6 na Negatibong Epekto ng Sobrang Panonood ng TV By Brain Power 2177





Sino sa inyo ang walang TV sa bahay? Halos lahat mayroon. Siguro mga 90% may TV, no? Hindi naman masama ang TV. Makakatulong pa nga. May malaking potensyal pa nga ito na makapagbigay benepisyo sa sangkatauhan. Maaari nitong ipakita sa manonood ang paraan ng pamumuhay, mga kalagayan na nakakaapekto sa mga sa malalayong lugar at marami pang iba na makukuhanan natin ng aral.

May mga entertainment din tayong makikita at educational. May mga drama, musika, may concert din na mapapanood, may series na sinubaybayan ng marami. Ang ilang mga bansa ay gumagamit ng TV upang bawasan ang kanilang illiteracy rate. Natuklasan nila na ito ay isang epektibong kasangkapan upang sanayin ang mga tao para sa mga trabaho kung saan walang sapat na mga kwalipikadong guro. At ang mga presentasyon sa telebisyon ay nilagay sa videotape para mapanood nila ang video ng paulit-ulit.

Ngunit ang telebisyon ay isang simpleng paraan ng komunikasyon lamang. Kung makikinabang ka nang personal ay nakadepende sa uri ng mga programang pinapanood mo. Maraming tinig ang umalma laban sa mababang kalidad ng maraming programa sa telebisyon.

Pero nang dahil sa kakapanood ng TV, minsan naaapektuhan tayo sa negatibong paraan. Maraming bagay na lumalabas sa telebisyon ang nag-uudyok sa manonood na magkaroon ng pagnanasa para sa mga materyal na bagay na maaaring walang gaanong praktikal na halaga. Maraming patalastas ang dinisenyo upang gustuhin ng mga tao ang mga bagay na hindi nila kailangan, o hindi nila kayang bilhin, o talagang walang pagkakaiba sa mga produktong mayroon na sila. At isipin mo ang epekto ng mga commercials na nagpapalakas ng pagnanasa ng mga tao sa patuloy na pagkain ng mga cake, biscuits, soft drinks, at iba pang matatamis na pagkain. Commercials ang isa sa mga dahilan kung bakit naging materialistic ang mga tao at naging unhealthy ang lifestyle ng mga tao. May mga commercials naman na healthy foods ang ipinapakita pero mas naaakit tayo sa unhealthy foods, 'di ba? Siguradong sasabihin mo, “palabas sa TV ang pinag-uusapan natin e bakit napunta sa commercials?” Kasama na 'yon. Walang palabas kung walang commercial. Katulad rin ng walang content creator kung walang ads na lumalabas sa video. Anyway, ang trend ng TV patungo sa "bagong moralidad" ay isa ring nakakalungkot na bagay. Napansin mo ba na ang palabas ay may kasama ng halikan at sexual immorality. Sa bawat intro ng palabas ay may MTRCB RATINGS or Movie and Television Review and Classification Board ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na responsable para sa klasipikasyon at pagsusuri ng mga programang telebisyon, pelikula, at mga home video.

May General Patronage/General Audience, Parental Guidance, Strong Parental Guidance, Restricted-13, Restricted-16, Restricted-18, at X (not for public exhibition). Kahit anong ratings man 'yan, hindi pa rin palaging masubaybayan ng mga magulang kung ano ang pinapanood ng kanilang mga anak. Kahit nga SPG ay pinapanood na ng mga bata e. Kalat na ngayon ang mga palabas tungkol sa adultery. Paulit-ulit nating napapanood ang palabas tungkol sa mga kabit. Ipinapakita ng programang ito na ang sekswal na imoralidad ay isang paraan ng pagtakas upang maiwasan ang mga probelema ng mag-asawa. Ang isang di-masusing manonood ay madaling makabuo ng pakiramdam ng pagkakakilanlan sa mga karakter na nakikita niya at maaaring maghanap siya ng katulad na solusyon sa kanyang sariling mga problema. In short, magko-commit na rin siya ng adultery. How unwise to expose oneself to such dangers in view of God’s stated position on sexual immorality as found, for example, at 1 Corinthians 6:9, 10:

“Huwag kayong magpalinlang.
Ang mga imoral, mangangalunya,
ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.”

