5 THINGS To Live Peacefully by Brain Power 2177


Photo by PNW Production from Pexels


Kung gusto mo ng payapang buhay kailangan mo munang ayusin ang sarili mo, kailangan mong tratuhin ng maayos ang ibang tao, kailangan mong tratuhin ng maayos ang lahat ng bagay. Pero alam ko na magulo ang buhay mo ngayon, para bang ang lahat na lang ay hindi makakatulong sa 'yo. 'Yon bang kaguluhan na kahit positibong salita ay hindi mo mailapat sa 'yong buhay dahil puro negatibo na lang ang naririnig mo. Alam ko na gusto mong maging kalmado at gusto mo ng makabalik sa tamang landas. Bago ka makabalik sa tamang landas, kailangan mong harapin ang isang mahalagang katotohanan, at iyon ay, SOBRANG BUSY MO SA BUHAY. Hindi ka lang busy sa trabaho, ang BUSY din ng iyong isipan. Pwede bang magpokus ka muna sa sarili mo bago ang ibang bagay? Hindi mo kasi makakamit ang payapang buhay kung mismo sarili mo ay naguguluhan ka.

Kailangan mo ng sapat na lakas at positibong enerhiya upang maging kalmado ka. Paano 'yan eh pagod na pagod ka na ngayon? Pagod na pagod ka na sa kakahabol ng pera, pagod ka na sa kakasunod sa idinidikta ng mga tao, pagod ka na sa kakasabay sa trending, pagod ka na sa lahat ng bagay. Kapag pagod na pagod ka na tapos hindi ka pa rin nagpapahinga, mas lalo kang magagalit sa sitwasyon. Alam mo, ikaw lang naman ang gumugulo sa buhay mo. Tayong lahat ay nabubuhay sa napakagulong sitwasyon, 'wag na nating dagdagan pa. 8 - 12 hours tayong nagtatrabaho. Marami ng distractions sa buhay. Nababalisa tayo kung ano ang kakainin natin bukas. Marami ang gumugulo sa atin. Uulitin ko, 'wag na nating dagdagan pa. We can't control the external problems.


Recommended Article: What You Think, You Become


Hindi natin 'yan matatakasan. Kahit saan ka pa magtago, mahahanap ka pa rin ng nakakagigil na sitwasyon. Hindi 'yan mawawala kasi ang ugat ng sitwasyon ay hindi mo pa nasosolusyonan. Upang mamuhay ka ng payapa, dapat mo ring tanggapin na ang magulong sitwasyon ay palaging mangyayari ng paulit-ulit, gustuhin mo man o hindi. Hindi ibig sabihin na tinanggap mo ay wala ka ng gagawin. Ibig sabihin ay harapin mo ng buong tapang kasi handa ka ng masaktan at magbago. Buksan mo ang isipan mo at magpakatatag ka sa labanang 'to. 

Marami na rin akong pinagdadaanan sa buhay. Maraming beses na akong dinurog ng pagsubok. Napakagulo ng buhay. Umabot na rin ako sa punto na wala akong ginawa kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hinayaan ko na lang pero gan'on pa rin. D'on ko napagtanto na hindi pala mawawala ang gulo kapag nakatunganga na lang tayo. Hindi ko alam kung anong kwento ng buhay mo pero alam ko na nahihirapan ka rin. Siguro ngayon sobra na at gusto mong makamit ang peaceful na buhay. Tuturuan kita and make sure na ilalapat mo 'to sa 'yong buhay. Hindi pwedeng manood ka lang ng manood tapos wala kang ginagawa.


NUMBER 1
KONTROLIN MO ANG IYONG ISIPAN
Photo by Binti Malu from Pexels


Lahat ay nagsisimula sa isipan natin. Ang panlabas na sitwasyon ay hindi makakaapekto sa atin kung hindi natin pahintulutan ang mga ito. Ibig sabihin kung bakit naguguluhan ka ay dahil magulong magulo ang iyong kalooban. May iniisip ka na nagpapahina sa 'yo, nagpapagalit sa 'yo, nagpapabagsak ng mood mo. Alam kong gusto mong mawala 'yan. Pagtuonan mo ng pansin ang isipan mo. Ang isip natin ay mapaglaro. Paglalaruan tayo nito kung hindi natin ito makokontrol. Ang maliit na problema ay maaaring mapalaki nito. Ganyan ka makapangyarihan ang isipan natin. 

Tingnan mo ang sarili mo, unawain mo at kilalanin mo. Bawat araw, iba't-iba ang iniisip natin. May mga mabubuti at masasamang pag-iisip. Pero ang mas malala, negatibo na lang halos ang naipapasok natin sa ating ulo. Mas lalong lumalala ang sitwasyon kung ginagatungan mo ito ng negatibong pag-iisip. Ang iniisip mo ay isang pag-iisip lang. Mabubuhay lamang 'yan kung magre-react ka. Bibigyan kita ng halimbawa. Ginabing umuwi ang asawa mo, nagdududa ka na may kabet siya. Ang dudang 'yon ay nagsisimula sa isipan mo hanggang sa inaaksyonan mo at away ang kalalabasan. Kung ano ang iniisip mo ay magkakatotoo.




