3 Uri ng mga Kaibigan na Wala Dapat Puwesto sa Buhay mo By Brain Power 2177
Ang kaibigan ay isang mahalagang elemento sa tagumpay o kabiguan ng isang tao. Ano ang ibig kong sabihin? Kung peke ang kaibigan mo, babagsak ka. Kung tunay ang kaibigan mo, sila ang tutulong sa 'yo na magtagumpay ka sa buhay. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mahalagang kilalanin mo kung sino ang tunay at pekeng kaibigan sa buhay mo.
Ito ay isang karaniwang paniniwala na ang isang tao ay maaaring husgahan batay sa kanilang mga kaibigan, basically kung sino ang mga nakapalibot sa kanya. May quote na nabasa natin noon pa, kung 5 kayong magkakaibigan tapos 4 doon ang negatibo, sigurado na ikaw ang pang lima. 'Yan ang ibig sabihin na huhusgahan ka ng mga tao batay sa mga taong nakapalibot sa 'yo.
Kaya't ang isang mabuting kaibigan ay isang tao na nag-aalok ng higit pa sa isang magandang katuwaan. Darating sila sa buhay mo na may mga rekomendasyon at may magagandang payo para gawing mas mabuti ang buhay mo, rerespetuhin ka nila, mananatiling tapat sa 'yo at hindi rin sila judgmental.
Ang lahat ng mga katangiang ito ay bumubuo sa isang mabuting kaibigan na napakahirap hanapin sa panahon ngayon. Sa kasamaang palad, mas karaniwan na ngayon ang mga pekeng kaibigan.
Napakahalaga na ma-identify ang isang mabuting kaibigan. Ngunit mahalaga rin na maging aware ka sa mga pekeng tao. Hindi basehan ang hitsura kasi ang hitsura ay maaaring maging deceptive at madali lang ding pekein ang sarili. Magsusuot lang ng magagandang damit, akala mo na kaagad matinong tao na. Magsasalita ng banayad, akala mo na mabuting tao na.
Ang mga problemang maaaring lumitaw dahil sa ganitong mga kaibigan ay maaaring hindi agad makita. Ngunit ang mga unhealthy friendships ay magkakaroon ng negatibong epekto sa buhay mo.
Madaling sabihin na madaling ma-identify ang pekeng kaibigan. Pero kapag kaharap mo na, hindi mo na sila makilala. Gayunpaman, may tatlong uri ng mga pekeng kaibigan na hindi dapat maging bahagi ng iyong buhay. Ang mga pekeng kaibigan na ito ay:
NUMBER 1
KAIBIGAN NA MAKASARILI
Lahat tayo ay may mga problema sa buhay at kadalasan ang mga kaibigan ang nilalapitan natin kapag may mga isyu na kailangang lutasin. Ang tunay na kaibigan ay nananatili sa tabi mo at nag-ooffer ng tulong na kailangan mo upang makalabas ka sa mahirap na sitwasyon.
Gayunpaman, posible rin na makatagpo ka ng mga kaibigan na may makasariling pananaw. Mayroong kaunting pagkakaiba sa pagitan ng pagiging makasarili palagi at pagiging makasarili sa ilang pagkakataon. Kasi hindi naman sa lahat ng oras ay nasa tabi tayo ng isang tao. Pwedeng wala tayo sa ilang pagkakataon pero hindi ibig sabihin na peke na tayo. Pero kung palagi na lang wala, iba na ang ibig sabihin nun.
Ang mga makasariling kaibigan na hindi nag-aalok ng tulong sa mga oras ng pangangailangan ay nabibilang sa kategorya ng pekeng kaibigan. Ito na siguro ang isa sa mga signs na madaling ma-identify na peke ang isang tao. But in most cases, hindi agad lalabas ang ganitong ugali. Kaya sa umpisa ay hindi mo ma-identify. Kaya naman mahalagang matukoy ang kaibigan na palaging makasarili.
Ang kanilang pang-araw-araw na pag-uugali ay maaaring magpahayag ng katangiang ito. Ang pinakakaraniwan ay ang mga kaibigang ito ay madalas na sinusubukang gawing sentro ng atensyon ang kanilang sarili. Mahilig sila sa magagandang papuri at pinupuri din nila ang iba pero yun nga lang, madalas ay hindi sila nagbibigay ng respeto pabalik. Gusto nila na sila ang respetuhin.
Bukod dito, madalas na walang laman ang mga papuring sinasabi nila. Ito ay simpleng paraan lamang nila upang makakuha ng espesyal na pagtrato bilang response. But deep within, madalas na itinuturing ng mga makasariling taong ito ang kanilang mga kaibigan bilang pangpadagdag lang ng confidence sa kanilang sarili.
NUMBER 2
KAIBIGAN NA MANDARAYA
MANDARAYA, CHEATER, MANLOLOKO. Pareho lang ang meaning niyan. This is a category which may even include a friend who has been a true companion in the past. Ang kalupitan at kasamaan ng karakter na ito ay maaaring makaapekto sa pinakamatapat na kaibigan sa ilang pagkakataon. I mean madadamay ang lahat ng loyal dahil lang sa isang cheater. Sabihin na natin na hindi ka pa niloko, hindi pa nila nagawa sa 'yo, gayunpaman, ang intensyon pa lang nila ay sapat na upang magdulot ng trust issues. Sabihin na natin na wala pa silang intensyon ngayo pero noong nalaman mo na nagloko na sila noon, makakaapekto pa rin ito sa 'yo ngayon.
