Find Out The Real Secret of Happiness by Brain Power 2177


Photo by mentatdgt from Pexels


“Magiging masaya ako kapag nagkaasawa ako at nagkaanak.”

“Magiging masaya ako kapag nagkaroon ako ng sariling bahay.”

“Magiging masaya ako kapag nakuha ko ang trabahong 'yon.”

“Magiging masaya ako kapag . . . ”

Ganiyan ka rin ba? Kapag naabot mo na ang tunguhin mo o nakuha mo na ang isang bagay na gusto mo, magiging masaya ka na ba habambuhay? O unti-unti rin itong maglalaho? Totoong nakapagpapasaya ang mga bagay na ito, pero pansamantala lang iyon. Ang habambuhay na kaligayahan ay hindi lang dahil sa mga naabot natin o sa mga bagay na nakuha natin. Sa halip, ang tunay na kaligayahan ay may iba’t ibang dahilan.

Hindi tayo magkakapareho. Ang nagpapasaya sa 'yo ay baka hindi naman nagpapasaya sa iba. Nagbabago rin tayo habang nagkakaedad. Pero may mga bagay na napatunayang talagang nakapagpapasaya sa buhay. Halimbawa, ang pagiging kontento, di-mainggitin, pagmamahal sa iba, at pagiging positibo at pagkakaroon ng matatag na kalooban ay nagdudulot ng tunay na kaligayahan. Tingnan natin kung bakit.


NUMBER 1
MAGING KONTENTO SA BUHAY

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


“Ang maibigin sa pilak ay hindi makokontento sa pilak,
at ang maibigin sa kayamanan
ay hindi makokontento sa kita.
Ito rin ay walang kabuluhan.” —Eclesiastes 5:10

“Dahil ang karunungan ay proteksiyon
kung paanong ang pera ay proteksiyon,
pero ito ang kahigitan ng kaalaman:
Iniingatan ng karunungan ang buhay ng nagtataglay nito.” —Eclesiastes 7:12

Ang punto ng tekstong ito? Kailangan natin ang pera para mabuhay, pero hindi tayo dapat maging sakim, dahil ang sakim ay walang kasiyahan! Sinubukan ng manunulat na si Haring Solomon ng sinaunang Israel kung magdudulot ng tunay na kaligayahan ang kayamanan at marangyang buhay.

“Gamit ang aking karunungan,
pinagsikapan kong pag-aralan at saliksikin ang lahat ng bagay
na nagawa na sa ibabaw ng lupa—ang miserableng gawain na ibinigay ng Diyos
sa mga anak ng tao para pagkaabalahan nila.” —Eclesiastes 1:13

“Hindi ko ipinagkait sa sarili ko ang anumang gustuhin ko.
Ginawa ko ang lahat ng magpapasaya sa akin.
At talagang nasiyahan ang puso ko dahil sa lahat ng pagsisikap ko,
at ito ang gantimpala ko para sa lahat ng pinaghirapan ko.” —Eclesiastes 2:10

Dahil sobrang yaman, si Solomon ay nagpatayo ng malalaking bahay, nagpagawa ng magagandang parke at mga tipunan ng tubig, at nagkaroon ng maraming katulong. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Pero ano ang natutuhan niya? Naging masaya naman siya, pero hindi iyon nagtagal.

“Pero nang pag-isipan ko ang lahat ng ginawa ko
at lahat ng pinaghirapan ko,
nakita kong ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan,
paghahabol lang sa hangin;
walang anumang bagay na may tunay na halaga sa ilalim ng araw.” —Eclesiastes 2:11

“Kaya kinamuhian ko ang buhay,
dahil ang lahat ng ginagawa sa ilalim ng araw ay nakakadismaya sa akin,
dahil ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan,
paghahabol lang sa hangin.” —Eclesiastes 2:17

“Kinamuhian ko ang lahat ng pinaghirapan ko sa ilalim ng araw,
dahil maiiwan ko lang din ito sa kasunod ko.” —Eclesiastes 2:18

Napoot pa nga siya sa buhay! Oo, natutuhan niyang ang pagpapasarap sa buhay ay hindi nagpapasaya at walang kabuluhan.

