Tanggal Ang Toxic sa Katawan mo Kung Mababasa mo 'to By Brain Power 2177


Photo by cottonbro from Pexels


Palagi nating tina-topic ang katoxican ng ibang tao. Pero ikaw ba ay hindi toxic sa sarili mo o di kaya'y toxic ka na pala sa ibang tao? Minsan kasi nakapokus lang tayo sa iba. Nakakalimutan na nating kamustahin ang ating sarili. Lahat naman tayo ayaw nating mapapaligiran ng mga taong toxic. Kasi minsan ay nagiging toxic na tayo sa iba. Hindi lang natin napapansin kasi mataas ang tingin natin sa ating sarili. Pinupuna natin ang kamalian ng iba pero hindi natin napapansin ang mga trosong nakabara sa ating mga mata. Lahat tayo ay may magagandang araw at masasamang araw. Ibig sabihin na gan'on din ang ugali natin. May good side at bad side tayo. Minsan magagalit tayo sa mga taong walang kasalanan. Minsan kinokontrol natin ang isang tao. Minsan wala tayong paki sa emosyon ng ibang tao. Gusto ko lang malaman mo ang KATOTOHANAN. Ang KATOKSIKAN natin ay nanggagaling lang din sa atin. Ang dami nating iniisip araw-araw, imposible namang walang halong katoksikan 'yon, 'di ba? Ibig sabihin, kung negatibo palagi ang iniisip mo, magreresulta din 'yan ng katoxican. 'Wag kang mag-alala. Hindi pa huli ang lahat para makapag-adjust sa ating sarili. Kaya ano ang maaari mong gawin upang maging isang mas masaya at hindi ka maging toxic na tao?


NUMBER 1
NGITI

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


NGITI. 5 letra lang 'yan pero napakalaking positibong impact sa 'yo at sa mundo. Mahirap bang ngumiti? Kapag ngumiti ka, naipalaganap mo na ang positibong enerhiya. Kapag magiging habit mo na 'to, mas madali kang sumaya. Pero 'wag kang ngumiti dahil lang sinabihan kita. 'Wag mong gawin 'yan na PINILIT lang. Dapat yung kusa mong binigay ang iyong MATAMIS na NGITI. Magugulat ka na lang sa impact nito sa ibang tao. Paano mo ba malalaman na epektibo ito? Maraming tao ang LALAPIT sa 'yo dahil maramdaman nila na friendly kang tao. Uulitin ko, 'wag kang ngumiti dahil pinilit mo lang. Ngumiti ka dahil 'yan ang sabi ng puso mo. SMILING IS INVITING. Mas gusto kasi ng karamihan na sumama sa taong masiyahin at palangiti. Nakakagaan kasi ng pakiramdam.


NUMBER 2
MAGING MAPAGPASALAMAT



Dapat i-appreciate mo ang pagpapala ng Diyos. Pero sa panahon ngayon, hindi na natin na-appreciate ang blessings ng Diyos. Dahil palagi tayong nakapokus sa mga problema natin. Kapag palagi lang tayong nakapokus sa problema, anong mangyayari? Magkawatak-watak na rin ang iniisip natin. Magiging toxic na rin tayo sa mismong sarili natin. Palagi nating ikinompara ang ating sarili sa iba at palagi tayong nakapokus sa mga bagay na wala sa atin. Paano tayo sasaya sa ganyang mentalidad?

Kaya't napaka importante na mapagpasalamat ka sa mga bagay na nasa sa 'yo na. 'Wag mo ng hanapin ang WALA sa 'yo dahil paano mo mahahanap ang WALA? WALA nga, 'di ba? Teka lang, sa tingin ko'y walang kulang sa 'yo. May bahay ka, kahit maliit na bahay lang 'yan, basta't may bahay ka, 'yon na 'yon. Nakakakain ka pa rin. Nakakainom ka pa rin ng malinis na tubig. At ang nagpapakompleto ng lahat ay BUHAY KA PA. Hindi ka ba masaya sa nalalaman mo? May sweldo ka, may mga kaibigan kang nagpapatawa sa 'yo. Napakasarap mabuhay kahit mahirap lang tayo. Ang dami nating mapapasalamatan sa mundo. Kailangan lang nating sanayin ang ating pokus sa mabubuting bagay na nangyayari sa 'tin.


