Paano Maging Positibo Kahit Ang Dami ng Problema mo By Brain Power 2177
Mayroon po akong halimbawa na related sa topic natin ngayon. Sa nakikita niyo po ngayon. Isang white background at may napakaliit na maitim na tuldok. Pero kapag zino-zoom in natin ito, siyempre lumalaki. Kapag zino-zoom in pa natin 'yan may ilalaki pa 'yan. Kung ayaw natin itong pansinin, kung hindi tayo nakapokus sa tuldok na ito, parang wala lang, 'di ba? Hindi siya disturbo sa atin.
Katulad na katulad din ito ng problema natin. Kahit napakaliit ng ating problema, palagi natin itong zino-zoom in. Palagi tayong nakapokus sa problemang 'yon. Bakit sobrang bigat ng buhay mo ngayon? Dahil ba sa ginagawa ng ibang tao? Siguro minsan, 'di ba? Pero madalas kasalanan natin. Kasi masyado nating pinapansin ang problema na hindi na man big deal. Dahil sa palagi tayong nakapokus sa negatibong side ng buhay, sobra na rin tayong nahihirapan. Hindi na natin nakikita ang solusyon. Kaya ang maipapayo ko po sa inyo, 'wag po nating i-zoom in ang mga problema natin. Alam ko na hindi tayo pare-pareho ng problema. Valid na man ang emosyon mo. Pero ang punto ko lang ay ayokong mahirapan ka. Kasi kung ano yung pinagpokusan mo, lalaki 'yan. Kung ano yung iniisip mo palagi, ma-aattract mo 'yon. Kagaya rin ng positibo, kung lagi mo itong zino-zoom in, 'yan din ang lalaki. 'Yan din ang maa-attract mo.
Kapag nababalot ka ng negatibo, hindi mo makikita ang mga positibong nangyayari sa paligid mo. Kaya baguhin mo ang iyong pananaw. My dear friends, give yourself a break, okay? Taking a break can help you step back from a problem and avoid mental blocks. Hindi lang problema ang nasa buhay mo ngayon. Hindi lang mga pasakit. Hindi lang mga hamon sa buhay. Marami ring mabubuting nangyari na hindi mo napansin. O napansin mo pero mas mabigat pa rin para sa 'yo ang problema kaya binalewala mo ang blessings.
Kung marami kang utang, magpokus ka kung paano mo mababayaran. Magpokus ka kung saan mo gagamitin, sa wastong paraan, ang pera na inutang mo. Lawakan mo ang iyong pang-unawa. Kahit ang dami mong problema, sana ay mapansin mo rin na buhay ka pa rin ngayon. Think about it, many people die at a younger age. You should always be grateful of what time you have and what you have left because there’s no promise of tomorrow. Ang punto ko lang, habang buhay ka pa, may magagawa ka pa. Oo hindi rin matatapos ang problema habang buhay tayo. But isn't it amazing na may purpose tayo sa buhay? Kaya kahit napakarami mong utang, kahit pagod ka na sa kakatrabaho, kahit naiiyak ka na sa bigat ng buhay, sana mapansin mo rin na araw-araw kang gumising. Life is beautiful. No matter how tough life can get, it's still the best and wonderful gift a person can have. Life is a blessing. For sure may magco-comment na naman na kaya ko raw nasasabi ang mga ito dahil wala raw akong problema. May mabibigat din akong problema na dinadala ko ngayon pero walang nakakaalam. Problems approach us every single day in our life. Some are worse than others, but they are all one in the same. They are problems. Problems suck. Just about everyone agrees on that part. Problems make life more difficult, cause more problems and on top of that, they are pretty unpredictable. Pero 'wag nating katakutan ang problema. 'Wag tayong magpatalo. Dapat tayo ang nagkokontrol ng ating buhay, hindi ang mga problema natin.
Marami akong problema ngayon. Hindi pa rin stable financially. Napapagod din ako sa trabaho. Nauumay minsan sa takbo ng buhay. But do you know why I'm still happy? Kasi hindi ko 'yon tinitingnan bilang problema. Because for me, there are no problems. Only challenges. Parang laro lang, 'di ba? Marami tayong nilalaro, card games, board games, video games. We enjoy them because of the many challenges but we would never label the challenges as problems. Life is a game, full of challenges. Embrace challenges. And remember, the only problem we have is that life is not going how we think it should. So give up such expectations. Kaya nga hindi na ako nag-eexpect pero ginagawa ko pa rin ang lahat ng plano ko para sa ikakabuti ng aking kinabukasan pero ni-let go ko ang outcome.
Isipin mo lang lagi na marami mang hamon sa buhay, marami pa rin ang pagpapala. God blesses us even though we don’t deserve it. These blessings can be found in many areas of life, including spiritual life, circumstances, and practical needs. Tingnan natin at pansinin natin ang mga pagpapala. Count on all your blessings that God has so gratefully granted you, no matter how small it may seem now, because once you lose it, it is then that you tend to realize the actual worth of it. Kung gusto mong maging masaya, tanggalin mo ang malaking itim na tuldok na nakabara sa mata mo. Lumalaki ang tuldok na 'yan dahil zino-zoom in mo. Siguradong matatalo ka kung natakpan ng problema ang utak mo. Paano ka makakapag-isip ng maayos niyan? Nasa sa 'yo ang choice. Pwede kang maging masaya at pwede ka ring maging malungkot. Ikaw ang may hawak ng desisyon mo.
