7 REASONS Why Silence Is Golden By Brain Power 2177


Photo by Sound On from Pexels

Normal lang naman magsalita. Ngunit minsan ang katahimikan ay may dulot na magandang resulta. Ika nga, SILENCE IS GOLDEN. Tama, 'di ba? Minsan ang katahimikan ang tanging solusyon para hindi na lumubo ang argumento. Minsan kasi kapag sumubra na ang pagsasalita mo, may masasabi kang hindi maganda na hindi mo napapansin. Ito kasi ang prinsipyo na sinusunod ko. For me, WORDS ARE SACRED. It is not just a sound to communicate to someone, it is a VIBRATION that you send out to the Universe. Sa tuwing magsasalita tayo, hindi lang mga salita ang binibigkas natin. Ipinapahayag din natin ang TONO ng mga salitang 'yon, kasama na doon ang PITCH, ang EMPHASIS at ang ating EMOSYON. Kaya kahit may 2 magkaparehong salita pero magkakaiba ito ng kahulugan. And it is not the word itself but the intent behind it. Kaya ito na ang 7 RASON kung bakit minsan mas mabuti pang manahimik na lang kaysa sa sumagot o tumugon.


NUMBER 1
HINDI LAHAT KAILANGANG TUGUNAN


Marahil ay maitatanong mo,

“Paano kung iniinsulto ako? Hindi na ba ako sasagot?” Mananahimik na lang ba ako?”

Bago ko 'yan sagutin, gusto ko lang malaman mo, sa bawat komunikasyon, 55% doon ay body language mo, 38% ang tono ng boses mo, 7% lang ang mga salita. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? Halimbawa, galit na galit ka sa partner mo, tapos tinalikuran ka lang habang nagsasalita ka pa, hindi ba't magagalit ka ng sobra? Bakit ka magagalit e hindi naman siya sumasagot sa 'yo? Kasi ang katahimikan ng partner mo ay 'yon na ang sagot niya. 55% 'yon. 'Yon ang ipinapakita ng kilos niya. Body language. Kung ini-ignore ka ng tao, masasaktan ka, 'di ba? 'Yon na ang 55%. Kahit hindi siya bumitaw ng masakit na salita, ang katahimikan ang kanyang isinagot.

Oo masakit kapag may nang-iinsulto sa pagkatao natin. Pero ang pinakamasakit kung hindi mo alam kung paano sumagot sa mga insultong 'yon. Kung gusto mong sumagot, dapat alam mo rin kung ano ang isasagot mo, y'ong may LAMAN, hindi y'ong makakagulo pa lalo sa sitwasyon. Kung hindi mo alam kung paano i-rebut ang insulto na 'yon, mas mabuti pang manahimik ka na lang. Kapag manahimik ka lang, doon makikita ng tao ang pagiging professional mo. Hindi naman ibig sabihin na kapag professional, mataas na ang naaabot sa buhay. Kahit mababang lebel lang ang natapos mo, pwede mo pa ring ipakita ang pagka professional mo. 'Wag kang malungkot kung hindi ka nakakasagot sa mga insulto ng ibang tao. Hindi ka naman mamamatay kapag hindi ka nakakapagsalita, 'di ba? Hindi naman required tumugon e. Depende na 'yan kung paano dinadala ng isang tao ang kanyang emosyon. Ang dahilan kung bakit sinasabi ko ito sa 'yo, dahil gusto kong maging WISE ka sa buhay. Basahin natin ang Kawikaan ni Solomon sa 10:19,


Kita mo 'yan? Pigilan mo ang iyong dila kung wala ka namang maisasagot. Kung gusto mo talagang sumagot, dapat y'ong may punto. Kapag kasi sinagot mo lang ito ng pang-iinsulto rin, hindi matatapos ang sagutan ninyo. Negatibo laban sa negatibo, parehong madi-drain ang energy ninyo. Nahahawa ka pa. Ang mas masaklap pa, kahit sumagot ka sa mga pang-iinsulto nila, hindi ka naman nila pakikinggan. Mas lalo ka pa nilang aasarin.

