15 STEPS To Forgive Those Who Hurt You by Brain Power 2177


Photo by RODNAE Productions from Pexels


May nagkasala na ba sa 'yo? Sinaktan ka ba nila o pinagsalitaan ka ba nila ng masakit? Kung oo ang sagot mo, dapat bang gayundin ang iganti mo sa masakit na ginawa ng tao sa 'yo?​ Ang mindset kasi ng tao, kapag may nanakit sa kanila, sila din ay mananakit din sa taong 'yon para makaganti. Pero itinuro ni Jesus na dapat nating patawarin ang mga nagkasala sa atin. Alam kong mahirap gawin 'yan lalo na kung napakabrutal ng ginawa ng tao, 'di ba? Pero basahin natin ang Mateo 6:12,


Paano kung maraming ulit nang nakasakit sa atin ang isang tao? Ilang ulit ba natin siyang patatawarin?​

Basahin natin ang Mateo 18:21, 22,



Ang tanong, kaya ba nating magpatawad ng ganyan karaming ulit?

Ang pagpapatawad ay napakahalaga sa buhay natin. Kapag kasi nasasaktan tayo, ang sakit na lang palagi ang napopokus natin. Binibitbit natin ang sakit sa ating paglalakbay. Ang mga sama ng loob, galit, at poot ay nagpapabagal at nakakapanghina sa atin. Kaya 'wag mong hayaan ang mga negatibong emosyong ito na sakupin ang buong buhay mo. Kung bibitawan mo na 'yan, siguradong magiging peaceful ang buhay mo. Ngunit paano ba natin mapapatawad ang mga taong nananakit sa atin?


NUMBER 1
MAG MOVE ON KA NA
Photo by Thirdman from Pexels

Alam kong napakadali lang 'yang sabihin. Napakahirap 'yang gawin. Lalong lalo na kung ang kasalanan ng tao ay may pinatay siya o nangri-rape siya. Napakahirap patawarin 'yon. Pero alam mo, anumang klase ang ginawa ng tao sa 'yo, kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, hindi mo na maibabalik pa ang dati. Ang lahat ng nangyari sa nakaraan ay wala na sa 'yong KASALUKUYAN. 'Wag mong pahintulutan ang mga ito na sakupin ang iyong isipan, na sakupin ang iyong kasalukuyan. Ang ating buhay ay tulad ng TV drama, marami tayong ginagampanan. Bawat isa sa atin ay may ginagampanan. Ang ilan ay kontrabida at ang iba ay bida. Gusto mo man o hindi, lahat ng uri tao ay kinakailangan dito sa mundo. Kung walang negatibong tao sa mundo, hindi rin challenging ang ating buhay. Yakapin mo ang bawat pangyayari upang makapag move on ka ng maayos.


NUMBER 2
KUMONEKTA KA MULI SA 'YONG SARILI
Photo by Tim Mossholder from Pexels

Alam mo, sa tuwing masasaktan ka, makakalimutan mo talaga ang iyong sarili. Dahil nakapokus ka na sa taong nananakit sa 'yo. Oras na para gumawa ng isang bagong kasunduan, kasunduan na laging manatiling KUMONEKTA sa 'yong sarili. Kung gagawin mo ito, madali mong maunawaan ang mga nangyari sa buhay mo. Ihagis mo ang lahat ng iyong negatibong nararamdaman sa Diyos at payagan mong dumaloy sa 'yo ang banal na espiritu. Kumonekta kang muli sa sarili mo at magniningning ang pag-ibig at kaliwanagan. Kahit saan ka man magpunta, mapapansin ng iba ang ningning ng kamalayan ng Diyos dahil sa aliwalas ng iyong pagkatao. Lahat ng uri ng negatibo ay hindi na yayabong sa 'yong presensya.


