Posts

Good Things Will Happen When You're Alone By Brain Power 2177

Image
Maging masaya kahit nag-iisa Photo by  Andrea Piacquadio  from  Pexels Sa panahon ngayon, bihira ka na lang makakita ng mga taong gustong mapag-isa. Sa modernong panahon, halos lahat ng mga taong nakikita mo ay nakikipaghalubilo na lang sa kung sino-sino. Mapa-personal man, tawag sa phone o chat sa online, expose na ang mga tao sa digital na mundo. Hindi ko naman sinasabi na ito'y masama. Mas nakakatulong pa nga, dahil tayo'y mga social creatures. Dito natin malalaman kung sino y'ong tunay at peke, sino y'ong mapagkakatiwalaan natin, sino y'ong tunay na nagmamahal sa 'tin, at kung sino y'ong tunay na sumusuporta. Dahil sa nadadala na tayo sa modernong panahon, nakakalimutan na natin kung paano natin dalhin ang ating sarili kung tayo'y nag-iisa. Kaya napakaimportante na mahalin mo ang iyong sarili dahil hindi sa lahat ng oras may kasama ka sa buhay at hindi sa lahat ng pagkakataon may tutulong sa 'yo. Kapag gusto mong mapag-isa, ito ang mangyayari sa ...

Don't Give Yourself Too Much By Brain Power 2177

Image
Magtira ka rin para sa sarili mo Photo by  Pavel Danilyuk  from  Pexels Hindi ko na kikwestyonin kung bakit sobrang bait mo at kung bakit sobrang mapagbigay mong tao. Dahil nagmula 'yan sa malambot mong puso. Pero ang gusto ko lang ipayo sa 'yo, samahan mo lang ng tamang pag-iisip. Ibig kong sabihin, dapat alam mo kung KAILAN ka dapat magbigay, kung ANO ang ibibigay mo, at kung SINO ang bibigyan mo. Kung alam mo 'yan, hindi ka basta-bastang maubos. At ang masakit, iti-take advantage pa ang kabutihan mo. May ibang tao na sobrang mapagbigay. May ibang tao rin hindi nagbibigay, puro tanggap lang. Kahit kabutihan naman ang dulot ng pagbibigay, kapag sumobra naman, may mangyayari ng hindi maganda. Hindi ko naman sinasabi na masama ang magbigay. Biblical din 'yon. Pero sabi ko nga kanina, dapat samahan mo ng tamang pag-iisip. Hindi ko rin sinasabi na PERA lang ang pwedeng ibibigay mo, kasama na dito ang iyong ORAS at ATENSYON . Napakasarap naman sa feeling kapag nagbigay tayo...

Make Yourself Mentally Strong By Brain Power 2177

Image
Lumaban ka pa rin kahit nahihirapan ka na Photo by  Kampus Production  from  Pexels Gusto mo na bang sumuko? Kung gusto mo na, hindi ba masasayang ang mga inumpisahan mo? Marami na rin ang nagtatanong sa 'kin kung paano iangat ang buhay kung sukong-suko ka na. Dalawa lang ang sagot ko. Magtiwala ka sa diyos at magtiwala ka sa sarili mo. Nakakaranas na rin ako ng matinding pagsubok sa buhay at posibleng makakaranas pa ako. Hindi mo alam kung ilang gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip ng aking kinabukasan. Hindi mo alam na nawalan ako ng pag-asa noon. Hindi mo alam kung ano ang mga pinaghuhugutan ko sa buhay. Maraming tao ang nakakakita ng magandang resulta. Hindi nila alam kung ano ang paghihirap ko para makamit ko ito. Iniisip nila na hindi pa ako nakaranas ng stress sa tanang buhay ko. Mali. Ang buhay ang paborito kong guro. Tinuturuan ako ng buhay ng maraming bagay. Kaya ngayon alam ko na, at gusto kong ibahagi sa 'yo, na ang paghihirap mo ngayon, basta't magpatuloy k...

