These 7 THINGS Will Make Your Life Better by Brain Power 2177


Photo by Tobi from Pexels


May mga panahon na dadaan talaga tayo sa mahihirap na sitwasyon. Lahat ng ating ginagawa ay mababaliktad at para bang pati buhay natin ay lulubog na rin. Siyempre malulungkot tayo sa sitwasyon na 'yan. Sa mga oras na nahihirapan ka, ang tanging bagay lamang na dapat mong gawin ay manatiling patibayin ang iyong mentalidad. Alam kong mahirap. Pero hindi natin ito patataubin. Dahil sa oras na mapatatag natin ang ating mentalidad, mananatili ka pa ring masigasig, mas madali mong maiwasan ang mga problema, nang sa gan'on ay makapagpatuloy ka pa rin sa paglaban, makakapag-isip ka ng maayos at siyempre maaayos mo ang iyong sitwasyon. 

Upang manatili pa rin tayong positibo at magpatuloy pa rin sa pagsulong, palagi nating tandaan ang 7 pangunahing ideyang ito kapag nahihirapan na tayo. 'Wag na 'wag mong kalimutan ang mga ideyang ito, okay? Baunin mo 'to araw-araw. 'Wag kang magpapatalo sa negatibo mong pag-iisip. Uulitin ko, tandaan mo ang 7 ideyang ito upang manatiling matatag ang iyong emosyon at kaisipan. Nang sa gan'on ay makakaabante ka pa rin.





NUMBER 1
LAHAT NG ITO AY LILIPAS DIN
Photo by Alexandro David from Pexels


Oo walang pinipili ang mundo. Kahit nga mabuting pangyayari ay lilipas din. Ang mabuti at masamang pangyayari ay hindi mananatili sa buhay mo. Para itong bula na mahahawakan mo saglit at mawawala rin. Araw-araw ay may panibagong pangyayari. May panibagong hamon, may panibagong pagkakataon. Panibagong problema, panibagong solusyon. Lahat ay may hangganan. Walang forever. Oo alam ko na sasabihin mo,

“pero matagal na 'tong problema ko e…”

matagal na ba 'yan o dinagdagan mo lang? Ang problema ay ISANG problema LANG. Nagiging seryosong problema ito dahil sa kakapokus mo nito. The more you focus on something, IT GROWS. Minsan masasabi mo,

“Wala na talagang katapusan 'to”

Hindi 'yan totoo. Isa 'yang pangit na pang-unawa. Bilang tao, natural na sa atin ang mag-isip sa ating problema. Pero ang problema lang ay nakapokus tayo sa negative side. Imbes na maliit lang ang problema, MALAKING PROBLEMA na ang nakikita mo at hindi mo na makikita ang solusyon. Ito ang dahilan kung ba't masasabi natin na hindi natapos ang ating problema. 

Ok sabihin na natin na pinakamasama na 'yang problema mo. Pero may hangganan pa rin 'yan. Minsan kailangan nating gumawa ng aksyon para matapos ang sitwasyon na ayaw natin, minsan rin may mga uri ng sitwasyon na magwawakas lang ng kusa. Alam mo, ang problema natin ay hindi mawawala kaagad. Hindi ito darating ngayon at bukas wala na. Minsan aabot din ito ng isang buwan, minsan nga taon. Kaya kailangan may sapat kang katatagan, habaan mo ang iyong pasensya at humanap ka ng solusyon. Pero kahit ano pa man ang gagawin mo, 'wag mong kalimutan na ang lahat ng 'to ay lilipas din.






NUMBER 2
ANG DAMI MO NG
NAPAGTAGUMPAYANG PROBLEMA NOON
Photo by Johannes Plenio from Pexels


You see, you are already a WINNER. Ngayon ka pa ba malulungkot? Ngayon ka pa ba iiyak? Ngayon ka pa ba magpapatalo? Ang dahilan kung bakit ka nanghihina, palagi mo kasing iniisip na nahihirapan ka ng sobra. Ang solusyon ay nasa puso mo. Hindi mo napapansin kasi binigyan mo ng pansin ang negatibong emosyon. Ilang problema na ba ang napagtagumpayan mo? Kahit isa, dalawa o higit pa 'yan, napagtagumpayan mo pa rin. 

