Anxiety - Paano Harapin By Brain Power 2177




Ang ANXIETY ay kabilang sa NEGATIBONG emosyon. Kung nagdusa ka sa anxiety mo, gawin mo ang 12 diskarteng ito upang gumaan ang iyong pakiramdam. Take note, ang diskarteng ito ay nagamit ko na at gumana siya sa 'kin. Sana ay gumana rin sa 'yo. 

NUMBER 1
MAGHANDA KA

Photo by Alex Green from Pexels

Isipin mong mabuti. Ang ikinababalisa mo ba ngayon ay ikababalisa mo rin bukas? sa isang buwan? sa isang taon? o sa susunod na limang taon? Hindi tamang problemahin ngayon ang iniisip mong magiging problema bukas—na baka nga ang ilan sa mga problemang ito ay hindi naman talaga maging problema. Maya't maya suriin mo ang iyong pananaw. Halimbawa, makakatiyak ka ba na ang kinakatakutan mong bagay ay mangyayari? Hindi ka 100% sure, 'di ba? Bakit ka isip ng isip sa mga bagay na hindi ka naman sure na mangyayari ba? Gumawa ka ng mga plano upang labanan ang kinakatakutan mo. Maglaan ka ng oras upang pag-isipan kung ano ba talaga ang dulot nito sa 'yo. Dito mo malalaman na wala itong dulot na kasiyahan sa buhay mo. Takot lang ang hatid nito.

NUMBER 2
HUMINAHON KA LANG

Photo by Alex Green from Pexels

Mahirap huminga kapag nauunahan ka ng anxiety. Sumisikip ang dibdib mo. Hinahadlangan ng anxiety ang pagharap mo sa mga sitwasyon. Maramdaman mo ang sakit dahil inaakala mo na hindi mo ito kakayanin. Pero AKALA mo lang 'yon. Naramdaman mong wala ka ng magawa. Naramdaman mong mahina ka.  Naghahanap ka ng kanlungan kung saan². Nakalulungkot mang isipin pero hindi ito mawawala kung iiwasan mo lang. Kailangan mo talaga itong harapin. Para matalo mo ang anxiety, tratuhin mo ng maayos ang sarili mo. Huminahon ka lang. Imbes na magmukmok ka sa gilid ng kwarto mo, bigyan mo ang sarili mo ng pagmamahal. Isipin mo ang mga bagay na nakakapagpangiti sa 'yo at gawin mo 'yon. Kung magmumukmok ka lang diyan, mas lalong lalakas ang anxiety mo. Bakit? Kapag nakatunganga ka lang imbes na gumawa ka ng aksyon, mas lalong paglalaruan ka ng isipan mo.

NUMBER 3
'WAG MONG DAGDAGAN ANG PROBLEMA

Photo by Alex Green from Pexels

Alam mo, ang pagkabalisa ay may hatid na katotohanan at kamalian. Kaya ito ang dahilan kung bakit natatakot tayo ng husto kasi hindi natin alam kung magkakatotoo ba ang iniisip natin o guni² lang natin. Parang ang lahat ng bagay ay may dalang pagbabanta. Halimbawa noong pandemic. Ang daming natamaan ng virus. Kapag inuubo ka na, tapos ang tagal mawala ng ubo mo, nag-iisip ka na ng negatibo. Iniisip mo na siguro may virus ka. Nagsasaliksik ka tungkol sa mga symptoms nito at mas lalo kang natatakot sa nakikita mo dahil lahat ng symptoms ay nasa sa 'yo. Kahit hindi ka pa na test, naniniwala ka na may virus ka. Lalo na sa panahon ngayon, ang daming problema. Nabubuo ang anxiety dahil palagi tayong nakapokus sa mga bagay na hindi pa sigurado kung mangyayari ba. Nangangamba ka kahit hindi pa nag-eexist ang problema. Mga pangambang hindi makatuwiran. At ano ang mangyayari kapag mag-isa ka na? Kinakausap mo ang iyong sarili sa negatibong paraan.