NUMBER 3
UMIWAS KA SA MGA TSISMIS

Photo by Keira Burton from Pexels


Paanong hindi ka magiging toxic kung isa ka rin sa mga taong nakikinig ng mga tsismis? May nakita ka bang positibong tao na nakikinig ng tsismis? Halos lahat pwedeng mang diss, mang tsismis, mang trash talk, kung ayaw mong maging TOXIC, umiwas ka sa mga taong nagbabahagi ng mga balitang ikakasira ng iba. Gawin mong HABIT ang PAG-IWAS sa negatibong usapan.

Ang pamamalita at paninirang puri ay parehong negatibong aksyon. Kaya kung ginagawa mo ito palagi, mahihirapan kang sumaya. Dahil ikaw ang nagbabaon ng mga negatibong salita. Ikaw ang lumalason sa sarili mo. May malaking negatibong impact talaga 'yan sa buhay mo. Maaapektuhan rin ang mga tao sa paligid mo. Hindi ka nila mapagkakatiwalaan.

Pwede naman tayong tumawa o magpatawa na walang sinisiraang iba, 'di ba? Pwede rin tayong magbahagi ng mga ideas natin. Pwede rin tayong magbahagi ng mga bago nating natutunan sa mga tao. Ang daming pwedeng pag-usapang positibo sa buhay. Bakit doon lang tayo nakapokus sa buhay ng iba? Kahit gaano man kasahol ang ginawa ng ibang tao, WALA NA TAYONG PAKI sa buhay nila. Let them face their own trouble. Ganyan lang kasimple. 'Wag naman nating baunin ang KATOKSIKAN ng iba. Imbes na katoksikan lang ang ibahagi natin sa mga kaibigan natin, mas mainam na bumuo tayo ng magagandang topics para mas lalong tumatag ang relasyon nating magkakaibigan. Walang plastikan.


NUMBER 4
KILALANIN MO ANG IYONG SARILI

Photo by Samuel Silitonga from Pexels


Mahihirapan kang mapansin ang kamalian mo kung hindi mo alam kung sino ka o kung ano ang nasa isip mo. PRACTICE SELF-CARE. Sino ka ba? Hindi ko tinatanong kung ano ang pangalan mo. Tinatanong ko ang TUNAY mong PAGKATAO. Dito kasi magsisimula ang katoksikan natin. Yung palagi tayong nagmamadali, palagi tayong pagod, gutom tayo, nai-stress, nawawala na tayo sa ating KATINUAN. Para tayong BALIW na walang pakialam sa pagkatao natin. Ang nakikita lang natin ay ang mga taong nasa paligid.

Hindi mo malalaman na TOXIC ka kung hindi mo kilala ang sarili mo. Importante na mag time out ka muna. Sarili mo muna ang atupagin mo.

“Ano na ba ang nangyayari sa 'kin?”

“Ano ba ang pinagagawa ko?”

“Tama ba ang desisyon ko?”

Actually, marami kang maitatanong sa sarili mo kung bigyan mo ng oras ang sarili mo.


NUMBER 5
MAGPAKABAIT KA


Sabi ko nga sa naunang video, magpakabait ka pero 'wag namang sobra kasi may magti-take advantage na sa 'yo niyan.

Pero alam ko ang sasabihin mo,

“Mahirap magpakabait sa mga taong palaging naninira”

“Hindi ko mapipigilang pumatol sa kanila”

Wala akong magawa sa reaksyon mo. Tao lang tayo, 'di ba? Minsan makakagawa tayo ng mabuti at masama. Pero kung react tayo ng react sa negatibong bagay, ano kaya sa tingin natin ang maipapasok natin sa ating utak? Siyempre negatibong sitwasyon rin. Kahit napakagulo na ng mundo, mananaig pa rin ang KABUTIHAN. Bibliya na ang nagsabi, sa Kawikaan 11:17,

“Kapag mabait ang isang tao,
siya mismo ang nakikinabang.
Pero kapag malupit ang isa,
siya mismo ang napapahamak.”