NUMBER 3
'WAG KANG MATULOG NA GALIT
Photo by David Garrison from Pexels

Basahin muna natin ang Efeso 4:26,


Alam kong napakahirap na namang gawin 'to. Pero alam mo, bago ako matulog, sinusuri ko talaga kung ano ang hindi kanais-nais na tumira sa aking isipan. Pipiliin kong mag-isip ng mga goals ko sa buhay upang mas may maaabot ako. Palagi kong iniisip ang tunay na misyon ko sa buhay. At hindi ko misyon ang magalit na lang dahil alam ko namang wala akong patutunguhan sa negatibong emosyon na 'yan. Palagi kong inuulit ang aking affirmations. At kapag gigising na ako, nararamdaman ko na magaan ang dibdib ko, nararamdaman ko ang pagkakontento, nararamdaman ko rin ang pagmamahal, at nakikipaghalubilo lamang ako sa mga taong katulad ko ng energy.

Ito ang aking gabi-gabi na ritwal, palagi kong sinusuri ang aking isipan at kung may naiisip man akong hindi kanais-nais, agad ko itong itataboy. Ganyan ko kinokontrol ang aking isipan. Dahil sa mga pinagagawa kong ito gabi-gabi, pinuprogram ko ang aking isipan sa positibong paraan. Para sa susunod na araw ay babangon ako na alam kong ako ay isang malayang tao. Malaya sa galit at poot. Ito ang sabi ni Neville Goddard,




NUMBER 4
UNAWAAIN MO ANG IYONG SARILI
Photo by RODNAE Productions from Pexels

Sa tuwing nagagalit ka sa pag-uugali ng iba, alisin mo ang iyong focus sa pagkagalit, dahil habang nakapokus ka lang diyan, naghahatid ito ng pagkabalisa. Ikaw rin ang maaapektuhan at mas lalo kang mabibigatan. Ilipat mo ang iyong kaisipan sa positibong bagay. Alam kong nasasaktan ka pero ang mas lalong nagpapasakit sa 'yo ay IKAW lang din. Tama na y'ong nadarama mong sakit dahil sa ginawa nila sa 'yo, 'wag mo ng dagdagan pa. 'Wag mo ring sisihin ang sarili mo. Payagan mo lamang ang iyong karanasan na magbukas sa sarili nitong paraan at sabihin mo sa 'yong sarili na walang sinuman ang may kapangyarihan na magpapastress sa 'yo nang wala ang iyong pahintulot, at na ayaw mong ibigay ang awtoridad na 'yon sa taong ito ngayon.

Sabihin mo sa 'yong sarili na handa ka ng maranasan ang negatibong emosyon nang hindi mo ito sinisisi. Sa ganitong paraan, kinokontrol mo ang iyong sarili. Mahalagang 'wag mo ng sisihin ang iba at 'wag ka ng magpokus sa ginagawa nila. Ipokus mo ang iyong atensyon sa pag-unawa sa 'yong sarili. Sa pamamagitan ng pagiging responsable mo para sa kung paano ka mag react sa ano man o sa sino man. If you change the way you choose to perceive the power that others have over you, you will see a bright new world of unlimited potential for yourself and you will know instantly how to forgive and how to let go of anything.


NUMBER 5
'WAG MONG PILITIN ANG IBA
NA GUMAWA NG BAGAY NA GUSTO MO
Photo by Min Thein from Pexels

Iwasan mong pagsabihan ang iba kung anong nararapat gawin. O iwasan mong utusan sila na gawin ang gusto mo kahit hindi naman nila gusto. Tandaan mo na hindi mo pagmamay-ari ang mga tao. Kahit mga anak mo, hindi mo sila makokontrol. Hindi mo pag-aari ang desisyon nila sa buhay. They are the children of life's longing for itself. Ang punto ko lang, kung may nananakit sa 'yo, hindi mo sila makokontrol dahil sarili nila 'yang desisyon. Hindi mo hawak ang kanilang buhay. Kaya 'wag mong ipasok sa isip mo na nangingibabaw ka sa lahat. Matuto kang makinig sa halip na palaging magpahayag. Bigyan mong pansin ang iyong sarili kapag nagkakaroon ka ng mga mapanghusgang opinyon at tingnan mo kung saan ka dadalhin ng opinyon na 'yan. When you replace an ownership mentality with one of ALLOWING, you will begin to see the true unfolding of PEACE in yourself and PEACE in other people.