Totoo pa rin ba sa ngayon ang sinabing 'yan ni Solomon? Totoo pa rin dahil sa panahon ngayon, maraming tao ang hindi nakukontento. Matapos masapatan ng isa ang pangunahin niyang mga pangangailangan, anumang sumobrang pera ay hindi makadaragdag sa kaligayahan niya. Ipinakikita ng mga pagsusuri na ang pagkakamal ng materyal, kapalit ng malinis na moral at kaugnayan sa Diyos, ay nag-aalis ng kaligayahan.

“Huwag nawang makita sa pamumuhay ninyo ang pag-ibig sa pera,
at maging kontento na kayo sa mga bagay na mayroon kayo.
Dahil sinabi niya: “Hinding-hindi kita iiwan,
at hinding-hindi kita pababayaan.” —Hebreo 13:5


NUMBER 2
HUWAG KANG MAINGGIT

Photo by ArtHouse Studio from Pexels


Ang inggit ay ang sakit o hinanakit na nadarama ng isa sa nakikitang kalamangan ng iba, kasabay ng pagnanasang sana’y ganoon din siya. Ang inggit ay nakaaapekto sa buhay ng isa at nag-aalis ng kaligayahan. Paano maaaring magsimula ang inggit? Paano natin masasabing naiinggit tayo? At paano natin ito malalabanan?

Sinasabi ng Encyclopedia of Social Psychology na ang mga tao ay may tendensiyang mainggit sa mga katulad nila, marahil sa edad, karanasan, o kalagayan sa lipunan. Halimbawa, baka hindi mainggit sa sikat na artista ang isang salesman. Pero baka mainggit siya sa katulad niyang salesman na nakaaangat sa kaniya.

Sa sinaunang panahon ba may nainggit rin? Mayroon. Basahin mo ang Daniel 6:1-24, may ilang matataas na opisyal sa sinaunang Persia na nainggit, hindi sa hari, kundi sa isang opisyal din na nagngangalang Daniel. Dahil sa sobrang inis kay Daniel, nagpakana pa nga silang patayin ito! Pero nabigo sila. Mahalagang makita ang masamang nagagawa ng inggit. Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang inggit ay iniuugnay sa napakaraming kaso ng karahasan. Ang inggit ay makaaapekto sa kakayahan ng isang tao na masiyahan sa mabubuting bagay. Paano mo masasabing naiinggit ka? Tanungin mo ang iyong sarili:

Kapag nagtagumpay ang isang kasamahan, natutuwa ba ako o naiinis?

Kapag nagkamali ang aking kapatid, matalinong kaklase, o katrabaho, nalulungkot ba ako o natutuwa?

Kung ang sagot mo ay “naiinis” at “natutuwa,” posibleng naiinggit ka.

“At nagsimulang maghasik si Isaac ng binhi sa lupaing iyon,
at nang taóng iyon,
umani siya nang 100 beses na mas marami sa inihasik niya,
dahil pinagpapala siya ng Diyos.” —Genesis 26:12

“Yumaman siya at patuloy pang nadagdagan ang mga pag-aari niya
hanggang sa maging napakayaman niya.” —Genesis 26:13

“Nagkaroon siya ng mga kawan ng tupa at baka
at napakaraming lingkod, at nainggit sa kaniya ang mga Filisteo.” —Genesis 26:14

Ang inggit ay makaaapekto sa kakayahan ng isang tao na masiyahan sa mabubuting bagay at makapag-aalis ng pagpapahalaga sa maraming kaloob na dulot ng buhay. Ang ganitong tendensiya ay hindi magdudulot ng kaligayahan. Malalabanan natin ang inggit kung tayo’y magiging tunay na mapagpakumbaba. Tutulong ito sa atin na magkaroon ng pagpapahalaga sa kakayahan at katangian ng iba.

“Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil sa galit o pagmamataas.
Sa halip, maging mapagpakumbaba
at ituring ang iba na nakatataas sa inyo.” —Filipos 2:3

“Huwag tayong maging mapagmataas,
huwag tayong makipagkompetensiya sa isa’t isa,
at huwag nating kainggitan ang isa’t isa.” —Galacia 5:26


NUMBER 3
MAHALIN MO ANG IBA

Photo by Shamia Casiano from Pexels


May mas malaking epekto sa buhay ng mga tao ang nadarama nila sa iba kaysa sa kanilang trabaho, kita, komunidad, o maging sa kalusugan nila. Sa madaling salita, para maging tunay na masaya ang mga tao, dapat silang magmahal at mahalin.

