7 TIPS For Facing Your Challenges In Your Life by Brain Power 2177


Photo by Samuel Silitonga from Pexels


Buong buhay natin, kinakailangan nating patuloy na magsikap upang mapagtagumpayan ang mga hamon. Araw-araw may panibagong hadlang at kailangang palagi kang aktibong magbabantay upang malabanan mo ang mga hadlang kung nais mong maayos at matagumpay na buhay. Kahit sa tingin natin ay napaka consistent na natin, kahit na araw-araw may motibasyon tayo, pero darating din sa punto na mawawala 'yon dahil sa sobrang kahirapan, dahil sa sobrang pagdurusa. Kahit na sa matagumpay na tao, inaamin nila na may mga araw na manghihina din sila. Naiintindihan naman natin 'yon kasi nga tayo ay TAO lamang. Minsan mahihirapan tayong humanap ng sapat na lakas at tapang para malabanan ang mga hamon sa buhay. Ngunit sa oras na hindi ka susuko, mare-realize mo na ang lakas mo ay hindi pala nawala. Nakatago lang pala sa loob mo.

Kung sa tingin mo ay gusto mo ng bumigay, saktong sakto na ginawa ko ang videong ito para manumbalik ang iyong lakas. Ang 7 mga tips na 'to ay magbibigay sa 'yo ng lakas para makakapagpatuloy ka pa rin kahit nahihirapan ka na.


NUMBER 1
MAGPOKUS KA LANG
SA POSITIBONG SITWASYON
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kapag may mga matinding hamon na dumating, ang pinakaunang maaapektuhan sa atin ay ang ating FOCUS. Paano ko nasabi? Kasi kahit g'ano ka kasaya sa buong araw, isang maliit na dahilan lang na makakaapekto sa 'yong mood, siguradong nakapokus ka na d'on. Siyempre agad-agad kang magagalit o di kaya'y malulungkot. Minsan masasabi natin,

“ang saya² ko na kanina pero dahil lang dito nasira ang araw ko”

Nasabi mo na 'yan, 'di ba? Isang maliit na bagay lang, nasira ang buong araw mo. Pero sa totoo lang, hindi naman dahil sa maliit na bagay na 'yon eh… Sa halip, nag-iba ang iyong focus, nag-iba ang iyong PANANAW. Your negative mindset made you overreact.

Tandaan mo ang katotohanang 'to na palagi ko ng sinasabi sa mga videos natin, isa lang ang makokontrol natin sa buhay: Ang ating REAKSYON. Pero hindi ko sinasabi na kapag ilipat mo ang iyong PANANAW ay mawawala kaagad ang frustration mo o kalungkutan mo. That negative emotion is guaranteed, but facing it with the right mindset certainly helps. Ugaliin mong hindi ka maunahan ng negatibo. Hindi rin dapat na pwersahan mong ibaling ang iyong isipan kasi hindi mo 'yan mapipilit eh… but at least subukan mong magpokus sa positibong pangyayari. Hayaan mo na ang mga maliit na abala sa buhay mo. 'Wag mong hayaan na ang malaking positibong nangyari sa araw mo ay matatalo lang sa maliit na negatibong bagay.

Kailangan mong tanungin ang sarili mo:

“Bakit ba ako nag o-overreact?”

“Bakit ang maliit na bagay na 'to ay binigyan ko ng malaking pansin”

Step outside of your perspective. Kung napapalibotan na tayo ng negatibong tao, bagay o pangyayari, tapos hindi tayo mag step out, mabibigatan talaga tayo. Kaya kailangan nating baguhin ang ating focus. Lumabas tayo. Pumunta tayo sa lugar kung saan makakahinga tayo. We must do something to actively separate from the negativity. Kung sasayangin mo ang iyong lakas sa mga maliliit na bagay, masasayang lang din ang iyong oras. Paano mo malalampasan ang iyong mga hamon kung wala ka ng lakas? 


NUMBER 2
MATUTO KA SA MGA TAONG
NAKARANAS NG MATINDING HAMON
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Iba-iba kasi ang hamon natin. May mga hamon akong hindi mo pa nararanasan. May mga hamon ka din na hindi ko pa nararanasan. Kailangan nating MAKINIG sa iba upang may matututuhan tayo kung paano natin harapin ang hamon na 'yon kung sakaling darating na sa atin. Dapat advance tayong mag-isip para aktibo tayong nakabantay. 

Minsan masasabi mo,

“Ako lang siguro ang nagkakaganito.”

