Paano Kontrolin Ang Emosyon By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-looking-furious-3812754/


Ano sa palagay mo​—ang apoy ba ay masama o mabuti? Ang sagot mo marahil ay, DEPENDE. Ipagpalagay nating isang gabi ay nagkakamping ka sa gubat at napakalamig ng panahon. Kailangan mong magparingas para mainitan ka. Mabuti ang apoy, hindi ba? Pero kapag lumaki ang apoy at hindi mo na ito makontrol, masama ang puwedeng mangyari​—mabilis na kakalat ang apoy at masusunog ang buong kagubatan. Kapaha-pahamak nga!

Ganiyan din pagdating sa iyong damdamin. Kapag kontrolado mo ito, matutulungan ka nitong magkaroon ng mabubuting kaibigan. Pero kapag hindi mo nakontrol ang iyong damdamin, puwede kang ipahamak nito, pati na ang mga tao sa palibot mo.

Ngayong adulto ka na, baka paminsan-minsan ay hindi mo mapigilan ang iyong galit o madaig ka ng labis na kalungkutan. Paano mo makokontrol ang gayong mga damdamin? Pag-usapan natin ang bawat isa sa mga ito.

KONTROLIN MO ANG GALIT

Nakakasama talaga ng loob kapag pinakitunguhan ka nang hindi maganda. May ilan pa nga na hindi nakapagpipigil ng kanilang sarili. Sa katunayan, may binabanggit ang Bibliya na mga taong MADALING MAGALIT at MADALING MAGNGALIT. Hindi ito dapat bale-walain. Kapag nag-apoy ka sa galit, baka makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli. Kaya paano mo makokontrol ang iyong damdamin kapag hindi maganda ang naging pagtrato sa 'yo?

Una, pag-isipang mabuti ang nangyari. Huwag maging emosyonal. Tingnan mo kung kaya mo na lang itong palampasin. Tandaan, kung gaganti ka ng pinsala para sa pinsala, lalo lamang lalaki ang problema. Ito ang sabi sa 1 Tesalonica 5:15,


Pagkatapos tingnang mabuti ang nangyari at ipanalangin ito, baka mapag-isip-isip mong kaya mo naman palang pagpasensiyahan ito, at hindi ka na gaanong maaapektuhan ng nangyari.​

Pero paano kung hindi mo mapalampas ang ginawa sa 'yo? Sinasabi ng Bibliya sa Eclesiastes 3:7,


Puwede mo kayang lapitan at kausapin ang taong nakasakit sa 'yo? Kung hindi naman ito angkop, baka mabuting sabihin mo sa 'yong tatay at nanay o sa isang may-gulang na kaibigan ang iyong nadarama. Kung sinasadya kang inisin ng isang tao, magpakita ka pa rin sa kaniya ng kabaitan kahit na mahirap itong gawin.

Manalangin ka sa Diyos na tulungan kang iwasan ang magkimkim ng galit sa taong nakasakit sa 'yo. Tandaan mo, bagaman hindi mo mababago ang nangyari, maaari mo namang kontrolin ang iyong reaksiyon dito. Kung magngingitngit ka sa galit, para kang isda na nahuli sa bingwit​—wala kang kalaban-laban. Hinahayaan mong kontrolin ng iba ang iyong pag-iisip at damdamin. Hindi ba mas maganda kung ikaw ang kumokontrol sa iyong damdamin? Sabi sa Roma 12:19,



PAANO MAPAGLALABANAN ANG KALUNGKUTAN

Maraming tao ang sakal na sakal na sa dami ng problema sa buhay. Kumusta ka naman? Ngayong adulto ka na, marami kang pinagdaraanang pisikal at emosyonal na mga pagbabago. Baka malaki ang inaasahan sa 'yo ng mga magulang mo, ng iyong mga kaibigan, at mga guro. O baka naman dahil lamang sa maliliit mong pagkakamali ay naiisip mong wala ka nang ginawang tama. Dahil sa lahat ng ito, baka maisip mong miserable na ang buhay mo.

May ilang tao pa nga na sinasaktan ang kanilang sarili para maibsan ang kanilang pagdadalamhati. Kung nakagawian mo na ring saktan ang iyong sarili, isipin mong mabuti kung bakit mo ito ginagawa. Halimbawa, sinasaktan ng ilan ang kanilang sarili para hindi nila madama ang tensiyon. Nag-aalala ka ba​—marahil dahil sa iyong pamilya o mga kaibigan​—kaya ka natetensiyon?

Kung may ikinababahala ka, ang isa sa pinakamagandang gawin mo ay makipag-usap sa iyong mga magulang o sa mapagkakatiwalaan mong kaibigan na handang dumamay kapag may problema ka.

Higit sa lahat, huwag mong kalimutang manalangin kung nalulungkot ka at nanlulumo. Ganito ang isinulat ng salmistang si David, na marami ring pinagdaanang problema, basahin natin ang Awit 55:22,



Alam ng Diyos ang pinagdaraanan mo. Hindi lamang ’yan, ‘siya ay nagmamalasakit sa 'yo. Kung pakiramdam mo’y wala kang halaga at hindi karapat-dapat, tandaan mo na ang Diyos ay mas dakila kaysa sa iyong puso at nakaaalam ng lahat ng bagay. Mas alam Niya kung bakit ka nalulungkot, at mapagagaan Niya ang iyong kalooban.

Kung hindi pa rin maalis-alis ang kalungkutan mo, baka may problema ka sa kalusugan, gaya ng depresyon. Kung gayon,  makabubuting magpatingin ka sa doktor. Kung ipagwawalang-bahala mo ito, parang nilakasan mo lang ang volume ng radyo sa iyong sasakyan para hindi mo marinig ang kalampag ng makina nito. Mas mabuting gumawa ng hakbang para malutas ang problema. Hindi mo naman dapat ikahiya ang iyong kalagayan. Maraming tao na may depresyon at kaugnay na mga sakit ang natulungan dahil sa pagpapagamot.

Tandaan mo, parang apoy ang iyong damdamin. Kapaki-pakinabang ito kapag kontrolado mo; kapaha-pahamak naman kapag hindi mo napigilan ang paglagablab nito. Gawin ang iyong buong makakaya upang makontrol ang iyong emosyon. Totoo, baka paminsan-minsan ay makapagsalita ka o makagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli. Pero huwag kang masiraan ng loob. Pagdating ng panahon, matututuhan mo ring kontrolin ang iyong damdamin para hindi ka makontrol nito.

Araw-araw, magkuwento ka sa tatay o nanay mo o sa malapit mong kaibigan ng isang magandang bagay na nangyari sa 'yo​—kahit maliit na bagay lang ito. Mapaharap ka man sa mabigat na problema, hindi ka na maaasiwang makipag-usap sa kanila. At mas magiging handa silang makinig.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177