Why You Must Stay Away From These 10 Toxic People by Brain Power 2177


Photo by Josie Stephens from Pexels


Ang mga taong toxic ay palaging tututol sa logic. Wala silang pakialam kung ano ang negatibong epekto
ng mga ginagawa nila sa mga taong nasa paligid nila at natutuwa pa sila sa paggawa ng kaguluhan at painisin ang ibang tao. Napakahalaga talagang malaman kung paano makitungo sa iba't ibang uri ng mga tao. Totoo na ang mga taong toxic ay hindi kailanman magiging sulit sa 'yong oras at lakas - sila pa nga ang nag-aaksaya ng panahon mo. Ang mga taong toxic ay lumilikha ng mga kumplikadong bagay, palaging nakikipagtatalo, at ang pinakamalala sa lahat, nagdudulot sila ng stress. Kung may taong nagpapasigla sa 'yo, ang mga taong toxic ang nagpapahina sa 'yo. Dapat wais kang pumili ng kakaibiganin.

Ayon sa kamakailang pananaliksik, nagpapakita ito kung gaano kalubha ang mga taong toxic. Biblical rin naman ito. Kung nae-expose ka sa mga taong toxic, parehong ugali rin ang makukuha mo kapag nakipag-ugnayan ka sa mga taong toxic. Mahahawa ka sa kanila. Kaya lumayo ka ka kung ayaw mong mai-stress ka. Whether it’s negativity, cruelty, the victim syndrome, or just plain craziness, toxic people drive your brain into a stressed-out state that should be avoided at all costs.

Matagal nang ipinakita ng mga pag-aaral na ang stress ay maaaring magdudulot ng isang pangmatagalang negatibong epekto sa utak. Ang pagkakalantad sa stress kahit sa ilang araw lang ay nakompromiso ang pagiging epektibo ng mga neuron sa hippocampus. Ang hippocampus ay isang mahalagang parte ng utak na responsable para sa pangangatuwiran at memorya. Ang ilang linggong pagka-stress ay nagdudulot ng kaunting pinsala ng mga cells sa utak. Pero kapag umabot na ito ng ilang buwan, permanenteng sisirain nito ang mga cells. Hindi ka lamang ginagawa ng mga taong toxic na kaawa-awa, talagang literal na pinapahirapan nila ang iyong utak.

Ang kakayahang ma-manage ang iyong emosyon at manatiling kalmado sa ilalim ng presyon ay may direktang link sa 'yong performance. May nagsagawa ng pagsasaliksik na may higit sa isang milyong mga tao at nalaman nila na 90% ng mga nangungunang performers ay may kasanayan sa pag manage ng kanilang emosyon sa oras ng pagka-stress upang manatiling kalmado at kontrolado nila ang kanilang sarili. Ang isa sa kanilang gift sa buhay ay ang kakayahang makilala ang mga taong toxic at panatilihin silang malayo sa kanilang buhay.

Madalas sinasabi na ikaw ang produkto ng limang tao na iyong pinakisamahan. Kung papayagan mo kahit ang isa sa limang taong toxic na lumapit sa 'yo, malalaman mo sa lalong madaling panahon kung gaano ka niya kinokontrol. Hindi mo malalayuan ang mga taong toxic kung hindi mo alam kung toxic ba sila. Magaling din naman kasi silang magtago. Magpapanggap pang mabait. Ang dapat mong gawin ay paghiwalayin ang mga taong nakakainis lang mula sa mga totoong toxic talaga. Magkaiba kasi 'yon. May tao kasing nakakainis lang dahil gan'on na ang ugali nila. Pero ang taong toxic ay nasa kanila na lahat ng katoxican. Kaya heto na ang sampung uri ng mga toxic na dapat mong layuan upang hindi ka mai-stress at maging katulad nila.


NUMBER 1
LAYUAN MO ANG MGA TSISMOSA
Photo by JoĂ«l Super from Pexels


Ang mga taong malawak ang kaisipan ay tumatalakay ng mga ideya. Ang mga taong makikitid ang utak ay tumatalakay sa buhay ng iba.