Oo ang daming problema sa buhay at hindi tayo makakailag. Kapag tinatanggap natin ang ating mga problema at tratuhin natin ito ng maayos, hindi tayo masyadong mabibigatan at may benepisyo pa tayong makukuha. Sa tingin kasi natin ang problema ang nagpapahirap sa atin. Pero sa totoo lang, nahihirapan tayo dahil hindi natin tanggap ang nangyari. Hindi natin matanggap ang sitwasyon. Imbes na tatakbuhan natin o babalewalain natin ang problema, tanggapin natin ito ng buo upang madali natin itong madurog. Kahit ihambing mo pa ang iyong problema sa iba, kahit iniisip mo man na mas malaki pa ang problema mo kaysa sa problema ng ibang tao, pare-pareho pa rin tayong nahihirapan. Ang malaking problema sa 'yo ay maliit lang sa iba at ang malaki sa iba ay maliit lang sa 'yo. Magkaiba tayo ng karanasan, ng sitwasyon, ng paghawak ng ating emosyon at ng paghahanap ng solusyon.

Nang dahil sa mga mahihirap na sitwasyon na dinanas mo ngayon, 'yan ang magpapatatag sa 'yo at makakapagbigay ng kompiyansa sa 'yo. Handling the problems you can do something about and accepting the ones you can't change, creates room for more happiness. Kaya tandaan mo palagi 'to, nakaya mo lahat ng paghihirap mo noon. Kapag iniisip mo 'yan palagi, pinapalakas nito ang iyong paniniwala. Mawawala ang negatibong pag-iisip. Mag-uudyok ito sa 'yo na magpatuloy pa rin dahil may liwanag pa rin sa huli.



Recommended Article: If You Want To Give Up, READ This



NUMBER 3
MAY LAKAS KA NA NAKATAGO SA LOOB MO
Photo by Evelyn Chong from Pexels


Oo may LAKAS ka. May KADAKILAAN sa loob mo. Hindi mo lang nailabas ang buo mong potensyal dahil nauunahan ka ng kalungkutan at pag-aalala. Natural na ito sa atin. Kung binabangga tayo ng matinding sitwasyon, nakapokus tayo kaagad sa sakit na dulot nito. Kaya malabo nating makikita ang ating lakas. Hindi rin natin mararamdaman dahil nga nababalot tayo ng ating negatibong emosyon. Kabiguan na lang ang nakikita natin. Nakikita natin na tayo'y talunan, na wala tayong kakayahang umangat, na hindi natin kayang solusyonan ang problema. Pero hindi 'yan totoo. Pinaniniwala ka lang ng isip mo na HINDI MO KAYA, na WALA KANG ALAM, na WALA KANG LAKAS. Pero MAYROON. Gaya ng ibang tao, may LAKAS ka at may KAHINAAN ka rin. But you have to UNLEASH that strength.

Oo ramdam kita. Pareho tayo may iba't-iba tayong boses na naririnig sa ulo natin. Dahil sa mga negatibong boses na ito, negatibo rin ang ating reaksyon, negatibo rin ang ating pag-iisip at ang ating emosyon. Be mindful of what is going on inside of you. Manahimik ka muna saglit at pag-isipan mong mabuti kung paano ka mag react sa 'yong sitwasyon, dito mo mapapalaya ang iyong LAKAS, dito mo maririnig ang ugong ng iyong LAKAS. Kapag nakapokus ka lang sa mismong araw na 'to, ang lahat ng iniisip mo na kritikal ay mapapaalis mo. Sa araw na 'to, ISA lang ang problema mo. 'Wag mo munang isipin ang bukas dahil ang bukas ay hindi pa naman dumating. There is NOTHING to WORRY about and there is NOTHING to FEEL GUILTY about.

Kaya ito ang susi para kumalma ka lang sa kalagitnaan ng matinding sitwasyon, ang pagpokus sa LAKAS na nakatago sa kalooban mo. Isipin mo na marami ka ng pinagdadaanan noon pero may LAKAS ka pa rin ngayon. Kapag iniisip mo 'yan, mag-iiba ang iyong pananaw at maging balanse ang iyong pamumuhay. Patuloy mo lang pansinin ang iyong lakas. 'Wag lang puro kahinaan mo. Oo may kahinaan ka, ako rin at tayong lahat. Pero 'wag nating ipokus ang ating ATENSYON sa kahinaan natin. Bakit? Mas lalo tayong manghihina. Paano natin malalabanan ang mga problema kung mahina tayo, 'di ba?

