12 Katangian ng Mga Taong Determinado By Brain Power 2177
Alam ko na may layunin ka o goal ka sa buhay pero ano na ngayon? Ang susunod mong hakbang ay gawin mo na ang mga goal mo. Pero hindi mo ito makukuha kaagad, okay? maraming hamon na haharapin mo. May mga social gathering na hindi mo mapupuntahan, may mga gala sa weekend na hindi mo mapaglaanan ng oras, at marami pang bagay na kailangan mong balewalain para lang sa goal mo. Ganyan kahirap kapag may goal ka. Ang tanong, kaya mo ba? Kayanin mo, okay? Hindi naman imposibleng magtagumpay. Marami na nga ang nagtagumpay e kahit mas marami pa silang pagsubok sa atin. Pero paano nalampasan ng ibang tao ang kanilang mga hadlang? DETERMINADO sila. Ang determinasyon ang nagtutulak sa 'yo na bumangon sa kama kahit inaantok ka pa. 'Yan lang ang kaibahan ng mga taong matagumpay at sa mga hindi. DETERMINASYON. Sana ay malampasan natin ang mga hadlang sa ating tagumpay gamit ang 12 katangiang ibinabahagi ng mga taong determinado sa buhay.
NUMBER 1
NAKAPOKUS SILA SA GOAL
Kung nakapokus sila sa kanilang goal, dapat tayo rin. Araw-araw, may mga gawain tayo na dapat tapusin. Dahil sa mga gawain nating 'yon, nakakalimutan na natin o hindi natin nabibigyan ng oras ang layunin natin na mas importante pa sa mga nagdadagsaang gawain. Kaya POKUS lang tayo sa goal natin. Siyempre palaging may mga hamon sa buhay. Natural lang 'yan. Kapag nalampasan mo na ang unang hamon, may panibago na naman. Hindi 'yan matatapos. Real talk 'yan. Pero kung palagi kang nakapokus sa hamon ng buhay, sa mga negatibong kinakaharap mo, maaaring maliligaw ka ng landas. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na magpokus tayo sa ating mga layunin, short term man 'yan o long term. 'Wag kang kabahan sa mga pagsubok na mayroon ka ngayon. Ibalik mo ang tamang pokus mo. Don't get focused on one narrow point of view of something kasi kung nakatutok ka lamang sa isang bahagi ng kabuuan, baka may mahalagang bagay kang hindi mapansin. Ibig kong sabihin, ang mga pagsubok, mga hamon, mga problema sa buhay natin ay bahagi lang 'yan ng tagumpay. Magpokus ka pa rin sa tagumpay. Magpokus ka pa rin sa goal mo.
NUMBER 2
HINDI SILA TAKOT MABIGO
Kung hindi sila natatakot mabigo, dapat tayo rin. Pero alam kong nakakatakot. Minsan hindi natin makontrol ang emosyon natin. Halimbawa gusto mong mag negosyo, hindi mo pa nga nasimulan, naiisip mo na kaagad ang kabiguan. Ang takot sa pagkatalo o pagkabigo ay isa sa mga mas karaniwang takot ng mga tao. Natatakot tayo na kung mabibigo tayo, maiisip natin na hindi natin deserve ang mga magagandang bagay sa buhay. Pero hindi totoo ang mga iniisip mo. Ang pagkabigo ay hindi maiiwasan pero hindi 'yan ang katapusan mo. Ibahin mo ang iyong pananaw. Kung natatakot kang mabigo, hindi ka na rin susubok. Kapag wala kang gagawin, hindi ka na rin magtatagumpay. Naging kabiguan lang ito kung wala kang matutunan mula rito, 'di ba? Mas marami pa nga tayong natutunan mula sa pagkabigo kaysa sa tagumpay. Failure makes you human. Nang dahil sa kabiguan, mas lalo kang tumibay at nakapokus. Ang kabiguan ang nagtuturo sa 'yo kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi. Ni-reject ka nila kasi kailangan mo pang mag-improve. Nawalan ka ng pera dahil mali ang paghawak mo dito. Naligaw ka ng landas dahil sa mga ginagawa mong hindi mabuti. Ibig sabihin, may matutunan ka sa kabiguan.