Hindi tulad ng ibang mga relationship kung saan may mas malalim na koneksyon, ang pagkakaibigan ay higit na umiikot sa isang pagkakaibigan na mapagkakatiwalaan. Kapag ang tiwala ay nasira, nagiging mahirap itong ayusin muli.
Gayunpaman, posible na umiwas sa mga ganitong cheater – kahit naging tunay sila at tapat sa nakaraan. Pero hindi ko naman sinasabi na i-cut mo na kaagad ang friendship ninyo. Ngunit kailangan mong magtakda ng healthy boundaries kung nais mong maiwasan na maloko sa hinaharap.
Ang isang pekeng kaibigan ay maaaring magpasya na manloko o mandaya dahil sa kanilang kasakiman o iba pang masasamang motibo. Posible na hindi mo lang alam ang mga unhealthy behaviors sa paligid mo. Kasi minsan natatabunan ito ng pagmamahal. Nakakabulag ang pag-ibig kaya hindi mo makikita ang masamang motibo ng tao at kung nakikita mo man, binabalewala mo lang dahil sa pagmamahal. Madalas, ang mga pekeng kaibigan ay tumitingin sa mga benepisyong pinansyal. Hindi ibig sabihin na kapag marami ka lang pera. Kahit maliit lang na halaga tapos alam nilang mabuti ang kalooban mo, magti-take advantage ang mga 'yan sa kabutihan mo. As long as na may makukuha sila sa 'yo, didikit ang mga 'yan.
Mayroong paraan na man upang harapin ang kaibigang mandaraya o manloloko. In most cases, posible pa ring maging magkaibigan kayo kung magagawa mong limitahan ang comfort level mo sa kanila. I mean, yun bang hindi ka na didikit masyado dahil alam mo ng niloko ka. Otherwise, you may have to do away with the friendship as a whole.
Maraming tao ang naniniwala na ang tiwala ay hindi na maibabalik o maayos kapag ito ay nawasak na. Mayroon ding popular na paniniwala na ang isang cheater ay laging cheater.
Ang mga pekeng kaibigan na nanggugulang o nagchi-cheat ay magbibigay din ng mga bagay na gusto mong marinig kaysa sa makabuluhang payo. Ang ibig kong sabihin, hindi sila yung mga tao na itutuwid ka. Sasabihin lang nila yung mga bagay na mas masarap pakinggan. Nakuha mo ba ang punto ko? This makes them selfish and in most circumstances, it is best to stay away from such characters.
NUMBER 3
KAIBIGAN NA MAPANLINLANG
Isa sa pinakamasamang katangian na mayroon sa isang kaibigan ay ang mapanlinlang na pag-uugali. Ang mga pekeng kaibigang ito ay papasok sa buhay mo na may iba't ibang pahayag o kilos na naglalayong baguhin ang iyong pag-uugali – madalas nang walang babala.
Ang mga ganitong mapanlinlang na pag-uugali ay makikinabang lamang ang pekeng tao. Susubukan din ng taong ito na ipaniwala sa 'yo na nasa tamang landas ka. Ito ay isa sa pinakamasamang katangian dahil maaaring mahirapan ang biktima na tanggapin na sila ay minamanipula once it goes beyond a certain stage.
Ang pagkakaibigan sa isang mapanlinlang na tao ay magdudulot lamang sa 'yo ng malalim na pagsisisi at masasayang lang ang mga opportunity. Ang mapanlinlang na pag-uugali ay tiyak na isa sa mga pinaka-mapanganib na katangian ng isang pekeng kaibigan. They can make you move in the direction that they want. Maaari itong magkaroon ng seryosong epekto sa buhay mo dahil maaari kang masaktan hindi lamang sa pinansyal na aspeto.
Madalas, ang pekeng kaibigan ay kumikilos nang ganito in order to make their climb up the social ladder. Ang mga ganitong pekeng kaibigan ay may maraming mga pakana upang manipulahin at lokohin ka para matupad ang kanilang layunin.
Ang mga humaharap na sa ganitong mga pag-uugali ay alam na na ang mapanlinlang na pekeng kaibigan ay hindi mapagkakatiwalaan sa anumang pagkakataon. Ang ganitong uri ng kaibigan ay bigla na lang mawawala kung naabot na nila ang kanilang layunin dahil hindi ka na nila kailangan.
For these reasons, kailangan mong tukuyin ang mga mapanlinlang na pekeng kaibigan sa lalong madaling panahon dahil ang ganitong uri ng tao ang pinaka-mapanganib sa listahang ito. Isang pag-aaral noong 2016 ang nag-ugnay ng manipulasyon sa kakulangan ng mahahalagang katangian ng pagkakaibigan tulad ng kakayahang ipahayag ang mga personal na damdamin at saloobin, pagbibigay ng aliw kapag kinakailangan, o simpleng pagiging masayang kasama. Kulang sila ng gano'ng mga bagay.
Ang mga kaibigan ay maaaring maging pinakamalaking yaman sa buhay ng sinuman, ngunit maaari rin silang magdala ng problema kapag nakipagkaibigan ka sa mga taong nagnanais na samantalahin ka.




Comments
Post a Comment