How To Care Less Of What Others Would Think Or Say by Brain Power 2177


Photo by Julian Jagtenberg from Pexels


Minsan ang suntok ng realidad ay nakabubuti sa 'tin upang magising naman tayo. Minsan ginagawa natin ang isang bagay dahil takot tayo na baka may masabi ang ibang tao sa 'tin kapag hindi natin ginawa. Minsan din hindi natin ginagawa dahil takot tayo baka may masabi pa rin sila. Wala tayong takas sa mundong 'to, 'di ba? Isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapan tayong makaabante. Napipigilan tayo sa opinyon ng ibang tao. Bakit nga ba tayo takot sa mga opinyon nila? Kahit sa mga taong hindi natin kilala takot pa rin tayo. Bakit ginagawa natin ang mga bagay o bakit hindi natin ginagawa ang mga bagay dahil nababalisa tayo sa reaksyon nila? Bakit sa kanila na lang tayo nakapokus?




Kahit anong mga “BAKIT” pa ang tanong mo sa sarili mo, at some point, lahat ng kilos natin ay parang ipinapakontrol natin sa kanila. Takot tayo kung anong iisipin nila o anong pagtingin nila sa 'tin. Ano ang resulta? Hindi na lang natin gagawin ang bagay na gusto natin kasi takot tayo kung ano ang ibabato nila sa 'tin. 

Pero disclaimer lang:

Pwede tayong tumanggap ng opinyon sa mga taong pinagkakatiwalaan natin para naman malaman natin kung may mga mali ba tayo na dapat ituwid. Pakinggan natin ang mga opinyon na magtutulak sa atin pataas.

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na tumutulong sa 'kin sa oras na wala akong alam kung paano gawin ang isang bagay. 

Pero paano kung ang opinyon ay galing sa ibang tao? Lalo na kung galing sa mga taong negatibo. Yung mga opinyon na pambabastos na wala namang dahilan para gawin 'yon? Paano kung ang opinyon ay galing sa katrabaho mo, kaklase mo, pero wala namang kabuluhan? Tatanggapin mo ba dahil lang palagi kayong nagsasama sa iisang lugar? Dito ka malalamon nila. Lalong lalo na kung wala kang sapat na kompiyansa sa sarili mo. Lalaitin ka ng mga tao. Huhusgahan nila ang pagkatao mo. Babatuhin ka nila ng mga salitang may lason. Ito pa ang mapait at masakit na katotohanan: Kung gagawa ka ng kakaibang bagay, hindi ka nila papasukin sa mundo nila. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pinipili na lang ng tao ang mapag-isa dahil do'n sila malaya. Malaya silang gawin ang kahit anong bagay na ikakatuwa nila. Yung iba din na hindi kayang mapag-isa, magpapa-alipin na lang sa mga tao. Ipinapakontrol nila ang kanilang sarili sa iba. Sila yung mga taong sunod ng sunod sa trending kahit alam naman nila na hindi 'yon ang gusto nila. Sinasakyan na lang para walang mababato na opinyon ang ibang tao. 

Please, don't do that. Don't allow opportunity to pass you by because you care about what other would think or say. Magpakatoto ka sa sarili mo. Gawin mo ang mga bagay na ikakasaya mo kahit hindi masaya ang ibang tao sa pinagagawa mo. Importante 'to dahil kaligayahan mo 'to. 'Wag kang mag-alala kung ano ang reaksyon nila. Stop letting them control your life. Take back your power. May sarili kang panuntunan. Ilang beses na ba na hindi mo ginawa ang isang bagay dahil takot ka sa opinyon nila? Siguro ang dami na.




Matanda ka na ngayon. May kaalaman ka na sa buhay. Dapat immune ka na sa mga negatibong salita ng ibang tao. Sa mundo natin, ang daming tao ang nagbabahagi ng negatibong opinyon. Kahit walang alam sa buong storya, nakabase na lang sila sa pisikal. Kapag may krimen na nangyari, kapag pangit suspek na kaagad. Kapag mayaman ang hirap hulihin. Ganito na kalala ang mundo natin. Nakabase tayo sa panlabas na bagay. Lahat tayo may opinyon at halos lahat ng opinyong 'yon ay negatibo.

