6 na Negatibong Epekto ng Sobrang Panonood ng TV By Brain Power 2177
Panonood ng TV — May Negatibong Impact sa Buhay mo Sino sa inyo ang walang TV sa bahay? Halos lahat mayroon. Siguro mga 90% may TV, no? Hindi naman masama ang TV. Makakatulong pa nga. May malaking potensyal pa nga ito na makapagbigay benepisyo sa sangkatauhan. Maaari nitong ipakita sa manonood ang paraan ng pamumuhay, mga kalagayan na nakakaapekto sa mga sa malalayong lugar at marami pang iba na makukuhanan natin ng aral. May mga entertainment din tayong makikita at educational. May mga drama, musika, may concert din na mapapanood, may series na sinubaybayan ng marami. Ang ilang mga bansa ay gumagamit ng TV upang bawasan ang kanilang illiteracy rate. Natuklasan nila na ito ay isang epektibong kasangkapan upang sanayin ang mga tao para sa mga trabaho kung saan walang sapat na mga kwalipikadong guro. At ang mga presentasyon sa telebisyon ay nilagay sa videotape para mapanood nila ang video ng paulit-ulit. Ngunit ang telebisyon ay isang simpleng paraan ng komunikasyon lamang. Kung makikin...