Why Being Alone Is A Good Thing by Brain Power 2177


Photo by Rachel Claire from Pexels


Ilan ba ang kaibigan mo? Marami ba? Sakto lang? O wala? Kung wala kang kaibigan, hindi naman 'yan masama. Hindi ibig sabihin na hindi ka katanggap-tanggap sa samahan. Marahil ay narinig mo na ng ilang beses tungkol sa kahalagahan ng pagkakaibigan, lalo na kung wala kang maraming kaibigan. Siguro'y hinihikayat ka ng mga magulang mo o mga kapatid mo na lumabas ka sa 'yong lungga para naman makakilala ka ng mga bagong tao. Paulit-ulit na nila 'yang sinasabi sa 'yo at nagtataka ka na rin kung may diperensya ba sa 'yo, hindi ka ba kamahal-mahal, o sadyang hindi ka lang marunong makipagkaibigan, iba't-iba na lang ang naiisip mo. Minsan masasabi mo na mabuti pang walang kaibigan kasi y'ong iba naman mapanghusga. Gusto mo na lang ng tahimik na buhay.


Recommended Article: 10 TIPS To Being Happy Alone


Gayunpaman, tulad ng bawat kuwento ay may dalawang side. Ibig kong sabihin, kung wala kang kaibigan, wala kang malalapitan, wala kang masasandalan pero hindi ibig sabihin na malungkot ka na niyan. Sa kabilang side, nakadepende pa rin ito sa GUSTO MO. Siyempre ang mabuting pagkakaibigan ay nagdudulot ng kabutihan sa 'yong pisikal at mental na kalusugan. Nangangailangan din naman tayo ng karamay sa buhay. At ang pag-iisa, lalo na kung hindi ka sanay, ay mas lalong magpapalungkot sa buhay mo. Pero kung sanay ka naman na maglakbay mag-isa, wala na tayong problema d'on. Ibig sabihin na masaya ka na sa sarili mong mundo. Hindi naman porket walang kaibigan ay malungkot na kaagad at lalong lalo na, na hindi ito problema na dapat ayusin. Kasi sabi ko nga kanina, nakadepende ito sa KAGUSTUHAN mo. Kung gusto mong mapag-isa, kung pinili mong mapag-isa, ibig sabihin na KAYA MO at satisified ka na, na kasama lang ang iyong sarili. Hindi ka tatablan ng kalungkutan kung mag-isa ka lang. Pero kung hindi mo naman kaya na walang kaibigan, diyan ka magkakaproblema.

Kaya kung ikaw y'ong tao na walang kaibigan o hindi mahilig makipagkaibigan, 'wag kang mag-isip ng negatibo tungkol sa pagkatao mo. Walang problema sa 'yo. Wala kang social anxiety disorder o social phobia. Malalaman natin kung mayroon kang S.A.D. kung nakaramdam ka ng matinding takot kung tinitingnan ka ng mga tao o takot kang husgahan ka nila. Ibig sabihin na may S.A.D. ka. Pero kung wala naman, walang problema d'on. Tingnan natin ang positibong side ng mag-isa lang tayo sa buhay.

ANG PAMUMUHAY NA WALANG KASAMA
AY MAS NAGPAPALABAS NG ATING PAGKAMALIKHAIN

Ayon sa pananaliksik, ang mga taong gumugol ng oras nang mag-isa, base sa report, sila y'ong mas may mataas na antas ng pagkamalikhain. Aminin na natin, y'ong mga taong tinatawag na NERD, sila pa y'ong matalino. Ang pag-iisa ay HINDI isang NEGATIBONG BAGAY. Nangangahulugan lamang ito na wala kang pakialam kung makikipagkaibigan ka ba o hindi dahil sapat na sa 'yo ang iyong SARILI. Nasubukan mo naman siguro na sa tuwing nag-iisa ka, mas lumalakas ang iyong imahinasyon at mas marami kang magagawang bagay at mas makaramdam ka ng katahimikan sa buhay.

Hindi naman ibig sabihin na masungit ka na. Talagang gusto mo lang na hindi makipag-ugnayan sa iba dahil may marami ka pang gustong tapusin at ayaw mong madisturbo ka. Hindi ko sinasabi na walang halaga ang pakikipagkaibigan, mas kasiya-siya pa nga. Gusto mo mang makipagkaibigan o gusto mo mang mapag-isa, walang masama d'on. As long as hindi ka mananakit ng tao. Walang mali kung in love na in love ka sa sarili mo.

