo ito ang ipinapakita ng mga tao sa 'yo, at walang magandang dahilan para sa kakaiba nilang pag-uugali, baka gusto mong lumayo para matauhan na man sila.
NUMBER 7
KUNG GINA-GASLIGHT KA NILA
Makinig kang mabuti, kung nahuli mo silang nagsisinungaling o nag-cheat tapos ikaw pa ang naging masama, 'yon na 'yon. Typically, gaslighters are seeking to gain power and control over the other person, by distorting reality and forcing you to question your own judgment and intuition. Gina-gaslight ka nila para magmukhang sila ang matino tapos ikaw na ang baliw ngayon. Pilit nilang binubura ang mga akusasyon mo dahil nag-ooverthink ka lang daw. Pero huling huli na man ang kasinungalingan nila. Get away from these people. Wala ng maraming usap².
Ginawa ko ang videong 'to kasi kailangan talagang lumayo kung wala ng kabuluhan ang samahan. But I hate to tell this to you to be honest. Ayoko na man talagang lumayo ka sa mga taong mahal mo. But, unfortunately, sometimes distancing yourself from the ones you love is the best way to change your life for the better. Hindi naman maiiwasan na mag-alala tayo sa kanila, o maawa tayo sa kanila dahil lalayuan na natin pero mas mag-alala ka o maawa ka sa sarili mo. Mas importante ang physical health at mental health mo. Kasi minsan ang paglayo natin sa kanila ay may dulot na positivity sa mga taong toxic. Malalaman nila ang kanilang kamalian. Mauunawaan nila ang tunay nilang pagkatao. Sana mangyari 'yon sa paglayo mo sa kanila. Sana.








Comments
Post a Comment