Ang mga tsismosa ay nakakuha ng kasiyahan mula sa mga kasawian ng ibang tao. Sa una maaaring maging kasiya-siya na masilip ang personal o propesyonal na kahinaan ng ibang tao, ngunit sa paglipas ng panahon, nakakapagod na 'yan. Para ka ng mandidiri sa sarili mo kasi pinupulot mo ang negatibong pangyayari para ipakain sa utak mo. At siyempre ikaw ang nakakasakit ng kapwa mo. Mayroon namang maraming mga positibong nangyayari sa mundo at marami kang dapat malaman mula sa mga matagumpay na tao kaysa sayangin mo lang ang iyong oras sa pakikipag-tsismis tungkol sa kabiguan ng ibang tao.





NUMBER 2
LAYUAN MO ANG MGA TAONG
WALANG PAGPIPIGIL SA SARILI
Photo by freestocks.org from Pexels


Ang ilang mga tao ay walang kontrol sa kanilang emosyon. Sasaktan ka nila at ilalabas nila ang kanilang mga pagdaramdam, habang sinasabi nila na ikaw ang nagdudulot ng kanilang kalungkutan. Babaliktarin ka nila. Ang mga taong walang kontrol sa sarili ay mahirap tanggalin sa buhay mo. Bakit? Dahil kaawa-awa silang tingnan. Kung pipilitin mo man na itulak sila papalayo, magbabato rin sila ng mga salita na maaaring ika-guilty mo. 'Wag kang magpapadala sa ganyang taktika. Dapat iwasan mo na sila.


NUMBER 3
LAYUAN MO ANG MGA TAONG PA-BIKTIM
Photo by Kat Jayne from Pexels


Ang mga pa-biktim na tao ay mahirap ma-identify kasi sila y'ong maglalabas ng saloobin tapos maaawa ka na rin sa kanila. Ngunit sa paglipas ng panahon, mare-realize mo na ang kanilang ORAS NG PANGANGAILANGAN ay may halo ng kakaibang enerhiya. Palagi silang nagpapakabiktima para makaiwas sa kanilang personal na responsibilidad. Hindi nila nakikita ang mga mahihirap na oras bilang mga pagkakataong matuto at lumago. Ang sakit ay hindi natin maiiwasan ngunit ang pagdurusa ay opsyonal. At 'yan ang ginagawa ng pa-biktim, palagi nilang pinipili ang magdusa para kaawaan sila. Kaya hindi rin sila nag-improve sa buhay.


NUMBER 4
LAYUAN MO ANG MGA TAONG MANGHIHIGOP
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ano ang ibig kong sabihin? Manghihigop ng lakas spiritwal. Napakatahimik nila. Palihim nilang hinihigop ang positibong enerhiya mo. Mararamdaman mo naman 'yan. Yun bang kasama mo sila pero pakiramdam mo para ka pa ring nag-iisa. Alam kong naramdaman mo 'yan minsan. 'Yan ang mga signs na palihim ka nilang hinihigop. This happens because as far as they’re concerned, there’s no point in having a real connection between them and anyone else. Ginagawa ka lamang nilang tool upang buuin ang kanilang self-esteem.


NUMBER 5
LAYUAN MO ANG MGA TAONG MAINGGITIN
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Para sa kanila kasi, ang kagalakan ay nasa ibang tao. Hindi nila nakikita ang sarili nilang kagalakan. Kaya sila palaging maiinggit sa nakamit ng iba. Kahit na may magandang nangyari sa buhay nila, hindi pa rin sila masaya dahil nakapokus lang sila sa nakamit ng ibang tao. Ito ay dahil sinusukat nila ang kanilang tagumpay laban sa tagumpay ng ibang tao kung kailan dapat magpokus pa sila sa kanilang kasiyahan mula sa kanilang sarili. At aminin na natin, palaging may isang tao sa mundo na mas mahusay pa kaysa sa 'yo. May mga bagay na alam ko na hindi mo alam. May mga bagay ka ring nalalaman na hindi ko alam. It's always give and take. Ito ang cycle ng buhay. Kung hindi mo matanggap 'to, tutubo ang INGGIT sa puso mo. Ang pakikipaghalubilo sa mga taong mainggitin ay mapanganib sapagkat tinuturo nila sa 'yo na maliitin ang iyong sariling mga nagawa.


