Kontrolado Mo Ba ang Iyong Buhay By Brain Power 2177


Photo by APEX.GRAPHICS:
https://www.pexels.com/photo/two-pilot-inside-aircraft-1272392/


Ano ang mga tunguhin mo noong bata ka pa? Siguro gusto mong mag-asawa, siguro gusto mong maging mahusay sa isang bagay, o gusto mong magkaroon ng magandang trabaho. Pero hindi laging nasusunod ang mga plano natin. Dahil sa di-inaasahang problema, baka biglang magbago ang buhay natin.

Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 24:10,


Tandaan mo, mahalaga ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Kung panghihinaan ka ng loob, hindi ka makagagawa ng matatalinong desisyon. Pero kung magiging positibo ka, mas magiging madali sa 'yo na gumawa ng magagandang pasiya at magiging masaya ka sa kabila ng iyong kalagayan.

May pinagdaraanan ka ba ngayon gaya ng malubhang sakit? hiniwalayan ka ba? namatayan ka ba ng mahal sa buhay? Kapag napaharap ka sa kalagayang hindi na magbabago, baka isipin mong wala ka nang magagawa kundi mangarap na lang. Paano mo muling makokontrol ang buhay mo?

Kung parang kinokontrol ng di-mababagong mga kalagayan ang buhay mo, subukan mo ito:

#1. MAGPOKUS KA SA MGA BAGAY NA PUWEDE MONG KONTROLIN. Halimbawa, maaaring hindi mo talaga kontrolado ang kalusugan mo, pero puwede kang mag-ehersisyo, puwede kang kumain ng masustansiyang pagkain, at magkaroon ng sapat na pahinga.

#2. PAGPASIYAHAN KUNG ANO ANG TUNGUHIN MO SA BUHAY. Isipin mo kung ano ang puwede mong gawin, kahit maliliit na bagay, para maabot 'yon. Maglaan ka ng kahit kaunting panahon araw-araw para maabot ang tunguhin mo.

#3. GUMAWA KA NG KAHIT MALILIIT NA BAGAY PARA MADAMA MONG KONTROLADO MO ANG IYONG BUHAY.

#4. HANAPIN MO ANG POSIBLENG MGA PAKINABANG SA KALAGAYAN MO. Halimbawa, dahil kaya sa sitwasyon mo ay mas nauunawaan mo kung paano haharapin ang mga problema? Magagamit mo kaya ang kaalamang ito para tulungan ang iba?

Tandaan mo, maaaring hindi mo kontrolado ang iyong kalagayan, pero puwede mong kontrolin ang reaksiyon mo.

Kung kinokontrol ng napakaraming gawain ang buhay mo, subukan mo ito:

#1. MAGHANAP KA NG MGA PUWEDENG TUMULONG SA 'YO. Halimbawa, may mga anak ka pa bang kasama sa bahay? May mga kapamilya ka ba o kaibigan na nakatira malapit sa inyo? Magpatulong ka sa kanila.

#2. SABIHIN MO SA IBA ANG KALAGAYAN MO. Halimbawa, kausapin mo ang employer mo kung masyadong marami ang ipinagagawa niya sa 'yo. Hindi ibig sabihin nito na pinagbabantaan mo siyang magbibitiw ka na. Pero sabihin mo sa kaniya ang mga hamong kinakaharap mo. Baka bawasan niya ang dami ng trabaho mo.

#3. ISULAT MO KUNG GAANO KARAMI ANG GAWAIN MO SA ISANG LINGGO. Sa mga ito, mayroon ka bang puwedeng ipaubaya sa iba?

#4. MAGING PALAISIP KAPAG MAY NAG-IIMBITA SA 'YO. Kung hindi mo kayang pumunta dahil wala ka nang lakas o panahon, matutong tumanggi sa mabait na paraan.

Tandaan mo, kung pipilitin mong gawin ang lahat ng bagay, wala ka nang magagawang anuman.

Nadaraig ka ba ng matitinding damdamin—marahil ng KALUNGKUTAN, GALIT, o HINANAKIT? Kung oo, baka nasasaid na ang iyong panahon at lakas para sa mga bagay na talagang importante sa 'yo. Ano ang puwede mong gawin?

Kung kinokontrol ng negatibong damdamin ang buhay mo, subukan mo ito:

#1. Isulat mo ang iyong nadarama.

#2. Sabihin mo sa isang malapít na kapamilya o sa isang malapít na kaibigan ang nadarama mo.

#3. Huwag agad magpadala sa 'yong nadarama. Halimbawa, tanungin mo ang iyong sarili, ‘Talaga bang may dahilan para maging negatibo ang tingin ko sa sarili ko?’

Huwag magpadaig sa KABALISAHAN, GALIT, o HINANAKIT. Gamitin mo ang lakas mo sa mas kapaki-pakinabang na mga gawain.

Sa ngayon, walang sinuman ang may perpektong kalagayan. Kadalasan, ang sekreto ay ang matutong tanggapin ang ating kalagayan at pakibagayan ito. Kung makokontrol mo kahit paano ang iyong buhay sa kabila ng di-magagandang sitwasyon, mabuti 'yan. At kung gumanda naman ang iyong kalagayan, mas mabuti. Pero maaasahan mo na lalo pang bubuti ang iyong kalagayan.

Ipinapangako ng Bibliya na darating ang panahong makokontrol na ng mga tao ang kanilang buhay. Maaabot na nila ang kanilang buong potensiyal—malaya sa nakapanlulumong sitwasyon, malaya sa araw-araw na panggigipit, at malaya sa negatibong mga damdamin. Ito ang sabi sa Isaias 65:21, 22,






Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177