You Don't Need Anyone But Yourself By Brain Power 2177


Photo by Tamar Willoughby from Pexels


'Wag kang matakot sumulong kahit mag-isa ka lang. Alam kong napakahirap pero kayanin mo pa rin. Ang daan patungo sa tagumpay ay napakahirap. Puno ng mga struggles. Puno ng kalungkutan. Mahalaga rin na minsan mapag-isa ka upang mas lalo mo pang makilala ang tunay mong pagkatao. Upang malaman mo pa ang totoo mong potensyal. Kita mo naman ang agila, 'di ba? Siya ang pinakamalakas sa himpapawid. Napaka-independent. Kahit mag-isa ka, sumulong ka pa rin. Magpakatatag ka. Sarili mo na lang ang maaasahan mo. May mga tao na hindi kayang lumakbay mag-isa. Nangangailangan sila ng ibang tao para maging buo. Palagi silang nangangailangan ng atensyon, ng pansin, para manatiling mabuhay.

Mas magiging malinaw ang kaisipan mo kung mag-isa ka lang. Lalong magulo ang isipan kung palagi kang naghahangad ng atensyon sa ibang tao. Hindi mo kailangang magpapansin. Hindi mo kailangan ng atensyon nila. Sapat na kung ikaw ang magbibigay nun sa sarili mo. Siguradong bumuti ang lagay mo. Pero hindi ko sinasabi na mahina ka na kung may sinasandalan ka. Hindi ko rin sinasabi na mag-isa ka habambuhay. Bigyan mo lang ng oras ang sarili mo. Kung gusto mong mag-isa palagi, wala ring masama sa desisyon mo. Kung mag-isa ka lang humarap sa pangarap mo, walang sumusuporta sa 'yo, magpakatatag ka lang. Maaabot mo rin 'yon.

Kung pakiramdam mo walang naniniwala sa 'yo, hindi mo naman pwersahin sila na suportahan ka nila, hindi mo na sila kailangan. Kung may tiwala ka lang sa sarili mo, kung ikaw ang sumusuporta sa sarili mo, sapat na 'yon. Kaya't sa oras na humarap ka ng mga pagsubok na mag-isa ka lang, kampihan mo ang iyong sarili. Ang napakagandang resulta nito, kung namumuhay ka lang na nakapokus sa pangarap mo, kung nagpakatotoo ka lang sa sarili mo, kung tanggap mo ang iyong buong pagkatao, maaani mo ang respeto ng karamihan at mararamdaman mo ang tunay na pagmamahal. Madaling ma-attract ang mga tao sa mga taong nagpakatotoo, sa mga taong may pangarap sa buhay, sa mga taong masipag. Bakit madali silang ma-attract? Dahil kaunti lang ang gan'ong klaseng tao. Kaunti lang ang may gan'ong mindset. Dapat gan'on kang mag-isip. Hindi naman kita pinipilit pero sana maging gan'on ka. MAGTIWALA KA SA SARILI MO.

Magbubunga rin ang lahat ng paghihirap mo. Kung nakakamit mo na, hindi lang sarili mo ang nai-iinspire, lahat ng tao mai-inspire sa ginagawa mo, sa kabutihan mo, sa kasipagan mo, sa pagiging tunay mo. Natuto na akong lumaban mag-isa at dahil diyan, sanay na ako sa pasakit ng buhay. Marami na akong pinagdadaanan. Kinaya ko 'yon lahat. May pagdadaanan pa ako at kakayanin ko pa rin. Gusto kong maging matatag ka rin. Buuin mo ang kalakasan mo. Hindi ka basta-bastang madurog kung bukas ang isipan mo. 'Wag kang matakot kung gaano kalala ang mga struggles mo, dahil 'yon ang nagpapatatag ng iyong karakter. Hindi ko naman sinasabi na magmayabang ka na dahil kaya mong mag-isa. Pahalagahan mo rin ang emosyon ng iba at magpakumbaba ka, ipakita mo pa rin ang iyong habag sa kapwa tao.

Kahit gaano kadilim ang pinagdadaanan mo ngayon, may pag-asa pang lumiwanag ang sitwasyon mo. Lawakan mo lang ang iyong pang-unawa upang madali mong maunawaan ang lahat ng pangyayari. 'Wag mong hintayin na maging proud ang ibang tao sa 'yo, sapat na na maging proud ka sa sarili mo. Maging proud ka sa mga napagtagumpayan mo, kahit maliit na bagay lang 'yon. Maging proud ka na humakbang ka pa rin kahit nasasaktan ka na. Maging proud ka sa pagiging tunay mo. Mamuhay ka ng matiwasay. Respetohin mo ang iyong sarili, respetohin mo ang iba, at ang pinaka-importante, manalangin ka sa Diyos dahil Siya ang tutulong sa 'yo.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177