Kahit sa social media, ang mga tao'y nagpapalipad ng kanilang opinyon sa taong hindi naman nila kilala. The pool of negativity has grown larger and deeper. Kaya oras na para itigil na natin ang ganitong pag-iisip. Kaya ngayon ay may 7 GABAY tayo upang mawala ang ating PAKI sa negatibong OPINYON ng ibang tao. Para mamuhay naman tayo ng payapa.


NUMBER 1
TANDAAN MO NA HINDI MO SILA MAKOKONTROL
Photo by Min Thein from Pexels


Ito ang tandaan mo, hindi mo sila makokontrol. Hindi mo sila mapapatigil. Magpakabait ka man o magpaka kontrabida ka, titirahin ka pa rin nila. Pero ito pa ang tandaan mo, ang negatibong komento nila ay repleksyon din ng kanilang pagkatao. Dito mo malalaman kung anong klaseng tao ang kinakaharap mo. Kahit positibo na ang ibinahagi ko sa aking Website at YouTube, may negative comments pa rin akong natatanggap at hindi ko 'yon makokontrol kasi hindi ko HAWAK ang buhay nila. Hindi ko kontrolado ang bawat kilos nila. Hindi lang sa akin 'to nangyari. Lahat tayo ay nakakaranas ng ganito sa iba't-ibang paraan. People say cruel things about you. People say false comments about you and they criticize you for many things regarding the way you look. Ang masakit pa, sila yung mga tao na hindi mo gaanong kilala o hindi mo talaga kilala.

Pero alam mo, ang dahilan kung bakit sila ganyan ay dahil namumuhay sila sa pangit na mundo. Sa mundong walang kaligayahan. Kasi kung iisipin lang natin, may masiyahing tao ba ang naglalaan ng oras kakabato ng negatibong salita sa kanyang kapwa tao? Wala. Kapag masaya ka sa buhay, kasiyahan din ang gusto mong maibahagi sa iba. Dito ko napagtanto na ang salitang binitawan nila ay repleksyon ng kanilang tunay na pagkatao. Hindi ito tungkol sa pagkatao mo. Oo masasaktan ka pero isipin mo lang na hindi mo sila mapipigilan. Nakakalungkot isipin na ang iba tao ay walang ibang magawa sa buhay kundi ang manghihila ng kapwa nila.

Kaya ngayon, kung may naririnig kang negatibong opinyon galing sa ibang tao, 'wag kang magpokus sa opinyon na 'yon. Magpokus ka lang sa ginagawa mo dahil ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang maidudulot nito sa 'yo. 'Wag kang magalit, 'wag kang malungkot, 'wag mong hayaang makapasok ang negtibong opinyon sa puso mo. Nakakaawa talaga sila kasi biruin mo, maikli lang ang buhay natin para gawin ang mga bagay na hindi importante. It’s unfortunate that some people have nothing better to do than try to tear others down.


NUMBER 2
'WAG KANG MATAKOT MAGING IBA
Photo by Kat Jayne from Pexels


MAGPAKATOTOO ka. 'Wag mong baguhin ang sarili mo para lang masakyan mo ang trip nila. 'Wag mong itaboy ang tunay mong pagkatao. 'Wag mong isuot ang balat na napulot mo lang sa daan. Nagawa ko ang aking Website at YouTube Channel na 'to dahil gusto kong makatulong. Isa rin ako sa mga taong nakakaranas ng depresyon, pagkabalisa, pag-aalala, labis na pag-iisip. Palagi akong nagbabasa ng mga libro. Malaki ang impact sa buhay ko ang pagbabasa at kung ano yung natutunan ko mula sa mga librong 'yon ay ibinahagi ko sa inyo. Dahil gusto kong tumatag pa kayo lalo.


