Posts

Showing posts from March, 2023

Marami Kang Matutunan sa Labas ng Iyong Comfort Zone By Brain Power 2177

Image
Lumabas ka na sa comfort zone mo Photo by Agung Pandit Wiguna: https://www.pexels.com/photo/man-walking-on-the-gray-asphalt-road-1149923/ Kailangang handa na ang iyong pinakamahusay na strategy para malampasan mo ang mga hamon sa buhay. Dahil alam naman nating lahat, kahit anong oras, pwede tayong tamaan ng problema. Alam rin natin na ang buhay ng bawat isa ay may mga araw ng kagalakan at may mga araw na grabe ang mga struggles. Kaya't napakahalaga na huwag mong hayaan ang mga negatibong sitwasyon na ubusin ang iyong lakas. Ganito na ang buhay e. Minsan umaahon. Minsan lumalagpak. Every problem is a gift – without problems, we would not grow. Kung walang problema, paano tayo matututo? Paano tayo uunlad? It’s not easy to live a meaningful life, yet it’s worth the hard work. Kaya't ngayon pa lang, 'wag mong sayangin ang oras mo. Bawat minuto ay napakahalaga para sa 'yong pagbabago. Hindi mo man mapipigilan ang mga hamon, hindi mo man 'yan makokontrol, lalapit talaga a...

Pwede bang Maging Masaya ang Mahihirap By Brain Power 2177

Image
Kahirapan Photo by Pixabay: https://www.pexels.com/photo/adult-beanie-crisis-despair-220365/ Sa kabila ng taimtim na mga pagsisikap na solusyunan ang kahirapan, milyon-milyon pa rin sa buong mundo ang naghihirap. Puwede bang maging maligaya ang mahihirap? Marami ang naniniwala na ang kaligayahan ay makakamit lang sa pamamagitan ng kayamanan, at na ang tunay na tagumpay ay nakadepende sa dami ng pera ng isa. At sabi pa nila, ang mahihirap daw ay hindi maaaring magkaroon ng maligaya at kasiya-siyang buhay. Pero ang itinuturo ng Bibliya na ang tunay na kaligayahan ay nakadepende, hindi sa pinansiyal na kalagayan ng isa, kundi sa kaugnayan niya sa Maylikha. Sinasabi ng Bibliya, sa Mateo 5:3 , Anuman ang kanilang kalagayan sa pinansiyal, inaalam ng mga taong ito ang pananaw ng Diyos sa mga bagay-bagay, kung kaya nagkakaroon sila ng tunay na pag-asa at kapanatagan. 'Yan ang nakapagbibigay ng tunay na kaligayahan. Nagbababala rin ang Bibliya laban sa masasamang epekto ng kasakiman at mate...

Kontrolado Mo Ba ang Iyong Buhay By Brain Power 2177

Image
Nakokontrol mo ba ang iyong buhay? Photo by APEX.GRAPHICS: https://www.pexels.com/photo/two-pilot-inside-aircraft-1272392/ Ano ang mga tunguhin mo noong bata ka pa? Siguro gusto mong mag-asawa, siguro gusto mong maging mahusay sa isang bagay, o gusto mong magkaroon ng magandang trabaho. Pero hindi laging nasusunod ang mga plano natin. Dahil sa di-inaasahang problema, baka biglang magbago ang buhay natin. Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 24:10 , Tandaan mo, mahalaga ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Kung panghihinaan ka ng loob, hindi ka makagagawa ng matatalinong desisyon. Pero kung magiging positibo ka, mas magiging madali sa 'yo na gumawa ng magagandang pasiya at magiging masaya ka sa kabila ng iyong kalagayan. May pinagdaraanan ka ba ngayon gaya ng malubhang sakit? hiniwalayan ka ba? namatayan ka ba ng mahal sa buhay? Kapag napaharap ka sa kalagayang hindi na magbabago, baka isipin mong wala ka nang magagawa kundi mangarap na lang. Paano mo muling makokontrol ang buhay mo? Kung...

