10 TIPS To Being Happy Alone by Brain Power 2177


Photo by RODNAE Productions from Pexels


May mga tao na masaya pa rin sila kahit nag-iisa. Ngunit may mga tao naman, na isang malaking hamon sa kanila ang pag-iisa. Kung isa ka sa mga taong ayaw mag-isa, may mga paraan upang maging mas komportable kang mag-isa. Hindi alintana kung ano ang nararamdaman mo tungkol sa pag-iisa, ang paglikha ng mabuting relasyon sa 'yong sarili ay napakahalaga sa 'yong buhay. Tandaan mo na hindi sa lahat ng oras ay may kasama ka. Darating ang araw na iiwan ka ng mga mahal mo. May panahon na mag-isa ka na lang. Kaya kung hindi ka komportableng mag-isa o hindi ka sanay mag-isa, mas mahihirapan ka. Made-depress ka. Kaya kailangan mo ring matutunan 'to upang masaya ka pa rin kahit mag-isa ka na. Kung minahal mo ang mga tao sa paligid mo, dapat alam mo rin kung paano mahalin ang sarili mo. Kung masaya ka kung kasama mo sila, dapat masaya ka rin kung kasama mo ang iyong sarili. 

Hindi naman ibig sabihin na MALUNGKOT kang tao kung NAG-IISA ka. Magkaiba ang TAONG MALUNGKOT sa TAONG NAG-IISA. Dapat mong malaman na hindi porket MAG-ISA ka ay MALUNGKOT ka na. 'Yan kasi ang pagtingin ng mga tao, 'di ba? Pag nakikita ka nilang mag-isa ka, iniisip kaagad nila na MALUNGKOT kang tao. Hindi nila naiisip na gusto mo lang talaga ng ALONE TIME o gusto mo pang KILALANIN ang sarili mo. Mga tao nga naman, nakapokus na lang sa negatibo. Uulitin ko, HINDI porket nag-iisa ka ay MALUNGKOT ka.

May mga taong GUSTO talagang MAPAG-ISA. Hindi naman sila antisocial, may mga kaibigan naman sila, hindi rin sila mga introvert, may mga nagmamahal rin naman sa kanila. Sadyang GUSTO lang talaga nilang MAPAG-ISA. KONTENTO na silang LUMABAS mag-isa. KAKAMPI lang nila ang kanilang SARILI. Hindi mo sila matatawag na MALUNGKOT. Kasi kagustuhan nilang MAPAG-ISA.

Ito ang pinaka MALALA. Napapalibotan ka na nga ng maraming kaibigan, mga kapamilya, may karelasyon ka na, pero HINDI MO RAMDAM ANG SAYA. Parang nakukulangan ka pa. Kahit ang dami ng taong nakapalibot sa 'yo, feeling mo nag-iisa ka, 'yan ang matatawag mo na TAONG MALUNGKOT sa buhay. Napapaligiran ka na nga ng maraming tao, malungkot ka pa rin. Eh paano na kaya kung MAG-ISA ka na lang? Diyan ka lalamunin ng SOBRANG KALUNGKUTAN.

Uulitin ko, hindi porket mag-isa ang isang tao ay huhusgahan mo na malungkot siyang tao. Dapat kilalanin mo muna kung SINO siya at kung ANO ang ginagawa niya. Kaya ngayon, may 10 TIPS ako para sa 'yo. Ang mga tips na 'to ay makakatulong sa 'yo. Tutulungan ka nito na maging KOMPORTABLE kahit nag-iisa ka. Siguro ang ibang mga tips ay matagal mo ng gustong marinig. Y'ong ibang tips siguro parang narinig mo na. Anyways, gamitin mo 'to bilang gabay na rin sa 'yong buhay. Ilapat mo lang kung ano y'ong MAS nararapat sa 'yo. Magkaiba kasi tayo ng paghawak sa ating sarili kaya ang mga tips na ibibigay ko sa 'yo ay IKAW lang ang nakakaalam kung saan ka mas komportable.