Recommended Article: How To Free Yourself From Anxiety


My goal is to be honest and transparent because this is the only way to truly connect with people. Kung bubuksan mo ang sarili mo, ibig sabihin na pinapalaya mo ang tunay mong damdamin. Para bang sinasabi mo na,

“wala na akong pakialam sa opinyon ninyo”

Trust me your life will change. 'Wag mong maliitin ang sarili mo. 'Wag mong maliitin ang kalayaan para sa sarili mo.


NUMBER 3
ISA LANG ANG IYONG BUHAY
Photo by Wouter de Jong from Pexels


Ilang taon na ang nakalipas, naaksidente ang kaibigan ko. Pero bago siya namatay, sabi niya sa amin, “SANA GINAWA KO ANG LAHAT NG GUSTO KO” That's the BIGGEST LIFE LESSON I've ever learned in my whole life. Sana ang kwento natin ay hindi magtatapos sa ganito. Kung darating na tayo sa huling hantungan, sana masabi natin na,

“HANDA NA AKO”

“NATAPOS KO NA ANG MISYON KO”

Kamatayan lang ang hindi natin matatakasan. Alam kong hindi ka komportable kung kamatayan na ang pag-uusapan natin. Pero sinasadya ko 'to upang magising ka. 

Upang mapagtanto mo na ISA lang ang buhay mo. ISA lang ang buhay natin. Walang buhay na mabibili sa mall. Kapag ididiin natin 'to sa utak natin, mas madali nating i-reject ang mga negatibong opinyon ng ibang tao. Bakit pa natin sasayangin ang ating atensyon sa mga bagay na walang kwenta? Isa lang ang buhay natin.


NUMBER 4
WALANG POSITIBONG RESULTA
ANG NEGATIBONG OPINYON
Photo by Andre Furtado from Pexels


Ano ba ang kinakatakutan mo? Ano ba ang pumipigil sa 'yo? Oo takot kang mahusgahan. Oo takot kang makarinig ng masasakit na komento. Pero diyan ka na lang ba palagi? It’s easy to get caught in a defense spiral when facing negative opinions. Kung palagi ka lang nakapokus sa opinyon nila, wala ka ng natitirang opinyon para sa sarili mo, para sa ginagawa mo. Sa huli, ikaw pa rin ang talo. Bakit? Wala kang nagawa sa buhay dahil naibuhos mo na ang lahat sa kaka-react.

Pagtuonan mo ng pansin ang positibong bagay. Hayaan mo lang sila na sasampalin ka ng mga masasakit na salita, kasi sabi ko nga kanina, hindi natin sila makokontrol. Gawin mo lang ang mga bagay na ikakagaan ng loob mo. 'Yan naman ang hinahangad natin sa mundo, 'di ba? Ang maging masaya. Moving your focus from negativity is the best thing you can do. Patawarin mo na lang sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Nababalot lang din sila ng kadiliman at gusto nilang ipasa 'yan sa 'yo. Alam ko na mahirap magpatawad sa mga taong paulit-ulit kang sinasaktan. But it is REWARDING. Pinatawad mo sila dahil naunawaan mo na ginawa nila 'to dahil may problema sila sa buhay.




Ang negatibong opinyon ay bahagi ng REALIDAD, na kailangan nating harapin. Minsan ang opinyon na 'yon ay kasinungalingan at minsan rin ito ang makakapagpabago sa atin. Nangyari 'to sa buhay mo dahil may dahilan ang lahat ng 'to. Ang dami mo pang matututuhan sa 'yong paglalakbay at siguro ang negatibong opinyon ng ibang tao ang iyong stepping stone tungo sa pagbabago. Kailangan mo pang matutong magpatawad, kung paano kontrolin ang iyong emosyon at kung paano patawarin ang sarili mo kung ikaw din ay may nagawang mali sa ibang tao.  

Pero tandaan pa rin natin na may mga tao talagang mangmang. 'Wag mong sakyan ang kamangmangan nila. May positibong resulta ba kung papatulan natin ang kamangmangan nila? Magiging masaya ba tayo kung gagawin natin 'yan? Napakalungkot isipin, 'di ba kung hindi natin nagawa ang gusto natin dahil hinayaan nating nakawin nila ang oras natin. Opinyon nila ay opinyon nila.