Alam kong mahihirapan tayong sundin 'yan lalo na kapag galit na galit na tayo. Pero kahit ito lang ang isipin natin: Ang kabutihan ay maganda sa ating kalusugan. May clinical studies na ito e. Kung magpakabait ka, mag spark ang utak mo, tataas ang antas ng iyong serotonin. Ang serotonin ay isang hormone na responsable sa ating kaligayahan. May malaking impact sa kalusugan natin, 'di ba?

Paano kung galit ang pinapairal natin? Ang galit ang dahilan kung bakit tayo nai-stress. Kasi magri-release ito ng hormones na tinatawag nating cortisol. Responsable 'yan sa stress natin. So tama ang Bibliya, 'di ba? Tayo lang din ang mapapahamak sa galit na 'yan.

Kaya kung gusto mong maging masaya at hindi maging toxic na tao, magpakabait ka. Hindi yung kabaitang pilit. Yung kabaitang alam mong gagawin mo dahil sumusunod ka sa payo ng Diyos. Libre lang magpakabait. Just be kind and show compassion to the people around you.


NUMBER 6
'WAG MONG SERYOSOHIN
ANG MALIIT NA BAGAY

Photo by Rodolfo QuirĂłs from Pexels


Oo dapat seryoso ka sa pangarap mo pero pagdating sa kabiguan, dahil mabibigo't mabibigo tayo, tawanan na lang natin. Dapat haluan natin ng humor ang ating buhay. Kapag sobrang seryoso natin sa buhay, dito tutubo ang KASAKIMAN, SISIHAN, KAHIHIYAN at PAGKAKASALA. Para mo na ring sinasabi na,

“Hindi ako magiging OKAY kung hindi ko pa nakukuha 'to”

'Yan ang dahilan kung bakit nahihirapan kang sumaya dahil sobrang seryoso mo. MAKE IT A HABIT TO LAUGH AT YOURSELF and TO LAUGH AT YOUR MISTAKES.

Mahihirapang makapasok ang negative energy sa buhay mo kung pinapagaan mo ang mga bagay. Kung nagkakamali ka, tawanan mo lang dahil hindi mo naman hawak ang sitwasyon e. Kahit anong gawin mo sa buhay, magkakamali ka talaga. Hindi tayo perpekto. Hindi naman ibig sabihin na kapag hindi mo sineryoso ay wala kang mararating. Ang ibig kong sabihin ay seryosohin natin ang ating mga pangarap pero 'wag nating seryosohin ang ating kabiguan. Mas masasaktan lang tayo sa ganyang mentalidad. Mas ito pa ang dahilan ng ating pagsuko.


NUMBER 7
ISIPIN MO ANG EPEKTO
NG IYONG GINAGAWA

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kung babatuhin ka ng buhay ng matitinding pagsubok, tanungin mo muna ang iyong sarili bago ka mabahala:

“Ano ang PINAKA MALALANG EPEKTO kung sobra ang pagkabahala kong ito?”

Mabubuksan ang iyong isip at mapagtanto mo na imbes maliit lang ang problema ay maaari mong madagdagan ito. Those problems can't RUIN YOUR DAY. ONLY YOU CAN RUIN YOUR DAY BY THINKING NEGATIVELY. Sa oras na mapagtanto mo na may malaking negatibong epekto ito, hindi mo na ito seseryosohin. Find humor in every situation.

Minsan kasi mas masama pa ang iniisip natin kay sa totoong pangyayari. Minsan din nag-iisip tayo ng nakakatakot pero hindi naman nangyayari. Kaya't 'wag masyadong pakainin ng LASON ang utak mo. Kapag malinaw ang pag-iisip mo, mag re-reflect 'yan sa panlabas mong anyo. Magiging masaya ka.