“At kung may kaloob ako na humula
at nauunawaan ko ang lahat ng sagradong lihim
at ibinigay sa akin ang lahat ng kaalaman,
at sa laki ng pananampalataya ko ay makapaglilipat ako ng mga bundok,
pero wala akong pag-ibig, wala pa rin akong kabuluhan.” —1 Corinto 13:2

Hindi pa huli ang lahat.

“Ang pag-ibig ay matiisin at mabait.
Ang pag-ibig ay hindi naiinggit.
Hindi ito nagyayabang, hindi nagmamalaki.” —1 Corinto 13:4

“Pero bukod sa mga ito, magpakita kayo ng pag-ibig,
dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao.” —Colosas 3:14


NUMBER 4
MAGING MATATAG AT POSITIBO

Photo by Donald Tong from Pexels


Sino nga ba ang walang problema? Gaya ng sabi sa Bibliya, may

“Panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa;
Panahon ng paghagulgol at panahon ng pagsasayaw.” —Eclesiastes 3:4

Kung matatag tayo, mahaharap natin ang mga problema. Hindi tayo makakapagtago.

“Maligaya ang taong patuloy na nagtitiis ng pagsubok,
dahil kapag kinalugdan siya,
tatanggapin niya ang korona ng buhay,
na ipinangako ng Diyos sa mga patuloy na umiibig sa Kaniya.” —Santiago 1:12

Kapag ikinapit mo ito,

“Maligaya ang nakatagpo sa karunungan
At ang taong nagkaroon ng kaunawaan; —Kawikaan 3:13

“Mas mabuti ito kaysa sa pagkakaroon ng pilak
at mas kapaki-pakinabang kaysa sa pagkakaroon ng ginto.” —Kawikaan 3:14

“Mas mahalaga ito kaysa sa mga korales;
Anumang bagay na gustuhin mo ay hindi maipapantay rito.” —Kawikaan 3:15

“Nasa kanang kamay nito ang mahabang buhay.
At nasa kaliwang kamay ang kayamanan at kaluwalhatian.” —Kawikaan 3:16

“Kasiya-siya ang mga daan nito,
at may kapayapaan sa lahat ng landas nito.” —Kawikaan 3:17

“Ito ay punongkahoy ng buhay para sa mga nagtataglay nito,
at magiging maligaya ang mga nanghahawakan dito.” —Kawikaan 3:18

Bakit hindi mo tuklasin ang katotohanang iyan sa pamamagitan ng pagkakapit ng karunungang nasa Bibliya? Tutal, gusto ng ng Diyos na maging masaya ka.

“na batay sa maluwalhating mabuting balita ng maligayang Diyos,
na ipinagkatiwala niya sa akin.” —1 Timoteo 1:11


MAGKAROON NG TAMANG PANANAW
SA MGA PAGKAKAMALI

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kapag nagkakamali ang mga taong matatag, hindi nila sinisisi ang kanilang sarili, at sinasabing “Wala na akong ginawang tama” o “Wala akong kuwentang tao.”

“Ang masayang puso ay mabisang gamot,
Pero ang pagkasira ng loob ay nakauubos ng lakas.” —Kawikaan 17:22

Kung gusto mong maging matatag, dapat mong kilalanin na likas lang ang magkamali at mabigo. Depende na sa 'yo kung paano mo haharapin ang mga ito.

IPAKITA NINYONG KAYO AY MAPAGPASALAMAT

Photo by Marcus Wöckel from Pexels


“Gayundin, hayaang maghari sa puso ninyo ang kapayapaan ng Kristo,
dahil tinawag kayo para maging isang katawan
at magkaroon ng kapayapaan.
At ipakita ninyong mapagpasalamat kayo.” —Colosas 3:15

Napakatalinong payong 'yan! Ipinahihiwatig ng mga pag-aaral na kung ang iisipin natin ay ang magagandang bagay sa ating buhay at pahahalagahan ang kabaitang ipinakikita sa atin, mas magiging masaya tayo.




Comments

  1. Thank you... very powerful, effective and inspiring ang gawa mong ito.....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177