Hindi 'yan totoo. Lahat tayo ay may kinakaharap, hindi man pareho pero gan'on pa rin. Remember this okay, you’re not the only one going through this issue. May mga tao rin na nakakaranas ng parehong naranasan mo o mas masahol pa sa naranasan mo. Ibig sabihin na kung may mga taong nakaranas ng mas matindi pa sa nararanasan mo, ang tanong, bakit nakaya nila? Dito lalawak ang ating isipan. Kapag nagtatanong na tayo, may matututuhan tayo sa kanila. We can learn directly or indirectly from other people.

Ang direktang paraan ng pagkatuto ay ito y'ong hihingi ka ng payo sa taong nakaranas na at siyempre i-apply mo sa 'yong buhay. Gawin mo kung ano ang ginagawa nila kung bakit nalampasan nila ang lahat ng hamon na 'yon.

Ang indirektang paraan ng pagkatuto naman ay ito y'ong hindi ka nagtatanong sa kanila pero nag-oobserba ka lang sa mga ginagawa nila. Everyone we meet has something valuable to teach us. Marami tayong matututuhan sa ibang tao. Matututuhan natin ang mga hindi dapat gawin at matututuhan natin ang mga dapat gawin, kung ano ang dapat baguhin, kung ano ang dapat subukan. Walang katapusang posibilidad ang matututuhan natin mula sa ibang tao.

'Yon ay dahil lahat tayo ay may iba't-ibang pinagmulan, may iba't-iba tayong karanasan, iba't-ibang matututuhan sa buhay. May mga hamon na pinagdadaanan natin, at ang mga aral na napupulot natin sa mga hamon na 'yon ay makakatulong sa ibang tao. Uulitin ko, may matututuhan tayo sa ibang tao. Ang karanasan ng isang tao ay makakapagbigay ng motibasyon sa buhay mo. Pero dapat maingat ka rin. Kasi ang technique na ginamit nila ay pwede ring hindi epektibo sa 'yo. But it's okay because failure is part of the knowledge process. Hindi man nagwork ang solusyon na ibinigay nila, siguro ikaw lang ang makakasolusyon nito.


NUMBER 3
'WAG KANG MAHIYANG MAGPATULONG
Photo by Mariana Montrazi from Pexels


Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo-tayo lang. Minsan kailangan natin ng tulong. Hindi sa lahat ng oras tayo ang tumutulong. Hindi sa lahat ng oras tayo ang nagbibigay, minsan ay tumatanggap rin tayo. Ganyan ang likas na siklo ng buhay. GIVE and TAKE. Batas na 'yan ng Universe. Pero sabi nila, ipinanganak ka dito na nag-iisa, at aalis ka ding nag-iisa. Totoo naman pero, hindi tayo mabubuhay kung wala tayong tulong na matatanggap mula sa ibang tao. Kahit nga matatag na ekonomiya sa iba't-ibang bansa ay konektado. Ganyan ang galaw ng business, 'di ba? Kaya nga may upline at downline kasi interdependent. Tulungan kumbaga. Kaya natural lang na umasa ka sa tulong ng ibang tao. May problema ka man sa mental, emosyonal, pisikal at espirituwal, kung nahihirapan ka na, 'wag kang mahiyang magpatulong.

Aminin na natin, minsan nangangailangan tayo ng tulong. Pride, isolation, not being vulnerable, these are not good things and can hurt you badly. Paano mo mabubuo ang matatag na relasyon kung PRIDE lang ang pinapairal mo? May maikling kwento lang akong sasabihin sa 'yo:

Nalunod ang lalaki sa dagat at may bangkang dumating,
“Kailangan mo ba ng tulong?”
“Hindi, ililigtas ako ng Diyos”.
Tapos may isa pang bangkang dumating,
“Kailangan mo ba ng tulong,
“Hindi, ililigtas ako ng Diyos”.
Ayon nalunod siya.
Tinanong niya ang Diyos,
“Bakit hindi mo 'ko niligtas?”
Sabi ng Diyos,
“Pinadala ko ang dalawang bangka,
bakit inayawan mo sila?”

Napakalupet na leksyon ang makukuha natin, 'di ba?

Don't be shy about asking for help. Hindi ibig sabihin na mahina ka. Ibig sabihin na matalino ka. Kung sobrang nahihirapan ka na sa 'yong sitwasyon, napakainam na desisyon na sumigaw ka ng tulong. Kasi may mga taong nakakaalam ng strategy na hindi mo pa alam kung paano ka makalabas sa mahirap na sitwasyon. Kahit hindi man ito masolusyonan at least may emotional support ka. Tatatag ka pa rin sa buhay. 