NUMBER 3
HINDI NILA IKINOMPARA
ANG BUHAY NILA SA IBA
Kung hindi nila kinompara ang sarili nila sa iba, 'wag rin nating gawin para magtagumpay rin tayo at maging masaya. Lalo na ngayon na may social media na, mas naging madali na ang pagkokomparahan. Marami ang nagpo-post ng mga happy moments, achievements, success stories at akala mo ay 'yon lang. Akala mo ang swerte nila sa buhay. Pero isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa swerte, okay? Anyway, sa kakatingin natin sa kanilang buhay, malulugmok tayo dahil akala natin tayo lang ang palaging nagkakamali at palaging nabibigo. Ang progreso sa buhay ay hindi naman nasusukat kung sino ang nasa tuktok, kundi laban ito sa sarili mo. Ibig sabihin, higitan mo ang iyong kahapon. Anuman ang iyong hangarin, palaging mayroong isang tao sa mundo na mas matalino pa sa 'yo, mas mabilis, o mas may kasanayan kaysa sa 'yo. Ang pag-iwas sa pagkokompara ay nangangahulugang pag-iwas sa walang katapusang pagkadismaya.
NUMBER 4
NAKAPOKUS SILA SA MGA BAGAY
NA KAYA NILANG KONTROLIN
Gano'n din ang gawin natin. Ang panahon, ang iyong paligid, ang asal ng kapitbahay, o ang opinyon ng mga tao, lalo na sa mga taong hindi mo kilala, lahat ng 'yan ay hindi mo makokontrol. Nagsasayang ka lang ng oras kung pilit mong kontrolin ang mga bagay na hindi mo makokontrol. Kahit anong gawin mo, may darating na bagyo. Kahit anong gawin mo, may toxic pa ring kapitbahay. Kahit anong gawin mo, may masasabi pa rin sila sa 'yo. Ang isang taong may mataas na determinasyon ay nauunawaan nila na ang tanging bagay na dapat pagtuunan ng pansin ay ang mga bagay na kaya nilang kontrolin. Nakapokus sila sa kanilang effort, sa mga salitang binibigkas nila, sa kanilang pananaw sa mga pangyayari, at ang kanilang kilos. Kung pinagpokusan mo ang mga bagay na hindi mo makokontrol, sayang lang ang lakas mo. Basically, the only thing you can control is how you choose to deal with life. The rest. . . forget about it, since it’s absolutely out of your hands and trying to control it will only get you frustrated and miserable.
NUMBER 5
KONTROLADO NILA ANG KANILANG SARILI
Kapag may mga taong naninira sa atin o tayo'y nasaktan, madali lang magalit at maitatanong pa natin "Bakit ito nangyayari sa akin?" sinasabi natin 'yan na para bang tayo lang ang malas na tao na nabuhay sa mundong 'to. Ang hindi natin nakikita ay hindi tayo kailangang maging biktima ng mga pangyayaring ito.
Our reactions to situations aren’t dictated by the situations themselves but by us. Mayroon tayong pagpipilian kung paano natin gustong harapin ang ilang mga sitwasyon. Kung may duda sila na hindi natin makakamit ang ating mga layunin, kahit tayo'y madidiscourage, maaari pa rin nating piliin na magpatuloy at ipagpatuloy ang ating progreso. Ang mga taong may mataas na determinasyon ay binabalanse nila ang kanilang nararamdaman upang palakasin ang kanilang pagnanais na magpatuloy.
NUMBER 6
GINAGAWA NILA ITO PARA SA SARILI NILA
Ibig kong sabihin, hindi nila ginagawa ang goal nila para magpa impress. Madalas tayong naapektuhan sa opinyon ng iba. Ang kanilang mga pagdududa sa ating kakayahan ay nagiging hadlang sa ating isipan at pumipigil sa atin na sundan ang ating passion. Ngunit ang paggawa ng mga bagay para lamang mapahanga ang iba ay hindi kailanman magdadala ng tunay na kasiyahan sa buhay mo. Kung may gusto kang gawin basta't hindi lang masama, gawin mo. 'Wag kang magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao.