May nakita akong image na mas masaya pa ang tao na nasa 3rd place kaysa sa taong nasa 2nd place. Bakit kaya gano'n? Kasi yung nasa 3rd place, wala siyang expectations. Hindi nga niya iniisip na ma-3rd pa siya. Ini-enjoy na lang niya ang laro. Bakit hindi masaya ang taong nasa 2nd place e isang hakbang na lang, 1st place na siya. Kasi nabo-bother ang isipan niya dahil sa kakaisip sa nauna sa kanya. Hindi na siya nakapokus sa finish line. Nakapokus na siya sa taong nasa harap niya. Kita mo ba ang diperensya? Nasa ugali mo 'yan. Nasa pananaw mo 'yan. Kung gusto mong magbago ang buhay mo, baguhin mo ang pananaw mo. Baguhin mo ang pag-uugali mo. Sometimes, we just have to deal with the fact that life doesn’t always go our way, we just have to remain positive. As I've said, let's not take these blessings for granted. Matuto tayong magpasalamat sa Diyos at doon tayo makakaramdam na tayo'y panalo na sa buhay. Nagiging masaya ang tao hindi dahil sa mga bagay na nakamit niya kundi kahit wala siya ng mga bagay na 'yon, nagpapasalamat siya sa kung anong mayroon siya ngayon. Kaya yung maliit na tuldok na hinalimbawa natin kanina, 'wag niyong i-zoom in 'yon. 'Wag niyong i-zoom in ang problema upang makita mo rin ang solusyon. Take a step back. Taking a step back means withdrawing from something to gain clarity and to gain an understanding of the bigger picture. When you take the time to do this, it allows you to move forward in the right direction. If you are too focused on your problems, it can create stress and anxiety, which leads to breakdowns.
Alam ko kung gaano kahalaga ang pera. Mahirap maging masaya kung walang pera. Money can contribute to happiness, but it's not the only factor that determines how happy someone is. Real talk 'yan. Maaaring hindi alisin ng Diyos ang ating problema. Pero babantayan, o iingatan, Niya ang ating kakayahang pangkaisipan bilang sagot sa ating panalangin. Matapos manalangin, baka mapag-isip-isip nating mapanganib pala kung magpapadaig tayo sa kabalisahan. Iba din kasing mag-isip ang mga tao e. Gusto maging mayaman kaagad. Lahat na man tayo gusto maging gano'n. Sa kabilang banda, kung positibo tayo, maitutuon natin ang ating isip sa mga bagay na magpapagalak sa atin. Kapag nagkaproblema tayo, huwag na huwag nating ihihinto ang ating magandang kaugalian sa pagsamba. Sa katunayan, panlaban sa lungkot ang kasiya-siyang mga gawain. Sinasabi sa atin ng Diyos na masisiyahan tayo sa regular na pagbabasa at pag-aaral ng Kaniyang Salita.
Maraming ibinibigay sa atin ang Diyos na nagdudulot sa atin ng kagalakan. Ang pangako Niyang ililigtas tayo ay talagang nagpapasaya sa atin. (Awit 13:5) Anuman ang nararanasan mo ngayon, alam nating gagantimpalaan ng Diyos ang mga marubdob na humahanap sa Kaniya. 'Wag po tayong magpapatalo sa negativity. Alam niyo po na makapangyarihan ang ating isipan. Kung ano ang inaalala mo, 'yon din lagi ang susulpot sa buhay mo. Kapag nakapokus ka sa sakit, lalo kang magkakasakit. Lalo kang manghihina. Kung ano yung iniiwasan mo, 'yon pa ang lagi mong makikita. Tama si Deepak Chopra, sabi niya:
“Whatever you put your attention on becomes energized. Whatever you take your attention away from dwindles.”
So try to fill your awareness with various things that brighten your mood. When was the last time that you have faith in good things? Marahil sasabihin mo, nag-isip na man ako ng positibo pero negatibo pa rin ang nangyayari. Nag-iisip ka nga ng positibo pero hindi ka nagpokus sa positibo. Minsan hindi rin darating agad ang magandang inaasahan mo.
“Ang masayang puso ay mabisang gamot, Pero ang pagkasira ng loob ay nakauubos ng lakas.” — Kawikaan 17:22
Sa ibang salita, malaki ang nagagawa ng pananaw! Ang pagiging negatibo ay uubos ng lakas na kailangan mo para maayos o maharap ang iyong sitwasyon. Kapag lagi kang negatibo, ‘mapipighati’ ka at laging “masama,” o malungkot, ang araw mo. Pero kapag nakapokus ka sa mga bagay na positibo, magkakaroon ka ng “mabuting puso” at magiging masaya pa nga. Nasa iyo ang pagpili. Ingatan mo ang iyong pananaw gaya ng pag-aalaga mo sa isang hardin. Bunutin ang mga mapanirang damo ng pagiging negatibo. Magtanim ng mga binhi ng pagiging positibo, at lagyan ng pataba ang iyong buhay sa pamamagitan ng mga gawaing magpapasaya sa 'yo. Mag-aani ka ng positibong mga bunga na magpapaligaya sa buhay mo. At patutunayan nito na talagang malaki ang nagagawa ng pananaw!
Follow me

Comments
Post a Comment