Paano Harapin Ang Kalungkutan By Brain Power 2177


Photo by Pixabay:
https://www.pexels.com/photo/woman-looking-at-sunset-247195/


Lahat ay nalulungkot paminsan-minsan. Kasama riyan ang mga tao na mukhang popular. Bakit? Dahil kadalasan, wala sa dami kundi nasa uri ng mga kaibigan ang sukatan ng kaligayahan ng isang tao. Baka laging napalilibutan ng maraming tao ang isa na mukhang popular, pero kung wala naman siyang tunay na mga kaibigan, makadarama pa rin siya ng lungkot.

Makasasamâ sa iyong kalusugan ang kalungkutan. Ang di-pakikihalubilo sa iba ay maaaring maging sanhi ng maagang kamatayan. Ito rin ay dalawang beses na mas mapanganib kaysa sa sobrang katabaan at katumbas ng paghitit ng 15 sigarilyo araw-araw. Napakatindi, 'di ba?

Ang kalungkutan ay maghahantad sa 'yo sa panganib. Sa katunayan, baka ito ang magtulak sa 'yo na makipagkaibigan sa kahit kanino na lang. Kapag nalulungkot ka, puwede kang maging desperado sa atensiyon. Baka isipin mo, mas mabuti nang may pumapansin sa 'yo kaysa sa wala. At puwedeng mauwi 'yan sa problema. Hindi solusyon sa kalungkutan ang teknolohiya. Puwede kang magtext o mag-e-mail sa sandaan katao, pero malungkot ka pa rin.

MAGING POSITIBO. Halimbawa, nakita mo sa isang website ang mga litrato ng mga kaibigan mo na nasa party, at hindi ka imbitado. Sa pagkakataong 'yon, puwede mong isipin na sinadya nilang hindi ka yayain o puwede kang mag-isip nang mas positibo. Dahil hindi mo naman alam ang lahat ng detalye, bakit ka mag-iisip ng masama? Sa halip, mag-isip ka ng mas magandang dahilan kung bakit hindi ka isinama. Kadalasan, hindi ang sitwasyon, kundi ang pangmalas mo ang nagpapalungkot sa 'yo. Ito ang sabi sa Kawikaan 15:15,


Iwasang gumawa ng maling konklusyon. Kapag nalulungkot ka, baka isipin mo, ‘Kahit kailan, hindi naman ako niyayaya’ o ‘Palagi na lang akong iniiwasan.’ Pero lalo ka lang malulungkot. Kapag nag-iisip ka nang ganiyan, magiging paikot-ikot ang sitwasyon mo: Pakiramdam mo, ayaw sa 'yo ng iba, kaya ibinubukod mo ang sarili mo, kaya nalulungkot ka, pakiramdam mo tuloy, ayaw sa 'yo ng iba. Ito ang sabi sa Kawikaan 18:1,


Sulitin mo ang panahon ng pag-iisa. May mga taong nalulungkot agad kapag mag-isa na. Pero hindi naman dapat magkaganoon. Halimbawa, mahilig makihalubilo si Jesus, pero mahalaga rin sa kaniya ang mapag-isa. Ito ang naisulat sa Mateo 14:23,


Puwede mong gayahin si Jesus. Sa halip na ituring na masama, gamitin ang panahon ng pag-iisa para pag-isipan ang iyong mga pagpapala. Dahil diyan, mas magugustuhan ka ng mga tao bilang kaibigan.

Alam na alam ko, maraming mga tao ang nalulungkot, hindi lang nila ipinapahalata. Kasi, kahit tinetext nila o kinakausap ang ‘friends’ nila sa mga social network, hindi pa rin sila magkasama—kaya puwede pa rin silang malungkot. May mga kaibigan tayo na lumipat ng tirahan o hindi na natin nakakausap. Para sa akin, magandang ituloy ang komunikasyon kahit malayo na sila. Makausap mo lang ang isang matagal nang kaibigan, sasaya ka na.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177