NUMBER 1
KUNG NAG-IISA KA,
'WAG MONG IPASOK SA ISIP MO ANG PAGKOKOMPARA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ito ang madalas mangyari sa atin. Kapag nag-iisa tayo, ang daming tumatakbong negatibo sa ating isipan. Minsan maiisip natin na walang magkakagusto sa atin dahil pangit tayo. Minsan ikinompara natin ang ating sarili sa buhay ng iba. Masasabi natin,

“Y'ong iba napakaganda ng buhay,
ang dami nilang kaibigan.
Labas sila ng labas.”

Nasasabi mo ba 'yan minsan? Alam mo, hindi ka nasasaktan dahil sa ginagawa ng ibang tao. Nasasaktan ka dahil sa ginagawa mo sa sarili mo. Pakiusap naman 'wag mong saktan ang sarili mo. Sarili mo na lang ang iyong KAKAMPI. Hindi basehan kung ilan ang kaibigan mo o gaano kayo kadalas lumabas. Nakabase ito sa sarili mo mismo. Sabi ko nga kanina, kahit napapalibotan ka na ng maraming tao, kung malungkot ka ay malungkot ka. Makakaramdam ka na para ka pa ring nag-iisa sa buhay. Tandaan mo 'to: ang taong pinagkokomparahan mo, hindi mo alam ang tunay na takbo ng buhay niya. Oo labas siya ng labas pero hindi mo nakikita ang hitsura niya kung mag-isa na lang siya. Nakikita mo lang ang HIGHLIGHT ng buhay ng mga tao pero hindi ang kanilang BEHIND THE SCENE. Nakuha mo ba ang punto ko? Kaya itigil mo na ang pagkokompara. Pagtuonan mo ng pansin ang sarili mo.

NUMBER 2
KUNG NAG-IISA KA,
OFF MUNA SA SOCIAL MEDIA
Photo by ROMAN ODINTSOV from Pexels


Ito ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko. Hindi naman ibig sabihin na 'wag ka ng ng magbukas ng social media. Time out lang muna. Kahit nga lumalabas kami, dapat lahat ng data connection ay naka-off at lahat ng notifications din. Talagang nakaka-distract ang social media. Halos lahat ng tao ngayon nakadikit na sa cellphone. Kaya nga CELL PHONE. Cell in tagalog ay SELDA. 'Wag mong IKULONG ang sarili mo sa CELLPHONE. iPad, iPhone, iMac bakit puro “i” saan na ang “we” saan na ang  “us” (tayo). TOUCH SCREEN daw pero hindi ka naman nakikipag KEEP IN TOUCH sa mga tao. Ang dami namang nasa friendlist pero ba't feeling mo ika'y friendless? Manghihina ka na dahil walang nagfa-follow sa 'yo, walang nagla-like sa mga pictures mo. Kita mo 'yan, ang social media ay ginawa para pagkokonek-konektahin tayo pero ano ang ginawa mo? Nag-iisip ka ng negatibo. Nakulong ka na sa cellphone mo. Lahat ng nakikita mo sa News Feed mo ay hindi 100% TOTOO. Maaaring ipinost 'yon ng kaibigan mo dahil masaya siya or nagpapanggap lang siyang masaya. Walang nagpopost sa social media kung gaano na kawalang kwenta ang buhay nila. Kung g'ano na sila ka-depress. Mga nagra-rant oo ang dami pero ang nalulungkot, WALA. Masaya man sila sa social media o nagpapanggap lang, wala ka ng paki d'on. PUT IT IN YOUR PERSPECTIVE. May ipapagawa ako sa 'yo pero ikaw lang ang nakakaalam kung gagawin mo ba talaga. Pwede mo akong lokohin pero hindi mo maloloko ang sarili mo. Ngayon mag quit ka sa social media kahit 2 days lang. Malamang sasabihin mo kaagad,

“hindi ko kaya 'yan”

O, 'di ba? Ibig sabihin na nabilanggo ka na talaga. I'm telling you the truth guys, I use social media to share positive messages. As of now, na ginawa ko ang videong 'to, may 43 friends lang ako sa Facebook. May nila-like naman akong mga Pages pero about positivity lang at love.