NUMBER 5
IKAW NA LANG ANG LUMAYO
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Sabi ko nga na hindi natin makokontrol ang gawain nila, tayo na lang ang lumayo. Kung naka green light ba ay tatawid ka? Siyempre. Kung napapaligiran ka ng negatibong opinyon, hindi ka ba tatakbo? Siyempre tatakbo ka, 'di ba? Avoid those toxic people. Kung may mga taong hihilahin ka pababa, layuan mo sila. Napakatanga mo naman kung sasama ka sa mga taong 'yon. Remove yourself from the situation. Hindi mo sila mapipigilan sa gusto nila pero mapipigilan mo ang sarili mo na mag react sa ginagawa nila. Bigyan mo ng kabuluhan ang oras mo.  

Kung tatanungin niyo 'ko, may negative comments akong natatanggap sa ibang mga video. Mga komentong hindi makakatulong sa paglago ng Channel. Then what I did is to ignore those comments. Kung papatulan ko pa ang mga komentong 'yon, mas madadagdagan ng pwersa ang negative energy ball. Pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita at pagsusulat dahil dito ako nasisiyahan. And no one can take that happiness away from me. I continue to follow my passion. I choose to make positive decisions with my time. Dapat gano'n ka rin. Sarili mo ang pinaka importante. Sarili mo ang iyong kakampi sa mundong 'to.


NUMBER 6
OPINYON LANG NA MAKAKAPAGPABAGO NG IYONG BUHAY
ANG TATANGGAPIN MO
Photo by nappy from Pexels


Minsan may mga negative comments or opinions na matututuhan din natin. Para bang nagfi-filter ka kung ano ang matimbang na mga opinyon galing sa kanila. Kung nakakatanggap ka ng negatibong opinyon, 'wag kang mag react kaagad, 'wag mong seryosohin masyado, huminahon ka muna upang makapag-isip ka kung may hatid bang kahalagahan ito.

Magkaiba kasi ang negatibong opinyon kung tungkol sa negosyo. Kung nakakatanggap ka ng negatibong opinyon tungkol sa negosyo mo, ibig sabihin na may dapat kang baguhin. Kung tungkol naman sa pagkatao mo, alamin mo muna kung ang taong ito ba ay kilala ka. Kasi minsan may mga taong nanghuhusga kahit hindi ka kilala ng lubos. 'Yon ang masamang opinyon.


NUMBER 7
'WAG MO NA SILANG ALALAHANIN
Photo by ROMAN ODINTSOV from Pexels


Kahit ga'no ka pa kaganda, katalino, kasexy, kagaling, katalentado, HINDI LAHAT MAGKAKAGUSTO SA 'YO. Kung ang goal mo sa buhay ay pasayahin ang lahat, mawawala ka sa tamang landas. I'm not doing this video to please people, to make people praise me. I'm doing this because I want to wake you up from a dead sleep. Kaya 'wag mong pilitin na gagawa ka ng isang bagay para lang magustuhan ka dahil isa 'yang PINAKA IMPOSIBLENG MANGYARI

'Wag mong ikulong ang iyong sarili sa maling paniniwala. Kung babaguhin mo ang iyong sarili dahil naniniwala ka na matatanggap ka nila, ikaw ang hindi sasaya sa desisyong 'yan. 'Di ba't napakasarap mamuhay na dala-dala mo ang tunay mong pagkatao? Napakadaling mamuhay na wala kang itinatago. LIVE FREE. BE KIND TO YOURSELF. The more na aangat ka, the more na titirahin ka ng mga tao. Kapag handa ka ng harapin 'yon at wala ka ng pakialam sa mga 'yon, PANALO ka na sa buhay. Mas madali mong makabig ang mga tao sa maliwanag mong mundo kung sinusuklian mo ng kabutihan ang kanilang kasamaan. Choose to smile in this painful world.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177