NUMBER 6
BUMITAW KA NA
Photo by Magda Ehlers from Pexels


Sa halip na umasta kang tigasin, sabi nga ni Bruce Lee, BE LIKE WATER. Kahit gaano kaliit na butas ay madadaluyan mo. Palambutin mo ang matitigas mong damdamin sa pamamagitan ng pagiging mas mapagparaya sa mga salungat na opinyon. 'Wag ka ng makipag argue, matuto kang makinig at magsabi ka ng direkta.

Kapag bibitawan mo na ang tigas ng damdamin mo, piliin mong maging kagaya ng tubig. Ihalintulad mo ang iyong sarili bilang parehong katangian ng tubig. Ang tubig ay malambot at malumanay pero hindi kailanman masisira. Pasukin mo ang buhay ng iba sa pamamagitan ng pag-advice ng tama sa kanila. When you step into their shoes, doon mo lang malalaman kung ano rin ang nararanasan nila sa buhay. Panatilihing ganito ang iyong ugali bilang banayad na pag-agos ng tubig, at tingnan mo kung paano nagbago ang iyong buhay.


NUMBER 7
MAGING RESPONSABLE KA
Photo by Anna Shvets from Pexels

Kapag galit na galit ka na at para bang mababaliw ka na sa galit, 'wag mong sisihin ang ibang tao sa 'yong galit. Dahil ang galit na hatid nila ay ganyan lang kababaw pero lumalaki lang ito dahil sa palagi mong pag-iisip nito. Hindi lang galit ang mabubuo nito sa 'yong sarili, kasama na dito ang iba't-ibang uri ng negatibong emosyon.

If you take responsibility for having the experience, then at least you have a chance to also take responsibility for removing it or learning from it. Halimbawa kung masakit ang ulo mo at nadedepress ka, pwede kang magtrabaho upang makalimutan mo ito o tuklasin mo kung ano ang mensahe nito para sa 'yo. Kung may nagawang kasalanan ang ibang tao sa 'yo, maghihintay ka na lang ba na magbago sila bago ka makapagpatawad? Ilusyon lang 'yang iniisip mo. Uuwi ka lang na luhaan sa ganyang mentalidad. Magbago man sila o hindi, patawarin mo pa rin.


NUMBER 8
BITAWAN MO NA ANG MGA PAGDARAMDAM
Photo by Steven Arenas from Pexels

Ano ang sanhi ng iyong galit? Malamang ang isasagot mo ay napakarami. Iniisa-isa mo ang pagkakamali ng tao. Dahil sa pag-iisip mo ng kamalian nila, malamang sasabihin mo na may karapatan kang magalit dahil ginagan'on ka nila.

Ngunit kung gusto mong mabuhay ng payapa, 'wag kang magpokus sa galit mo. Ang nararamdaman mong galit ay hindi nagmumula sa ugali ng ibang tao. Nagmula 'yan sa 'yo dahil nakadepende 'yan sa reaksyon mo. Naging sumubra na ang kanilang ugali dahil hindi mo sila pinakitaan ng wastong pagmamahal. Tandaan mo, kung nagliliyab ang apoy, 'wag mong gawin ang sarili mong panggatong. Gawin mo ang sarili mo bilang tubig. Kung lahat tayo galit na galit, hindi natin mararamdaman ang kapayapaan sa mundo. Sabi nga ni Bruce Lee, BE LIKE WATER. Panahon na ngayon para magpatawad at mamuhay ka ng kalmado.


NUMBER 9
MAGPAKABAIT KA
Kung nakapokus ka lang sa paghihigante, para ka lang naghuhukay ng sarili mong libingan. Dahil ang sama ng iyong loob ay siyang papatay sa 'yo. Ganito na talaga ang mundo natin. Ang mga taong masama ay gumagawa talaga ng masama. Pipigilan mo man o hindi, gagawin talaga nila ang gusto nilang gawin. Kung napuno ka ng galit dahil sa mga taong 'yon, ibig sabihin na isa ka rin sa mga taong nag-aambag ng polusyon ng galit. Tandaan mo na hindi mo kailangang diktahan ang iba o hindi mo kailangang gumanti kung ikaw ay sinaktan nila. Be willing to freely send forgiveness and kindness as your response to whatever comes your way. Ginagawa mo ito para sa 'yong sarili. Hindi para sa kanila. Kaya magpakabait ka kaysa sa magpakatama ka.