Ang mas mabuting resulta ng katahimikan, magco-cool down ang mainiting ulo ng ibang tao. Kita mo naman sa mga bashers, 'di ba? Kapag hindi mo sila sinasagot, tatahimik na 'yan. Kapag nag reply ka sa kanila, lalong hahaba ang pag-uusapan ninyo. Patayin mo kaagad ang mainit nilang emosyon sa pamamagitan ng pananahimik. Uulitin ko, SILENCE IS GOLDEN. Oo masasaktan ka man sa mga pang-iinsulto nila, pero mananaig ka pa rin kasi nga, napatay mo ang toxicity ng isang tao. 'Yan ang gusto mong mangyari, 'di ba? Kaya 'yan din ang gawin mo. Paglaruan mo lang ang kanilang isipan. Sikolohikal ang labanan dito. Ang katahimikan mo ang iyong pinakamakapangyarihang sandata. The more na ini-ignore mo ang toxic na tao, the more siyang mag-iisip tungkol sa 'yo. At siya ang magdadala ng bigat sa kanyang dibdib habang ikaw ay pa-chill-chill lang sa buhay. Dito nila mare-realize na masama na pala ang ginagawa nila. Kakainin sila ng negatibong emosyon na ito.


NUMBER 2
HINDI LAHAT PAKIKINGAN KA


Para saan pa ang pagpuputak mo, kung karamihan ay walang pakialam sa mga pinagsasabi mo? Walang pakialam sa emosyon mo. Masasayang lang ang iyong lakas at oras. Nakakairita kapag walang nakikinig sa 'yong mga hinanaing, 'di ba? Parang nakikipag-usap ka lang sa pader. Lahat naman tayo gusto nating may nakikinig sa 'tin. Sometimes it can be hard to get people's attention. Some people are always interested in themselves but not on YOU. It's as simple as that. Paano ko nasabi? Halimbawa, nagpapa-picture kayong magkakaibigan. Sa oras na tumingin ka sa larawan, ano ang una mong tinitingnan? Siyempre ang sarili mo doon sa larawan, tinitingnan mo ang hitsura mo. Sana sa larawan lang 'yon mangyayari. Minsan kasi nagrereflect ang ginagawa natin e. Minsan tayo mismo ang ayaw makinig sa hinanaing ng iba. Kaya kung gusto mong pakinggan ka, sana'y makinig ka rin sa iba. Pero 'wag kang umasa na pakikinggan ka ng lahat dahil hindi mangyayari 'yon. Masasaktan ka lang. Some people will act according to their needs and wants. Sometimes you just need to distance yourself from people. Kung gusto nilang makinig, sila na ang kusang lalapit sa 'yo para ibigay ang kanilang buong atensyon. Kung ayaw nilang makinig, alam mo na kung paano ka mag-react.

Tanggapin mo na lang na may mga tao talagang selfish at hindi lahat katulad mo na marunong makinig at magbigay ng atensyon. Just accept the fact that they are always worried about themselves and their own problems they have to deal with and will only focus more on what makes them feel better. Mas madali kasi ang pamumuhay natin kung tanggap natin ang realidad. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi sa lahat ng pagkakataon, sila ang may problema. Siguro hindi mo lang alam kung paano magpahayag ng iyong emosyon kaya hindi ka nila maiintindihan. Communication skills matter a lot. It is not just verbal but also includes the way you communicate. Kapag nagsasalita ka, dapat y'ong may laman at madaling maunawaan para ganado ang mga tao na makinig sa 'yo. Kung sa palagay mo maayos naman ang pananalita mo, e hindi mo na problema 'yon. Problema na nila 'yon kung hindi sila nakikinig. Kaya minsan mas naririnig ng mga tao ang katahimikan mo. Kaya 'wag mo ng ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw makinig.