Don't Lose Hope By Brain Power 2177

Image
Huwag kang mawalan ng pag-asa Photo by  Lukas  from  Pexels Kapag ramdam mo na wala ka ng pag-asa, ang hirap magpaka POSITIBO . Ganyan na talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng oras ay maayos lang ang lahat. May mga araw na mahihirapan ka talaga. Mapapagod ka. Mawawalan ka ng ganang magpatuloy. Palagi ka na lang nabibigo. Minsan nga hindi mo maiintindihan kung anong nagawa mong mali kung bakit ikaw lang ang pinapahirapan ng panahon. Maraming tumatakbo sa isip mo. Pakiramdam mo wala kang kwenta sa mundong 'to. Pakiramdam mo nawawala ka sa tamang landas. Pakiramdam mo ang liit-liit mo sa mundong 'to. Nawawalan ka ng pag-asa. At ang mas masakit pa, walang makakaintindi sa nararamdaman mo. Nagsasawa ka ng humanap ng paraan. Minsan nagsasawa na ang mga kaibigan mo sa kakapakinig ng mga problema mong hindi mawala-wala. Mahirap pasayahin ang sarili kung lagi na lang ganito, 'di ba? May mga tao namang gustong tumulong sa 'yo, sinubukan ka nilang intindihin. Pero bakit hindi mo pa ...

7 REASONS Why Silence Is Golden By Brain Power 2177

Image
Mas mabuti pang manahimik na lang Photo by  Sound On  from  Pexels Normal lang naman magsalita. Ngunit minsan ang katahimikan ay may dulot na magandang resulta. Ika nga, SILENCE IS GOLDEN . Tama, 'di ba? Minsan ang katahimikan ang tanging solusyon para hindi na lumubo ang argumento. Minsan kasi kapag sumubra na ang pagsasalita mo, may masasabi kang hindi maganda na hindi mo napapansin. Ito kasi ang prinsipyo na sinusunod ko. For me, WORDS ARE SACRED . It is not just a sound to communicate to someone, it is a VIBRATION that you send out to the Universe. Sa tuwing magsasalita tayo, hindi lang mga salita ang binibigkas natin. Ipinapahayag din natin ang TONO ng mga salitang 'yon, kasama na doon ang PITCH , ang EMPHASIS at ang ating EMOSYON . Kaya kahit may 2 magkaparehong salita pero magkakaiba ito ng kahulugan. And it is not the word itself but the intent behind it. Kaya ito na ang 7 RASON kung bakit minsan mas mabuti pang manahimik na lang kaysa sa sumagot o tumugon. NUMBE...

Don't Tolerate These 10 THINGS By Brain Power 2177

Image
Huwag mong palagpasin ang mga bagay na ito Photo by  Karolina Grabowska  from  Pexels Gusto mo ba ng positibong buhay? Siyempre tayong lahat gusto natin. Gusto nating tanggalin ang lahat ng negativity sa buhay natin. Gusto lang natin ng positive lifestyle, 'di ba? Kung gayon, dapat lumayo din tayo sa mga taong toxic at baguhin din natin ang ating mga toxic habits upang mas gumaan ang ating buhay. Ngayon malalaman mo kung ano ang 10 bagay na ito na hindi mo dapat hinayaang manatili sa buhay mo. NUMBER 1 PEOPLE PLEASER Tanggalin mo na ito sa buhay mo. Wala namang masama kung nagpapakita ka ng kabutihan sa lahat. It's a valuable trait. Pero kung ginagawa mo 'yan para lang mapa-impress ang iba, yun bang pinipilit mo lang 'yon para magustuhan ka lang, 'yon ang malaking kamalian. A lot of people-pleasers consciously choose to act this way because they are afraid of upsetting others. Ayos naman kung gan'on, 'di ba para iwas sa gulo pero kung ito'y magtatagal, h...

You Don't Need Anyone But Yourself By Brain Power 2177

Image
Sumulong kang mag-isa Photo by  Tamar Willoughby  from  Pexels 'Wag kang matakot sumulong kahit mag-isa ka lang. Alam kong napakahirap pero kayanin mo pa rin. Ang daan patungo sa tagumpay ay napakahirap. Puno ng mga struggles. Puno ng kalungkutan. Mahalaga rin na minsan mapag-isa ka upang mas lalo mo pang makilala ang tunay mong pagkatao. Upang malaman mo pa ang totoo mong potensyal. Kita mo naman ang agila, 'di ba? Siya ang pinakamalakas sa himpapawid. Napaka-independent. Kahit mag-isa ka, sumulong ka pa rin. Magpakatatag ka. Sarili mo na lang ang maaasahan mo. May mga tao na hindi kayang lumakbay mag-isa. Nangangailangan sila ng ibang tao para maging buo. Palagi silang nangangailangan ng atensyon, ng pansin, para manatiling mabuhay. Mas magiging malinaw ang kaisipan mo kung mag-isa ka lang. Lalong magulo ang isipan kung palagi kang naghahangad ng atensyon sa ibang tao. Hindi mo kailangang magpapansin. Hindi mo kailangan ng atensyon nila. Sapat na kung ikaw ang magbibiga...