6 na Katangian ng Mapanlinlang na Tao By Brain Power 2177





Naka-encounter ka na ba ng mga taong mapanlinlang or manipulative pero nagpapanggap na mabait? Mayroon na ka na bang na-encounter na ganyang tao? 'Yan ang pag-uusapan natin sa videong ito.

Sa totoo lang, ang natuklasan ko tungkol sa mapanlinlang na mga tao ay hindi halata ang kinikilos nila o sobrang smooth ng galaw nila na halos imposibleng matukoy kung manipulator ba ang taong 'yon.

Alam mo ba kung bakit ganito ang ugali nila? Gagamitin nila ang kanilang technique, paiikotin ka nila o kokontrolin ka nila upang iwasan ang kanilang responsibilidad, upang itago ang kanilang tunay na intensyon. Ano ang mga tactics nila? Gaslighting, pagsisinungaling, paninisi, namumuna, at ipapahiya ka. Lahat ng negatibong tactics na 'yan ay maaaring makasira sa psychological well-being ng isang tao.

Ngayon ay pag-uusapan na natin ang 6 na katangian at asal ng mga mapanlinlang na tao na nagpapanggap na mabait.


NUMBER 1
NAGPAPAKABIKTIMA


Kung magtatanong ka kung bakit sila ganito, madali lang sagutin. Ang BIKTIMA ay katumbas ng INOSENTE. Ito ang dahilan kung bakit ang daming nagpapakabiktima para hindi sa kanila mapupunta ang galit ng mga tao. Kung nagpapakabiktima ang isang tao, ibig sabihin HINDI siya RESPONSABLE sa nangyayari o WALA siyang PANANAGUTAN. Naisip mo ba kung gaano ka-powerful o kalakas ng influence ng mga taong ito, di ba? Nagawa nilang paikutin ang mga tao at ang sitwasyon. Kapag nagpapabiktima ang isang tao, madali silang makalusot. Wala na silang kasalanan. Dahil taglay nila ang kadramahan. May paawa effect pa ang mga 'yan. Ang nasa isip ng mga taong ito, “Kung iniisip ng mga tao na inosente ako, kaya ko pang gumawa ng kahit ano at makakalusot pa rin ako dahil akala nila mabait akong tao.” Ganyan ang takbo ng isipan nila. Sabi ko nga kanina, hindi sila madaling mahalata. Ang nakakaawa lang, ang tunay na mga biktima ay karaniwang hindi nakikita at sila pa ang nagdurusa. Mas pinili nila ang manahimik kasi ayaw nila ng gulo. Kung magkaroon lang sana sila ng lakas ng loob na labanan ang mga manipulator sa simula pa lang, hindi sana sila naging mga kaawa-awang biktima ngayon, 'di ba? Alam mo ba kung paano mo sila ma-detect? The more someone proclaims one's victimhood, the higher the chance that someone is the abuser and not the actual victim. 'Yan lang ang obserbahan mo. Kung paano sila magsasalita na sila daw ang biktima. Mapapansin mo ang kaibahan sa tunay at pekeng galawan. Similarly, the more someone blames others of selfishness, the higher the chance that this very blamer is the selfish one. Sa madaling salita, kung sino yung palaging turo ng turo, sila pala yung abusado. Alam ko na nakuha mo na ang punto pero gusto ko lang na linawin na kapag magagawa mo ang anumang gusto mo nang hindi kailanman responsable sa 'yong mga aksyon — 'yon ang tunay na kapangyarihan! Kaya nagpapakabiktima ang mga narcissist kasi gusto nilang tingnan sila ng mga tao bilang inosente upang makalusot sa kanilang pang-aabuso. At gusto nila ng gano'ng kapangyarihan. Hawak nila ang mga tao e. Binabaluktot nila ang mga salita at nangga-gaslight pa. At sa kasamaang palad, epektibo ito sa kanila at taob ang taong tunay na biktima.


NUMBER 2
LOVE-BOMBING


Hindi ko pa naranasan ang love-bombing pero narinig ko na ang mga kwento mula sa mga taong nakaranas nito. May iba na nakakaalam kung ano ito at sa mga hindi nakakaalam, ang love bombing ay isang mapanlinlang na taktika na ginagamit ng ilang tao upang makakuha ng kontrol at impluwensya sa ibang tao. Sobra silang magbigay ng papuri, sobra silang magbigay ng atensyon, sobra silang magbigay ng regalo, upang maramdaman ng taong 'yon, yung nakakatanggap, na kakaiba sila at sobrang bait pa. Ginagawa nila 'yon hindi dahil mabait sila kundi para makalikha ng emotional bond. It can be a very damaging form of emotional manipulation and can lead to unhealthy relationships. Kung nakuha mo ang punto, parang masasabi mo na pareho ito sa love scam. Medyo. Pero ipapaliwanag ko, ang love bombing ay nakasasama sa mga biktima sa psychological na aspeto, ngunit sa romance scam o tinatawag nating love scam ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa pinansyal na aspeto. Gumagamit ang mga manloloko ng love scam upang makuha ang loob ng mga biktima bago sila hingan ng malaking pera o hingan ng kanilang financial information at personal information. Bakit ginagamit nila ang love bomb tactic? Kasi sila yung mga taong INSECURE. Idadaan nila sa sobrang pagbibigay ng atensyon, oras, bagay, etc. para makuha nila ang loob ng isang tao. Para mahalin sila. Wala kasi silang ibang ma-offer. So they decide to win the person they singled out through deception. By being as perfect as possible, by being thoughtful and attentive and reflecting the values of the person they want, ayaw kasi nila ng rejection. Ano ang mangyayari kapag nakuha ka na nila? Yung galawan nila sa umpisa, hindi mo na mararanasan. Ikaw na ngayon ang manlilimos ng atensyon, pagmamahal, etc. dahil doon ka nasanay. When a love bomber knows that you are enthralled and committed to them, they no longer feel a compulsive need to make you like them. Instead, they know you do, and they relax. At this point, the goal of love bombing is finished, their anxiety is relieved, and their other values and character traits can come out. Makikita mo na ang bad side nila. Kabahan ka na kung may ganito kang nakilala o manliligaw. Babae man o lalaki ay may kakayahang gumawa nito.