Lalong lalo na sa taong katulad ko na mahilig magsulat, mahilig din akong mag drawing. May iba din mga composers, mga athletes. Kahit nga naglilinis ka lang sa bahay eh malamang na kailangan mo ng maraming oras upang ma-organisa ang mga bagay² at makakapag-isip ka ng maayos at mas madali nating malaman ang ating mga pinaghuhugutan. Teka lang, mabuti pang walang kaibigan kaysa sa mayroon naman puro plastik naman, 'di ba?

Ang mas maganda pa sa pag-iisa, mas madali mong ma-proseso ang mga negatibong ingay sa loob ng ulo mo. Mas madali mong mapakalma ang sarili mo. Mas madali mo ring pataasin ang antas ng iyong kamalayan. Sobrang makakatulong ang pag-iisa sa ating buhay dahil mas makikita natin ng malinaw ang mga bagay sa ibang anggulo. Mapapansin rin natin na kapag marami tayong kaibigan, makaka-adapt tayo ng iba't-ibang ugali mula sa kanila. Sa isip man, sa salita at sa kilos. Kahit na hindi mo lubos na namamalayan ang mga pagbabago sa sarili mo, ang iyong pag-iisip, mga pananalita, at kinikilos mo ay makikita ng ibang tao na naimpluwensyahan ka nga ng mga kaibigan mo.





Photo by ELEVATE from Pexels


Kaya maging maingat ka rin sa kakaibiganin mo kung ayaw mong mapahamak. May nakita ka na bang tao noon na inosenteng-inosente pero sa paglipas ng panahon ay nagiging bulakbol na? Ang dami, 'di ba? Kung gusto mong makipagkaibigan, eh piliin mo naman y'ong tao na aangat kayo pareho. Humanap ka ng tao na katulad mong positibong mag-isip. You are the average of the 5 people you spend the most time with. Let’s say that our goal is to have a good life. Paano natin 'yon makakamit kung nakikipagkaibigan tayo sa mga taong kasamaan lang ang alam? Siyempre d'on tayo makipag-konek sa mga taong gusto din ng magandang buhay para sabay² tayong aangat.

Ang mga taong nakapaligid sa atin ay may pinakamalaking impluwensya sa ating pag-uugali, sa ating kinikilos at sa resulta ng ating buhay. Kung anong klase ang mga kaibigan mo, magiging gan'on ka rin. Pero pwede mo rin silang mabago. Pero bihira lang 'yon mangyari. Hindi rin naman imposible. Sa halip na magpokus ka sa 'yong sariling pananaw, maaari mong isaalang-alang kung ano ang kanilang iniisip o pakiramdam para naman malaman mo kung paano sila pakakainin ng positibong mensahe.

Pero mas mahihirapan kasi tayo kung napapalibotan tayo ng mga taong toxic. Ma-disconnect lang tayo nito sa sarili nating kamalayan at mawawala rin ang ating kaligayahan kasi nahahawa na tayo sa kalokohan nila. Dito rin magsisimula na hindi mo na kilala ang sarili mo. Hindi mo na makontrol ang iyong isipan at ang iyong nararamdaman, making it harder for you to stay fully present in a given moment. 

Kaya 'wag kang matakot, 'wag kang malungkot, 'wag kang mahiya na wala kang kaibigan kasi ito ang daan upang mabigyan ka ng kalayaan. Kalayaan na mamuhay nang walang inaasahan, nang walang diskriminasyon, nang walang panghuhusga. Mas makikilala mo ng husto ang iyong tunay na pagkatao at malalaman mo kung paano mo tinatrato ang buo mong pagkatao. Sabi ko nga kanina, kung may kaibigan ka na katulad mong mag-isip, na pareho mo ng goals sa buhay, makakatulong rin sila sa 'yo na makilala mo ng husto ang iyong sarili at mabuksan ang iyong kaisipan.


Photo by Gabriela Palai from Pexels


Kung takot ka naman na nag-iisa ka, siguro pinipilit mo na lang makipagkaibigan para lang may masabi na hindi ka introvert or whatsoever. Pero tandaan mo 'to: Ang sapilitang pagkakaibigan ay walang maidudulot na maganda sa atin. Ang pamimilit na makipagkaibigan sa mga taong walang gaanong interes sa iyong mga pangangailangan ay hindi makakabuti sa 'yo.

Dapat wais tayong makipagkaibigan. Hindi dahil lagi kayong sabay kumain kapag tanghalian ay kaibigan mo na 'yon. Pwede ring diyan magsisimula ang lahat ng pagkakaibigan ninyo pero ang tunay na kaibigan ay tumutulong sa 'yo kung paano tanggapin ang tunay mong pagkatao hindi y'ong tutulungan kang magtago sa likod ng iyong maskara dahil ikinakahiya ka niya.