Huwag Kang Makialam sa Buhay Ng Iba By Brain Power 2177

Image
Huwag kang makialam sa buhay ng iba Photo by Anatolii Kiriak: https://www.pexels.com/photo/woman-on-a-boat-holding-gas-lantern-722427/ Nakakastress kung nangingialam tayo. Ang buhay ng ibang tao ay hindi mo buhay. Kahit ano pa ang gawin ng tao, 'wag kang makialam. Pwede kang magbigay ng payo sa kanya pero 'wag mong pasukin ang gulo na siya lang ang nakakaalam. Hindi mo alam ang buong kwento kung bakit may ibang kinikilos ang ibang tao. Kaya kung hindi mo alam, 'wag ka ng makialam. Para wala ng stress sa buhay. YOUR LIFE IS YOUR LIFE . I mean, you get to live your life the way you want. Kahit na magkakamali sila, 'wag kang makialam dahil may kamalian ka rin. Going through stuff is the whole great messy adventure of being human. Being alive and living life is terrifying and glorious and everything in between. Anuman ang nakikita mo sa social media, buhay na nila 'yan. Kung nagfi-flex sila ng kagamitan o mga travel o mga achievements, mga anu-anong kaganapan man 'y...

Itigil Mo Na Ang Pagrereklamo By Brain Power 2177

Image
Itigil mo ang pagrereklamo Photo by Liza Summer from Pexels: https://www.pexels.com/photo/unrecognizable-upset-lady-embracing-knees-sitting-on-chair-6382642/ Isipin mo kung ano ang nararamdaman mo kapag may kasama kang napakareklamador, kapag tumagal, nakakapagod ng makinig sa kanila, 'di ba? It doesn't matter kung ano ang iyong inirereklamo. Maaaring ito ay tungkol sa iyong relasyon, mga kasamahan sa trabaho, mga problema sa pamilya, mga bayarin, o lagay ng panahon, sa oras na nagrereklamo ka, magbabago din ang iyong mood. Kapag tapos ka nang magreklamo, marami kang negatibong mararamdaman. Madali lang naman itigil ang pagrereklamo. Tanggapin mo lang ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay mo. Tanggapin mo na minsan ang buhay ay hindi sasang-ayon sa 'yo, hindi mag wo-work sa paraang gusto mo, hindi mo laging makukuha ang buhay na iyong pinangarap o pinaghirapan. May mga bayarin na hindi mo inaasahan. May mga nakakagulat na problema. Lahat ng mga bagay ay nagbabago kahit hin...

Seryosong Kasalanan ba ang Pangangalunya By Brain Power 2177

Image
Pangangalunya (ADULTERY) Photo by Văn Thắng: https://www.pexels.com/photo/man-and-woman-near-grass-field-1415131/ Sa kabila ng mga kabutihan ng pagiging tapat sa asawa, patuloy na sinisira ng pangangalunya ang maraming pamilya. Sa ilang kultura, hindi masama ang pakikipagtalik sa hindi asawa, lalo na sa bahagi ng lalaking may-asawa. Para naman sa ilan, hindi nila itinuturing na panghabambuhay ang pag-aasawa. Pero ano ba ang sabi ng Bibliya? Sa Bibliya, ang pangangalunya ay karaniwan nang tumutukoy sa kusang seksuwal na pakikipagtalik ng isang taong may-asawa sa hindi niya asawa. Ang pangangalunya ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos. Ito ang sabi sa Levitico 18:20 , Sa sinaunang Israel, ang parusa rito ay kamatayan. Ito ang sabi sa Levitico 18:29 , Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na huwag mangalunya. Ito ang sabi sa Mateo 5:27, 28 , BAKIT MAHALAGA ITONG ISAALANG-ALANG? Sinisira ng mga mangangalunya ang taimtim na panata nila sa kanilang asawa noong araw ng kanilang kasa...

Paano Harapin Ang Kalungkutan By Brain Power 2177

Image
Malungkot ka ba ngayon? Photo by Pixabay: https://www.pexels.com/photo/woman-looking-at-sunset-247195/ Lahat ay nalulungkot paminsan-minsan. Kasama riyan ang mga tao na mukhang popular. Bakit? Dahil kadalasan, wala sa dami kundi nasa uri ng mga kaibigan ang sukatan ng kaligayahan ng isang tao. Baka laging napalilibutan ng maraming tao ang isa na mukhang popular, pero kung wala naman siyang tunay na mga kaibigan, makadarama pa rin siya ng lungkot. Makasasamâ sa iyong kalusugan ang kalungkutan. Ang di-pakikihalubilo sa iba ay maaaring maging sanhi ng maagang kamatayan. Ito rin ay dalawang beses na mas mapanganib kaysa sa sobrang katabaan at katumbas ng paghitit ng 15 sigarilyo araw-araw. Napakatindi, 'di ba? Ang kalungkutan ay maghahantad sa 'yo sa panganib. Sa katunayan, baka ito ang magtulak sa 'yo na makipagkaibigan sa kahit kanino na lang. Kapag nalulungkot ka, puwede kang maging desperado sa atensiyon. Baka isipin mo, mas mabuti nang may pumapansin sa 'yo kaysa sa wa...

