Don't Tolerate These 10 THINGS By Brain Power 2177
Photo by Karolina Grabowska from Pexels
Gusto mo ba ng positibong buhay? Siyempre tayong lahat gusto natin. Gusto nating tanggalin ang lahat ng negativity sa buhay natin. Gusto lang natin ng positive lifestyle, 'di ba? Kung gayon, dapat lumayo din tayo sa mga taong toxic at baguhin din natin ang ating mga toxic habits upang mas gumaan ang ating buhay. Ngayon malalaman mo kung ano ang 10 bagay na ito na hindi mo dapat hinayaang manatili sa buhay mo.
NUMBER 1
PEOPLE PLEASER
Tanggalin mo na ito sa buhay mo. Wala namang masama kung nagpapakita ka ng kabutihan sa lahat. It's a valuable trait. Pero kung ginagawa mo 'yan para lang mapa-impress ang iba, yun bang pinipilit mo lang 'yon para magustuhan ka lang, 'yon ang malaking kamalian. A lot of people-pleasers consciously choose to act this way because they are afraid of upsetting others. Ayos naman kung gan'on, 'di ba para iwas sa gulo pero kung ito'y magtatagal, hindi ka na magiging masaya. Bakit? Para ka ng naging sunud-sunuran e. Gusto mo na lang gumawa ng isang bagay para sa ikakasaya nila. Paano naman ang sarili mo? It's hard to be true to yourself when you're always changing your actions and words based on what you think other people want. Kapag palagi kang naghahangad ng approval ng iba, ibig sabihin, na wala kang pakialam sa sarili mong opinyon. Kahit ilan man ang sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa 'yo, ikaw pa rin sa huli ang magdedesisyon para sa sarili mo. At isa pa, hindi lahat mapapasaya mo. Iba't-iba tayo ng panlasa sa buhay. Y'ong nakakapagpasaya sa 'yo ay pwedeng hindi nakakapagpasaya sa iba. 'Yan lang ang tandaan mo para mas madali mong matanggal ang pagka people pleaser mo. Gumawa ka ng kabutihan sa iba at hindi mo rin pwedeng pabayaan ang sarili mo.
NUMBER 2
NEGATIVE SELF-TALK
It affects us in damaging ways. Lahat naman tayo ay may boses na naririnig sa ulo natin, 'di ba? Minsan may positibong boses. Minsan negatibo. Bibigyan kita ng halimbawa ng mga negatibong boses na kadalasa'y tumatakbo sa isip mo:
Ilang halimbawa lang 'yan. Ang daming negatibong boses sa ulo natin. It can poison your soul. It can cut you down, so pay attention to what it says. Alam mo naman siguro, 'di ba na kung ano ang palagi mong iniisip, 'yon ang magiging realidad mo. Kaya't 'wag mong hayaan na mananatili ito sa buhay mo. Isipin mo ito, gusto mo bang pagsabihan ang kaibigan mo ng mga masasakit na salita? Siyempre hindi. E bakit sinasabi mo ang mga masasakit na salita sa sarili mo? Contain your negativity. Kung may naisip ka man na negatibo, dapat alamin mo kung totoo ba talaga ang sinasabi mo sa 'yong sarili. Kung sinasabi mo na walang gustong makikipag-usap sa 'yo, totoo ba talaga na wala? O ikaw lang ang ayaw makihalubilo sa mga tao? Minsan nasasaktan ka sa mga salitang hindi totoo. Replace the BAD with some GOOD. Replace it with something better. Take a negative thought and change it to something encouraging that's also accurate.
NUMBER 3
TOXIC NA KAIBIGAN
'Wag mong hayaan na manatili ang mga taong toxic sa buhay mo. Siyempre dapat alam mong hindi ka rin toxic, okay? Kapag may mga kaibigan kang pagtatawanan lang ang mga plano mo, mga ideya mo at pangarap mo, o hindi sila naniniwala sa 'yo, at hindi susuporta sa paglalakbay mo, siguro panahon na para lumayo ka sa kanila. Ano ang mapapala mo sa mga taong wala namang pakialam sa ambisyon mo? Mahihirapan ka lang na makaangat. Pero 'wag kang malungkot kung may mga tao mang hindi susuporta sa 'yo. Hindi kasi ibig sabihin na wala ring kwenta ang pangarap mo. It's common to face resistance when you pursue BIG DREAMS. Lalo na sa mga taong takot mangarap ng malaki, ayaw din nilang makita ang mga taong nangangarap kaya hindi sila sumusuporta. Pero 'wag mo ring husgahan ang tao, pinakikinggan ka niya, at moral support na 'yon, hindi lang siya nag-offer ng tulong dahil iniisip niya na mas may kaalaman ka kaysa sa kanya. Dapat alam mo rin ang sitwasyon. Pero kung iniisip mo na toxic ang tao, ikaw na ang may alam diyan. Ang gusto ko lang sabihin, ang tunay na kaibigan ay tutulong sa 'yo at ikaw din ay dapat tutulong sa kanila. Dapat magtulungan. Pero kung may halo ng negatibong pag-uugali, hindi na 'yon tama. Don’t ever hesitate to cut people out of your life for your own sake. You deserve to be surrounded by loving and positive people.
