Marami Kang Matutunan sa Labas ng Iyong Comfort Zone By Brain Power 2177
Photo by Agung Pandit Wiguna:
https://www.pexels.com/photo/man-walking-on-the-gray-asphalt-road-1149923/
Kailangang handa na ang iyong pinakamahusay na strategy para malampasan mo ang mga hamon sa buhay. Dahil alam naman nating lahat, kahit anong oras, pwede tayong tamaan ng problema. Alam rin natin na ang buhay ng bawat isa ay may mga araw ng kagalakan at may mga araw na grabe ang mga struggles. Kaya't napakahalaga na huwag mong hayaan ang mga negatibong sitwasyon na ubusin ang iyong lakas. Ganito na ang buhay e. Minsan umaahon. Minsan lumalagpak. Every problem is a gift – without problems,
we would not grow. Kung walang problema, paano tayo matututo? Paano tayo uunlad?
It’s not easy to live a meaningful life, yet it’s worth the hard work. Kaya't ngayon pa lang, 'wag mong sayangin ang oras mo. Bawat minuto ay napakahalaga para sa 'yong pagbabago. Hindi mo man mapipigilan ang mga hamon, hindi mo man 'yan makokontrol, lalapit talaga ang problema sa 'yo, but know this, challenges are there to make you grow, to make you stronger and to make you more experienced. Isipin mo na lang ang mga hamon na 'yon bilang nakatagong regalo
Upang malampasan mo ang mga hamon sa buhay, simple lang, 'wag mong takasan. Kailangan mo munang harapin ang mga ito. Samakatuwid, ang pinakamahusay na paraan ay alamin mo ang iyong mga problema at gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang malutas ang mga problema mo. Madali mong malalaman kung umuusad ba ang buhay mo o nananatili lang ganyan. Paano ba natin malalaman? Kapag nawawalan ka na ng interes sa mga bagay-bagay. Yun bang hindi ka na nasasabik sa mga pinagagawa mo. Wala ng nakakaakit ng iyong atensyon. Gaano man kaganda at kakulay ng iyong paligid, hindi mo ito makikita. Kung 'yan ang nararamdaman mo ngayon, ibig sabihin, hindi na tumatakbo ng maayos ang buhay mo. Para bang ang mga pangarap mo ay naka-hold na at wala kang masyadong inaabangan. Dapat buhayin mo ang iyong interes. Maghanap ka ulit ng mga bagay na bumubuhay sa mga interes mo. Dapat manatili kang curious para naman mabuksan ang isipan mo.
Ano pa ang sign na hindi na tumatakbo ng maayos ang buhay mo? Yung nananatili ka na lang kung saan ka komportable. Talagang hindi uusad ang buhay mo. Kasi ano pang bago ang matutunan mo sa buhay e halos lahat familiar na sa 'yo. May kaseguruhan na sa 'yo. Let me ask you, why you don’t want to step forward? Is it because it irritates you? Is it because it disturbs your muteness. Malaki ang matutunan mo sa labas ng iyong comfort zone. Out of the comfort zone, is the place when life starts. Lumabas ka na sa comfort zone mo. Kailangan mong paalisin ang mga negatibong pag-iisip sa loob ng iyong puso't isip, dahil 'yan ang dahilan kung bakit natatakot kang pumasok sa bagong yugto ng buhay. Kailangan mong ipasok sa isip mo ang positibong salita at positibong saloobin, para magbago ang pananaw mo sa buhay. Alam mo ba kung ano ang epekto ng negatibong pag-iisip? Ang iyong kalusugan lang naman. Ang mga negatibong emosyon ay sumasalamin sa iyong katawan.
Ano pa ang sign na hindi tumatakbo ng maayos ang buhay mo? Ang dami mong dahilan, kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala ka ng ginagawang makabuluhan sa buhay kaya't nandiyan ka pa rin sa sitwasyon na 'yan. Palagi kang may dahilan sa bawat sitwasyon at palagi kang takot at wala kang kompiyansa na salubungin ang iyong mga problema. What you allow will dominate. Excuses are the real reason killers, so you need to fight their origin. Find the real causes for that fear and hesitation. Always think of ways to solve problems not to silence your consciousness.
Ano pa ang sign? Kung wala ka ng lakas. Weakness controls your body and soul. You can’t feel energized or motivated to do activities. Parang gusto mo na lang magpahila sa ibang tao. 'Yan ang literal na pabigat. Sana'y hindi umabot sa punto na gan'on na ang buhay mo.
Comments
Post a Comment