Ang tanong, nakakatulong ba sa 'yo ang pag-iisip ng negatibo? Siyempre hindi dahil negatibo 'yan eh… Hindi mo matanggal ang anxiety dahil dinudurog ka ng mga problemang ilusyon lang. Mga problemang gawa-gawa mo lang. Kung may sakit ka, mas lalong lalala ang sakit mo dahil sa mga problemang iniisip mo. Ganito naman halos lahat sa 'tin eh… Kaunti lang ang problema, dinagdagan natin ng iba pang problema. Problemang hindi naman nag-eexist. Binubuo lang natin sa ating isipan. Hindi mo nga nakita ang problema, nakabuo ka na ng masamang resulta. Suspend the judgment until you get the facts.


NUMBER 4
MAG-ISIP KA NG MAAYOS


Alam kong mahirap mag-isip ng maayos kapag anxiety na ang nangingibabaw. Ito ang napakatindi, hindi lang sa isipan ang anxiety, pati damdamin naaapektuhan nito, hanggang sa madamay nito ang iyong kinikilos. 'Wag mong solusyonan lahat dahil hindi mo sila kakayanin. Harapin mo sila isa-isa. Magsimula ka sa isipan mo dahil diyan nag-ugat ang anxiety mo. Sabihin na natin na ang iyong anxiety ay mapang-api. Naniniwala ka na hindi mo mapipigilan ang pagkabalisa.  Nararamdaman mo na wala ka ng magawa. Pero ang good news ko sa 'yo, ang anxiety ay hindi mananatili MAGPAKAILANMAN. Inaakala mo lang na manatili ito sa ulo mo dahil sa paniniwala mo na HINDI MO ITO MATATALO. Mag-isip ka ng maayos at malalaman mo na lang na hindi pala araw-araw ganito. May mga araw din naman na hindi ka nag-aalala ng sobra, 'di ba? Pwede bang umupo ka muna saglit at huminga ka ng malalim upang makapag-isip ka ng maayos.

NUMBER 5
ALAGAAN MO ANG IYONG ISIPAN


Siyempre sasabihin ng Doktor na mental illness ito. Tama naman. Anxiety is a state of mind. Anxiety is in your thoughts. Isipin mo ang isang banta at maramdaman mo kung ano ang naiisip mo. Gamitin mo ang pagkakataong ito upang isipin mo ang tungkol sa mga iniisip mo. Nakuha mo ba ang punto ko? I always practice meditation, training my attention and awareness, and achieve a mentally clear and emotionally calm and stable state. Pakinggan mo ang mga salitang ginamit mo kapag nag-aalala ka. Nag-iinarte ka lang ba? Pinapalaki mo ba ang maliit na problema? Kailangan mong pakinggan ang sarili mo. Maririnig mo 'yan kapag nag meditate ka. Ginagawa ko ito palagi. Sana'y masubukan mo rin. Palambutin mo ang mga masasakit na salita na naririnig mo galing sa isipan mo. Kapag naririnig mo ang “KAKILAKILABOT” na salita, 'wag mong gamitin ang KILABOT para ilarawan ang isang bagay, palitan mo lang ng “HINDI KANAIS-NAIS” para hindi masyadong mabigat ang salita. Kapag narinig mo ang “HINDI KO KAYA” palitan mo ng, “MATINDING HAMON ITO”. Ganyan ko rin kinokontrol ang mga salitang naririnig ko sa aking isipan. Ang mga matitigas na salita ay pinapalambot ko. At kapag napalambot ko na, doon ko sila dudurugin. 'Wag mo silang palakihin. Kasi kung mangyayari 'yon, ikaw ang dudurugin nila. 