NUMBER 10
IWANAN MO ANG IYONG EGO
Photo by Abbat from Pexels

Sa gitna ng mga argumento o hindi pagkakasundo, matuto kang manahimik bago ka umalis. Umalis ka at iwanan mo ang EGO mo. Ang EGO mo kasi ang hindi magpapatalo. Gusto niyang manalo sa argumento at mas lalong pinapahaba niya ang argumento. Pero sa kaloob-looban mo alam kong gusto mo ng manahimik at gusto mo ng mapayapang buhay. Kaya't bitawan mo ang iyong EGO. Kung napapansin mong gusto mong magdahilan sa kalagitnaan ng argumento, isipin mong mas mabuti pang manahimik kaysa sa bumitaw ng mga linya na magpapalawak ng pangit na sitwasyon. Alam ko na mahirap gawin 'to. Pero ito lang ang paraan upang maging mapayapa ang ating pamumuhay. Maging tagabigay ng kapatawaran. Dalhin mo ang pag-ibig sa lugar kung saan ang daming tao ang kulang nito. Magdala ka ng liwanag sa madilim na lugar. Magdala ka ng kapatawaran sa mapinsalang lugar. Isipin mo 'yan araw-araw para matulungan ka nitong malaman ang layunin ng iyong buhay.


NUMBER 11
'WAG KANG MAGPAPAAPEKTO
SA MAPANIRANG MUNDO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Gusto mo man o hindi, nakatira ka ngayon sa lugar na puno ng karahasan. Kahit na mabait kang tao, babatuhin ka pa rin ng masasakit na salita. Mumurahin ka ng ibang tao. Kung magpapaapekto ka sa mundong 'to, kung nakapokus ka lang sa negatibong parte ng mundo, manghihina ka talaga. Kung mayroon kang sapat na pagtitiwala sa 'yong sarili, malalaman mong imposibleng maaapektuhan ka sa pag-uugali ng iba. Bakit hindi ka na maaapektuhan kaagad? Dahil kontrolado mo na ang iyong emosyon at pinili mong makaramdam ng kapayapaan ano man ang nakikita mong karahasan sa mundo.

Kapag nasaktan ka, nagiging mapanghusga ka na rin. Hinuhusgahan mo ang ibang tao na hangal sila, na wala silang pakiramdam, bastos, mayabang, walang konsiderasyon, at pagkatapos ay nasisiraan ka ng loob at nasaktan ka sa kanilang pag-uugali. Ang hindi mo lang na-realize, kapag nanghusga ka ng ibang tao, you DON'T define them. You define yourself as someone who needs to judge others.


NUMBER 12
KALIMUTAN MO NA ANG NANGYARI
Photo by Gantas Vaičiulėnas from Pexels

Hindi naman makakalimutan lahat. Ibig kong sabihin na bumitaw ka na sa mga nangyari. Mamuhay ka lang sa KASALUKUYAN. Ang dahilan kung bakit nahihirapan kang magpatawad, dahil hindi ka nakapokus sa ngayon. Mas binibigyan mo ng importansya ang nakaraan. Binibigyan mo ng oras ang kahapong nagdaan dahilan kung bakit hindi ka masaya ngayon. ANG LAHAT AY PWEDENG MAGBAGO. Halimbawa ang kaibigan mo noon ay magiging kaaway mo na ngayon. Hindi naman lahat pero ito ang likas na ikot ng buhay natin.

'Wag mong sayangin ang oras mo NGAYON sa kakaisip ng iyong nakaraan. Tingnan mo ang mga hayop. Sa tingin mo ba'y namumroblema sila sa kahapon nila? Palagi silang namumuhay ngayon. Wala silang pakialam sa mga panahong nagdaan. Marami tayong matututunan mula sa mga nilikha ng Diyos tungkol sa pagtamasa sa kasalukuyan kaysa sa gamitin ito para magalit sa nakaraan o mag-alala sa hinaharap. Ugaliing mabuhay sa sandaling ito sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kagandahang nasa paligid mo ngayon.