NUMBER 3
JOKE LANG NAMAN 'YON


Minsan ba'y iniinsulto ka ng isang tao tapos no'ng nagalit ka, sinasabi nila na JOKE LANG NAMAN 'YON. Ginagamit ng mga taong bastos ang PHRASE na 'yan bilang depensa para hindi ka magagalit sa kanilang pag-uugali. Kapag kasi nilagyan nila ng “JOKE” sa huli, mahirap ng tutulan ang ginawa nila kasi ikaw pa ang magmukhang masama dahil bini-big deal mo ang sinasabi nila na biro lang naman daw 'yon. And of course, there will be times when you get offended by something that really was intended as a joke and was not intended to be hurtful. This doesn’t apply in those instances. Hindi ka rin obligadong tiisin o tawanan na lang yung sinabi nila porket may JOKE sa dulo. Dahil dito, dapat mo na silang layuan dahil ang masaktan ay sapat na dahilan na 'yon at kung tunay mo silang kaibigan, igagalang ka nila upang hindi ka masaktan at kung totoong biro man 'yon tapos nasaktan ka, alam nila kung paano mag sorry at hindi na nila uulitin 'yon. Tandaan po natin na hindi lahat ng tao ay nakakasakay sa biro. Siyempre sasabihin mo, ang tunay na kaibigan naglalaitan, depende naman 'yon sa comfort level ng biro. Sabihin na natin na nagbabardagulan kayong magkakaibigan, hindi pa rin maiiwasan na may mga salita kayo o tayong mabitawan na hindi natin sinadya pero masakit na pala sa nakatanggap, 'di ba?


NUMBER 4
GAGAMITIN NILA ANG KAHINAAN MO


Kaya ang maipapayo ko sa 'yo ay 'wag na 'wag mong ipakita ang kahinaan mo sa sinuman kahit pa sa pinakamalapit sa 'yo. 'Wag mong gawing public ang buhay mo. Magtira ka rin para sa sarili mo. 'Wag mong gawing bukas na libro ang buhay mo. 'Wag kang maniwala kapag sinabi nilang hindi nila ipagsasabi sa iba ang mga nalalaman nila tungkol sa 'yo. 'Wag kang umasta na parang mahina dahil balang araw ay tatapakan ka nila at iiwan ka. Gagamitin nila ang mga kahinaan mo, ang mga insecurities mo, at ang dark side ng buhay mo kapag may galit na sila sa 'yo. People will press on your weakest points and that will teach you not to expose your weaknesses again to anyone.


NUMBER 5
PINAPARAMDAM NILA SA 'YO
NA IKAW ANG MALI


Ikaw ang mali, ikaw ang palaging may kasalanan. May kilala akong tao na ganito. Siya lahat ang nagvo-volunteer na gagawa ng isang bagay tapos ipinagsasabi niya sa iba na wala akong tinulong. Naging kasalanan ko pa. Akala natin mabuting tao kasi palaging nag-ooffer ng tulong tapos kinwento sa iba na wala ka daw pakinabang. Kung may tao sa buhay mo na ganitong ganito, lumayo ka na. 'Wag mong hayaan na gawin nila 'yan sa 'yo. Look inside yourself and if you know you've done the best you could, acted in good faith, have been kind, thoughtful and hardworking then any other person's opinions of you shouldn't matter. How you see yourself is what counts and at the end of each day as you go to bed you judge yourself to be good and that's all that matters. We cannot please everyone all of the time and don't let others make you think that's the case. They have to live with themselves as well and the only way some people can do this is to make other people think that they are lacking in some way. Bahala na kung ano ang sasabihin nila basta't alam mo sa puso mo na wala kang ginawang masama sa kanila.


NUMBER 6
MAPAGPANGGAP


Pretentious. Great pretender. Halimbawa first time kayong nag meet, madali mong ma-spottan na fake ang isang tao kapag umaasta siya na pareho kayo ng interes sa buhay. Hindi naman lahat. Pero mararamdaman mo ang negative vibes ng isang tao kung tunay ba siya o fake. Isa ito sa mga tactic ng manipulator. Madali silang makapasok sa buhay mo, madali mo silang pagbuksan, kapag sinabi nila na pareho kayo ng interest. Siyempre tao tayo at likas na sa ating na makikipag socialize at gustong gusto natin yung mga tao na ka-vibes natin. Pero hindi natin alam peke pala ang ipinapakita nila sa atin. But the question is bakit natin gusto ang mga taong ka-vibes natin? It's a complex thing. Maybe we just find it more fun to hang out with someone who shares our interests. May actual similarity at may perceived similarity, related ang dalawang ito but they're not exactly the same thing. Anyway, ang punto ko lang, alam na alam ng mga manipulator kung paano kontrolin ang utak mo. Alam kasi nila na kapag pareho kayo ng interest, mag-oopen up ka kaagad. An instant connection is formed. Manipulators know this, so they use it against you.

'Yan lang ang mga katangian o asal na napapansin ko sa mga manipulators. Alam ko na madaling maloko sa mga taong manipulator na nagkukunwaring mabait. Sana, sa pamamagitan ng videong ito, alam na natin ang galawan nila at mag-ingat tayo laban sa mga gustong kontrolin at samantalahin tayo.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177