NUMBER 3
KUNG NAG-IISA KA,
PATAYIN MO CELLPHONE MO
Photo by Charlotte May from Pexels


Kanina off muna sa social media, ngayon CELLPHONE naman. Wait, bakit ko 'to sinabi? Paano ka makakapag time out sa social media kung hawak-hawak mo ang CP mo? One click lang connected to the internet na, scroll² na naman. Hindi ko naman sinasabi na walang silbi ang CP. Nakakatulong pa nga. Pero ang nakakasama lang ay mas lalo kang palungkutin nito kung NAG-IISA ka lang. Imbes na mag ALONE TIME ka para mahanap mo ang iyong sarili, para mas makilala mo ang iyong sarili, naglalaro ka naman ng games. Hindi 'yon matatawag na ALONE TIME. Ang ALONE TIME ay y'ong NAG-IISA KA pero NAGBUBULAY-BULAY ka sa mga bagay². Use your ALONE TIME to reconnect with yourself and explore what it feels like to be truly ALONE. May ALONE TIME schedule ako. Ano ba ang ginawa ko sa mga oras na mag-isa ako sa NATURE? Hawak ko ang aking ballpen at notepad. Siyempre nagsusulat ako ng motibasyon. Sinusulat ko kung ano ang mga solusyon sa mga problema ko at siyempre sa mga problema rin ng iba. Para naman may maibabahagi ako sa inyo.


NUMBER 4
KUNG NAG-IISA KA LANG,
HAYAAN MONG TUMAKBO ANG ISIP MO KUNG SAAN²
Photo by Spencer Selover from Pexels


'Wag mong pigilan. Isa sa mga dahilan kung ba't natatakot tayong mag-isa ay hindi tayo sanay. Simula pa n'ong sanggol tayo, nangangailangan na tayo ng magulang. Umiiyak tayo pag iniwan tayo. Ngayong malaki na tayo, dala-dala pa rin natin ang ugaling 'yon. Wala namang masama d'on pero ang iba sa 'tin ay hindi komportable. Mas nalulungkot sila pag mag-isa lang sila. Kaya nga natin sasanayin ang ating sarili kasi hindi sa lahat ng oras may sasama sa atin. Ngayon subukan mong mag experiment. Kahit 30 minutes lang. 30 minutes na walang TV, walang MUSIKA, walang INTERNET, wala LAHAT. SARILI mo lang. Maghanap ka ng upuan na komportable ka. Kung gusto mong humiga, ikaw ang bahala. Ipikit mo muna ang iyong mga mata. Dito mo mararamdaman ang takbo ng iyong isipan. 'Wag kang matakot kung ano ang naririnig mo sa ulo mo. Hayaan mo lang sila kung saan ka nila dadalhin. 'Wag kang malungkot sa mga naiisip mo. 'Yan ay natural lang. Sa unang pag gawa pa lang nito, medyo nakakasakit ang mga negatibo sa loob mo. Habang paulit-ulit mo itong ginagawa, matutuwa na ang isip mo dahil binigyan mo na sila ng kalayaan.


NUMBER 5
KUNG NAG-IISA KA,
'WAG KANG MAGMUKMOK SA BAHAY
Photo by Anna Shvets from Pexels


Kung komportable ka sa bahay niyo, wala na tayong problema. Kung hindi ka naman komportableng mag-isa sa bahay niyo, lumabas ka. Hindi naman kailangan may pera para makalabas. Pwede ka namang maglakad-lakad sa tabi. Tumambay muna sa labas na malayo sa ingay. Minsan tinatawag ko itong SELF-DATE. Mas madali mo kasing maresolba ang feelings mo kung alagang-alaga mo ang iyong sarili. Ang pagtrato natin sa ating sarili ay katulad rin ng pagtrato natin sa ibang tao. Kung paano natin sila pina-impress, gan'on din ang gawin natin sa ating sarili. Dalhin mo ang sarili mo sa pinaka komportableng lugar na mas ikakatuwa mo. 