NUMBER 13
TANGGAPIN MO
ANG MAPAIT NA NANGYARI SA 'YO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ang mga nangyari ay hindi nagkataon lang. Nangyayari talaga 'to para subukin ka. Alam kong napakahirap tanggapin 'to bilang bahagi ng ating buhay pero kailangan mo talagang dumaan sa ganitong pangyayari upang makarating ka sa hinahangad mong lugar. Every spiritual advance that you will make in your life will very likely be preceded by some kind of fall or seeming disaster. Ang mga matinding sitwasyon, aksidente, mahihirap na yugto, hiwalayan, mga panahon ng paghihikahos, mga karamdaman, pang-aabuso, at bigong mga pangarap, ang lahat ng 'yan ay mararanasan natin. Nangyayari talaga ang mga ito, kaya't kailangan mong tanggapin na mangyayari talaga 'yan at hindi mo ito kayang takasan. Matuto kang humarap sa mga pangyayari, at unawain mo ito, tanggapin mo, igalang mo, kapag natutunan mo na 'to, madali mo ng baguhin amg iyong sitwasyon.


NUMBER 14
'WAG MAGING MAPANGHUSGA
Photo by Luis del Río from Pexels

Huminto ka na sa pagpanghusga at simpleng maging isang tagamasid, maramdaman mo ang kapayapaan sa kalooban mo. Sa pakiramdam ng kapayapaang panloob, masusumpungan mo ang iyong sarili na mas masaya at malaya sa negatibong enerhiya sa paligid. Kapag masiyahin kang tao, madali mong maaakit ang iba. Bakit? Dahil ang isang mapayapang tao ay nakaka-attract ng mapayapang enerhiya.

Kung puno ka ng pag-ibig sa 'yong buhay, siyempre pag-ibig din ang maibigay mo sa 'yong sarili. At lahat ng mabibigyan mo ay mapupuno rin ng pag-ibig. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa mundo natin? Mapupuno tayo ng pag-ibig. 'Wag nating kalimutan na ang Diyos ay pag-ibig. Bakit ka pa manghuhusga kung hindi ka naman perpektong tao? Bakit mo huhusgahan ang anak ng Diyos? Ano ba ang layunin mo kung bakit nanghuhusga ka? Kailangan mo muna 'yang isipin bago ka manghusga. Di bale ng huhusgahan ka ng ibang tao, 'wag mo lang gawin ang ginagawa nila.


NUMBER 15
BIGYAN MO NG PAG-IBIG ANG MUNDO
Photo by Asad Photo Maldives from Pexels

Ang mundo natin ay halos napuno na ng kasamaan. Parang kaunti na lang ang pag-ibig. Kaya mo bang magbigay ng parte mo? Alam ko na tao lang tayo. Makakagawa tayo ng kasamaan. Magkakamali tayo. Paminsan-minsan ay madudulas tayo at umaatras tayo mula sa ating tunay na pagkatao. Nagiging mapanghusga na tayo, mapagpuna, at mapagkondena, but this is not a rationale for choosing to practice that kind of interaction. Masasabi ko lamang sa 'yo na n'ong nakuha ko ang puntong 'to, nagbahagi ako ng aking pagmamahal sa ibang tao, lalo na sa mga taong nasasaktan ko at nakakasakit sa 'kin, nakuha ko ang agarang resulta ng panloob na kasiyahan.

Hinihimok ko kayo na magbahagi ng pag-ibig kapalit ng mga paghuhusga at pamimintas na 'yon sa iba kapag naramdaman mong pinipigilan nila ang iyong kagalakan at kaligayahan, at hawakan mo sila at ibigin mo sila ng higit pa. Pansinin na kung mananatiling matatag ka, kapag binago mo ang pagtingin mo sa mga bagay, ang mga bagay na tinitingnan mo ay magbabago.

Imbes na mag-ambag ka ng galit sa mundo, iambag mo ang iyong pag-ibig, kabaitan at kapatawaran. Simulan mo ng gawin ito ngayon. Tapusin mo ang lahat ng kasamaan sa pamamagitan ng pag-iibigan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177