Huwag Kang Magpapakaperpekto By Brain Power 2177


Photo by Ali Naderi from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/silhouette-of-man-standing-beside-ocean-during-sunset-103889/


Naiinis ka ba kapag hindi mo na-perfect ang ang mga ginagawa mo?

Kaunting puna lang ba sa iyo, pakiramdam mo’y wala ka nang kuwenta?

Nahihirapan ka bang makipagkaibigan o hindi makatagal sa 'yo ang mga kaibigan mo dahil masyado kang mapaghanap?

Kung OO ang sagot mo sa isa o higit pang tanong, hindi kaya may pagka-perpeksiyonista ka? Baka itanong mo,

“Pero ano naman ang masama kung sinisikap mo lang gawin nang tama ang mga bagay-bagay?”

Siyempre, wala namang masama. Pinupuri ng Bibliya ang tao na dalubhasa sa kaniyang gawain.

Pero higit pa rito ang gusto ng isang perpeksiyonista. Halimbawa, kung hindi ka nakaka-perfect sa exam, pakiramdam mo ba ay wala kang kuwentang estudyante? Ang pagiging perpeksiyonista ay maaaring makaapekto sa sarili ng isa. Halimbawa may maganda kang reputasyon at lagi kang pinupuri ng mga tao, dahil lagi kang sentro ng atensiyon, baka pakiramdam mo ay para kang tumutulay sa alambre at nakatutok ang lahat sa bawat kilos mo. Oo, makikinabang ang mga tao sa iyong mabuting halimbawa. Pero baka dahil sa takot mong masira ang tingin sa 'yo ng iba, hindi ka na makakilos nang natural at mawala ang kagalakan mo sa paggawa ng mga bagay na gusto mo. Kung mangyayari 'yan, kailangan mo ng tulong. Pero baka hindi ka humingi ng tulong sa takot na bumaba ang tingin ng mga tao sa 'yo. Baka nga tuluyan ka ng hindi magsikap dahil iniisip mo,

“Kung magkakamali rin lang ako, bakit pa ako magpapakahirap?”

Wala sa bokabularyo ng mga perpeksiyonista ang pagkakamali. Pero hindi naman makatotohanan 'yan. Malinaw na sinasabi ng Bibliya, sa Roma 3:23,


Baguhin mo ang iyong pananaw sa TAGUMPAY. Sinasagad mo ba ang iyong sarili sa kagustuhan mong maging numero uno? Ipinahihiwatig ng Bibliya na ang gayong pagsisikap ay gaya ng PAGHAHABOL SA HANGIN. Ito ang sabi sa Eclesiastes 4:4,


Ang totoo, mabibilang lamang sa daliri ang nagiging PINAKAMAGALING. At ilang panahon lang, kadalasan nang nasasapawan din sila ng iba. Hindi mo kailangang mahigitan ang iba para masabing matagumpay ka. Ang mahalaga ay ginawa mo ang iyong buong makakaya. Basahin natin ang Galacia 6:4,


Maging MAKATOTOHANAN. Dapat alam mo ang iyong limitasyon; gawin mo lang ang kaya mo. Kung masyadong mataas ang inaasahan mo sa iyong sarili, senyales ito na hindi mo tinatanggap na may limitasyon ka​—baka tanda pa nga ito ng kayabangan. Maganda ang payo ni apostol Pablo, sa Roma 12:3,


Kaya maging makatotohanan. Baguhin mo ang iyong inaasahan sa 'yong sarili. Gawin mo lang ang iyong buong makakaya, at huwag mong isiping hindi ka dapat magkamali.

Tawanan mo ang iyong pagkakamali! Subukan mo kayang gawin ang isang bagay kahit na alam mong hindi ka magaling doon, gaya ng pagtugtog ng instrumentong pangmusika. Oo, talagang magkakamali-mali ka. Pero ano kaya kung huwag mong masyadong seryosohin ang mga pagkakamali mo? Sinasabi ng Bibliya sa Eclesiastes 3:4 na may PANAHON NG PAGTAWA. Kaya bakit hindi mo na lang tawanan ang mga pagkakamali mo? Makikita mong natural lang na magkamali ka habang pinag-aaralan mo ang isang bagay. Oo, baka masiraan ka pa rin ng loob kapag hindi mo na-perfect ang ginagawa mo. Pero sikapin mong paglabanan ang negatibong mga kaisipan.

Tandaan mo na hindi perpeksiyonista ang Diyos​—hindi ka Niya hinahanapan ng kasakdalan; gusto lamang niya na maging tapat ka sa Kaniya. Kung sisikapin mong maging tapat sa Kaniya, magkakaroon ka ng tunay na kaligayahan​—kahit hindi mo magawang perfect ang lahat.

Sakdal ang Diyos, pero hindi Siya perpeksiyonista​—hindi Niya tayo hinahanapan ng kasakdalan. Hindi Siya nagbibigay ng mga kahilingan na hindi naman natin kayang sundin.

Kaya yamang makasalanan tayo, imposibleng maging perpekto ang sinuman sa atin ngayon. Sa katunayan, ang isang taong nag-iisip na kaya niyang gawin nang perfect ang anumang gusto niyang gawin ay walang kaibahan sa taong nag-iisip na kaya niyang lumipad. Paniwalang-paniwala man siyang magagawa niya ito, hindi pa rin ito mangyayari!

Nilalayuan mo ba ang mga taong hindi nakakaabot sa mga pamantayan mo? O ikaw ang nilalayuan ng mga tao dahil masyadong mahirap abutin ang mga katangiang hinahanap mo sa isang kaibigan? Ganito ang payo ng Bibliya, sa Eclesiastes 7:16,


Kaya nawawalan ng kaibigan ang mga perpeksiyonista kasi inaayawan nila ’yung mga taong puwede sana nilang maging kaibigan. Sa ganitong paraan, dinudulutan nila ng kaabahan ang kanilang sarili. Walang gustong makipagkaibigan sa mga taong mapamuna, 'di ba? 'Yan ang nakita ko sa mga perpeksiyonista​—nawawalan sila ng mga kaibigan kasi maliliit na bagay lang, ginagawa nilang isyu.

Ang pagsisikap na maging perfect sa lahat ng bagay ay kasing-imposible ng pagsisikap na makalipad.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177