NUMBER 6
LAYUAN MO ANG MGA TAONG MANIPULATOR
Photo by Keira Burton from Pexels


Ang mga manipulator ay sumisipsip ng oras at lakas sa 'yong buhay, kahit magkaibigan pa kayo. Sila ang mga taong nagtatago sa likod ng kanilang maskara. Mahirap silang ma-identify kasi madali rin silang pakisamahan. Kaya hindi ka na rin magfi-filter. Kaibigan mo naman, 'di ba? Marami silang alam sa buhay mo. Alam nila kung ano ang gusto mo. Alam nila kung ano ang nagpapasaya sa 'yo. At alam rin nila kung ano ang sa tingin mo ay nakakatawa. Ngunit ang pagkakaiba ay ginagamit nila ang impormasyong ito bilang bahagi ng isang nakatagong agenda. Ang mga taong manipulator ay laging may nais na isang bagay na kukunin nila mula sa 'yo. Kung palagi na lang silang kumukuha ng kumukuha at hindi man lang alam kung p'ano magbigay, manipulator na tao 'yan. Gagawin nila ang anumang bagay upang makuha ka nila. At kung makuha ka na nila, kaya ka nilang paglaruan.


NUMBER 7
LAYUAN MO ANG MGA TAONG NAGDUDULOT NG KADILIMAN

Kaya rin nilang sumipsip ng lakas. Iiwan ka lamang nila kung naghihirap ka na. Iiwan ka nila kung hindi ka na mapapakinabangan. Napakasakit isipin, 'di ba? Yung gagamitin ka lang. Sila yung tipo na kapag papasok sa buhay mo, wala ka ng ibang makikita kundi sila lang. Nagiging bulag ka na sa katotohanan. Alam mo naman ang katotohanan pero gusto mo lang magpaloko. Hanggang sa manlamig ka na, at wala ka ng ibang maala-ala kundi ang isang mapait na karanasan. Mabilis silang nakapasok sa buhay mo at mabilis ka rin nilang iiwan. Iiwan kang duguan at luhaan. Sumipsip sila ng lakas sa pamamagitan ng pagpapataw ng kanilang negatibong emosyon sa lahat ng makikita nila. Uhaw na uhaw sila sa positibong lakas kaya sila palaging nanghihigop ng positibong enerhiya.


Recommended Article: Why Being Alone Is A Good Thing



NUMBER 8
LAYUAN MO ANG MGA TAONG NATUTUWA KAPAG NAGDUSA KA
Photo by Anete Lusina from Pexels


May baluktok na pag-uugali. Ang mga toxic na tao ay may masamang hangarin, natutuwa sila kapag naghihirap ka. Pumasok lang sila sa mundo mo upang saktan ka, upang durugin ang mundo mo, o upang makakuha ng isang bagay mula sa 'yo. Kung sa una pa lang alam nila na hindi ka mapapakinabangan, wala rin silang interes sa 'yo. Ang tanging mabuting bagay lamang sa ganitong uri ng tao ay mabilis mong makita ang kanilang mga hangarin, at mas mabilis rin na mawala sila sa 'yong buhay.


NUMBER 9
LAYUAN MO ANG MGA TAONG JUDGEMENTAL
Photo by Alesia Kozik from Pexels


Ang mga taong mapanghusga ay walang awang sasabihin kung ano ang laman ng isipan nila. Kahit ikakasakit mo man o hindi, sasabihin talaga nila. Sila yung mga tao na naghahanap ng isang bagay, isang bagay kung saan ka magaling, at iparamdam nila sa 'yo na hindi tama ang ginagawa mo. Hanggang sa hindi mo na mahal ang ginagawa mo at tuluyan ka ng bumitaw. At siyempre, sila ang sasalo sa bagay na binitawan mo. Sorry ka na lang. Sa halip na pahalagahan at matuto mula sa mga taong naiiba sa kanila, ang mga taong mapanghusga ay minamaliit ang iba. Sila yung mga hadlang sa pangarap mo. Gagawin nila ang lahat upang hindi ka makarating sa tugatog ng tagumpay. So you’re best off cutting them out and being yourself.