Hindi ko alam kung paano pagaganahin ang iyong lakas dahil bawat isa sa atin ay may istilo sa pag recharge. Kailangan mong hanapin kung saan o anong bagay ang nakakapag motivate sa 'yo. Yung bagay na para talaga sa 'yo. Yung mga bagay na pinaghuhugutan mo. Katulad rin ng kasiyahan, 'di ba? May bagay na ikinakasaya ko na hindi mo naman ikinakasaya. Gan'on din sa motibasyon. Hindi lahat ng salita na binibitawan ko ay nakakapagpalakas sa 'yo. Kailangan mong hanapin kung saan ka mas komportable.






NUMBER 4
LAHAT TAYO AY NAHIHIRAPAN
Photo by Engin Akyurt from Pexels


Ito ang nakakapagpagaan ng loob natin. Yung nag-iisip tayo na hindi tayo nag-iisa. Sa palagay kasi natin maraming tao ang walang problema. Mayroon silang problema pero hindi lang nila sinasabi sa 'yo. Para saan pa, 'di ba? Mapanlinlang kasi ang ating isip e… Dinurog na nga tayo ng problema, dudurugin pa tayo nito lalo. Pinaparamdam ng ating isipan na PINAKAkawawa tayo dahil tayo lang ang nagkakaganito. Hindi man tayo magkapareho ng problemang kinakaharap pero ang sakit ay gan'on pa rin. Pareho tayong nasusugatan, nasasaktan, nalulungkot, nababalisa, nag-aalala, nalulumbay. Minsan sisisihin pa natin ang Diyos dahil parang sinasadya Niyang ibigay sa atin ang ganitong problema. Pero hindi. Bahagi na ito ng ating buhay dahil sa kasalanang nagawa ni Adan at Eva. Nawala ang perpektong buhay simula pa sa pinaka unang panahon.

Uulitin ko nang matauhan ka naman, HINDI KA NAG-IISA. Hindi lang IKAW ang nagkakaproblema. HINDI TOTOO ang negatibong iniisip mo. Nag-aalala ka lang ng sobra dahil iniisip mo na IKAW lang ang nagkakaganito. Nadagdagan lang ang problema dahil sa mali mong pag-iisip. Hindi mo alam na ang taong nasa tabi mo ngayon ay may matinding problema na hindi pa niya sinasabi sa 'yo. Kaya't magpakabait ka sa lahat dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila sa buhay. Ang iyong kabaitan ay makakapagpagaan ng kalooban nila at siyempre magpapasaya rin sa 'yo.






NUMBER 5
MAY MATUTUTUHAN KA
SA BAWAT SITWASYON
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Maayos man o grabeng sitwasyon, may mapupulot kang aral. May mga oras man na susubukin tayo ng panahon at ang karamihan sa mga tao ay gustong umiwas at idini-deny pa ang realidad. Ang problema kasi ay dumadating dahil may hindi tama na nangyari sa buhay mo. Bibigyan kita ng halimbawa, ang problema mo ay nagkakasakit ka dahil nagpupuyat ka. Hindi kasya ang kita mo dahil gumagastos ka higit pa sa kinikita mo. Naiintindihan mo ba ang punto? Kapag wala ka sa TAMANG LANDAS, problema ang mababangga mo. Balik tayo sa storya ni Adan at Eva, perpekto ang buhay nina Adan at Eva. Sinabihan sila ng Diyos na 'wag kumain ng prutas na 'yon para walang masamang mangyari. Pero pinili pa rin nila ang MALING LANDAS kaya nagkakaroon tayong lahat ng problema.

Sa halip na tumingin sa panlabas na problema, tingnan mo muna kung ano ba ang pinagagawa mo sa buhay? Ano ba ang dapat i-improve? Can you change the way you live so that your life situation can improve? It's a LEARNING EXPERIENCE. Hindi mo makokontrol ang sitwasyon pero MAKOKONTROL mo ang iyong REAKSYON. Kailangan natin ng sapat na lakas mental at lakas pisikal. Gamitin natin ang mga problema bilang stepping stone tungo sa tagumpay, hindi ang problema ang gagamit sa atin. Use the pain to motivate yourself, to become more determined, to work even harder, and succeed.

