Pwede bang Maging Masaya ang Mahihirap By Brain Power 2177


Photo by Pixabay: https://www.pexels.com/photo/adult-beanie-crisis-despair-220365/


Sa kabila ng taimtim na mga pagsisikap na solusyunan ang kahirapan, milyon-milyon pa rin sa buong mundo ang naghihirap.

Puwede bang maging maligaya ang mahihirap?

Marami ang naniniwala na ang kaligayahan ay makakamit lang sa pamamagitan ng kayamanan, at na ang tunay na tagumpay ay nakadepende sa dami ng pera ng isa. At sabi pa nila, ang mahihirap daw ay hindi maaaring magkaroon ng maligaya at kasiya-siyang buhay.

Pero ang itinuturo ng Bibliya na ang tunay na kaligayahan ay nakadepende, hindi sa pinansiyal na kalagayan ng isa, kundi sa kaugnayan niya sa Maylikha. Sinasabi ng Bibliya, sa Mateo 5:3,


Anuman ang kanilang kalagayan sa pinansiyal, inaalam ng mga taong ito ang pananaw ng Diyos sa mga bagay-bagay, kung kaya nagkakaroon sila ng tunay na pag-asa at kapanatagan. 'Yan ang nakapagbibigay ng tunay na kaligayahan. Nagbababala rin ang Bibliya laban sa masasamang epekto ng kasakiman at materyalismo. Tutulong ito sa isa na iwasang lustayin ang kaniyang pera sa sugal o magkaroon ng PAG-IBIG SA SALAPI, na ayon sa Bibliya ay UGAT NG LAHAT NG URI NG NAKAPIPINSALANG MGA BAGAY. Sinasabi ng Kasulatan, sa Lucas 12:15,


Kaya gaano man kalaki ang pera ng isa, hindi niya mabibili ang kaniyang buhay. Pero ang pagsunod sa payo ng Bibliya ay tutulong sa isa na magkaroon ng makabuluhan at maligayang buhay.

Bagaman ang mahihirap ay kailangang kumayod para magkaroon ng pagkain, damit, at tirahan, puwede silang maging maligaya kung magiging kontento sila, gagamitin ang kanilang buhay para sa Maylikha, at mamumuhay ayon sa kaniyang kalooban. Alam nilang totoo ang pangako ng Bibliya, sa Kawikaan 10:22,


Magwawakas pa ba ang kahirapan?

Bagaman hindi masolusyunan ng tao ang kahirapan, sa takdang panahon, wawakasan ng Diyos ang ugat ng problema. Aalisin ng ating Maylikha ang makasariling mga gobyerno ng tao. Ang Kaniyang Kaharian, o makalangit na gobyerno, ay saganang maglalaan sa lahat ng tao nang walang diskriminasyon.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177