Alam kong medyo mahihirapan ka sa umpisa dahil hindi mo alam kung anong gagawin mo sa labas. Wala ka namang gagawin. Palakad-lakad lang, tambay² lang muna. Chill² lang. Ang pinaka masarap sa pagiging solo ay kung may tsaa kang bit². Habang nag-iisip ka ng positibong bagay, uminom ka ng tsaa. Kung gusto mo ng kape ikaw na ang bahala. Kung komportable ka na sa paggawa nito, hindi ka na malulungkot kapag nag-iisa ka na. Mas lalo kang gaganahan mag-isa kasi walang distraction sa buhay.


NUMBER 6
KUNG NABABAGOT KA NAMAN SA KAKATAMBAY SA LABAS,
TUMAMBAY KA SA NATURE
Photo by Taryn Elliott from Pexels


KALIKASAN… napakasarap ng preskong hangin. Alam mo, napakaingay na ng ating paligid. Pero sa kalikasan natin, walang ingay. Wala kang maa-absorb na negatibong enerhiya d'on. Makikita mo ang napakagandang nilalang ng Diyos. Maririnig mo ang mga awit ng ibon na nagpapaalala sa 'yo na masaya lang sila at maaamoy mo si Inang kalikasan.

Hindi ko 'to sinasabi dahil lang sa ito ang ginagawa ko. Sinasabi ko 'to dahil ayon rin sa pag-aaral, ang taong laging tumatambay sa mapunong lugar ay mababawasan ang kanyang pagiging depress at bababa rin ang kanyang blood pressure.


NUMBER 7
KUNG NAG-IISA KA,
ISIPIN MO ANG MGA BAGAY NA NAKAMIT MO NA

Madalas maiisip natin ang negatibo, 'di ba? Maiisip natin ang ating mga kakulangan sa buhay. Panahon na para isipin natin ang maliliit na bagay na nakukuha na natin. Ayon sa pag-aaral, kung ika'y mapagpasalamat, mas lalo kang sasaya at mas lalo kang makakabuo ng pag-asa. Halos lahat ng magandang nangyari sa buhay natin eh nakakalimutan na natin. Kailangang pag-isipan mo rin ang mga nangyaring maganda sa buhay mo. Nakapasa ka sa exam, magpasalamat ka. May kinakain ka pa, magpasalamat ka. Marami pang bagay ang mapapasalamatan natin. Devote some time to reflect on the things you’re grateful for. Hindi naman magpasalamat ka lang kung kailan may kotse ka na, kung may house and lot ka na. 'Wag kang maghintay sa mga gan'ong bagay. Magpasalamat ka sa mga simpleng bagay. 

Kahit hindi lang sa mga bagay. Pwede ring magpasalamat ka sa mentalidad mo o sa iyong pisikalidad. Kung ano ang na-appreciate mo sa sarili mo, pasalamatan mo. Siguro sasabihin mo,

“Ano ba ang mapapasalamatan ko eh ang pangit ko”

Hindi ka pangit. Hindi mo lang mahal ang sarili mo. Kaya sinasabi ko 'to sa 'yo upang makita mo ang tunay mong kagandahan. Ang tunay mong kagwapohan.