Ang tunay na kaibigan ay marunong magtuwid ng iyong mga pagkakamali hindi y'ong kikonsente ka pa.

Ang tunay na kaibigan ay hindi lang basta present dapat TOTOONG NAKIKINIG sa mga hinanakit mo.

Ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan sa kalagitnaan ng kahirapan.

Ang tunay na kaibigan ay palaging ipapaalala sa atin na palaging mapagkumbaba at palaging nakasuporta sa atin na walang halong inggit sa katawan.

Pero una dapat alamin mo rin kung ganyan ba ang ugali mo. Hindi pwedeng naghahanap ka ng matinong kaibigan pero hindi ka rin naman matino. Palagi ko ngang sinasabi, kung ano ka, 'yan din ang maa-attract mo. Kung gusto mo ng mapagmahal at tunay na kaibigan, maging mapagmahal ka muna at tunay sa sarili mo at sa ibang tao. Naintindihan mo naman siguro ang punto ko, 'di ba?

Mahirap makipagkaibigan kapag pwersahan. Lalo na sa naranasan ko, hindi ako mahilig makipag-usap lalo na kapag small talk lang. Hindi ibig sabihin na ayaw ko sa mga tao, I just want to spend my time reading and listening to music. Pero iba ang pagkakaintindi nila. Strikto daw ako. Hindi daw ako friendly. Killjoy. So hinaharap ko sila at pinapaintindi ko sa kanila ang aking kinikilos. Paano kung natatakot ako sa mga panghuhusgang 'yon? Ano kaya ang resulta? Siyempre mababalisa ako. Mawawala ang katahimikan sa ulo ko dahil nakapokus na lang ako sa opinyon nila. So I wanted them to hear me out. Subukan mo rin ang ginagawa ko. Wala kang dapat ikatakot dahil wala ka namang ginagawang masama.


Photo by S Migaj from Pexels


Kung pinipilit mo ang sarili mo na sumama sa kanila kahit ayaw mo naman, mai-stress ka lang at maging iritable sa buhay. Darating sa punto na magagalit ka sa sarili mo dahil wala kang nagawa. Time alone can lead to a better relationship with yourself. Whether you realize it or not, your identity is partially shaped by the people in your life. Hindi lang nahuhulma ang iyong buhay sa ibang tao, kundi makikita mo rin ang epekto nito kung ano ang pinapanood mo, kung ano ang binabasa mo, kung ano ang nilalaro mo at kung ano ang sinasalihan mong mga aktibidad. 

Minsa'y nagdudulot ito ng malaking epekto sa buhay natin. Kapag palagi na lang sila ang pinagbigyan natin, makakalimutan na natin ang ating sarili. Makakalimutan rin natin kung paano palaguin ang ating sarili. Kaya mas nakakatulong ang pag-iisa. Lilinawin ko lang, walang mali kung nagmamalasakit tayo sa kapwa natin at sumusuporta tayo sa kanilang emosyonal na pangangailangan. Pero dapat balanse lang tayo sa buhay. 'Wag naman natin pabayaan ang ating sarili. 'Wag namang umabot sa punto na maiipit na tayo sa sitwasyon. Hindi natin 'yan gusto, 'di ba?

Ang paggugol ng mas maraming oras na nag-iisa, hindi dahil sa pagkabalisa ngunit dahil nasisiyahan ka sa pag-iisa, ay maaaring humantong sa higit na pagkahabag sa sarili at isang mas malakas na motibasyon upang matugunan ang iyong sariling mga pangangailangan. Marahil napansin mo na mas madaling magpokus sa mga positibong sitwasyon kapag nakapokus ka lang sa 'yong sarili.

Pwede ka namang makihalubilo sa ibang tao, wala namang problema d'on. Pero 'wag sa paraang maiiwan mo ang iyong sarili. Hindi na 'yan pwede. Dapat sarili mo ang iyong prayoridad. Wala ng ibang magmamahal ng lubos sa 'yo kundi sarili mo lang. Ito ang relasyon na pinaka kailangan mo sa buhay. Ang pakikipag-ugnayan sa sarili mo. Kung mahal mo ng buo ang iyong sarili, mas alam na alam mo rin kung paano mahalin ang ibang tao.


Photo by Josh Willink from Pexels


Ang kagandahan pa ng pag-iisa ay madali mong matapos ang iyong mga gawain kasi wala kang commitment na makipag-chat o gumagala. Magugugol mo ang iyong oras sa mga gawain mo. Y'ong iba din mahilig makipagkaibigan kasi d'on sila nag-eenjoy. Pero diyan tayo mahihirapan kasi hindi sa lahat ng oras may kasama tayo. Paano na kung mag-isa na lang tayo? Hindi natin kakayanin ang lungkot. Kahit gabi ay gising na gising tayo. Ito rin ang dahilan na matatamaan tayo ng depresyon.