Masama Ba Ang Pagsusugal? By Brain Power 2177

Image
May masama ba sa pagsusugal? Photo by Pixabay: https://www.pexels.com/photo/cards-casino-chance-chip-269630/ Para sa ilan, ang pagsusugal ay simpleng libangan lang, pero para sa iba, isa itong masamang bisyo. Para sa marami, ang pagsusugal ay katuwaan lang, basta’t legal ito. Ang ilang uri ng legal na sugal, gaya ng mga loteryang iniisponsor ng gobyerno, ay nakakalikom ng pondo para sa mga programang pampubliko. Hindi partikular na binabanggit sa Bibliya ang pagsusugal. Pero may mga simulain dito na nagpapakita ng pangmalas ng Diyos sa pagsusugal. Ang tunguhin ng pagsusugal—pananalo sa pagkatalo ng iba—ay salungat sa babala ng Bibliya na IWASAN ANG BAWAT URI NG KASAKIMAN (Lucas 12:15) Ang totoo, kasakiman ang nasa likod ng pagsusugal. Ang mga nagpapasugal ay nag-aalok ng malalaking jackpot, pero itinatago nila ang katotohanan na napakaliit lang ng tsansang manalo. Alam kasi nila na dahil sa pangarap na yumaman, ang mga nagsusugal ay pupusta nang malaki sa casino. Kaya sa halip na tul...

Huwag Kang Magpapakaperpekto By Brain Power 2177

Image
Bakit Gusto Mong Maging Perfect? Photo by Ali Naderi from Pexels: https://www.pexels.com/photo/silhouette-of-man-standing-beside-ocean-during-sunset-103889/ Naiinis ka ba kapag hindi mo na-perfect ang ang mga ginagawa mo? Kaunting puna lang ba sa iyo, pakiramdam mo’y wala ka nang kuwenta? Nahihirapan ka bang makipagkaibigan o hindi makatagal sa 'yo ang mga kaibigan mo dahil masyado kang mapaghanap? Kung OO ang sagot mo sa isa o higit pang tanong, hindi kaya may pagka-perpeksiyonista ka? Baka itanong mo, “Pero ano naman ang masama kung sinisikap mo lang gawin nang tama ang mga bagay-bagay?” Siyempre, wala namang masama. Pinupuri ng Bibliya ang tao na dalubhasa sa kaniyang gawain. Pero higit pa rito ang gusto ng isang perpeksiyonista. Halimbawa, kung hindi ka nakaka-perfect sa exam, pakiramdam mo ba ay wala kang kuwentang estudyante? Ang pagiging perpeksiyonista ay maaaring makaapekto sa sarili ng isa. Halimbawa may maganda kang reputasyon at lagi kang pinupuri ng mga tao, dahil lagi...

Paano Kontrolin Ang Emosyon By Brain Power 2177

Image
Kontrolin mo ang iyong emosyon Photo by Andrea Piacquadio: https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-looking-furious-3812754/ Ano sa palagay mo​—ang apoy ba ay masama o mabuti? Ang sagot mo marahil ay, DEPENDE . Ipagpalagay nating isang gabi ay nagkakamping ka sa gubat at napakalamig ng panahon. Kailangan mong magparingas para mainitan ka. Mabuti ang apoy, hindi ba? Pero kapag lumaki ang apoy at hindi mo na ito makontrol, masama ang puwedeng mangyari​—mabilis na kakalat ang apoy at masusunog ang buong kagubatan. Kapaha-pahamak nga! Ganiyan din pagdating sa iyong damdamin. Kapag kontrolado mo ito, matutulungan ka nitong magkaroon ng mabubuting kaibigan. Pero kapag hindi mo nakontrol ang iyong damdamin, puwede kang ipahamak nito, pati na ang mga tao sa palibot mo. Ngayong adulto ka na, baka paminsan-minsan ay hindi mo mapigilan ang iyong galit o madaig ka ng labis na kalungkutan. Paano mo makokontrol ang gayong mga damdamin? Pag-usapan natin ang bawat isa sa mga ito. KONTROLIN ...