NUMBER 4
MANANATILI SA GANYANG SITWASYON
'Wag mong i-tolerate ang ganitong mentalidad. Marami na akong naririnig na mga reklamo o nakikita mismo na hindi sila gumagalaw. Nananatili sila sa kanilang sitwasyon at puro reklamo na lang. Sana'y 'wag kang gan'on. Siguro iniisip mo na komportable ka na sa sitwasyon mo. Oo masarap maging komportable. Pero sa komportableng sitwasyon na 'yon ay walang maidudulot na pagbabago. Komportable nga, 'di ba? Stable lang ang buhay. Paano ka uunlad kung pinili mo na ang sitwasyong 'yan? Hindi ko naman sinasabi na 'wag kang makontento sa buhay. Ang gusto ko lang ipaliwanag, sana'y lumabas ka sa sitwasyong alam mo na walang mangyayari. Especially when things are stressful, many people resort to staying in their comfort zones. Wala namang masama diyan. But the more you spend time in that zone, the more difficult it will be to break free from that space. If you want to grow, you must go beyond yourself and try new things. Kung lalabas ka na sa sitwasyon na 'yan, mas madali mong ma-adapt ang pagbabago. Ang buhay ay palaging nagbabago, alam mo 'yan, 'di ba? Kung takot kang humarap sa mga pagbabagong 'yon, maiiwanan ka ng panahon. All successful people have taken risks, nabibigo rin sila, bumabangon ulit, lumalaban na naman hanggang nahubog nila ang kanilang bagong karakter. Kung hindi mo nagustuhan ang sitwasyon mo ngayon, 'wag kang manatili diyan. 'Yan ba ang sinasabi mong comfort?
NUMBER 5
PAGSUNOD SA KARAMIHAN
Hindi mo dapat tinotolerate 'yan. Naintindihan mo ba ang punto ko? Iilan lang ang naging successful sa buhay. Karamihan ay nasa negatibong sitwasyon pa rin. Hindi ko sinasabi na ang successful ay pagiging mayaman. Depende na 'yan sa 'yo kung ano ang success para sa 'yo. Iba't-iba kasi tayo ng kahulugan diyan. Pero hindi naman ibig sabihin na basta't majority ay mali ng sundan. Ang ibig kong sabihin, mali ang mag desisyon kung nakabase ka lang sa opinyon ng karamihan o kahit pa nga sa iilan. Dapat may sarili ka ring opinyon. A person must not follow the crowd. Ito lang kasi ang napapansin ko sa mga tao, hindi na sila masyadong nag-iisip. Kung ano y'ong ginagawa ng karamihan, sa palagay nila, d'on na rin ang tama kasi marami ang gumagawa e. They follow majority because of safety. Naka-autopilot kasi ang utak e. Halimbawa, kung nag-oonline shopping ka, siyempre d'on ka bibili sa mga shops na may maraming feedbacks, 'di ba? This so happens because of the feeling that the others must have found something good in that path so that they are following it. Ito ang basic thinking ng utak natin. Pero ang gusto ko lang ipahayag, dapat kang mag-isip bago ka magdesisyon. 'Wag kang sunod ng sunod sa karamihan. You were born to stand out.
NUMBER 6
TRABAHONG AYAW MO
'Wag kang manatili sa trabahong ayaw mo. Gusto mo na lang ba na mamuhay ka lang na puno ng reklamo? At magtrabaho ng may bigat sa dibdib? 'Wag mong palagpasin 'to. Tingnan mo, 8 oras kang nagtatrabaho, 8 oras ka ring nai-stress dahil hindi mo mahal ang ginagawa mo. Ayaw mo bang umalis dahil takot kang mag adjust sa ibang kompanya? Takot ka na baka hindi ka matanggap sa ibang kompanya? Pinipilit mo na lang ba para makapagbayad ng bills? 'Yan lang ba ang misyon mo sa buhay? Alam ko ang feeling mo dahil nanggaling na ako diyan. Nagtatrabaho din ako noon at sa bodega ako naka-assign. Pisikalan ang trabaho. 12 hours pa. 7 to 7. Kung hindi ko 'yon iniwan, siguradong nand'on pa rin ako. Pero sinunod ko ang passion ko. Ang maging freelance writer. Kahit maliit na sahod lang, masaya na ako kasi passion ko ang ginagawa ko. Mahal ko ang pagsusulat. Even if you make less money by following your passion, you can always adjust your lifestyle to accommodate your income. Don’t sacrifice your well-being just to get bills paid. Your happiness matters much more than money ever will. Pero tandaan mo, dapat may respeto ka kung gusto mong umalis. Tinanggap ka ng maayos ng kompanya at dapat umalis ka rin ng maayos, ng may paggalang at professional.
