Good Things Will Happen When You're Alone By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Sa panahon ngayon, bihira ka na lang makakita ng mga taong gustong mapag-isa. Sa modernong panahon, halos lahat ng mga taong nakikita mo ay nakikipaghalubilo na lang sa kung sino-sino. Mapa-personal man, tawag sa phone o chat sa online, expose na ang mga tao sa digital na mundo. Hindi ko naman sinasabi na ito'y masama. Mas nakakatulong pa nga, dahil tayo'y mga social creatures. Dito natin malalaman kung sino y'ong tunay at peke, sino y'ong mapagkakatiwalaan natin, sino y'ong tunay na nagmamahal sa 'tin, at kung sino y'ong tunay na sumusuporta. Dahil sa nadadala na tayo sa modernong panahon, nakakalimutan na natin kung paano natin dalhin ang ating sarili kung tayo'y nag-iisa. Kaya napakaimportante na mahalin mo ang iyong sarili dahil hindi sa lahat ng oras may kasama ka sa buhay at hindi sa lahat ng pagkakataon may tutulong sa 'yo. Kapag gusto mong mapag-isa, ito ang mangyayari sa 'yo:


NUMBER 1
PAYAPA ANG IYONG ISIPAN


Napakalinaw ng iyong isipan dahil walang distractions sa paligid mo. Wala kang ingay na maririnig. Ang dami na nga nating iniisip, madaragdagan pa kung may kasama tayo lalo na kung toxic na tao. Ayos lang kung may kasama ka basta't y'ong mga tao lang na nakakapagpagaan ng iyong damdamin. Kapag maglaan ka ng oras para makapag-isa, parang binigyan mo na rin ang iyong sarili ng pagkakataon para tanggalin ang negatibong pag-iisip mo. Nang sa gayon ay makakapag-isip ka ng maayos. Madali mo ng maiisip ang mga  solusyon sa problema mo, madali ka ring makapag desisyon, kasi nga, mapayapa na ang iyong isipan at sobrang magaan pa ang iyong pakiramdam.


NUMBER 2
MAIISIP MO ANG POSITIBONG BAGAY


Kapag maglaan ka ng oras na mapag-isa ka, madali mong maiisip ang mga positbong nangyari sa buhay mo at maiisip mo rin ang mga bagay na gusto mong gawin. Mahihirapan ka kasing makapag-isip ng maayos kung may mga taong hindi marunong tumahimik. May mga taong nandidikta kung ano y'ong mga dapat mong gawin. Hindi mo na rin maaaksyonan ang kagustuhan mo sa buhay. Mas sasaya ka kung mapag-isa ka muna at gawin mo ang mga gusto mong gawin. Ano ba ang gusto mo sa buhay? Ano ba ang talento mo? Gawin mo 'yon habang mag-isa ka para makapokus ka ng maayos. 


NUMBER 3
GAGAAN ANG IYONG PAKIRAMDAM


Kapag maglaan ka ng oras na mapag-isa, parang binigyan mo na rin ang sarili mo ng matamis na regalo. Kasi minsan, may mga taong hadlang sa buhay natin. Para silang mga tinik sa ating puso. May mga bagay tayong hindi magawa dahil may pumipigil sa 'tin. Nakaka-stress, 'di ba? Minsan ang pamilya pa natin ang nakakapagpa-stress sa 'tin. Minsan mga kaibigan o kasamahan sa paaralan o trabaho. Kaya importante na may oras ka para sa sarili mo para gagaan ang iyong pakiramdam. Magpahinga ka muna at mag renew ka ng energy.


NUMBER 4
TITIBAY ANG IYONG RELASYON


Sa umpisa, napaka-sweet ng relasyon. Nasa honeymoon stage pa kasi. Ayaw niyong mapaghiwalay sa isa't-isa. Kapag tumatagal na, doon mo na mapagtanto na kailangan mo pala ng oras para din sa sarili mo. Kapag hindi mo 'yan magawa, maaapektuhan din ang inyong relasyon. Bakit? Dahil iritable ang isipan mo. Punong puno na ng bagahe. Kaya nga madalas nag-aaway ang magkasintahan dahil wala na silang space sa isa't-isa. Hindi niyo na napahalagahan ang kahalagahan ng pagiging indibidwal. Hindi masama na may space din kayo. 'Wag niyong ipitin ang isa't-isa.

Madaling maintindihan ang emosyon at sitwasyon ng ibang tao kung ikaw din mismo ay nakakaintindi sa sarili mo. Sa tuwing mag-isa ka, mabubuo nito ang tunay na pagmamahal. Pagmamahal sa sarili mo at sa ibang tao. Panahon na para bigyan mo ng oras ang sarili mo.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177