NUMBER 4
MAGPOKUS KA SA SOLUSYON
Photo by Bahaa A. Shawqi from Pexels


Lahat ng problema ay may solusyon. Lahat ng problema ay makakaya natin. Kahit g'ano pa katindi ng problema mo, hindi 'yon makakatalo sa 'yo. Dahan-dahan mo 'yang mawawasak kung hindi ka lang titigil. Pero ang madalas na ginagawa natin ay palagi tayong nakapokus sa problema. Ang kabiguan at kahirapan ay sumulpot sa buhay natin, hindi para saktan tayo, kundi para magising tayo sa katotohanan. Puro na lang kasi tayo ilusyon eh… Binalewala natin ang realidad.

Magandang halimbawa dito ay si Thomas Edison. Sa daming beses na nabigo siya, hindi niya 'yon itinuring na kabiguan. Sinabi pa nga niya,


Napakalupet na mindset, 'di ba? Kailangang mai-apply natin 'yan sa buhay natin. Failure is never a final end result UNLESS you make it so. Dapat ang problema natin ay gawin nating stepping stone upang makarating sa tagumpay.

Tandaan mo 'to palagi: kung ano ang palagi nating pinopokus ay lumalaki. Ibig sabihin, kung nakapokus na lang tayo sa problema, mas dadami o lumalaki ang problema natin. Kung nakapokus tayo sa solusyon, biglang magsusulpotan ang mga solusyon galing sa ibang tao o galing mismo sa 'yo. Start thinking of all possible solutions to your problem. Gamitin mo ang 90/10 Rule. 90% para sa pag-iisip ng solusyon at 10% para sa pagpokus ng problema. Hindi pwedeng baliktad.

Ang utak kasi natin ay makakapagbigay lang ng atensyon sa ISANG BAGAY. Either sa problema o sa solusyon. Kung 90% ng isip mo ay nakapokus lang sa problema, mauunahan ka talaga ng negatibong emosyon. Mabubuo ang iyong takot, pag-aalinlangan at pag-aalala. 'Yan ang dahilan kung ba't hindi ka makakaabante. But if you focus on the solution, you actively engage your mind in resolving the matter. As a result, you have little time for negative thinking. The only thing that matters is resolving the problem.


NUMBER 5
TIGILAN MO ANG PAGREREKLAMO
Photo by Kelvin Valerio from Pexels


Mas lalong lumala ang problema kung bunganga ang paiiralin mo. Matinong pag-iisip ang kailangan mo dito. Oo siyempre hindi natin masisisi ang ating sarili dahil pinanganak tayong ganito e. Pinanganak tayo na may negatibong kaisipan. Hindi tayo perpekto, 'di ba? We tend to focus on things that are not right, rather than attending to all of the rightness around us.

Ang kailangan mong gawin ay damhin ang emosyon mo. Bakit ka ba nagrereklamo sa mga problemang hindi mo naman makokontrol? Take your complaint seriously. Ano ba ang mga hamon na 'yon? Imbes na magrereklamo ka sa mga tinik ng rosas, magsaya ka dahil ang tinik na 'yon ay may rosas. O, 'di ba changing perspective is effective. Oo lahat tayo ay nagrereklamo. Kahit na sabihin mo na ikaw ang pinaka masayang tao sa mundo, nararanasan mo na rin na nagrereklamo ka, 'di ba? Minsan din nagrereklamo tayo na hindi natin namalayan.

Baguhin natin kung paano tayo mag-isip. Alam kong hindi madali lalo na kapag mga hamon ang ating kinakaharap. Our brains tend to gravitate toward the negative. Dapat sanayin natin na maging mindful tayo. Kapag napansin natin na negatibo ang ating reaksyon sa mga tao o sa mga hamon natin, 'wag na lang tayong magsalita kung wala naman tayong sasabihing maganda. Hindi lang tayo ang mahihirapan, mas makakasakit pa tayo sa iba.

Tanggapin mo ang iyong responsibilidad. Kung may isang bagay na nakakaabala sa 'yo, either ayusin mo or tanggapin mo na hindi mo pa masosolusyonan ngayon. Bakit ka pa magrereklamo? Complaining is a passive activity. Imbes na ibuhos mo ang iyong oras sa kakareklamo, gamitin mo na lang 'yon sa pagkilos mo upang maresolba mo ang mga problema. Give your mind something else to focus on.