Hindi 'yan magiging realidad kung hindi mo papayagan na lalamunin ka nito. Isa 'yang kadiliman na kumakain sa maliwanag mong buhay. Hindi ka talaga mabubuhay ng payapa kung madilim ang paligid mo. Kaya 'wag kang matakot sa mga sitwasyon na kinakaharap mo ngayon dahil 'yan ay natural lamang. Oo mahirap kapag nagkakaproblema na tayo. Mawawala tayo sa katinuan natin. Pero please 'wag mong iwan ang sarili mo kung aabot ka na sa puntong 'to. Sarili mo na lang ang kakampi mo sa labang 'to. Kailangan mo lang kontrolin ang isipan mo upang madali mo ring mapalitan kung ano mang klaseng masama ang nakapasok diyan.


NUMBER 2
'WAG KANG MAG REACT NG BASTA-BASTA
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Ito ang kadalasang REAKSYON natin, 'di ba? Basta-basta na lang tayong nagre-react, kahit hindi natin nauunawaan ang sitwasyon. Minsan may manlalait sa pagkatao natin at ang iisipin natin,

“pag hindi ko 'to papatulan, magpapatuloy pa rin 'to”

and then iniisip natin na mahina tayo dahil hindi tayo nagrebut sa mga sinasabi nila. Dito ko naintindihan ang sinabi ni Jesus na kapag sinampal ang kanang pisngi mo, iharap mo rin ang kabila. Ibig sabihin ni Jesus kung papatulan natin, mas lalong lumaki ang isyu. Magpapatayan ang mga tao. Paano maging mapayapa ang buhay natin kung ang nasa kaloob-looban natin ay galit? 

Napag-aralan na 'to ng mga eksperto. Pinag-aralan nila kung paano mag react sa mga bullies. Kung babatuhin ka nila ng masasakit na salita, sasang-ayonan mo lang sila. Diyan sila manahimik. Napaka powerful. Kung nagliliyab ang isang tao, gawin mo ang sarili mo bilang tubig. Tandaan mo na palaging mananaig ang kapayapaan. Sabi pa nga ni Francis M. YOU CAN'T TALK PEACE AND HAVE A GUN. Tama ang sinabi niya, 'di ba? Paano tayo maging payapa kung nagpapatayan tayo? Paano hihinto ang giyera kung may mga dala tayong mga sandata?


Recommended Article: How To Live Peacefully


Tandaan mo 'to palagi, kung ikaw yung tipong react ng react sa lahat ng sitwasyon, hindi ka magiging masaya. Hindi magiging mapayapa ang buhay mo. Don't waste your positive energy for nothing. Aksyon lang, hindi reaksyon. Ang AKSYON ay nagpapasaya sa buhay mo. Ang REAKSYON ay ginagawang miserable ang buhay mo. Minsan din maririnig natin ang JUST RESPOND, DON'T REACT. Parang pareho lang, 'di ba? Pero malaki ang pagakakaiba diyan. Katulad rin ng AKSYON at REAKSYON.

Uulitin ko naman 'to. Hindi mo makokontrol ang lahat ng panlabas na sitwasyon. Mapa-tao man o pangyayari, labas ka na d'on. Isa lang ang makokontrol mo, ang iyong REAKSYON. 'Wag kang mag react sa sitwasyon dahil hindi 'yan mawawala kung reaksyon lang ang paiiralin mo. Aksyon ang dapat mong itugon sa bawat pangyayari. 


NUMBER 3
'WAG MONG SUNDIN ANG IDINIDIKTA NG IBA
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Mawawala ka sa tamang landas kung ang remote control ng buhay mo ay pinahawak mo sa iba. Paano ka sasaya kung hawak nila ang iyong buhay? Pati pangarap mo ay kontrolado nila. Minsan ginagawa ng mga magulang natin 'yon, 'di ba? May pangarap sila para sa atin. Kamusta naman ang pangarap natin para sa ating sarili?

“Anak, gusto ko maging Dentista ka”

Paano na 'yan kung gusto mo maging heart surgeon? Sino ba ang susundin mo? Dito kasi mawawala ang katahimikan sa puso natin kung nasasapawan ang ating kagustuhan.

May sarili tayong desisyon at kagustuhan. Kaya nga tinatawag tayong indibidwal. Kung namumuhay ka para lang mapalugdan ang ibang tao, malinaw na malinaw na naglalakbay ka sa maling lugar. Do what you love and love what you do. Sobra pa 'yan sa tagline. It's our single most important piece of advice to share with the world. Tatagalugin natin para tatagos talaga sa puso. Mahalin mo ang ginagawa mo at gawin mo kung ano yung gustong-gusto mo.




