Seryosong Kasalanan ba ang Pangangalunya By Brain Power 2177


Photo by Văn Thắng:
https://www.pexels.com/photo/man-and-woman-near-grass-field-1415131/


Sa kabila ng mga kabutihan ng pagiging tapat sa asawa, patuloy na sinisira ng pangangalunya ang maraming pamilya.

Sa ilang kultura, hindi masama ang pakikipagtalik sa hindi asawa, lalo na sa bahagi ng lalaking may-asawa. Para naman sa ilan, hindi nila itinuturing na panghabambuhay ang pag-aasawa.

Pero ano ba ang sabi ng Bibliya?

Sa Bibliya, ang pangangalunya ay karaniwan nang tumutukoy sa kusang seksuwal na pakikipagtalik ng isang taong may-asawa sa hindi niya asawa. Ang pangangalunya ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos. Ito ang sabi sa Levitico 18:20,


Sa sinaunang Israel, ang parusa rito ay kamatayan. Ito ang sabi sa Levitico 18:29,


Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na huwag mangalunya. Ito ang sabi sa Mateo 5:27, 28,




BAKIT MAHALAGA ITONG ISAALANG-ALANG?

Sinisira ng mga mangangalunya ang taimtim na panata nila sa kanilang asawa noong araw ng kanilang kasal. Ito rin ay KASALANAN LABAN SA DIYOS. Pinagwawatak-watak din ng pangangalunya ang mga anak at mga magulang. Higit sa lahat, nagbababala ang Bibliya, sa Hebreo 13:4,


Pwede bang makipag-diborsyo kapag nangangalunya ang iyong asawa?

Pinahihintulutan ng Bibliya ang isang may-asawa na tapusin ang kanilang pagsasama kung magkasala ng seksuwal na imoralidad ang kaniyang asawa. Ibig sabihin, pagkatapos ng isang gawang pagtataksil, ang asawang pinagkasalahan ay may karapatang magdesisyon kung makikisama pa siya sa asawang nagkasala o makikipagdiborsiyo rito. Personal na desisyon ito.

Pero sa mata ng Diyos, ang pag-aasawa ay sagrado at panghabambuhay. Kinapopootan ng Diyos kapag ang isa ay gustong makipagdiborsiyo batay sa mabababaw na dahilan, gaya ng hindi na siya masaya sa kaniyang asawa. Kaya ang pakikipagdiborsiyo ay hindi isang basta-bastang desisyon.

Ang pangangalunya ba ay isang kasalanang walang kapatawaran?

Hindi. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay nagpapakita ng awa sa mga nagsisisi at nanunumbalik sa kanilang mga kasalanan—kasama na do'n ang pangangalunya. Sa katunayan, binabanggit sa Bibliya ang tungkol sa mga lalaki’t babae na huminto sa pangangalunya at naging mga kaibigan ng Diyos.

Kung nagkasala ka ng pangangalunya, kailangan mong humingi ng tawad sa Diyos at sa iyong asawa. Gaya ng Diyos, kapootan mo ang pangangalunya. Maging determinadong umiwas sa pornograpya, seksuwal na mga pantasya, flirting, o anumang bagay na aakay sa iyong magkaroon ng seksuwal na interes sa hindi mo asawa.

Kung pinagtaksilan ka ng iyong asawa, makaaasa ka na nauunawaan ng Diyos ang nadarama mo. Hingin mo ang Kaniyang tulong at patnubay, at SIYA ANG AALALAY SA 'YO. Kung magpasiya kang patawarin ang iyong asawa at patuloy na makisama sa kaniya, kailangang magsikap kayong dalawa na muling patibayin ang inyong pagsasama.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177