Recommended Article: 10 TIPS To Being Happy Alone


NUMBER 10
LAYUAN MO ANG MGA TAONG AROGANTE
Photo by Soulful Pizza from Pexels


Sayang lang ang oras mo sa mga taong mapagmataas dahil nakikita nila ang lahat ng iyong ginagawa bilang isang personal na hamon. Ang paggiging arogante ay maling kumpiyansa sa sarili. Akala nila kompiyansa na 'yon pero ito pala'y nagtatakip ng mga pangunahing insecurities. Natuklasan ng isang pag-aaral sa Unibersidad na ang kayabangan ay naiugnay sa maraming mga problema sa trabaho. Ang mga mapagmataas na tao ay mga taong wala namang napapatunayan, mas sila pa yung walang alam sa trabaho, mga nagmamagaling, mas hindi kanais-nais, sila pa yung mga sipsip.

Ngayon alam na natin ang 10 tao na kailangan mong layuan. Paano naman protektahan ang iyong sarili kapag nalaman mong nasa buhay mo na pala sila?




Nakakabaliw ang mga taong toxic dahil ang kanilang pag-uugali ay hindi makatuwiran. 'Wag mo silang bigyan ng oras. Ang kanilang pag-uugali ay totoong salungat sa mga iniisip mo, kaya bakit mo pinapayagan ang iyong sarili na tumugon sa kanila ng emosyonalan. Para mo na ring pinapain ang iyong sarili sa mga buwaya.

The more irrational and off-base someone is, the easier it should be for you to remove yourself from their traps. Tumigil ka na sa pagsubok na talunin sila sa kanilang sariling laro dahil hindi ka mananalo. Mananalo ka lang kung ilayo mo ang iyong sarili mula sa kanila. Lapitan mo lang sila at gawin mo silang experiment. Baliktarin mo ang sitwasyon. You don’t need to respond to the emotional chaos, only the facts.

Ang pagpapanatili ng pag distansya ay nangangailangan ng kamalayan. Hindi mo mapipigilan ang mga taong toxic kung hindi mo alam kung ano ang kanilang tunay na pagkatao at kung kailan sila aatake. Minsan makikita mo ang iyong sarili sa mga sitwasyon kung saan kakailanganin mong muling magpokus at piliin ang pinakamahusay na paraan ng pagsulong. Ayos lang 'to, at hindi ka dapat matakot na palayain ang iyong sarili.

Karamihan sa mga tao ay nararamdaman nila na parang dahil nagtatrabaho o nakatira sila sa isang bubong, wala silang paraan upang makontrol ang gulo. This couldn’t be further from the truth. Kapag nakilala mo ang isang toxic na tao, mas madali mo ng mahulaan ang kanilang mga galaw at mas madali mong maunawaan ang takbo ng sitwasyon. This will equip you to think rationally about when and where you have to put up with them and when and where you don’t. You can establish boundaries, but you’ll have to do so consciously and proactively. Kung hahayaan mong natural na mangyari ang mga bagay, tiyak na malalaman mo na ang iyong sarili ay patuloy na napapaloob sa mga mahirap na sitwasyon. Kung magtatakda ka ng mga boundaries at magpasya ka kung kailan at saan ka makikipag-ugnayan sa isang toxic na tao, maaari mong makontrol ang karamihan sa kaguluhan. Para bang nag-aabang ka lang sa boundary mo, na may hawak na baril, kung sinong lumampas, shoot to kill.

Tanungin nga kita, may mga taong toxic sa buhay mo?




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177