Now let me ask you, what do you really want? Ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? Paano ka mamumuhay ng payapa kung hindi mo alam kung ano ang gusto mo. Ano ba ang layunin mo? Kasi kung may gigil ka sa pangarap mo, hindi ka magpapakontrol sa kanila. May tapang kang HUMINDI sa gusto nila dahil alam mo kung ano ang gusto mo. Ano ba talaga ang gusto mo? Ito ang isa sa mga pinakamahirap na tanong. Bakit? Kasi marami ang hindi nakakasagot nito. Kung isa ka sa mga taong hindi nakakasagot, 'wag kang manghina, okay? You can still build your dream life. May pag-asa ka pa.

Kapag gagawin mo ang gusto mo, mai-inspire mo ang ibang tao. Tutularan ka nila na maging matapang din. Kasi marami na ang natatakot sundan ang pangarap nila. Ipakita mo sa kanila na iba ka. When you do take that leap yourself, you become an inspiration to those individuals.


NUMBER 4
MAGING MAPAGPASALAMAT

This is the number one way to live peacefully. Nakakakita ka na ba ng tao na masaya na ang ginagawa niya ay nakapokus sa kakulangan? Hindi pa, 'di ba? Dapat magpasalamat ka. Pasalamatan mo naman ang mga bagay, kahit na maliliit na bagay, na nakamit mo na. Bakit ba palagi ka na lang nakatuon sa mga bagay na wala sa 'yo?

“Magiging masaya lang ako kapag mayroon na akong ganito o ganyan”

Teka lang, hindi ka pa ba nakukuntento sa mga bagay na ibinigay sa 'yo ng Diyos? Paano kung babawiin ng Diyos ang buhay mo? Hindi mo pinapansin e, 'di ba? Mas mahalaga pa sa 'yo ang bagay kaysa sa buhay mo.

Siyempre ayaw mo pang mawala sa mundong 'to. Then why you take your precious life for granted? Isang napakalaking pagkakamali 'yon. Noon gusto mo ng bagong cellphone, ngayong nakuha mo na ang cellphone na gusto mo, gusto mo naman ng bagong labas na cellphone. Walang katapusang kagustuhan. Kaya ka nai-stress dahil nakapokus ka lang palagi sa mga bagay na wala sa 'yo. 'Yan bang mga bagay na 'yan ay makakapagbigay ng kapayapaan sa buhay mo? Hindi. 'Yan ang dahilan ng pagrereklamo. Always focus on your blessings, not your troubles. The SCARCITY mindset is the ULTIMATE DECEIVER. 'Yan ang nagpapadilim sa pananaw natin. 'Yan ang dahilan kung bakit lalo tayong nahihirapan. 'Yan ang dahilan kung bakit naguguluhan tayo. Be grateful for what you do have, not for what you don't have.


NUMBER 5
'WAG KALIMUTANG TUMAWA
Photo by Helena Lopes from Pexels


Laughter is the best medicine. Palagi na natin 'yang naririnig. That's really true. Laughter is a physiological response that involves rhythmic and involuntary action, and denotes merriment, happiness, or joy. Marami na ang pag-aaral tungkol sa pagtawa kung anong benepisyo ang makukuha natin dito. Paggising mo pa lang sa umaga, tumawa ka na. Ngumiti ka na. One small positive thought in the morning can change change your whole entire day. Ipasok mo 'yan sa ulo mo. 

Kung hindi ka matawa, manood ka ng funny videos. Sigurado akong matatawa ka. Pagtawanan mo ang sarili mo paminsan-minsan. Sobra mo ng seryoso sa buhay. Nagkaka wrinkles ka tuloy. Take some of the pressure off. Kahit sa tingin mo ay sobrang seryoso ko, hindi. Kaya kong magpakabaliw. Yes, I don't take life so seriously. Kung mabibigo ako, e di mabibigo. Hindi ako magagalit sa sarili ko. I always look for the funny side of things. I really do believe that humor is a great way to deal with adversity and can even turn a negative into a positive.

I laugh at my own boring-ness. Being able to laugh at yourself is a simple route to developing inner peace. It also helps us be more resilient and compassionate with ourselves and other people. Pero sa nakikita natin ngayon, marami ang taong nakasimangot. May tumatawa man pero pekeng pagtawa lang. May itinatago pa lang kalungkutan sa loob nila. Kaunti lang ang tunay na tumatawa. Nagre-reflect naman 'yan sa mga mata natin.




Dapat matuto tayong kaibiganin ang ating sarili para mas maging masaya tayo. Kung sarili natin hindi natin masasandalan, ang ibang tao pa kaya? Dapat i-encourage mo rin ang iyong sarili na maging gentle sa mga panahong nalugmok ka. I used to be spectacularly bad at this and I remember how much I was angry with myself for always failing even in simple stuff. Sana hindi ko 'yon ginawa sa sarili ko. Pero kailangan din tayong makaranas ng ganyan para naman matuto tayo.

Just look for reasons to laugh every day. Magpakabait ka sa sarili mo. Tawanan mo ang sarili mo. Bahala na kung ano ang opinyon ng mga tao sa 'yo. That's their choice. Wala ka ng magagawa d'on. Remember this always, you deserve to be happy, to laugh, to love and be loved, to smile and to have peace.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177