Pero kahit nasa tamang edad ka, kasi sabi ng iba, “nasa tamang edad na ako, alam ko na kung paano kontrolin ang sarili ko.” Totoo at natutuwa ako na nakokontrol mo ang sarili mo. Pero maaapektuhan ka pa rin ng tema, karahasan, sexual at horror na pinapanood mo nang hindi mo napapansin. Hindi lang 'yan. May mga comedy shows rin na madalas na nagtatampok ng mga hindi angkop na biro at pwede yung gayahin ng mga tao na okay lang palang magbiro ng gano'n.

Siyempre, hindi lahat ng mga programa sa telebisyon ay ganitong uri na hindi kanais-nais. At kapag may lumabas na nakaka-offend o mga kabastusan sa screen, mayroon kang kalayaan na lumipat sa ibang channel, o patayin ang iyong telebisyon. Ang uri ng mga palabas sa TV na pinapanood mo ay nakasalalay sa 'yo. Kung mapili ka, makikinabang ka sa telebisyon.

Ginugugol natin ang maraming oras sa harap ng TV nang hindi natin namamalayan kung gaano karaming oras ang nasasayang. Bilang karagdagan sa mga problema sa kalusugan, lalo na ang mga may kaugnayan sa mata, ang labis na oras na ginugugol sa panonood ng TV ay maaaring magdulot ng maraming iba pang mga problema. Evidence suggests that watching most of the TV programs available is harmful to the frontal lobe. The frontal lobes are located directly behind the forehead. The frontal lobes are the largest lobes in the human brain. Ano ang mga negatibong epekto ng sobrang panonood ng TV?

NUMBER 1 Ang panonood ng TV nang matagal ay maaaring magkaroon ng hypnotic effect, na nilalampasan ang filter ng frontal lobe sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapalit ng mga imahe at eksena sa karamihan ng mga programa; kaya't nababawasan ang cognitive capacity. Hindi ka na makakapag-isip ng maayos. Halos lahat ng nakikita mo ay madali mong pinaniniwalaan dahil wala ka ng reasoning o critical thinking. Minsan nagiging makakalimutin ka na.

NUMBER 2 Pumupukaw ito ng pagnanasa na sa sexual.

NUMBER 3 Nagiging agresibo ang isang tao at may marahas na ugali.

NUMBER 4 Siyempre made-depress ka.

NUMBER 5 Nang dahil sa panonood ng TV, nakakalimutan mo na ang mga mahahalagang gawain.

NUMBER 6 Siyempre maaapektuhan ang iyong spiritwal.

Marahil ngayon, ang telebisyon ay hindi na ganoon kalaking tukso. Kasi? Mayroon tayong mas maliliit na screen na tinitingnan. Maliit na screen pero sobra pa ang negative effects kaysa sa TV. Ano ito? Ang mga mobile phone, tablet o computer, lahat ng mga ito ay mas masahol pa kung gagamitin mo sa negatibong paraan. Using them everyday, we lose more time than we realize. Remember that you can spend your days however you want, but you can never undo wasted time. Kung gusto po ninyong i-topic natin kung ano ang epekto ng social media, pag-uusapan po natin 'yan sa susunod na video.

Malinaw na ang telebisyon, kahit na may malaking potensyal para sa kabutihan, ay maaaring maging banta kung wala kang pagpipigil sa sarili. Isang malaking kapinsalaan ay ang madaling pag-access nito sa isang pindot lamang ng switch na maaaring magdulot sa marami na mag-aksaya ng malaking oras sa harap ng TV. Habang ang kaunting aliw o libangan ay kapaki-pakinabang, ang labis nito ay madalas na may masamang epekto. Nakakaadik ang TV. Certainly you don't want this to be your experience with TV, right?

Ang telebisyon, bilang isang medium ng impormasyon, edukasyon at libangan, ay maaaring makabenepisyo sa 'yo at sa 'yong pamilya. Pero mag-ingat ka, baka ikaw ang kokontrolin nito. Maging mapili sa mga pinapanood mo; siguraduhin mo na ito ay nakakatulong, hindi nakakapinsala, sa pagkakaisa ng pamilya at sa sarili mo mismo. At maingat na i-regulate ang oras na inilaan sa panonood ng TV. Sa ganitong paraan, ang epekto ng TV sa 'yong buhay ay maaaring magdala ng mga benepisyo.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177