NUMBER 3
MANAHIMIK KA
PARA MAKAPAG-ISIP KA NG MAAYOS


Tandaan mo 'yan. Nasa katahimikan nakasalalay ang kapayapaan ng isipan. Sabi ko nga kanina, mas mabuti pang manahimik kaysa sa magsalita na wala namang laman. Kasi ako kapag may kausap ako, lalo na sa mga taong hindi ko masyadong kilala, bilang ko lang ang mga salitang sinasabi ko. Bakit? Gusto kong magsalita ng magsalita ang isang tao dahil doon ko makilala kung sino siya. Minsan sa pananalita ng tao lilitaw ang kanyang pagkatao. Malalaman mo kung mayabang ba siya, pranka ba siya, mahiyain ba siya, o ano pa man, doon mo malalaman. Kaya kailangan mong manahimik para mas malinaw ang mga salita ng isang tao na papasok sa 'yong utak. Upang makuha mo kaagad ang punto niya. Uulitin ko, hindi required na dapat sumagot ka kaagad.

Sa panahon kasi natin ngayon, kapag hindi ka tumugon kaagad, iisipin ng ibang tao na medyo tanga kang kausap. Hindi ka tanga, nag-oobserba ka lang. Tandaan mo ito, kapag tahimik ka lang, madali mong maririnig at maiintindihan ang sinasabi ng isang tao. Not talking means you are listening. When you are listening means you understand. You understand because you are MENTALLY PRESENT. So there's no need to come up with something to say. There's no need to worry about whether you are a good conversationalist. Everything that you need will come to you if you are receptive to receive it. If you are receptive to the Universe, you will hear it.


NUMBER 4
ANG KATAHIMIKAN
AY ISANG RESPETO DIN


Minsan kapag may problema ka, hindi naman sa lahat ng oras kailangan mo ng solusyon, 'di ba? Minsan kailangan mo lang na may malalabasan ka ng problema mo at kailangan mo lang ng makikinig sa 'yo. Makikita mo kung gaano ka nirerespeto ng isang tao kung tahimik lang siya at talagang nakikinig sa 'yo. Hindi sa lahat ng oras na ang katahimikan ay nangangahulugang walang paki, minsan may respeto din itong ipinapahiwatig. For us to connect, for us to listen to the voices of our inner being, we must be still, to hear the words of Spirit. Spirit is not known, but FELT. The more we talk, the less we truly experience it. But if we bring silence into the conversation, experiencing spiritual things for ourselves, then words, are no longer matter and we have peace within ourselves.

Madali mong maunawaan ang mga naririnig mo kung tahimik ka lang muna. Ito ang rason kung bakit nagkakainitan ang mga tao dahil palagi silang daldal ng daldal. Lalo na sa mga inuman, madaling mag-away ang mga tao dahil sabay sabay na silang nagsasalita kaya umabot sa punto na hindi na sila nagkakaintindihan. Katulad din ng mga taong chismosa. Sila ang madaling makalikha ng gulo dahil hindi nila ginamit ang kanilang katahimikan at tainga, mas inuuna pa nila ang BIBIG. Kaya gamitin mo ang katahimikan dahil nagpapahiwatig 'yan na may respeto ka sa mga tao. It shows that you value what the speaker has to say. It is a marker of trust and offers a deeper understanding of the problems at hand.


NUMBER 5
HINDI LAHAT MAY PAKIALAM SA 'YO


May mga tao talagang walang pakialam sa mga pinagsasabi mo. Kahit sabihin na nating nakikinig sila, pero sa totoo wala naman silang pakialam. Kaya minsan 'wag kang padalos dalos sa bibig mo dahil mailalahad mo lang ang iyong problema sa mga taong chismis lang pala ang habol. Tanungin nga kita, sa isang araw, ilang beses kang nagsasalita at ilang beses kang tunay na nakikinig? Kung maraming beses ang paggamit ng iyong bibig, baguhin mo na kaagad ang ugali mo. Madali kang mapasok ng mga chismosa kung panay salita ka lang. Madali nilang makita ang butas ng buhay mo. Kaya matuto kang manahimik dahil hindi lahat ng nakapaligid sa 'yo ay tunay na kaibigan mo at tunay na tutulong sa 'yo. Marami sa kanila ang walang paki sa buhay mo. Sa oras na may nasabi ka na tungkol sa buhay mo, hindi mo na ito maibabalik pa at ang mas masaklap, madali itong makalat sa lahat. Tandaan mo, may pakpak ang dila. Kaya't mas mabuti pang manahimik at mapagkamalang tanga kaysa sa putak ka ng putak at makikita nila ang iyong katangahan. Pero hindi ko sinasabi na mahimik ka na lang sa lahat ng oras. Ang ibig kong sabihin, sabi ko nga kanina, magsalita ka lang kung may laman ang pinagsasabi mo. 'Wag kang gumaya sa ibang tao na hindi pinag-iisipan ang kanilang mga salita na ikinagugulat nila kung bakit nila nasabi 'yon. 'Wag kang gumaya sa kanila na nagpapakalat ng maling impormasyon. Kung gagawin mo 'yan, parang ipinapakita mo na rin sa ibang tao kung gaano ka kabobo. At mahihirapan na silang pakinggan ka kung gusto mo ng magsalita dahil wala na silang tiwala sa 'yo.