NUMBER 6
GAWIN ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAKALMA SA 'YO
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Kung nahaharap tayo sa mabagsik na hamon, siyempre mas lalong gugulo ang ating buhay. Ito ang tamang oras na maghanap ka ng mga bagay na magpapakalma sa 'yo. Ako, musika ang nagpapakalma sa 'kin. Set aside of short time for observation. Do things that make you connected to yourself, connected to your thoughts and to your environment.

Sa oras na mag-obserba ka sa mga bagay na magpapakalma sa 'yo, maraming susulpot na ingay sa ulo mo. Kung kailan gusto mong kumalma, tsaka rin sila aatake. 'Wag kang mag-alala kasi normal lang 'to. Kung may bagay ka man na naisip na gusto mong gawin, isulat mo upang hindi mo makalimutan. Kung nababalot ka man ng limpak² na negatibong pag-iisip, direct your attention to your breathing. Magpokus ka lang sa mga importanteng bagay.

Kung may negatibo man na pumasok sa ulo mo, may positibo rin naman. Kung nagsara ang isang pinto, may magbubukas sa kabila. Kaya kumalma ka lang kasi hindi ito katapusan mo. Minsan kapag may hadlang sa harap natin, iniisip natin baka hanggang dito na lang tayo pero ito pala ang stepping stone natin para maabot ang hinahangad nating tagumpay. 

Kapag naririnig natin ang salitang “HAMON”, matatakot na tayo. Sa katunayan, ito ay kailangan para sa ating pag-unlad. If you don't want to do it because of fear of looking inexperienced, just do it anyway. Subukan mong gawin ang mga bagong bagay. Subukan mong harapin ang mga bagong problema. Forget how you might look and focus on the fact that you’re learning something different and reaching new goals.

Imaginin mo na naglalakad ka papunta sa malawak at magandang tanawin, sa lugar na puno ng kapayapaan, katahimikan, napakagandang tanawin, nagniningning na mga bituin sa kalangitan. Hihinto ka pa ba? Siyempre hindi ka hihinto dahil gusto mong makarating kaagad sa lugar na 'yon. Gan'on din sa buhay natin. Dapat hindi tayo hihinto sa ating paglalakbay kasi alam natin na may patutunguhan tayong maganda. 

Kumalma ka lang at isipin mo na ang maliliit na hamon na 'yan ay hindi malaking isyu para sa 'yo. Imbes na magpatinag ka sa kanila, gamitin mo sila para sa 'yong ikakaunlad. Going through a hard time can bring you many benefits if you have the right point of view. Be gentle with yourself. Your life is a work in progress. You will get there – wherever your “there” might be. For now, connect with yourself and mindfully move forward.


NUMBER 7
TUMULONG KA SA IBA

Kanina sabi ko na humingi tayo ng tulong. Ngayon naman ay pwede ka ring tumulong sa iba. Sa kabila ng mga hamon mo, dapat handa ka ring tumulong sa iba. May makukuha ba tayo sa pagtulong? Siyempre mayroon. 'Yon ay ang KAGALAKAN. When you help others, it can promote physiological changes in the brain linked with HAPPINESS. Dahil rin sa pagiging matulungin natin, makakabuo tayo ng matatag na relasyon sa bawat tao. Maibabahagi natin ang ating positibong enerhiya sa kanila. It also gives us a sense of purpose. Kasi kung tumutulong tayo, feeling natin tayo ang blessed sa buhay, it makes us feel rewarded, fulfilled and empowered. Siyempre maraming tao ang matutuwa sa 'yo at kung nakikita ka naman nilang nahihirapan, mas madali rin silang mag-abot ng tulong sa 'yo. 

Ang pagtagumpayan ang mga hamon sa buhay ay nangangailangan ng isang balanseng paraan ng pagharap sa problema nang hindi hinahayaan na makaapekto ito sa buong buhay natin. Hindi lamang ito nangangailangan ng pisikalang pagsisikap, kundi pati na rin ang lakas ng pag-iisip.

Dapat balanse lang ang paggamit ng lakas. Lakas pisikal. Lakas mental. Kung matatag ang iyong mentalidad, matatag din ang iyong pangangatawan. Kung puno ka ng lakas, malalabanan mo kahit g'ano pa katindi ang mga hamon mo. Walang balakid ang makakapigil sa 'yo. 

Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay manatiling determinado at itulak mo pa ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglapat ng 7 mga tips na ito sa 'yong buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177