NUMBER 7
GRATEFUL SILA SA BUHAY
Ang tanong, grateful ka ba? Kahit gaano pa kahirap ang mga araw, laging mayroong bagay na dapat ipagpasalamat. Ang problema ngayon ay maaaring maging mahalagang aral bukas. Ang ganitong karunungan ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa mga pagkakamali, pagkukulang, at hirap — at marami pa ang darating sa buhay mo patungo sa tagumpay. Kaya't ang mga taong may mataas na determinasyon ay laging nagpapasalamat para sa kanilang mga tagumpay at kung ano ang mayroon sila. Hindi mo masyadong mapapansin ang mga hamon sa buhay kung maglalaan ka ng oras upang pahalagahan kung gaano na kalayo ang narating mo ngayon mula nang magsimula ka.
NUMBER 8
KUMILOS PA RIN SILA
SA KABILA NG KANILANG NARARAMDAMAN
Kahit pagod na pagod na sila, patuloy pa rin nilang ginagawa ang kanilang layunin sa buhay. Pero hindi naman ibig sabihin na sagarin mo. Magpahinga ka muna at balik na ulit sa trabaho.
NUMBER 9
NAGPAKATATAG SILA
Dapat matatag rin tayo. Totoo na nakaka-discourage ang pagkabigo at hirap ng buhay. Minsan negatibo na ang ating pag-iisip. Iniisip natin na hindi natin kayang kamtin ang gusto natin. Nawawalan na tayo ng gana dahil sa mga nangyayaring nakakadismaya. Pero ang ginagawa ng mga taong may mataas na determinasyon na hindi ginagawa ng iba ay bumangon silang muli. Sinubukan nila ulit. Dapat ganyan tayo katatag. Basta tayo'y nabubuhay at humihinga pa, may pagkakataon pa tayo na makamit ang tagumpay. Natural lang na magkakaproblema tayo, magudurusa at makaka-recover na naman. You get the good and the bad as a package. Unfortunately some folks will have more than others to deal with. Over my lifetime I’ve tried to think positively when it was hard just getting by one day at a time! Don’t allow yourself to fester. Look to the freedom of the heart. It needs to be learnt at first. We learn the most by experience. We need courage and kindness to ourselves.
NUMBER 10
HINDI SILA NAGDADAHILAN
Ito ang napapansin natin sa ating sarili, 'di ba? Kapag may nangyayaring hindi natin gusto, hindi natin kayang tanggapin. Idadaan muna natin sa pagdadahilan at paninisi. We don't take responsibility. Maaaring maraming dahilan kung bakit wala kang progreso sa 'yong mga layunin. Minsan nawawala ang motibasyon mo, minsan mawawalan ka ng gana dahil sa tagal ng proseso. Wala ka pang sapat na kasanayan. Ito ay mga dahilan na wala sa bokabularyo ng isang taong may mataas na determinasyon. Kapag may goal ka, mahalagang tandaan na ikaw ang pumili nito. 'Wag ka ng magdadahilan. A highly determined person doesn’t blame others for imposing such an impossible goal on them. They take responsibility for their actions. Kontrolado nila ang kanilang sarili upang manatili silang responsable sa kanilang mga desisyon kung ano ang gagawin o hindi gagawin. Ang pagdadahilan ay isang katangian ng isang tao na hindi ko gusto pero ito rin ang pinakakomon. Perhaps depending on culture but where I live, siyempre sa Pilipinas, it is very common to complain and people tend to make excuses for themselves. Most people do it without thinking or an awareness of the damage it causes on their personal growth. That person, who always makes excuses is trapped in their own mindset and limited potential.
NUMBER 11
NAG-IISIP SILA NG MABUTI
Kapag ang isang taong may mataas na determinasyon ay nagtatakda ng layunin para sa kanilang sarili, hindi nila ito ginagawa nang walang pag-iisip. Pinag-iisipan nila 'yon ng mabuti at inaaksyonan. But the downside is, not everyone is like that. And if you are dependent on other people, that can eat your nerves. So you create “backup” plans in case things might go wrong (which they sometimes do).
NUMBER 12
HINDI SILA NAWAWALAN NG PAG-ASA
Gumawa ka ng desisyon at higpitan mo ang iyong pag-asa na magtatagumpay ka sa mga desisyon mo. Be optimistic about your actions that it will become a prosperous one. Ignore some perceptions or odds against you over something and go ahead to do it and believe that things will be better off. Kung may goal ka, hindi ka dapat agad magpapaapekto sa mga nakapanghihinang problema. May mga sitwasyon na walang katiyakan. But keep holding on even when everything around tends to prove impossibility but believe your instincts against all those predictions.

Comments
Post a Comment