Lahat ng kabiguan natin ay may hatid na aral. Matututuhan natin kung ano ang babaguhin sa istilo natin, kung paano tayo hihingi ng tulong sa ibang tao, kung paano tayo magpokus, kung paano tayo makakabalik sa tamang landas. Ang daming matututuhan natin. It is by LEARNING and APPLYING THAT LEARNING that you’ll eventually turn things around. Tandaan mo na ang SARILI MO ay maaaring maging KALABAN mo o magiging KAKAMPI mo. Minsan kasi pag may problema tayo, galit din tayo sa sarili natin. Galit tayo sa sarili natin dahil ang bilis nating nagtiwala sa ibang tao, dahil wala tayong disiplina sa sarili, dahil sa mga pagkakamali natin noon. Sinasaktan natin lalo ang ating sarili. Gusto ko lang itanong sa 'yo, kapag ba may kaibigan ka na sinisisi ang kanyang sarili, sasabihin mo ba na tama ang kanyang ginawa? Hindi, 'di ba? Siguradong ichi-cheer up mo siya. Pero bakit hindi mo 'yan magawa sa sarili mo?


NUMBER 6
HUMINGI KA NG TULONG

Kung may isang tao na mapagkakatiwalaan mo at komportable kang makipag-usap sa kanya, sa kanya ka humingi ng tulong. 'Wag kang humingi ng tulong sa taong hindi mo mapagkakatiwalaan. Sa halip na tutulungan ka, ipagkakalat pa niya ang problema mo. Mag-ingat ka sa ganyang mga tao. 

Karamihan sa mga tao ay takot o nahihiyang humingi ng tulong dahil nagmumukha daw silang tanga. This self-handicapping behaviour might be the single biggest thing holding you back. Alam mo ba kung ano ang benepisyo na makukuha mo? Kapag hihingi ka ng tulong sa ibang tao, makakabuo ka ng matatag na relasyon. Ibig sabihin na pinagkakatiwalaan mo siya at ang taong pinagsasabihan mo ng iyong problema, iniisip din niya na may tiwala ka sa kanya. People who are willing to share information are seen as more trusting, more friendly and warm. These are the attributes people look for when choosing who to develop a relationship with.

Palagi mong tandaan na may maraming tao na pwedeng makakatulong sa 'yo. Ibaba mo 'yang pride mo para hindi ka malunod sa malalim na sitwasyon. Kahit na mahiyain kang tao, kahit na wala kang kaibigan, kahit ano ka pa, may tao pa rin na makakatulong sa 'yo. May gagamitin ang Diyos para hawakan ang puso mong nalulumbay. Hindi man problema ang masosolusyonan nila, kaya ka pa rin nilang patatagin sa emosyonal man at sa mental. Ang paghingi ng tulong ay hindi KAHINAAN. Ito'y nagpapatunay na mataas ang kompiyansa mo sa 'yong sarili at sa taong hinihingan mo ng tulong.


NUMBER 7
MARAMING MAGAGANDANG BAGAY
ANG NANGYARI SA 'YO
Photo by Samantha Garrote from Pexels


Madali nating makalimutan ang magandang nangyari sa buhay natin. Oo marami kang problema pero 'wag mo sanang kalimutan na pinoprotekhan ka pa rin ng bahay mo. Hindi ka ba masaya dahil sa kalagitnaan ng kahirapan ay may matutulugan ka pa rin? May iniinom ka pa rin. May kinakain ka. Nakakapaglakad ka pa. Nakakapag internet ka. May pamilya ka pa. Malusog ka. Higit sa lahat, BUHAY na BUHAY ka. Nakakalimutan mo ba 'yan? 'Yan ang pinaka magandang nangyari sa buhay mo na hindi mo binigyang pansin. There are still lots of things that are going well in your life and there is still a lot to be grateful for.

Maraming maliliit na bagay na tini-take for granted lang natin. Pati Diyos ay nakakalimutan natin. Siya pa naman ang Source ng lahat. Baguhin mo ang iyong pananaw. Blurred man sa 'yong paningin ang lahat ng 'yon dahil malinaw sa 'yo ang pagdurusa, pero ang mga bagay na ito ay makakatulong sa 'yo upang palakasin ka. It will completely change your perspective. Mapagtanto mo na mabait pa rin ang Diyos sa 'yo dahil binigyan ka pa rin Niya ng buhay para lumaban pa. Life is really amazing.






Sa oras ng kahirapan, ito ang 7 pangunahing ideya na dapat mong tandaan. Ipaalala mo sa 'yong sarili na ang LAHAT ng ito ay LILIPAS din, na ang dami mo ng problemang napagtagumpayan, na may LAKAS pang NATITIRA sa loob mo, na HINDI ka NAG-IISA sa laban na 'to, na may MATUTUTUHAN ka sa bawat problema, na may maraming tao na pwedeng makatulong sa 'yo at marami ka pang MAPAPASALAMATAN sa buhay. Lahat ng 'yan ay nagsisimula sa ISIPAN mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177