NUMBER 7
PERA ANG NAGKONTROL SA BUHAY MO
Hindi mo dapat hinayaan na mangyari 'yan sa 'yo. Maraming tao ang nakokontrol at nasisilaw ng salapi. Kapag may pera, matutuis ang hustisya. Ginagamit ang pera para sa kasamaan. Hindi dapat gan'on. Dapat gamitin natin ang pera para mag-improve ang ating buhay. Tandaan mo ito ah, kung sinasakripisyo mo ang kalusugan mo para lang sa pera, inaalay mo rin ang pera para bumalik ang kalusugan mo. Nakuha mo ba ang punto ko? Dahil sa kakapokus sa pera, sa hinaharap ka na lang nakapokus, nakakalimutan mo ng enjoyin ang kasalukuyan. Parang namumuhay ka lang na iniisip mong hindi ka mamamatay at marealize mo lang na hindi ka pala nag-enjoy sa 'yong buhay kung huling hininga mo na. Nakuha mo ba ang punto ko? Money is the only means to survive. It is required. But do not give excess importance to money. Because if you do that, then it will start ruling and controlling your life. Wala namang masama kung magpapayaman ka basta't wag ka lang makalimot sa Diyos at 'wag mong baguhin ang ugali mo. Dahil kaya kang ibagsak ng Diyos. Gamitin mo ang iyong pera sa positibong paraan. 'Wag mong kalimutan ang iyong mga prinsipyo. Importante ang katangian mo kaysa sa pera. 'Wag mong kalimutan ang pagtitiwala sa Diyos dahil Siya ang nagbibigay ng blessings sa 'yo.
NUMBER 8
TINAPAKAN KA NG IBANG TAO
'Wag mong palagpasin 'yan. Hindi pwedeng hayaan mo lang na gawin kang trapo. Sinasabi ko na ito noon, 'di ba? Set boundaries immediately when they are crossed. 'Wag kang matakot na tapusin ang ugnayan mo sa mga taong walang pakialam sa emosyon mo. 'Wag kang magpanggap na parang wala lang ang ginagawa nila. Madali lang naman, 'di ba? Kung ayaw mo, dapat ayaw mo. Stop paying attention to the person who treats you badly. May iba sasabihin nila, baka may mental illness y'ong iba kaya nanda-down ng tao. Tama may gan'on namang tao pero hindi 'yon rason para manapak ng tao, para magpapansin. Be self-reliant. Kahit wala ka gaanong kaibigan, at least tunay naman sila. 'Yon ang mahalaga.
NUMBER 9
PALAGI KANG NAGPALIWANAG
Hindi mo dapat gawin 'yan lagi. Bawat galaw mo may kumukwestyon at palagi kang nagpapaliwanag. Hindi lahat ipapaliwanag mo. Nakakapagod 'yon. Kailan ka ba pwedeng magsalita o magpaliwanag?
UNA, kung sa palagay mo ay kailangan mo na talagang magsalita kasi hindi na nila maintindihan ang pananahimik mo.
PANGALAWA, kung gusto nilang marinig at malaman kung ano ang mga opinyon mo.
PANGATLO, kung may rason ka na dapat malaman ng iba
PANG-APAT, kung required talaga sa sitwasyon
PANGLIMA, kung sa tingin mo ay makakapagpabago ang tinig mo sa sitwasyon
PANG-ANIM, kung ang salita mo ay hindi nakakasakit ng ibang tao
Kailan ka ba dapat manahimik?
UNA, kung nagsasalita ka na at hindi ka pa rin maiintindihan, oras na para manahimik.
PANGALAWA, kung naiintindihan nila ang iyong pananahimik.
Because at times, SILENCE SPEAK LOUDER THAN WORDS. At other times, the situation demands an explanation. Kaya kailangan alam mo kung kailan ka magsalita at kailan ka manahimik.
NUMBER 10
PINABAYAAN MO NA
ANG IYONG KALUSUGAN
'Wag mong hayaan na maaapektuhan ang iyong kalusugan. Napaka-importante ito kaya't 'wag mo itong palagpasin. Ika nga, HEALTH IS WEALTH. Pisikal at mental. Tratuhin mo ng maayos ang sarili mo. 'Wag mong pababayaan. Kung magkakasakit ka na, hindi mo na rin mae-enjoy ang kinikita mo, nakakamit mo at ginagawa mo. Put your health first. Kumain ka ng masustansyang pagkain. Matulog ka ng sapat. Uminom ka ng maraming tubig. Mag-ehersisyo ka. Health is super important. Your health affects a lot of things. It can affect your daily life. You need to realize that your body deserves respect because it's like a temple.
Comments
Post a Comment