Gaya rin ng break up, 'di ba? Nasasanay tayo sa tabi ng mahal natin. Sa oras ng paghihiwalay, nawawala na tayo sa ating katinuan. Kasi nakalimutan natin ang ating sarili. Nakalimutan natin ang saya kapag nag-iisa. Nakakalimutan natin ang sarili nating oras. Ang dami nating nakakalimutan. Lahat ng atensyon natin ay nasa ibang tao. Ano ang nangyari? Iiyak tayo. Malulungkot tayo. Magkukunwari tayo na masaya kapag nasa publiko tayo. Ni-reject na nga tayo, mas ni-reject pa natin lalo ang ating sarili. 

Kaya 'wag mong pilitin na makihalubilo sa ibang tao kung gusto mo namang mapag-isa. Kung gusto mo na kaunti lang ang kaibigan o walang kaibigan, nasa sa 'yo na ang pagdedesisyon. Para hindi sumama ang iyong loob. Lalo na kung nakikipag-ugnayan ka sa mga taong wala namang maidudulot na positibo sa buhay mo. Kung wala ka ng oras para makapag recharge sa sarili mo, siyempre mai-stress ka. Ang paggugol ng oras para sa sarili mo ay hindi lang nakakapagbigay ng maraming oras para sa mga bagay na dapat gawin, nakakapagpasaya rin ito sa 'yo dahil poprotektahan ka nito mula sa stress.

Lilinawin ko lang, hindi lahat tayo ay pareho ng pag-uugali. May ibang tao na gusto ng kasamahan, may mga tao na gustong mapag-isa. Kung medyo introvert ka, siguradong komportable ka na sa kaunting kaibigan at para sa 'yo ang daming kaibigan ay nakakapagbagsak ng iyong lakas. Ang paggiging introvert ay bahagi ito ng ating personalidad. Hindi ito sakit na kailangang ayusin. Ang mga introvert na tao ay madalas na may iilang mga kaibigan lamang dahil hindi na nila kailangan ng maraming kaibigan para umunlad. Kayang kaya nilang gawin 'yon kahit kaunti lang ang kaibigan nila.


Photo by Elly Fairytale from Pexels


Hindi naman natin maitatanggi ang benepisyo ng pagkakaibigan, ngunit ang mga benepisyong iyon ay hindi kinakailangang mas malaki kaysa sa iyong mga personal na pangangailangan. You know your needs better than anyone else, and by prioritizing them, you’re doing yourself a big favor. Hindi lahat mayroong kaibigan at hindi rin lahat nangangailangan ng kaibigan. Kung nangangailangan ka man, piliin mo y'ong tutulungan kang umangat hindi y'ong mas lalo kang ibabaon. 

Pero 'wag ka lang mag assume na positibo lahat ng mga kaibigan mo. Real talk lang, hindi lahat ng tao ay matutugunan ang iyong pangangailangan at kagustuhan. Consistently turning to just one person for friendship and emotional support can put you both at a disadvantage when you struggle to fulfill that role.

Kung gusto mo ng higit pang emosyonal na suporta at solidong pagsasama, ang isang mas mainam na layunin ay maghanap ng iilang mga malapit na kaibigan upang ibahagi ang iyong oras. Hindi naman tayo nabubuhay dito para magparamihan ng kaibigan. Di bale ng iilan lang pero mga tunay naman. When you truly care about spending time with someone, that’s a relationship to cultivate.


Recommended Article: Why Do We Seek Happiness


Uulitin ko, hindi mahalaga kung marami man o ilan lang ang kaibigan mo. Ang pinaka mahalaga ay kung paano mo tinatrato ang sarili mo sa tuwing nag-iisa ka. Kung nararamdaman mo na hindi mo kailangan ng maraming kaibigan, e di 'yan ang gawin mo. 'Wag kang magpapaapekto sa opinyon ng ibang tao. Because at the end of the day, ikaw lang din naman ang magbubuhat sa sarili mo. Kung magpapaapekto ka sa opinyon nila, mababalisa ka at malulumbay.  

Hindi madaling makipagkaibigan. Lalo na sa mga taong tunay. Mahirap na silang hanapin. Kapag pilit mo silang hanapin, mawawala ang kabuluhan ng iyong buhay. Tandaan mo lang palagi na kung iilan lang ang kaibigan mo o kahit wala kang kaibigan, kasi 'yan ang gusto mo, walang masama d'on. As long as you're happy being alone then that's a great thing.





Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177