NUMBER 8
TINGNAN MO ANG POSITIBONG KAHULUGAN

Photo by Binti Malu from Pexels


Kapag toxic na tayo sa sarili natin, madali lang natin malaman 'yan, dahil kadalasan ang mga iniisip natin ay napakasahol. Lahat na lang ng kinikilos ng iba sa paningin natin ay may negatibong kahulugan. Alam mo, maraming bagay ang hindi natin makokontrol. Hindi mo man makokontrol ang nangyayari sa paligid mo pero makokontrol mo ang iyong reaksyon. Lahat ng resulta sa buhay mo ay dahil sa 'yong desisyon. Ibig sabihin, naging toxic ka na sa sarili mo dahil desisyon mo 'yan. Walang bagay dito sa mundo na nangyayari ng gano'n-gano'n lang. The more flexible you are, the more options you have. Piliin mo palagi ang mas positibong diskarte.


NUMBER 9
LAYUAN MO ANG MGA TAO
NA NAKAKA-DRAIN NG ENERGY

Photo by RODNAE Productions from Pexels


Mapa bagay man o tao, LAYUAN mo. Kapag ipinapasok mo ang lahat ng basura sa ulo mo, magiging basura rin ang takbo ng iyong buhay. Sinasabi ko 'to sa 'yo dahil gusto kong magising ka. Kita mo naman ang mga matagumpay na tao, 'di ba? Libro ang kanilang hinahawakan. Mga libro tungkol sa buhay, tungkol sa negosyo, tungkol sa pagiging influencer at mga self-help books. Kaya oras na, na iwasan mo sila kung ayaw mong maging toxic ka rin.


NUMBER 10
DON'T BE SO HARD ON YOURSELF

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Halimbawa na-realize mo na TOXIC kang tao, please don't be so hard on yourself. Kumalma ka lang muna. 'Wag mong pilitin na mawala ito. Mas lalong hindi mo makokontrol ang iyong sarili kung pipilitin mong maging maayos. Bigyan mo ng sapat na oras para MAKILALA mo ang sarili mo. Tao ka lang at hindi ka perpekto. Kapag kasi gusto mong magpakaperpekto, para ka lang naghukay at ikaw lang din ang tatalon. Nakuha mo ba ang punto? Para mong inilagay ang sarili mo sa kapahamakan. I suggest to use a GRATITUDE PRACTICE para mapahalagahan mo ang iyong sarili at mapahalagahan mo ang iyong mga ginagawa. Bumitaw ka sa mga pangyayaring hindi mo makokontrol. Don't beat yourself up. Yakapin mo ang sarili mo dahil wala ka ng ibang kakampi kundi ang SARILI mo lang.


NUMBER 11
MAHALIN MO ANG IYONG SARILI

Photo by Tim Mossholder from Pexels


Ito ang PINAKA IMPORTANTE sa lahat. Nagiging toxic kasi ang bawat isa sa atin dahil KULANG na KULANG tayo ng pagmamahal sa ating sarili. Wala tayong tiwala sa ating sarili. Hindi natin kilala ang ating sarili. Kaya kung nais mong maging isang mas masaya at hindi maging toxic, mahalagang mahalin mo ang iyong sarili. 

Alam kong nauumay ka na sa payo na “MAHALIN ANG SARILI”. Pero bakit ka nauumay kung hindi mo pa ginagawa? Mas madaling ikalat ang pagmamahal at pagiging positibo kung nararamdaman mo muna ito sa loob mo. Sabihin mo ito palagi:

“I AM LOVED”

“I AM GREAT”

“I AM ENOUGH”

“I AM VALUABLE”

“I AM CAPABLE”

“I AM BEAUTIFUL”

Kapag uulit-ulitin mo ang mga positibong affirmations na 'yan, papasok 'yan sa 'yong subconscious mind at lahat ng negatibong iniisip mo ay mapapalitan ng positibo.

Hindi madaling malaman na isa ka na palang TOXIC na tao kung palagi ka na lang nakapokus sa ugali ng ibang tao. Hindi natin agad-agad mabago ang ating ugali pero kailangan nating magpursige. Kahit maliit na hakbang lang araw-araw, may malaking tulong na 'yan sa 'yo. Ang positibong ugali ay hindi lang ikaw ang makikinabang, kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid mo.




Comments

  1. Binalikan ko ulit mga video nakita may script binasa basa ko paulit ulit thank you sir

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177