NUMBER 6
KONTROLIN MO ANG BIBIG MO


'Wag mong balewalain ito dahil napakaimportante nito. SILENCE IS SO POWERFUL. It frees us from people's words. Sa oras na tahimik lang tayo, mahihirapan ang mga tao na pasukin ang buhay natin, mahihirapan silang mag-isip kung sino tayo, mahihirapan sila kung paano tayo husgahan, mahihirapan sila kung paano tayo titirahin. SILENCE IS YOUR WEAPON. Tama naman kapag hinuhusgahan ka kahit hindi naman totoo ang mga sinasabi nila ay maaapektuhan ka talaga. But your power comes from your belief. If that belief is weakened by other people's disbelief, then so will your power. By being silent with our personal practices to people who do not align with us vibrationally, it will make us much more free of needless words that do not help. Kaya bago mo ibuka ang bibig mo, huminga ka muna ng malalim at isipin mo muna kung ang mga salita bang ito ay makakasakit sa 'yo o makakasakit sa ibang tao. Kung nakakasakit sa 'yo o sa ibang tao, 'wag mo ng bitawan ang mga salitang 'yan. Itikom mo na lang ang bibig mo. 'Wag mong hayaan na matalo ng emosyon mo ang iyong katalinuhan.


NUMBER 7
ALAMIN MO KUNG KAILAN KA
MANANAHIMIK


May oras para manahimik at may oras para magsalita. Mababasa natin 'yan sa Eclesiastes 3:7. Dahil nga ito ang prinsipyong sinusunod ko, maraming nagtatanong kung bakit tahimik akong tao. Hindi naman ako sobrang tahimik. Tiningnan ko lang sila at ngumiti lang ako sabay sabing: “Hindi ka ba komportable sa katahimikan ko?” Ang problema lang sa ganitong ginagawa ko, iniisip ng mga tao na ako'y arogante o dominante. Pero ito talaga ang totoo. Ayoko ko kasi ng maingay na paligid kaya madalas akong nag-iisa, nagsusulat, nagbubulay-bulay. 'Wag mong sabihin ang lahat ng nasa isipan mo dahil minsan may mga masasabi kang hindi magugustuhan ng ibang tao.

Ang punto ko lang, hindi masamang manahimik. Dahil minsan kailangan din na may matitirang pagkamisteryoso sa ating sarili. Kapag kilala ka ng tao bilang SILENT GUY, mas makikinig sila sa 'yo kapag nagsasalita ka na kasi bihira lang bumubuka ang bibig mo. Kaya nga kapag misteryoso ang isang tao, attractive, 'di ba? Kasi bihira lang ang ganoong tao. Para siyang diamante, kapag bihira, pinag-aagawan ng atensyon. Pero sa modernong panahon na ito, BOSES na ang labanan, sobrang maingay na ang mundo. Chismis dito, tirahan doon, kaliwa't kanan ang negatibong sitwasyon na makikita mo. Kaya importante na 'wag ka ng dumagdag pa sa ingay ng mundo. Hindi ito madali lalo na kung madaldal kang tao. Pero kayanin mo, okay? Sa katahimikan mo makukuha ang respeto ng mga tao at mas lalong titibay ang iyong karakter.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177