NUMBER 8
MINSAN KAILANGAN MONG MAG TIME OUT
Photo by KoolShooters from Pexels


Mag self-reflect ka muna. Tama na ang panghuhusga sa sarili mo. Ibalik mo na ang tunay mong pagkatao. Y'ong taong puno ng kompiyansa. Y'ong taong puno ng saya. Kung may maririnig kang pangit na mga salita sa ulo mo, isipin mo lang na hindi totoo ang mga 'yon. Isipin mo lang na pinaglalaruan ka lang ng isip mo. Mas natatakot ka pang manghusga sa iba pero hindi ka natatakot na saktan mo ang iyong sarili. Alam ko na lahat tayo'y nagkakamali. Kaya kung may pagkakamali ka, 'wag mong saktan ang sarili mo, sa pisikal man o emosyonal. Tandaan mo na kahit may mga pagkakamali ka, marami ka pa ring nagawang tama sa buong buhay mo.


NUMBER 9
KUNG NAG-IISA KA,
ORAS NA PARA PAG-ISIPAN ANG KAPATAWARAN
Photo by RODNAE Productions from Pexels


May impact sa ating kaligayahan ang  kapatawaran. Alam mo naman siguro na mahirap sumaya kapag may kinikimkim tayong galit, 'di ba? Hindi lang siya may impact sa ating kaligayahan, kundi nakakapagpababa din ng ating stress, ng ating anxiety at depresyon. Hindi naman ibig sabihin na kailangan mo pang komprontahin ang taong nananakit sa 'yo, ang kapatawaran ay nagpapatawad ka kahit hindi mo sila nakikita. Nagpapatawad ka dahil gusto mo ng mapayapang buhay. Pwede ka ring sumulat pero hindi mo ise-send sa kanila. Counted na 'yon. Ang pagpapatawad ay nakakatanggal ng bigat sa ating kalooban. Hindi lang 'to para sa iba, patawarin mo ang sarili mo.

NUMBER 10
ORAS NA NGAYON PARA ALAGAAN
ANG IYONG MENTAL NA KALUSUGAN
Photo by Maksim Goncharenok from Pexels


Kapag sirang-sira ang iyong mentalidad, masisira din ang iyong pisikalidad. Kung pisikal na kalusugan din ang maalanganin, madadamay rin ang iyong mental na kalusugan. Kaya alagaan mo ang dalawang 'yan dahil may impact 'yan sa kaligayahan mo. Mas madali mo ring maunawaan ang sarili mo kung maayos ang takbo ng iyong pisikal at mental na kalusugan. Kumain ka ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo ka lagi. Siyempre 'wag kang magpuyat. Mas lalong tataas ang iyong anxiety at stress kung palaging kulang ka sa tulog. Hindi lang 'yan, mas madali kang madadapuan ng sakit kasi hihina na ang pisikal mo.


Take note:

Kapag sobrang lungkot mo na, 'wag kang mahiyang magpatulong. Minsan may mga tips talaga na hindi gagana sa buhay mo. Siguro oras na para magpakonsulta sa therapist. 'Wag mong hayaan na babalutin ka ng sobrang stress. Kung may mga sintomas ka ng anxiety, sintomas ng depresyon, kailangan mo ng magpatingin sa therapist. 'Wag kang maghintay na mag shut down na ang utak mo. Sana'y gumaling ka na at maging masaya ka kahit ika'y nag-iisa.




Comments

  1. 😇very positive at yan ang gusto ko ipahayag sa iba pero sa akin muna kasi sa English nabasa ko nya mga positive thought at ngaun tagalog na na expressed ako dyan so Toton nman lahat yan sa mga taong kaya nilang tanggpin kung ano at zino sila mga nkaraan na dapat ng iwaglit sa hangin na parang naligo at tapos malinis na oo may pelat na nIwan pero hindi ma masakit at Ramdam ang dala Niton ginhawa dahil nalampasan na
    Ang masabi kolang matutu tayung maging kuntento sa kung ano angnkaya natingbibigay sa sarili kungnpano tau niluwal na mag isa mupa sa magulang bilang isang individual at tinuturuan maging matibay sa palawan sa buhay salamt dto kasi mas binigyan mo nag pag asa
    Ang mga mkakabasa nito keep up the good motivation at more power sau

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177