NUMBER 6
'WAG KANG MATAKOT

Photo by Vickie Intili from Pexels

Ang anxiety ay isang anxiety lang. Nagiging masama lang ito kapag NATATAKOT ka sa HATID nito. Anxious ka ka na sa 'yong anxiety. Naniniwala ka na hindi mo makokontrol ang nababagabag mong damdamin at mas lalong lumala ang pakiramdam mo. Subukan mo ang natutunan ko. Isipin mo lang ang 3 sentence na ito:

“Natural na may negatibo tayong emosyon”

“Hindi ako dapat nagpapadala sa iniisip ko”

“Ipaubaya ko na lang ito sa Diyos”

Ibig sabihin ng tatlong sentence na 'yan ay tanggap mo na ang pangyayari. Kapag hindi mo pinilit na pigilan ang iniisip mo, mababawasan din ang tensyon.

NUMBER 7
MAGPOKUS KA SA PANGARAP MO

Photo by Nipan Chawcharernpon from Pexels

Ito ang pinakamasaklap kapag may anxiety ka, manghihina ka MENTALLY at PHYSICALLY. Naaapektuhan nito ang iyong mga ginagawa at ang iyong ginagawa ay makakaapekto sa isip at damdamin mo. Vice versa lang, 'di ba? Imbes na gigil na gigil ka sa pangarap mo, namamanhid ka na. Pati mga tao ay lalayuan mo na dahil natatakot ka na baka saktan ka nila emotionally. Ang curiosity mo ay kumupas na. Ang ambisyon mo ay natuyot na. Para bang nakatira ka lang sa SAFE MODE. Kapag nasa safe mode ka, mas lalong hindi ka safe. 'Yan ang problema natin, when we live comfortably, life will keep throwing us shit. That is no way to live your life. Kahit may anxiety ka, 'wag mong kalimutan ang pangarap mo. Kahit nawalan ka ng gana, sikapin mo pa ring magliyab ang apoy sa puso mo. Go after what you want.

NUMBER 8
MANIWALA KA NA KAYA MO 'TO

Photo by MART PRODUCTION from Pexels

Ito kasi ang malala, kung iniisip mo na hindi mo kayang wasakin ang anxiety, mapupunta ito sa depresyon. Hindi pareho ang depression at anxiety pero magkadikit ang dalawang 'to. So don't think you're powerless. Believe you can defeat anxiety. Ipakita  mo sa anxiety mo na mas malakas ka sa kanya, na kaya mong lumaban. If you face this, you will feel better about yourself and your life. Uulitin ko, ang pagkabalisa at depresyon ay may magkaparehong anyo. Pareho silang nagdadala ng doubts at parang blanko ka lagi. Disrupt one of these linked conditions and you are on your way to fixing a mixed anxiety and depression problem.

NUMBER 9
HARAPIN MO 'TO

Photo by MART PRODUCTION from Pexels

Harapin mo dahil makakaya mo. Kung may anxiety ka, siyempre mawawalan ka ng ganang kumilos. Lahat na lang ipinagpaliban mo. Ayaw mo ng magbago dahil napapagod ka na. Ang mga problema ay nag patung-patong na at nahihirapan ka ng solusyonan. Ang anxiety at procrastination ay may hatid na hindi maganda sa buhay mo. Mas papasukin ka ng mga negatibong bagay. Mga bagay na hindi ka komportable. Emosyonal mong iniiwasan ang paglapit at pag-ayos ng problema. Sa halip na harapin mo ng tama at umaksyon ka, tumatakbo ka na lang. Subukan mo ang ibang paraan. Ang paraan na gusto mo. Kasi may kanya kanya naman tayong paraan para labanan ang negatibo sa isipan natin. Harapin mo ang sitwasyong kinakatakutan mo. Gawin mo ito kahit maliit na hakbang lang. Makikita mo na lang na ang anxiety at procrastination ay unti-unting maglaho.

NUMBER 10
MAGPAKATATAG KA

Photo by RODNAE Productions from Pexels

Bakit dapat kang magpakatatag? Dahil ang anxiety ang magpapahina sa 'yo. Mawawala ang kompiyansa mo. Kapag nagdududa ka na sa sarili mo, nagdududa ka na sa kakayahan mo, mawawala rin ang tiwala ng ibang tao sa 'yo. Kasi maramdaman ng tao ang emosyon mo eh… Maipasa mo 'yan sa kanila. Dahil sa mga pagdududang ito, pinilit mong maging perpekto. Nagpapakaperpekto ka para hindi ka lalayuan nila. Alam mo ba kung sino ang nagkokontrol sa 'yo? Ang anxiety mo. Dahil alam mong hindi ka maging perpekto, kahit anong gawin mo, magiging self-conscious ka na at mas lalong mag-aalala ka sa 'yong sitwasyon. Tandaan mo, hindi ang pagkakaroon ng anxiety ang basehan ng iyong halaga. Kahit may anxiety ka man o wala, may HALAGA ka pa rin. Kapag palagi mo lang iisipin na may HALAGA ka, tataas muli ang iyong kompiyansa at hindi ka na mag-aalala kung ano ang sasabihin ng mga tao tungkol sa 'yo. At mas lalo kang tatatag. 

NUMBER 11
MAYROON ITONG SOLUSYON

Photo by RODNAE Productions from Pexels

Lahat ng problema ay may solusyon. Hindi ko naman sinasabi na madali lang tanggalin ang anxiety sa buhay natin, pero kaya nating tanggalin ito. Kung alam mo lang ang iyong dapat gawin at kung gagawin mo lang talaga, matatalo mo ang anxiety. Ang problema kasi sa karamihan ngayon ay alam na nila ang gagawin pero hindi nila ginagawa, hindi nila inilapat ang kanilang natutunan. Kaya't palagi silang binalik-balikan ng anxiety. You have to work to change your anxious thoughts. Kung ayaw mo ng matakot sa kinakatakutan mo, subukan mong harapin ito. Paano mo malalaman na hindi ka na takot sa bagay na 'yan kung hindi mo ito hinaharap. Wala na akong ibang solusyon na masasabi, ang PAGHARAP na lang. Halimbawa, kung takot ka sa gagamba, subukan mong hawakan ito, dahan-dahan lang. Kapag nahawakan mo na o naharap mo na ang kinakatakutan mo, masasabi mo na lang sa sarili mo, KAYA KO PALA! 

NUMBER 12
TANDAAN MO NA HINDI ITO MADALI

Photo by Daria Sannikova from Pexels

Minsan may mga taong gusto agad-agad mananalo. Gusto nakukuha agad ang isang bagay. Yun bang INSTANT GRATIFICATION. Pag may ginawa o pinapagawa, gusto may reward kaagad. Hindi  'yan mag wo-work sa realidad. Dahil ang totoong buhay ay maraming kailangang paghirapan, bago mo makuha ang iyong gusto. Anxiety won’t vanish by magic. Kung matagal tagal na rin ang anxiety mo, alam naman natin na walang mahiwagang paraan para matanggal na ito agad. Kasi kung mayroon man, kaunti na lang siguro ang nagkaka-anxiety, 'di ba? Pero hindi kita dina-down. Bakit? Mayroon ka pang dahilan para maging OPTIMISTIC. Cognitive behavioral therapy for anxiety has strong research support. Alam mo ba ang CBT? Itong mga steps na sinasabi ko sa 'yo. Ito na 'yon. It’s the gold standard. Bibigyan pa kita ng halimbawa. Halimbawa imbes na sasabihin mong,

“Kung magkakasyota man ako, hindi rin magtatagal”

palitan mo ng,

“Sa mga nagdaan kong relasyon, hindi kami nagtagal”

Napansin mo ba kung ano ang kaibahan sa dalawang 'yan? Para lang siyang FUTURE TENSE at PAST TENSE. 'Wag mong pangunahan ang kinabukasan mo. Dahil sigurado akong magtatagumpay ka kung aaksyonan mo lang ang mga plano mo.

The techniques are simple. The results are relatively durable. You can educate yourself in their use, and use what you learn. 

Alam mo, minsan naiisip ko, ang dami dami kong problema noon, pero ang nakakatawa, ang iba sa mga pinoproblema ko noon ay hindi nangyayari ngayon. Kasi binuo ko lang sa isipan ko. Nasayang tuloy ang mga pagkakataon ko noon dahil lang sa mga iniisip kong walang kwenta.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177